Chapter 17
Tinignan ko ang orasan at napa buntong hininga dahil mag aalauna na hindi parin ako nakatulog at pinapakinggan ang mahinang iyak ni Cloud sa kabilang kwarto.
Hindi ko naman siya masisisi kong ganito nalang ang reaction niya dahil sa nangyari. Cloud was a very independent child, hindi rin ito pala kaibigan ni hindi nga kahit minsan dumala kahit isang kaibigan man lang dito sa bahay. Samantalang si Rain ay may iilang mga kaibigan na nakilala ko, pero itong si Cloud ay si Rain at Pao-pao lang ata ang kilalang kaibigan sa mundong ibabaw.
Minsan na rin akong pumunta ng paaralan niya noon dahil may meeting pero ni isa ay walang kumakausap kay Cloud may kaunting babae na lumalamit sa kaniya pero hindi niya pinapansin kaya alam ko na agad kong bakit wala siyang kaibigan sa paaralan.
Hindi ko hahayaan na ganito nalang parati at maririnig na umiiyak lang sa kabila ang nag iisa ko nalang na kapatid.
Hindi na rin namin pinagalaw ang kwarto ni Rain kahit ang kumot niyang hindi na tiklop ay hindi namin ginalaw may iilang gamit siya na nasa sahig at ang lamisa niyang makalat ay hindi namin hinawakan. Naaamoy ko si Rain tuwing pumupunta ako ng kwarto niya.
Ang unfair lang dahil hindi dapat siya umalis at iniwan kami. Hindi sana siya kinuha ng mga magulang namin dahil kailangan pa namin siya dito. Unfair dahil inunahan niya akong makita ang mga magulang namin.
Napa hawak ako sa tyan ko at naramdaman ko rin ang basa sa kilid ng mga mata ko.
Naisip ko lang nagkita ba sila ng anak ko ? Magkasama na ba sila? Sila ni inay at itay okay lang ba sila? Masaya ba sila?
Biglang kumirot ang puso ko sa mga iniisip. Paano kaya kami ngayun kung hindi nangyari ang mga ito? Malaki na ba ang tyan ko non? Masaya ba si Rain kong andito siya ngayun? Kumakain ba kami ngayun kasama ang mga kaibigan namin? Kasama si Miko, Van at James, nagtatawanan ba kami?
Para na akong nababaliw sa kakaisip ng mga what if's.
Tumayo ako dahil sa nakaramdam ako ng pout sa dibdib. Nahihirapan akong huminga, nahihirapan ako at naiinis sa sarili dahil nakaramdam ako ng pangungulila sa taong nanluko sakin
Binuksan ko ang bintana ng kwarto para kasing nauubusan na akong ng hangin sa kwarto dahil sapagka puot ng dibdib ko at parang tino-t*****e ako.
Tumingala ako sa bintana at pinagmasdan ang mga bitwin sa langit. Secreto akong humiling na sana ay kong totoo talaga yung second life ay sila parin ang pamilya ko at sana kahit mangingisda lang kami sa dagat basta kompleto ay okay na ako doon.
Nakapikit ang mata ko habang sumisinghut ng hanging at baka doon ay gumaan ang pakiramdam ko pero nag kamali ako, para kasing lumalala lang dahil naka singhap ako ng usok ng sigarilyo.
Tumingin ako sa baba at nakita ko na may lalaking naninigarilyo sa baba una ay hindi ko lang pinansin pero napa isip ko kong ano ang ginagawa niya diyan sa ganitong oras ng gabi.
Nan laki ang mata ko ng nakita ko isang kamay niyang may hawak na patalim. Palinga linga ito sa paligid at dahang dahan na nilapitan ang pinto-an ng shop.
Agad akong lumabas at bumaba doon si Pao-pao natutulog sa baba kaya kailangan ko siyang puntahan.
Pinuntahan at ginising ko si Pao-pao mag sasalita sana ito ng tinakpan ko ang bibig niya at umiling sa harap niya. Bumulong ako na umakyat siya at puntahan si Cloud kong kailangan ay wag na muna silang lumabas.
"Pao, wag na wag muna kayung bumaba maliwanag?" Halos hangin nalang ang lumabas sa bibig ko pero naiintindihan naman iyon ni Pao-pao at tumango ito bago umakyat.
Natatakot ako sa mga mangyayari sa kapatid ko kailangan ko silang protectahan kong magkataon na makapasok ang mag nanakaw.
Nag tago ako malapit sa pinto kong ano man ang mangyari ay sana gapabayan ako ng Diyos. Mahina akong nag dasal na sana kahit ngayun lang ay pakinggan niya ang hiling ko at iligtas kaming magkakapatid.
Lumala ang kabog ng dibdib ko ng kumalas ang labas at pilit na binubuksan ang pinto. Kristal ang pinto dito sa baba at merong grills sa labas. Ngunit hindi parin ako panatag. Pag nasira niya ang lock sa labas ay makakapasok na siya agad dahil hindi na lock ang glass door kasi sira ito.
Naka handa na ako sa mga mangyayari ng may sasakyan na dumating sa labas. Hindi ko makita pero rinig ko ang bawat galaw sa labas . Nakarinig ako ng ilang galaw at parang may nag aaway. Kaya sinilip ko sa kilid ng kurtina at laking gulat na nakita ko si Loyd ang kambal ni James. Bakit nandito siya? Nakita ko ang mabilis niyang pagpatumba ng magnanakaw sa labas.
Akmang lalabas ako ng may kumapit sa kamay ko ng lingunin ko ay si Cloud iyon. Ipinalayo ko siya sa pintoan at narinig ko ang pag alis ng sasakyan.
Ano yon? Bakit nandito si Loyd? pinatumba lang ang mag nanakaw tapos ay umalis?
"Ate, ano yon?" Tanong ni Cloud, na hindi ko alam kong ano ang isasagot.
Nanginginig ang tuhod kong hinarap si Cloud. At niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam ang gagawin ko kong may mangyaring hindi maganda sa dalawang ito.
"Pao, do'n ka matulog sa kwarto ni Cloud." Sabi ko ng bumitaw ako sa pagkakayakap kay Cloud. "Cloud matulog na muna kayu at bukas ko nalang tayong magusap. "
Pagkasabi ko no'n ay pinaakyat kona sa taas ang dalawa, sinigurado ko munang naka lock ang pinto ng shop bago inayos ang pagkakasabit ng kurtina at sumunod nang umakyat sa taas.
Naabutan ko si Pao-pao at Cloud na naka upo sa sala. Namamaga ang mata ng kapatid ko dahil siguro sa kakaiyak.
"Bakit andito pa kayu?"
"Ate, sino ba ang mga iyon?"
Napabundong hininga ako sa mga tinatanong ni Cloud. Gamit ang puyat kong mata at tinignan ko siya
"Cloud bukas nalang tayong magusap." Pilit kong pinapahina ang boses para ipa rating na inaantok ako.
"Pero ate."
Hindi na ako pumayag na mag pa tuloy sa pagsasalita si Cloud at pumasok na ng kwarto.
Kong kanina ay hindi ako makatulog dahil sa masakit ang dibdib ko sa mga nangyari, ngayun naman ay dahil sa kaba. Kailangan kong mag bantay at baka bubalik ang magnanakaw dito at kung ano pa ang mangyari sa mga kapatid ko.
Madaling araw na ng nakatulog ako. 6 am ata yun, hinintay ko munang sumikat ang araw bago natulog.
It's Saturday!
natutulog ako ng nakaramdam ako ng bigat sa aking baywang ng minulat ko ang mata ay nabigla pa ako ng nakita ko si Van na nasa harap ko at mahimbing na natutulog sa tabi ko.
agad ko siyang itinulak kaya nahulog ito sa kama.
"Cloud, Pao-pao!" Sigaw ko ng pagkaupo sa kama. Nakita kong minamasahi ni Van ang balikat dahil siguro nabunggo ito sa sahig.
"Ate." Sabi ni Cloud ng bumukas ang pinto tinignan niya si Van pero hindi ito nagulat bagkus ay nag taka lang ito. " Kuya Van." Tinulungan pa niya talaga ito na tumayo. " Kuya okay po kayu?"
Tinignan ko ang oras at 9:30 am na pala. Hindi ko sila pinansin at lumabas ng kwarto. Nag tungo ako sa lababo nag mumug at nangilamos. Uminom ako ng tubig pagkatapos.
Pabalik na ako ng kwarto dahil nakaligtaan kong magdala ng pantuyo ng nakita ko sila ni Van at Cloud na tahimik na nakaupo sa sala. Hindi pa man ako naka pasok ay naramdaman kona ang pagtayo nila mula sa sala.
"Summer." Rinig kong tawag ni Van pero umasta akong walang narinig.
Nagpatuloy ako sa kwarto hindi ko na isinara dahil lalabas rin naman ako kaagad pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag sunod ni Van at siya na mismo ang sumira ng pinto at nilock. Nagpatuloy ako sa ginagawa, ang hindi siya pinansin na parang hindi ko siya nakikita.
"Summer, please... talk to me." He beg, kumirot ang dibdib ko dahil sa matamlay niyang boses.
Galit ang mga nararamdaman ko ngayun habang nasa likod ko si Van hindi ko kayang harapin siya at tignan sa mata, baka kasi pag sisiyan ko iyon pag nagkataon.
"Summer." Tawag niya ulit pero hindi ako kumibo. Hanggang sa siya na mismo ang kusang pumunta sa harap ko. Hinawakan niya ako sa pisngi at hinanap niya ang paningin ko. Ng magtagpo ang mata namin ay nakita ko ang puyat niyang mukha. He's a mess.
"Summer, mahal.. please let me explain."
"Umalis ka nalang muna siguro Van." Simple kong sagot at tinalikoran siya pero hind niya ito pinayagan at mabilis niya akong niyakap.
"Summer, I can't. I... I can't. I love you Summer, I really do. I know you feel the same way. So please I beg you hear me out." Kumurap ako ng tatlong beses para lang hindi bumagsak ang mga luha ko. At saka siya tinulak ng buong lakas.
"Don't you ever underestimate my patience Van, I lost everything because of you. I lost my sister, I lost my child even my self I lost it all. Kaya kong pwedi wag kanang magpakita sakin because I hate you." Ginawa ko ang lahat para lang hindi umiyak and I did it. I did?
"S-Summer." Nakita ko ang takot sa mata ni Van kaya lalo ko siyang tinignan ng masama. Naiinis ako dahil sa nasaktan ang puso ko sa mga sinabi sakaniya. It's not supposed to happened. "Don't be like this, mahal. Please."
"You made me do this." At umalis na ako sa kwartong iyon na hindi dala ang pantuyo ng katawan.
isang oras akong namalagi sa store at hindi parin bumababa si Van. Hanggang ngayun ay pantulog parin ang suot kong damit. Maya maya ay bumaba si Van mula sa taas na kasama si Cloud.
"Ate." Tawag ni Cloud ngunit hindi ko pinansin iyon ay mabilis na umakyat sa taas. Napansin ko ang pag sunod ng tingin ni Van.
Naligo ako nag ayos at ginawa ang lahat ng makakaya ko para lang makalimotan ang mga nangyari. Naisipan ko na pumunta nalang ng hospital at para madalaw si Miko.
"Ate saan ang punta mo?" Tanong ni Cloud ng nakita niya na naka bihis ako ng pangalis.
"Pupuntahan ko si Miko gusto kong sumama?"
"Sige ate bibihis lang ako."
Bago kami nakaalis sinabihan ko nalang si Pao-pao na mag ingat sa shop.
Mabilis kaming nakarating ng hospital dahil hindi naman traffic. Pero meron akong bata na nabunggo bago kami naka pasok ng hospital. Madumi ang itsura nito at parang gutom kaya naman binigyan ko ito ng pera at sinabing bumuli siya ng makakain.
Naabutan ko si Mike na naka upo sa tabi ni Miko. Nag uusap ata sila pero bigla naman itong naputol ng nakita nila kami ni Cloud.
"Cloud." Sabi ni Miko at saka maayos na umupo.
"Kuya okay na ba ang pakiramdam mo?" Papalapit si Cloud sa kanila tumayo naman si Mike at binigay ang upoan kay Cloud pero tumanggi si Cloud kaya pariho silang naka tayo sa tabi ni Miko. Masaya si Miko at Cloud na nag kekwentohan. Halatang na miss ang Isa't isa
"Miko, I'll go ahead, " tumango naman si Miko. Nginitian ko si Mike ng mag tagpo ang mata namin pero tango lang ang sinagot nito saakin. Tinapik niya ang balikat ni Cloud at saka umalis ng tuluyan.
"Kamusta ang pagaaral mo Cloud?" Tanong ni nito sa kapatid ko.
"Okay lang naman po kuya. Malapit na ang graduation ko kaya dapat makaalis kana dito. Ikaw pa naman ang gusto kong sumama sakin sa taas ng stage." Nanlalaki ang mata kong tinignan si Cloud
"Paano ako?" Pag rereklamo ko dito I felt betrayed
" Nag deal kami ni Rain na ikaw ang sasama sa kaniya sa stage at si kuya Miko ang sa akin." Nabawi ang mga ngiti namin sa labi dahil doon. Tinignan ko si Miko at saakin naka tuon ang mga mata nito maliit niya akong nginitian kaya mapangiti rin ako sa kaniya.
"You guys hungry?" Biglang tanong ni Miko "But by the way nasaan si Pao?"
"Nag paiwan sa shop, wala kasing bantay. " I answered while looking for my cellphone in my bag.
"Anong hinahanap mo?" Miko ask. Kaya naman napa lingon sa akin si Cloud.
"Ang cell phone ko kasi-" Naalala ko ang batang nabunggo ko kanina sa labas ng hospital. Sa pagkakatanda ko sa bulsa ko inilagay ang cellphone pero wala na doon kaya tinignan ko sa bag ngunit hindi ko rin nakita. Ang bata kanina ay do'n nabunggo kong saan naka lagay ang cellphone ko.
"Bakit?" Tanong ni Miko at parang tatayo na ito dahil sa itsura.
"Wait lang lalabas muna ako." Sabi ko narinig ko na tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ko sila pinansin at nag mamadaling nag tungo ng elevator.
Hinanap ko ang bata kung saan saang banda na ng hospital ako pumupunta pero hindi ko na ito nakita. Tinanong ko ang guard pero hindi daw niya nakita ang batang paslit na iyon.
Kaya laglag balikat akong bumalik ng kwarto ni Miko.
Nando'n pa naman ang iilang litrato naming magkakapatid, meron pa kaming litrato doon ni Van ngunit mas mabuti nalang siguro iyon dahil tuwing nakikita ko ang litratong iyon ay nasasaktan lamang ako. Tinutulungan lang siguro ako ng tadhana para mag move on. 'Talaga lang Summer huh? Ninakawan ka ng cellphone, tapos iyan pa ang nasa utak mo.'
Nang maka pasok ako sa kwarto nito ay tinungo ko ang upoan sa kilig ng kama ni Miko.
Ilang oras akong walang imik simula ng sinabi ko sa kanila ang nangyari at tinawanan pa ako ni Miko. Naiirita na talaga ako sakaniya.
"ibibili nalang kita ng cellphone Summer." Panimula ni Miko, pa tawa tawa pa itong nag sasalita. Kasalanan ko naman daw ang nangyari dahil bakit daw hindi ako tumitingin sa daan tapos isang bata lang ang kumuha ng cellphone ko.
"Wag na kaya ko namang bumili." Sabi ko ngunit malakas lang itong tumawa ulit. "Anong nakakatawa, huh.?" Naiinis na ako. bakit kaya parati nalang ako tinatawanan nitong si Miko. Nag mukha tuloy akong katawa tawa sa paningin ng mga kapatid ko.
"Kailan niyong balak na lumipat?" Tanong bigla ni Miko kaya napatingin ako sa naka upong si Cloud doon sa couch. "Pag nakalabas nalang ako dito Summer. Ako na ang hahatid sa inyo."
"ikaw bahala. " Sagot ko nalang alam ko naman kasi na pipilit at pipilitin ako ni Miko kong hindi ako sumangayon.