"Taiden, I told you. Two weeks! Look what happened." naririnig ko ang sikmat ni Dra kay Taiden. Inaapoy ako ng lagnat simula pa kaninang alas-sais ng umaga, at sobrang sakit ng gitnang bahagi ko. May tinurok sa akin si Dra na kung ano kaya hindi ko maramdaman ang sakit. Nakapikit lang ako at hindi magawang magmulat ng mata. Matapos naming gawin iyon sa powder room ay naulit pa sa aking kwarto, at naulit pa ulit sa banyo. "I'm... sorry Doc. Can we... uh... keep this privately? Ayokong malaman ng iba.. at ng kapatid niya." ani Taiden at nahimigan ko doon ang kaba sa huling sinabi niya. Nakakahiya nga naman kung malaman pa ito ng iba. "Sure. No problem." sagot ni Dra. Narinig kong bumukas ang pintuan at narinig ang maraming yabag. "Anong nangyari kay Zella, Taiden?" tonog pag-aalal

