Chapter 18

2798 Words
Chapter 18 Hapon na noong nakabalik kami ng bahay ni Cloud. Hinintay kasi naming makarating ang magulang ni Miko bago kami umalis para naman may makakausap siya at makakasama doon. Ayaw pa sana kaming pakawalan ni tita at tito nong nalaman na uuwi na kami at gusto pa sana nilang doon na kami mag hapunan kaso ay hindi pwedi kasi nandito pa si Pao-pao sa bahay at wala siyang kasama dito dilikado na at baka bumalik ang magnanakaw. Napa isip ulit ako kong magnanakaw ba talaga 'yon? at bigla kong naalala ang pinagusapan namin ni Loyd ... "James?" Taka niya akong tinignan at marahas na kinuha ang kamay na hawak ko. "Who you!" Inis nitong sambit, doon ko naalala na may kambal nga pala si James at totoong magkamukhang magkamukha sila pero magkaiba naman ang ugali nila. Sa tono palang ng mga pananalita ay makikilala mo agad kong si James ba ang nasaharap mo o hindi. "Sorry po, nagkamali lang po ako ng akala." Paghihingi ko ng tawad. Tama nga si Miko magkasing katulad talaga sila kahit sa pananamit at hugis ng katawan ay kahawig ni Loyd si James ngunit ang ugali ay parang putik at malinis na tubig lang. Mag kaibang mag kaiba kahit sa pag titig lamang nitong si Loyd ay parang gusto ko nang umalis kaagad, pero hindi nangyari iyon dahil sa pagtawag niya ng pangalan ko. "Kilala mo ako?" Taka kong tanong. "Can you join me for a coffee? Just for a while." Ayaw ko sanang pumayag dahil sa sa mga sinabi ni Miko noon pero pinilit niya akong sumama, at sa malapit lang naman daw kami magkakape. Una ay natakot ako sa kaniya. Sa mga pagtingin tingin niya palang sa sakin ay natatakot na ako. Matanda ako ng isang taon sa kaniya pero katulad ni James ay may pagka mature ang itsura niya siguro ay may lahi sila dahil kahit na mature man ang itsura nila ay ang gaganda nilang lalaki maskulado katamtaman lang ang kutis, kulot ang buhok, napaka tangos ang ilong ang mata nilang kulay brown pag nasisilayan ng araw ay nakakadagdag sa kanilang kagwapohan. I felt insecure bigla ang fresh niya kasi samantalang ako ay hindi pa naliligo mula kahapon "Gusto ko lang sabihin na sana ay mag ingat kayu." He started. Pero nabigla ako dahil sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng pagtatakang tingin. "I'm just worried na kayu ang pupuntiryahin ng mga Satti dahil namatay ang nag iisang taga pangalaga ng kanilang ari-ari-an. " Nagtaka ako sa sinabi niya bakit kong mag salita siya ay hindi sila mag kapatid? "Loyd right?" I ask him to make sure na tama ang pangalan na nabanggit ko. Tumango lang ito bilang pag sagot na tama ako. "Salamat nalang dahil sa pag aalala mo saamin pero safe kaming magkakapatid at-" "Such an innocent. Just be careful." Yun ang sinabi niya sabay alis, sinundan ko pa ang malapad niyang likod habang naglalakad patungo sa pinto. At Tinignan ko ang baso niyang ni minsan ay hindi niya hinawakan simula nong nilagay diyan ng waiter sa harap niya. ... Noong gusto kaming pasukin ay nando'n siya imposible kayang? hindi naman siguro. Wala naman kaming kasalanan sa pagkamatay ni James, isa pa ay namatay gid ang kapatid ko. Sino naman taong gagawa sa amin ng ganon? Hindi pa ni Pao-pao na close ang shop nong dumating kami kaya naman tinulungan siya namin mag sira. Hinihila ko yung grills ng biglang may tumulong sakin noong una ay akala ko si Pao o baka si Cloud lang pero noong na amoy ko kong sino ang nasa likod ko ay binitiwan ko ang hinahawakan kong grills saka ay lumayo doon. Ang masayang mukha ni Van ang una kong nakita. "Bakit ka nandito?" Parang pinipiga ang puso ko habang sinasabi iyon. Subra na akong nangungulila sa kaniya pero hindi ko kayang ipag sa walang bahala yung mga ginawa niya. "Summer, I cook dinner for all of us." He said with a smile in his face. Van please don't make this to hard for me. "Umalis ka nalang Van." Bahagya ko siyang itinulak at saka pinagpatuloy kong hinila ang grills. Pero para siyang lintang dikit ng dikit. Tinulungan niya ulit ako pero tinulak ko siya at ngayun ay napalakas na ang tulak ko "Umalis kana sabi. Bakit ba ang hirap hirap mong paalisin." Nanggagalit na mata ang ibinigay ko sa kaniya. " Pagod na ako sayo Van. Please naman, Oh. Wag mo na akong pahirapan." Pagmamakaawa ko pa. Nag iwas ako ng tingin dahil ayaw kong nakita ang pagod sa mata niya alam kong wala siyang tulog dahil sa mga mata niyang namamaga at halatang puyat na puyat. Hinayaan ko na ang grills at tumalikod nalang para umakyan. Nakita ko si Pao-pao at Cloud sa tabi at nakikinig lang samin. Alam kong gustong mag salita ni Cloud dahil sa naka awang nitong mga labi, pero mabilis akong umakyat at hinayaan nalang sa kanila ang shop kahit ang bag ko ay hindi kona nadala sa pag akyat. Nasa taas na ako ng nakaramdam ako ng pagkamala ng lalamunan kaya pumunta ako ng kusina. Hindi pa man ako nakakarating doon ay nakita kona ang naka handang pagkain sa hapag. Halatang nag effort si Van dahil sa pagkakaayos ng mga pinggan at meron pang table napkin na hindi naman namin ginagawa kong kumain. Hindi ko napigilan ang pag iyak nasasaktan ako. Naiinis ako sa kaniya kasi bakit ginagawa niya to sakin. Niloko niya ako at dahil don nawala ang anak at kapatid ko, nag wawala ang puso ko at gusto siyang takbuhin sa baba at yakapin ng mahigpit. Pero hindi ko magawa dahil sinisigaw ng utak ko na baka sa pangalawang pagibig ko sa kaniya ay mas marami ang mawawala saakin. Takot akong ipakita at ipadama sa kaniya ang pagmamahal ko. Dahil sinisisi ko ang aking sarili, minahal ko siya at dahil doon marami ang nawala saakin. Nakatakip ang kamay ko sa bibig habang mahinang umiiyak. Hindi ko namalayan ay may umakyat na pala at ang huli kong naramdaman ay ang pagyakap sakin mula sa likod. "Summer, I'm sorry.. please forgive me, please..." He beg and the next thing I knew he was crying in my shoulder. "Van hindi ko kaya." Tinanggal ko ang takip sa bibig ko at nag simulang umiling. "No.. I know Summer, I know you can."he tilted his head to reach my eyes. " Hin -- hindi kita mahal Van. Hindi kita kailanman minahal." Wala na akong alam gawin para lumayo at iwan niya ako. Kasabay ng pag sabi ko non ay ang pag unti unting pandilim ng paningin ko. Piniga ng husto ang dibdin ko at para akong mamamatay sa sakit. Hindi ako makahinga at parang kay bagal ng oras ng gabing ito. "That's not true.." Sabi nito at hinigpitan lalo ang yakap sakin. Mas lalo akong indi nakahinga sa ginawang pagyakap ni Van. "Naramdaman ko na mahal mo ako Summer, kahit hindi mo pa kailanman naibanggit na mahal mo ako. Sa mga yakap at halik mo damang dama ko 'yon." He was so confident of his words, like no one can break those. "Dahil sa pagbubuntis ko lang 'yon Van." Lumuwag at natigilan siya dahil sa sinabi ko. "Dahil sa pagbubuntis ko kaya yun ang mga nagawa ko. Hindi ko sinasadyang paasahin ka, ngunit dahil lang talaga iyon sa batang nasa sinapupunan ko." Kumawala siya ng tuluyan sa pagkakayakap sakin. Dahil doon ay may kumirot nanaman sa sugatan kong puso na hindi kona alam kong buhay pa ba ako bukas. 'Masamang masamang tao na ba ako anak dahil sa pinag sasabi ko sa tatay mo?' simple kong hinawakan ang maliit kong tyan. Pagkatapos non ay hinarap ko ng buong tapang si Van ngunit nawala ang tapang ko ng nakita ko siyang may luha sa pisngi. Gusto ko itong punasan ngunit subrang sakit na kaya kailangan ko na siyang paalisin dito sa bahay. "Van hindi kita mahal! Nong nawala ang anak ko doon ko na kumpirma na ang lahat ng pangungulita ko saiyo sa mga panahong hindi kita kasama ay dahil lang sa pagbubuntis ko. Nong nawala ang anak ko ay galit at kamuhi lang ang natira sa puso ko para sayo Van. Kaya sabihin mo sakin na mahal kita! Ngayun mo akong kumbinsihin na mahal kita!" Sumisigaw na ako dahil sa galit, hinampas ko siya sa dibdib naiinis ako sa kaniya dahil umiiyak siya, naiinis ako sa kaniya dahil ang tigas niya at lalo akong nainis ng niyakap niya ako ng mahigpit. Malakas ko siyang hinampas hampas habang yakap niya ako ngunit hindi man lang siya pumalag at mas lalo lang akong niyakap ng mahigpit. Naiiyak na ako dahil sa ginagawa niya. Naiiyak ako dahil nakita ko siyang naiiyak at nasasaktan ako dahil do'n. Tumigil ako sa kakahampas ng dibdib niya dahil sa pagod. yakap niya ako habang patuloy akong umiiyak sa bisig niya "S-Summer, I'm so in--inlove with you. I'm.. I'm sorry about what happened in my o-office. Hindi ko sina... hindi ko sinasadya." His a mess right now and I don't want to see him like this. "I love you Summer, I love you, please I do really love you." Paulit ulit niyang sabi at paulit ulit din akong nasasaktan sa mga sinabi niyang iyon. Kahit minsan hindi kopa na sabi na mahal ko siya. Ni kahit minsan man lang ay hindi ko pa nasabi kong gaano ko siya kamahal, dahil sa pag aakalang mas magandang ipadama ko sa kaniya ang pag mamahal ko. Ngunit eto siya at paulit ulit na sinasabi at pinapadama ang buong pusong pag mamahal niya na hindi ko na siguro matutumbasan o lahit maipadama lang man ulit sa kaniya. Bago pa mag bago ang isip ko at tinulak ko na siya ngunit hindi ito gumalaw kahit kaunti man lang. " Bitawan mo ko.. Please." hindi ko gustong makita ang itsura niya ayokong nakikita siyang umiiyak at nasasaktan ng dahil sakin. Hindi na ako nahirapan sa pagkukumbinsing pakawalan niya dahil agad niyang ginawa ang sinabi ko. Tumakbo ako patungong kwarto. Sinira at nilock ko ang pinto umiyak ako ng umiyak sa kama alam kong rinig ang iyak ko sa labas kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko ramdam ko na nabasa ang unan dahil sa luhang nanggagaling sa mata ko Umiiyak ako hanggang sa hindi na ako makahinga kaya umupo at inayos ko ang sarili. Hindi parin ako nauubusan ng luha sa mga mata Ang tagal ng oras ngayun. Ang tagal gumalaw ng kamay ng orasan sa ibabaw ng table ko. At tuwing gagalaw ito ay para akong sinasaksak ng tatlong beses. Nakitang kong dalawang oras na ako nandito sa kwarto. Mali pa ang disisyon ko? Mali ba na iniwan ko siya? Mali ba na natakot ako na baka si Cloud ay mawala din? Hindi na ako makapag isip ng maayos simula ng mawala si Rain kahit na gumawa ng maliit na disisyon sa shop ay nagkakamali ako kaya pinaubaya ko nalang kay Pao-pao iyon. Bakit ganito bakit ako nasasaktan sa tuwing maalala ang itsura ni Van. Umiiyak siya sa harap ko at paulit ulit na sinabi kong gaano niya ako ka mahal. Ang tanga ko ang tanga tanga ko. Sana noon pa man ay pinigilan ko na siya. Sana noong nasa sasakyan niya palang kami ay hindi ko na siya hinayaan na halikan ako noon para hindi na kami humantong sa ganito. Kasalan ko to kasalan ko kong bakit nasasaktan siya. Kasalan ko kong bakit nasira ang buhay naming mag kakapatid. Kasalanan ko to. Tumayo at sinilip ko ang itsura sa salamin, magang maga ang mata ko dahil sa kakaiyak. Inayos ko ang buhok nag inhale exhale ako ngumiti at para mabawasan ang pamamaga ng mukha ko pero napa ngiwi nalang ako dahil kahit kaunti ay parang walang nangyari at lantaran ang namamaga kong mata dahil sa pag iyak. Lumabas ako ng kwarto nag disisyon na maligo mona bago kumain. Hindi kona nakita si Van pag labas ko si Cloud at Pao-pao nalang ang nasa hapag at sabay silang timingin sakin na kakasira palang ng pinto. "Ate kumain kana." Pag aya ni Pao pero nginitian ko lang siya at tumango. "Mauna na kayo maliligo lang mona ako." Dumiritso ako ng banyo ngunit natigilan ako ng nag salita si Cloud. " Ate, alam kong mahal mo si kuya Van. Kaya wag mong hayaan na mawala siya sayo." Napatingin ako kay Cloud at sumusubo na ito ng pagkain. Ni minsan ay hind nag iingay si Cloud pag kumain pero nag taka ako na ngayun ay nag salita siya. Pinagmasdan ko siya habang nag ngunguya ng pagkain. Tinignan at nginitian niya lang ako. Tama siya mahal ko si Van pero hindi ko kaya. I'm so weak to do those things. Pinagmamasdan ko ang tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin namin dito sa loob ng banyo. Humahapdi ang mata ko dahil sa tubig mula sa shower. Bakit ganito mahapdi na pero bakit naiiyak parin ako? Anong klasing matang meron ako at hindi matigil sapag iyak to. Hinawakan ko ang ilalim ng mata ko dahil sa pagmamaga at pulang pula na ito. Si Van ang nasa isip ko halos apat na oras na akong naka babad sa tubig at baka pati yung mga mikrobyo ay natanggal na din ng sabon na malapit ng ma ubos. Tama si Cloud na dapat ipag laban ko si Van na dapat wag ko siyang hayaan na mawala. Pero paano ang babaeng iyon? sino siya? bakit nandoon siya sa office ni Van? Nakita ko ang pag sampal sa kaniya ni Van kaya alam kong wala siyang halaga para kay Van. Hindi ako pinagbuhatan ni Van ng kamay maliban doon sa una naming pag kikita na sinabunotan niya ako pero hindi niya naman iyon sinasadya. Naniniwala naman ako kay Van ngunit yung kapatid at anak ko masiyadong masakit ang pagkawala nila. Masiyadonng sariwa pa nong iniwan kami nila. Lumabas ako ng halos apat at kalahating oras na pamamalagi sa banyo. Nag tungo ako sa lamisang pinag handaan ni Van hindi nagalaw ang plato ko malinis na ang lababo at may takip ang pagkain ng buksan ko ito ay nakita ko ang steak na niluto siguro ni Van. Kunuha at kinain ko iyon. Katulad nong una niya akong pinag luto ay ganun parin kasarap ang luto niya. Inubos ko lahat ng nasa hapag hindi kona pinag tirahan ang pusa. Hinugasan ko ang pinagkainan at pinasaya ang sarili habang kinakausap ang naiwang pusa ni Rain. "Mining, ako na ang mag aalaga sayu simula ngayun kaya wag mo akong pag sungitan ha." Mahina kong hinagod ang ulo niya habang kumakain siya ng cat food na binili ko noong isang araw. "Ate." Nabigla ako sa biglaan pag salita ni Cloud sa likod ko. " 2:00 am na bakit gising ka parin?" Tanong ni Cloud na pangiti pa ako dahil sa antok nitong boses at mata. "Hindi makatulog si ate e." Sabi ko dahil totoo naman ngayun ko lang namalayan na ganoon pala ka tagal ako sa banyo na inabot ako ng madaling araw. "Dahil ba kay kuya Van?" Umupo siya sa upuang plastik at seryosong tumingin sakin. Tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref nilagyan ko at ibinigay sa kaniya iyon. Pag katapos niyang uminom ay kinuha ko ang baso at tumalikod para hugasan. "Ate, hindi mo mabalikan si kuya Van dahil ba sa pag kawala ni Rain tama?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Hindi kasalanan ni kuya Van, oh, kahit kanino man ate, aksidente ang nangyari." Hindi ko alam ang sasabihin kay Cloud kaya nanatili ako sa posision ko. " Ate mahal na mahal ka ni kuya Van at alam kong ganon ka rin. Hindi ko gustong nahihirapan ka kahit si Rain ay ganon din. Nasasaktan kami ni Rain tuwing nakikita ka naming nasasaktan. Alam ko yun dahil kambal kami alam kong nasasaktan rin si Rain. No'ng panahon na ayaw ko kay kuya Van kinausap ako ni Rain. Sabi niya ay dapat masaya kami kong saan at kong kanino ka magmamahal." Pinag patuloy ko ang paghuhugas at nakangiting tumingin kay Cloud. Na bigla pa ito sa reaction na ipinakita ko pero naging malungkot naman ito kalaunan. "Matulog kana Cloud gabi na't mag sisimba pa tayo bukas." Taka akong tinignana ni Cloud at malungkot na pumasok ng sariling kwarto. Ilang linggo na rin akong hindi nag simba dahil naging busy ako sa pag bantay kay Miko at sa shop. At saka hindi ko na kayang mag simba dahil sa mga nangyari pero si Cloud ay nag patuloy sa mga gina gawa naming magkakapatid sila ni Pao-pao. Nag disisyon akong matulog. bukas na bukas din ay kakausapin ko si Van tungkol sa babae at naka handa na akong marinig ang paliwanag niya. Pero may parti sa akin na takot at hindi ko alam kong bakit ako natatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD