Umalis na nga sila Kuya at Taiden habang naiwan kami sa bahay kasama si Suzie at Sienna. "I'm sorry kung ganito ang nangyayari." pasimulang sabi ni Madam habang kumakain kami ng tanghalian. "It's okay Tita. Bago ko pa pakasalan si Dale, alam ko nang may pagkakataong ganito. I love him, kaya tanggap ko ang trabaho niya." matamang sinabi ni Suzie kay Madam. Napatingin naman sa akin si Suzie kaya napabaling din sa akin si Madam. "Hindi ko alam Zella kung alam mo na 'to, pero sasabihin ko pa din." ani Madam at hinawakan ang kamay ko "My son loves you, and I'm sorry. I didn't know na kayo na pala noong nandito ka pa." Sobrang hiya ang nararamdaman ko ngayon sa sinabi ni Madam. Ito talaga ang kinakakot ko, ang malaman niya ang lahat. Dahil bihira lang sa magulang ang ipaubaya lang ang anak

