chapter 24

1796 Words
Chapter 24 I was in the dark part of my place where there were no people and only the moon illuminated the atmosphere. I looked up and I was having trouble breathing because I was crying so much and I blamed the moon for why I was here and alone and heartbroken. The beauty and the brilliant stars I hate it. "Ang unfair niyo! Napaka unfair niyo!" Paulit ulit kong sigaw. No one listens or sees me the only thing with me is the beautiful moon and a sparkling stars in the sky. And I can't bare to look at them. Hinapa ko ang aking dibdib na subrang sakit hinampas hampas ko ito para ma ibsan man lang ang nararamdaman ko ngunit parang katulad ni Van ay hindi ito ma wala wala. Hindi ko alam kong ano ang kasalanan ko sa mundo at bakit ganito ang mga nangyayari. Paulit-ulit kong nararamdaman ang sakit ang pangungulila at ang paulit-ulit na pag alis ng mga taong mahal ko. "Bakit Van! Bakit mo ginawa yon!" Panibagong sigaw ko at ang sunod kong ginawa ay ang mag wala sa kalsada at sa ilalim ng tinatawag nilang magandang langit. Lumuhod ako sa kalsada na mag isa at iyak ng iyak kailan ba mawawala ang sakit na to? will it ever disappear? Napapagod na ako gusto ko nang taposin ang buhay ko ngunit nakaramdam ako ng panatag ng may humawak ng kamay ko. Maliit na kamay lamang ito at parang na wala ang lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sa maliit at magandang kamay na ito. Tiningala ko ang nasarapan at nakita ko ang nakangiting mukha ng napakaganda kong anak. "Vreine." Hindi kona kinaya at niyakap ko na ito ng tuloyan. Patuloy sa pag iyak ang ginawa ko habang yakap ko ang anak. Na alimpungatan ako dahil sa basang dumikit sa akin siko. "Mommy." Narinig ko ang maliit na boses ng anak ko. Kaya agad akong napa bangon. Nakita kong basang basa ang damit niya kaya mabilisan ko siyang dinalo. "Baby what happen." Masaya nitong hinimas sa pisngi ko ang basa niyang kamay ang then she giggled. Ang cute niya pero. "Angel." Tawag ko sa yaya niya bakit mag isa lang ang anak ko? At bakit basa ito? Agad na tumakbo sa kwarto ang 22 years old niyang yaya. Naka ponytail ito at makinis ang balat kaya naman nagustohan ko siya dahil hindi makalat at maasikaso sa bahay, sa sarili niya, at sa anak ko. Kahit minsan ay ganito nga lang at hindi niya kasama ang anak ko pano ba naman at sabi ko na ang anak ko lang ang intindihin niya pero makikita ko nalang siya minsan. Nag lalaba nag lilinis ng bahay minsan nga ay nag ge-general cleaning pa dito. Itong si Vreine kasi ay ang kulit at kong saan saan pumupunta, kaya pagmaglilinis ang yaya ay nilo-lock lang ang pinto. "Angel, saan ka ba nang galing at bakit basa itong anak ko." "Ma'am yung faucet po kasi na sira nong tumakbo si Vreine ay dito siya pumunta sa kwarto niyo kaya naman hinayaan ko nalang at patuloy na inayos ang faucet." Paliwanag niya. "Ako na ang mag aayos. Ito at bihisan mo muna si Vreine." Agad namang kinuha ni Angel ang anak ko at dinala sa sariling kwarto nito. May sariling kwarto ang anak ko ngunit sa akin siya natutulog dahil bata pa at ayokong ma layo siya sa akin pag natutulog ako. I don't know where to start and how to do it. Halos dalawang taon at kalahati na kaming nandito pero parang hindi parin ako sanay pag nasisira itong gripo namin. Kong nalaman kolang sana na mangyayari ulit ito ay pinalitan ko nalang sana ang faucet adapter nito.. "S**t." Bulyaw ko ng marami ang tumalsik na tubig sa mukha ko. "Seti." Sumimangot ako ng narinig ang napaka cute kong anak na nasa likod ko na pala at tinitignan ang gina gawa ko. "No, baby don't say that." Gusto ko nang batukan ang sarili dahil sa sinabi at narinig pala iyon ni Vreine. "Papa.." Narinig kong sigaw ni Vreine at tumakbo palabas ng banyo agad kong nabitawan ang gripo kaya nabasa ako ng tuluyan. tinakbo si Vreine baka kasi ma dapa. "Miko. Saan ka galing kagabi? Hindi ka man lang umuwi." Papalapit ako sa kaniya at karga na niya si Vreine. Hinawakan ng anak ko ang balbas ng papa niya and then she giggled. Kinuha ko ang anak dahil alam kong pagod si Miko galing sa trabaho. " Sorry Summer, may pinaasikasong client si mommy sakin. I didn't want to disappoint her so it took a while dahil ang choosy ba naman ng client. Parang hindi pa na kontento sa mga pinakita kong design kaya umabot kami ng umaga." Kinalas niya ang kaniyang kuwelyo habang nag lalakad papunta sa hapag. Ganito parati ang ginagawa niya at nag hahanap ng makakain. Ng nakita ko ang yaya ni Vreine galing sa kwarto ay agad ko siyang tinawag. "Angel, kunin mo muna tong si Vreine." nakita kopang hawak niya ang laruan ng anak ko nililinisan niya siguro yung kwarto pagkatapos niyang palitan ng damit ang anak ko. Yung kwarto ng anak ko kasi makalat na dahil sa mga laruang binigay ni Miko. Ang kulit kasi sabing wag nang bumili pero parang hindi ako naririnig. Ibinigay ko na kay angel ang anak at nilapitan ang kumakain si Miko "Pagkatapos kong kumain aayusin ko nalang yung gripo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Seryoso siya? Wala siyang hustong tulog ni hindi na siya siguro nakatulog dahil sa byahe tapos aayusin pa niya yung faucet? "Baliw ka ba? Wala kang tulog tapos aayusin mo yung gripo? Kaya kuna yun. Mag pahinga ka nalang sa kwarto." Natigilan siya sa sinabi ko at ngingiting ngiting tumingala sakin. " Wow! Ang sweet naman ng asawa ko." Hindi kona na pigilan kaya binatukan ko na sa ulo. Anong asawa. Talaga ngang walang tulog kaya kong ano ano ang mga pinag sasabi. "Anong asawa? Hoy Miko umayos ka diyan. At baka ma rinig ka ng anak ko. Siya nga pala may pasok pala ako mamayang hapon." Nairita ako bigla. It's supposed to be my day off pero parang nabigyan ako ng malas sa buhay dahil sa boss ko. Well malas na talaga ang buhay ko noon pa man dinagdagan lang ni Sir Dan. "Day off mo ngayun hindi ba?" Sabay subo ng marami sa bibig niya. Itong si Miko parang gutom na gutom kong kumain. At parang nasasarapan pa e, itlog lang naman ang ulam niya Kaya kumuha ako ng tubig sa ref at nilagyan siya sa baso habang sinasagot ko ang tanong niya. "Oo nga. Kaya lang may kailangan daw kaming puntahan mamayang gabi. Important meeting daw." Isa akong secretary ng malaking kompanya dito sa Tarlac city. Mabuti nalang at naka pasok ako sa ganitong kompanya salamat sa tulong ng pinaka mamahal kong kaibigan. At tama ang disisyon kong dito kami mag patayo ng bahay ni Arthur noon. Kaya wala na akong na problema pa nong lumipat na kami ng bahay. . Halos hindi ko narin nakita si Arthur noong panahon ng umalis kami minsan lang siyang pumunta dito noon nong binili palang namin yung lupa kaya naman hindi na niya siguro tanda ang lugar nato. Mahirap bumili ng ganitong kalaking lupa halos isang taon kami ni Arthur nag trabaho ng husto non para mabili lang ito. Sa akin ngalang pinangalan ni Arthur kaya ako ang nakakagamit. I wonder kong ano at kamusta na siya ngayun. Alam ko naman na hindi niya kasalanan ang nangyari gusto niya lang akong protektahan. Isang buwan na ang nakalipas nong sumunod si Pao-pao doon sa london kasama ni Cloud. Namiss kona ang kapatid kong yun halos dalawang taon ko na siya hindi nakita. I feel so lonely nong hinatid siya namin sa airport ni Miko at Pao-pao. 7 months na yun ang tiyan ko tapos yun ang huling kita ko rin kay Van. Nagtagpo ang mata namin noon bitbit ko ang ibang gamit ni Cloud. Humahakbang siya papalatit sakit at dahan dahan na bumababa ang mata niya sa sinapupunan ko, bigla nga lang may mga reporters na pumunta sa kaniya kaya nawala siya sa paningin ko na agad ko naman ikinilos natatakot akong makita niya at ayukong mawalan ulit ng anak. Hindi na ulit mangyayari iyon. Pinangako kong aalagaan ko ang anak na wala ang ama niya at mapapalaki ko ito ng maayos tiwala ako sa sariling kakayahan na meron ako. I dont need him anymore. Nong sinabi ko kina Miko na nakita ko si Van ay agad kaming umalis sa airport na yun hindi kona tuloy na hatid ang kapatid ko sa loob at doon nalang kami sa labas ng nag yakapan at umalis na sa takot na makita at maabot ulit ako ni Van. Napa talon ako sa gulat ng biglang umapaw ang tubig sa baso ni Miko. "Sorry, Sorry. Miko sorry ." Ilang ulit kong sabi at nataranta pa ako kong ano ipupunas ko sa basang pantalon ni Miko. " Summer, it's okay. Is there something bothering you?" Napa tingin ako kay Miko parang wala lang sa kaniya na nabasa ko ang pantalon niya at ako pa ang inalala. " I just miss Cloud and Pao-pao." I can't help my self not to think of them. He looked at me with worries. Miko knows me well. Kahit noong una pa ng sinabi ko sa kaniya na gusto kong umalis at wag ipa alam kay Van ay nag aalala ito na para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Sinubukan niya akong pigilan dahil alam niyang mahal na mahal ko si Van pero hindi ako nag pa pigil buo na ang disisyon ko ng mga oras na yun. Niyakap ako ni Miko na ikinagaan ng pakiramdam ko. "Im just here Summer. Just love me instead." Nabigla ako sa sinabi niya alam ko naman na nag bibiro ulit itong si Miko pero hindi ko ma pigilan na ma bigla dahil sa sinsero niyang boses. Tinulak ko siya at tinignan sa mata. Sincere din ang mga mata niya. Minsan nararamdaman ko na parang totoong mahal niya ako pero agad naman niya itong binabawi. Kaya parati ko nalang siyang binabatukan. "Just kidding. Silly girl." Sabi niya at marahas akong niyakap na bunggo tuloy ang ulo ko sa dibdib niya. "I'm silly?" Tanong ko na may halong pagiirita sa boses. "Yeah, you are." "Miko, bitaw! basa kaya ang damit ko." Tinulak ko pa siya pero parang hindi niya ininda ang sinabi ko at niyakap pa ako ng mahigpit. "Silly, basa rin ang pantalon ko remember?" Bumuntong hininga nalang ako because I know that I can't win. That was his habit everything I'm in pain. Napara bang gustong gusto niyang kunin ang sakit sa pamamagitan ng pag dikit ng mga dibdib namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD