"Masakit pa ba?" tanong niya at nangingiti. Tinapunan ko ng isang masamang tingin. "Papatayin mo ba 'ko?" panliliit ng mata kong tanong sa kanya. "I'm just asking." depensa niyang sabi pero iba talaga ang pagkakaintindi ko sa tanong niya. Matapos mangyari ang intimate girlfriend proposal kagabi ni Taiden ay babalik sila ulit ngayon sa paghahanap kay Mozes. Hindi pa rin sila makahanap ng lead kung nasaan siya. Ako man din ay nag-aalala na para sa kanya. Nasa hapag-kainan kaming lahat kasama ang mga kaibigan ni Taiden nag-aagahan ng bigla siyang magsalita. Tumikhim siya kaya napabaling sa kanya ang lahat gano'n din ako. "I...Uh.. wanted to marry you, Ze." nauutal niyang sabi habang nagtawanan naman si Dale, Macsen at Elton. "Akala ko, girlfriend proposal 'yong nangyari kagabi,

