chapter 19

2037 Words
Chapter 19 Buong araw akong naka bantay sa shop sa pag aakalang dadating si Van ngunit ni anino ay hindi ko man lang nakita. Namamaga parin ang mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi. I didn’t cry this morning but I couldn’t get rid of the red under my eyes. Nahiya pa ako dahil may customer kaming lalaki kanina at sulyap ng sulyap siya sakin na akala mo ay nakakita ng multo kaya, nginitian ko siya pero napa tuwid lang siya ng tayo. The day ended without me even talking to Van. The next day I was still in the shop and I was not tired of waiting for him. "Gutom kana Pao?" May ginawang assignment si Pao-pao sa table at ako naman ay nag aayos ng mga casing. "Opo ate. May bagong bukas pong kalinderya sa kanto." Napa tingin ako kay Pao-pao. " Kalinderya?" Tanong ko. Bakit hindi ko yun nakita? " Opo, nag bukas kasi sila ni Aling Terisita no'ng isang araw." Tinignan ko kong maayos na ba ang inaayos kong mga case ng cellphone no'ng okay na sa paningin ko ay nagtungo ako sa aking bag at kumoha ng cash. "Ate ako na po ang bibili." Malaking iling ang ibinigay ko sa kaniya. " Si ate na at ipagpatuloy mo na lang diyan ang ginagawa mo." Sagot ko dito hindi naman siya umangal at ginawa ang utos ko. Kaka labas ko palang ng nakita ko si mining. ang pusa. "Mining anong ginagawa mo dito?" Malambing ko siya binuhat at pumasok ulit sa store. Tinignan ako sandali ni Pao pero bumalik rin naman kaagad ang tingin niya sa ginagawa. Umakyat ako at binigyan ng pagkain ang pusa. "Ning dito kalang at baka ma bangga ka sa labas... Okay." Naka ngiti kong hinimas himas ang ulo niya at saka ay tumayo at para makabili na ng makakain namin ni Pao-pao. Nasa labas ako ng may nakita akong hindi familiar na sasakyan sa kabilang kanto. Hindi ko maiwasang mapa tingin sa sasakyan parang bago lang kasi ito tapos ay parang mamahalin pa. "Aling Terisita, kaninong sasakyan po yun?" Nakiki chismis na ako dahil sa kuryosidad. "Pagmamayari niyan nang nakabili ng bahay diyan sa tapat." Sabi nito at pa linga linga pa na parang may gustong sabihin na napaka importante sa akin. "Ang sabi sabi ay haunted daw ang bahay na yan kaya walang bumi-bili. Nabigla nga ako ng narinig na binili daw yan ng gwapong lalaki." Habang sumasandok siya ng mga binibili kong ulam at nakikipag usap sakin. "Nakita niyo na po yung nakatira diyan?" Tanong ko at umupo pa sa upuang nasa harap ng paninda niya. "Oo, pero alam mo ba hija? Hindi lumalabas diyan ang lalaki pag umaga. Natatakot nga ako nong una ko siyang nakitang lumabas mga 2am siguro. Noon ay gusto ko pang tumakbo para makapasok agad sa bahay pero ng masilayan ko ang mukha niya ay nako napaka gwapo. Katamtaman ang kulay ng balat niya ang tangos ng ilong tapos alam mo ba hija?" Nanlaki ang mata kong tinitignan at nakikinig sa kaniya kong mag kwento kasi ito parang kay halaga ng mga pinag uusapan namin. "Kulot ang buhok niya ang bibig niya hija, para siyang si Santo Niño. Nako kong ako ay dalaga lang ay mas gusto ko pang magpagahasa sa ganu'ng kagwapong lalaki." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Aling Tesirita. "Ay nako Aling Terisita may ganong bang nabubuhay sa mundo?" Hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya. Nabigla ako ng hinampas niya ang balikat ko. " hindi ka naniniwala? Lumabas ka mamayang gabe at tignan mo makikita mo iyong lalaking iyon dito." Tatawa tawa akong umalis sa tindahan ni Aling Terisita. Nako si Aling Terisita talaga kong ano ano ang pinag sasabi. "Pao, kumain ka muna mamaya na yan." Utos ko ng natapos kong ipaghain ang pagkaing sa taas. "E lock mo nalang diyan sa baba pao." Sabi ko nasa taas kasi ako at alam ko namang rinig niya ang sinabi ko. Pina ayos ko narin kahapon ang lock ng store at naglagay rin ako ng mga panibagong lock para sa kaligtasan naming magkakapatid kinakabahan kasi ako baka maulit ulit yung nangyari nong isang araw. Natapos ang araw na hindi ko ulit nakita si Van pangalawang araw ko nang hindi man lang siya nakakausap subrang nangungulila na ako at parang gusto ko na siyang sugurin pero pinipigilan ko lang ang sarili. Close na ang shop ngunit nasa labas parin ako at hinihintay ang pag dating ni Van kahit hindi ko alam kong dadating ba siya o hindi. Naka jacket ako at para hindi ginawin dahil sa malamig na hangin. Napa yakap ako sa aking sarili nong naka ramdam ako ng lamig dahil sa ihip ng hangin kahit naka jacket ako ay wala parin itong silbi. "Ate sa loob mo na hintayin si kuya Van." Napa talon ako sa gulat dahil sa biglaang pag sulpot ni Cloud. "Huh? Nag papahangin ako Cloud. Wala akong hinihintay. " Ngumisi si Cloud, lumapit ito sakin at binigyan ako ng mas comportableng jacket. Thats my boy. " Ate halos tatlong oras kanang nandito. Baka nga nakuha mona ang lahat ng hangin dito sa labas e. " Patawa tawang sabi nito. Ngayun ko lang ulit nakitang tumawa ng ganito ang kapatid ko simula no'ng araw na yun. Kaya napa ngiti ako habang pinag mamasdan siya. " Hala ate nakakatakot ka pag ngumiti ka ng ganyan. " Lumayo pa ito at umarting takot sakin kaya na tawa ako. " Baliw. " Sabi ko at sabay tingin sa kawalan. Kailan kaya babalik si Van. Babalik pa kaya siya pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang mga iyon? " Tara na nga a loob at baka lahat ng hangin ay magsi akyatan diyan sa ulo mo. " Tatawa tawa akong pumasok at sumonod naman siya sa likod ko. Another day na pag hihintay ko kay Van ngunit hindi ko parin siya nakita. Parang lantang gulay na ako at inip na inip na dahil sa kakahintay sa taong hindi ko alam kong babalik pa. Kinabukasan ay ganoon pa rin at wala akong cellphone para tawagan siya dahil ninakaw at hindi pa ako nakabili ng bago. hindi pa kasi ako umaalis ng bahay at hinihintay lang ang pagbisita ni Van. Apat na araw ko na siyang hinihintay. Nag fafacebook ako sa loptap ng biglang may message na dumating. Nag mamadali akong tignan iyon, dahil baka si Van ngunit napa ngiti parin ako dahil si Miko ang nag message Miko: How's your day? Me: Okay lang. Ilang araw na rin kitang hindi nabibisita, hindi parin kasi dumadating si Van. Na sabi ko na kay Miko ang tungkol sa pag hihintay ko kay Van, noong nag video call kami ng isang araw. Nag presenta siyang siya ang tatawag ngunit pinigilan ko dahil mas gusto kong si Van mismo ang lalapit at maghahanap sakin. Hindi ko alam pero mas gusto kong pumunta dito si Van dahil gusto niya akong makita at hindi dahil sinabihan siya na pumunta. Miko: Anong plano mo? Lilipat parin ba kayu ng bahay? Me: Hindi ko alam. Mukhang okay naman si Cloud ngunit alam ko naman na nag papanggap lang siya. At kahit na sabihin kong lumipat kami ay hindi naman yun papayag na umalis na hindi ko nakikita o nakakausap si Van, kilala mo si Cloud, Miko. Isa pa hindi kapa nga naka labas diyan. Miko: Yeah but please stay strong Summer, if you need me I'm just here. Nasa hospital nga lang. Natawa ako dahil sa chat ni Miko. Me: Thanks Miko.. You're the best. Pagkatapos naming mag chat ni Miko hindi ko namalayan ay pagabi na pala. Tinignan ko ang oras ay mag aalas sais na ngunit hindi pa rin umuuwi si Cloud nataranta ako ng maalala na wala pa yung kapatid ko. Nakaalis na rin si Pao-pao dahil may klasi ito. Kahit walang tao sa loob ng shop ay tinakbo ko ang taas at lovesnagmadaling magbihis. Hindi ko alam kong saan ako pupunta basta kailangan kong makita o makausap ang kapatid ko at baka kong ano ang nangyari sa kaniya. Na trauma na ako sa nangyari kay Rain. Pababa na ako ng nakita kong may taong naka talikod at nakaharap sa mga memory card. Mataas ito kulong ang buhok nakita ko ang likod ng leeg niya katamtaman lamang ang kulay at makinis. Naka pantalon itong itim at long sleeve na blue. Pero naka kunot ang noo kong pinag cross ang kamay sa dibdib. At hinarap ang likod niya. "Anong gina gawa mo dito?" Irita kong tanong. "I need this for my files." Sabi nito at tinaas ang limang memory card na nasa kamay niya. "Okay.." agad ko siyang tinalikoran at nagtungo sa cashier, kahit kailan ay hindi ko magagawang igalang ang taong ito. Never. After all he have done he think it's okay to pretend? " Summer." Nanindig ang balahibo ko sa boses na ginamit niya sa pagtawag ng pangalan ko. " Sir, 9,400 po lahat." Iniwasan kong mapatingin sa kaniya. Hindi naman sa naiinis parin ako dahil sa ginawa niya pero sana naman ay tigilan niya na ang pag papanggap na hindi niya ako kilala. "Summer, we need to talk." Kunot noo ko siyang tinignan. "Sir, excuse me, pero may importante po akong gagawin." Paliwanag ko dito at sana naiintindihan niya iyon. Naka hinga ako ng maluwag ng bumunot na siya ng pitaka sa pantalon niya sinundan ko ng tingin ang mga kamay niya habang gumagalaw sa pitaka niya. Nanliit ang mata ko nong inabot nga sakin ang libong libong perang hindi man lang niya binilang pero halatang subra iyon sa 10,000 Tinignan ko siya at nakitang tutuk na tutuk itong nakatingin sakin. "Summer just a minute can we--" naputol ang sasabihin niya ng bumokas ang pinto at pumasok si Cloud doon. "Bakit ngayun kalang? Gabi na." Hindi ako pinansin ni Cloud at halatang nabigla sa taong nandito sa shop. "Kuya Arthur?" Nagtataka ang boses niya at biglang nagalit ang itsura niya ng na kumpermang si Arthur nga. "Bakit ka nandito? Gusto mo bang guluhin ulit ang buhay ng ate ko?" Agad kong nilapitan si Cloud ng akmang lalapitan niya si Arthur. " Cloud I didn't mean to leave your sister. But still, It's all my fault, I'm sorry." Oh, now he admit. Ang unfair lang bakit nong nakita niya si Cloud ay naalala niya agad ang pangalan tapos ako ay kailangan ko pang mag pa kilala sa kaniya. " Yes. You're right! It's all your fault, now get out." Sabi ko ng buong lakas bumuntong hininga siya bago ipinatong ang pera sa maliit na lamesa. "Summer I'm sorry." He beg, but I didn't look at him for evil sake. "Umalis kana kuya." Rinig ko, kong paano si Cloud nanginig dahil sa galit. Ngunit nandoon pa rin ang respeto. "Ate ayos kalang ba?" Tanong nito ng umalis na si Arthur sa shop . Ngumiti ako para ipaalam sa kaniya na ayos lang ako. "Bakit gabi kana?" Tanong ko. "Dinalaw ko si kuya Miko." Sagot niya na parang walang ginawang mali. "Bakit hindi ka ng text?" Tanong ko. Lintik na Miko nayon hindi manlang sinabi sakin kanina no'ng nag chat kami. "May cellphone ka?" Tanong niya na ikinunut ng noo ko. "Sabi ko nga.. wala." Sagot ko at pa tawang tawang nilapitan ang binayad ni Arthur. Binibilang ko itong pera ni Arthur ng nilapitan ako ni Cloud sa tabi. "Anong binili non dito?" Masungit nitong tanong. Hinarap ko siya at piniga ang pisngi niya hindi ko iyon pinakawalan at siniguradong mamumula pag binitawan ko na. "Ang sungit mo talaga. Yan tuloy wala kang girlfriend." Sabi ko habang patuloy na pinipiga ang pisngi niya. "Ate. bitaw!" Pag susungit nito at habang inaalis ang kamay ko. Kaya mas lalo akong natawa. Binitawan ko siya at tinignan ang pera para bilangin sana ulit ngunit kinuha nanaman ni Cloud ang atensyon ko ng patuloy niyang hinihimas ang pisngi niyang piniga ko . "Cloud sabihin mo nga sakin ang totoo meron bang babaeng pina iyak ka kaya ganyan ka kasungit?" Tanong ko pero tinignan lang ako nito ng masama at padabog na umakyat sa taas natatawa akong binalik ang mata sa pera pero nawala naman iyon tawa ko ng twenty three thousand ang nabilang ko sa perang binigay ni Arthur.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD