chapter 20

2059 Words
Chapter 20 "Anong plano mo pagka graduate Cloud?" We sit in the living room and watch an action movie. Cloud said he wanted to watch this. And we haven't watched anything like this in a long time "Ipapasok daw ako ni kuya jerald sa companya nila doon sa London. Si ate Rose naman yung nag recommend sakin." Sabi nito habang kumakain ng popcorn. Sa London si kuya Jerald at inaasikaso ang small business daw nila doon. Ewan ko kay Rose at gusto talagang gumawa ng paraan para maka pera sa sariling paraan. Kahit ganun ay bilib ako sakaniya. Hindi ako nagsalita at nag patuloy sa panunuod ng movie kaya napa tingin siya sa gawi ko. "Ate, okay lang ba sayo?" Tanong nito ng napansin hindi ako kumikibo parang kinabahan pa ang tuno ng pananalita niya. "Ang alin? Na aalis ka?" Tanong ko na umarting nalulungkot. Malukot na bumuntong hininga siya at tinuon ang mata sa TV. "Sasabihin ko nalang po kay ate Rose na wag nang abalahin ang pag re-recommend sakin. " Natawa ako sa reaction niya ang OA naman ng kapatid ko. "Anong nakakatawa ate?" "Yang reaction mo kasi." Tatawa pa ako habang sumusobo ang popcorn na sunog dahil si Cloud ang nagluto. "Okay lang naman ako pag umalis ka basta kong saan ka masaya. Ipangako mo lang na aalagaan mo ang sarili mo don , tapos magpapadala ka ng maraming chocolate dito, okay na okay na ako doon." Maliit akong ngumiti pero sincere kay Cloud. " Tapos pag nakapag tapos na si Pao-pao ipapasama ko siya doon sayo maliwanag." Sabi ko with command. " Ate kahit hindi mo sabihin isasama ko talaga si Pao-pao pangarap kaya non na pumunta ng ibang bansa." "Ah, Grabe ang sweet mo naman kay Pao-pao... So... Plano niyo na palang iwan ako dito? Ganon?" Tanong ko na may halong peking irita sa boses. " Hindi naman sa ganon ate." Natatawa nitong sambit. "Ewan ko sayo." Kong kanina ay siya ang nag walk out ngayun ako naman. "Kainin mong mag isa yang sunog mong popcorn." Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa sa sala bago ko Sinira at nilock ang kwarto. Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama na pinagsisihan ko naman dahil sa nabunggo ang ulo ko sa headboard ng kama. "ARAY.." mabilis kong hinawakan ang ulo kong saan ako nabunggo. Sunod ay ang mga malalakas na katok ang narinig ko sa pinto. "Ate, okay kalang?" Tanong sa labas ni Cloud. Pansin sa boses niya ang pagalala. "Iwan ko sayo!" Sigaw ko na ikina tuwa ni Cloud sa labas "Paniguradong okay kalang." Sabi nito at ang yabag paalis ang huli kong narinig. Tatlong beses kong hinimas ang ulo saka umubo ng maayos Inayos ko ang unan sa kama at humiga ng maayos. Hinayaan kong kainin ako ng antok ngunit ang antok ang ayaw na kumain sakin. Bumuntong hininga nalang ako saka tumayo at pumunta ng bintana. Ilang saglit kong pinagmasdan ang kalangitan na puno ng mga bitwin, bakit tuwing malungkot ako ay kay daming mga bitwin sa langit? Pinapa ingit ba ako ng mga 'to? Kamusta na kaya ang mokong yun? Naiinis ako sa kaniya. Gusto ko na siyang tawagan kaso dapat ay wag. dapat kong pigilan ang mga hindi ko dapat gawin. Tatlong beses akong tumango hudyat ng pag sang ayon ko sa sarili. Pinaglalaroan ko ang mga daliri ng nakita ko si Pao na nasa baba at binubuksan ang pinto ng shop. Napangiti ako at lumabas ng kwarto. Nag hain ako doon dalawang plato ang nilagay ko dahil nagugutom rin ako at ayaw ko lang na lumabas dito mag isa natakot ako sa mga pinag sasabi sakin ni Aling Terisita noong isang araw at kahapon nang bumili ako ay sabi niya meron daw babaeng umiiyak doon sa haunted house na binili ng poging lalaki. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganon. Ngunit may pag kakataon na kinakain ako ng takot. Ng nilagay ko na yung tubig ay saka naman dumating sa taas si Pao-pao. "Kain na." Pag aya ko pero parang nabigla ito ng nakita ako. "Ate, hindi kapa nakakain?" Ngumiti ako sa kaniya at umupo " Nakakain na ako naka ramdam lang ako ng gutom." Sagot ko. Tumango lang ito at tahimik na umupo sa tabi ko. Round ang table kaya kahit saan lang kami pume-pwesto tapos meron lang kaming kaniya kaniyang upuan. Tahimik kaming kumain ng natapos ay nag hugas ako ng plato si Pao-pao naman ay nag punas ng lamesa. Nasa ganun kami ayos nong lumabas ng kwarto si Cloud na bagong gising at parang takot. "Ate, Ate!" Sigaw nito na nag pa alarma sakin. Napa lungon ako sa kaniya at nabitawan ang hawak kong plato kaya nabasag sa sahig "Bakit? Anong nangyari?" "Si kuya Miko nawawala." Hawak nito ang cellphone "Anong ibig mong sabihin?" Imposible ang sinasabi niyang nawawala si miko e, ang laki laki na non. " Ang mommy ni kuya. Ang sabi hindi ka daw ma tawagan kaya hinanap nila ang numero ko sa cellphone ni kuya Miko." Pagkasabi niya no'n ay siyang pagpasok ko sa kwarto kumuha ako ng cash at jacket hindi na ako nag abalang tignan pa ang mukha ko sa salamin.. No.. Miko nasaan ka? Takbo sa utak ko at natatakot na pati siya ay mawala sakin. Patakbo akong bumaba naka open na ang shop at nasa labas na si Cloud at Pao-pao. Hindi nagpalit ang dalawa at hatalang natataranta din. Tinulongan akong mag hanap ng taxi ni Cloud saka si Pao-pao naman ay ang nagsira ng shop. Meron ng paparating na taxi pero hindi parin niya ito tuloyan na naisara ang pinto dahil narin siguro sa takot at pag aalala kay kuya Miko nila. "Pao bilisan mo!" Sigaw ko. "Ate, eto na po." Sagot niya ngunit kahit ang pag lagay ng hasp lock ng maayus ay hindi nga magawa. Humito ang taxi at agad akong lumapit doon para buksan ng bigla itong bumukas at lumabas si Miko mula sa loob. "Miko." Pangalan pa lang niya ang na banggit ko ng bigla niya akong niyakap. "Miko anong nangyari?" Tanong ko naramdaman ko ang pag hinto ng ingay mula sa ginagawang pagsira ni Pao-pao. "Thanks goodness. You're good." Sabi nito habang yakap ako. "Hijo yung bayad." Nabigla kami pariho ng nag salita ang driver. Bumitaw si Miko at napa kamut ng ulo habang ngumingiti ngiti sa harap ko. Inirapan ko siya dahil alam kona ang ibig sabihin ng mga ngiting 'yon. "Ito po kuya. Salamat po." Sabi ko sa kay manong driver at sabay kaming apat na pumasok sa loob. "Baliw kaba!" Sigaw ko kay Miko ng nasa sala na kami. Naka upo siya doon. Si Cloud naman ay nasa pintoan ng kwarto niya naka sandal si Pao-pao ay nililinisan ang nabasag na plato kanina. "Sorry na nga Summer. Nong tumawag si Mike at nalaman kong dito sa lugar niyo lumipat ng bahay si Loyd ay nataranta agad ako. Kaya hindi ako nag paalam at umalis ng hospital." Sagot nito pumikit ako para maka singhap ng maraming hangin na agad ko namang binuga. "Saan mo nakuha yang suot mo?" Tanong ko ng nakitang na pang nurse ang suot niyang damit. " Sa nurse na nabangga ko ng paalis ako ng hospital?" Yumuko siya at pinag laruan ang mga daliri na kong wari ay parang batang pinapagalitan. "Ano? Pano? Binigyan ka ng damit ng nurse?" Tanong ko pero nandoon parin ang irita. Umiling siya at lalong yumuko. Lumonok pa ito bago sumagot " Kinuha ko sa kaniya ng sapilitan." Sagot niya na pinanlaki ng mata ko." Sorry na! Balak ko naman siyang pakawalan doon sa storage pag nakabalik nako." Mas lalong lumaki ang mata ko at parang gusto ko nang batukan ang lalaking nasa harap ko sa mga panahong ito. Kung hindi lang talaga ito naka confine e. " Ano!" Sigaw ko kaya napa angat siya ng ulo at halatang nagulat sa sariling sinabi. "I didn't mean to hurt anyone. Okay." Umiling ako sa sinabi niya. "At talagang sinaktan mo pa siya?" "No." Dipensa nito. "I mean.. I... I did, I just let him sleep. He... He looks tired and I need his uniform." At gumawa pa siya ng palusot huh. Babatukan ko na sana siya ng nag ring ang cellphone ni Cloud. " Hello." Sagot nito na ikinalingon namin ni Miko. "Yes po. Nasabi ko na po kay ate, at nandito po ngayun si kuya Miko." Sabi nito kaya alam ko ng si tita belle ang tumawag. Binigay ni Cloud ang cellphone kay Miko. Kinuha nito at tumayo. "Yes, mom?" Nakita ko kong paano nilayo ni Miko ang cellphone sa kaniyang tenga at rinig ko pa ang sigaw ni tita. "Mom, just let me explain." Nakita kong tapos na si Pao-pao na mag linis at siya na mismo ang nagtapos ng hinuhugasan kong nga plato nakina.. "Okay po ." Pinatay ni Miko ang tawag at binigay kay Cloud ang cellphone nito. Bumuntong hininga ni Cloud tinapik niya ang balikat ni Miko. "Good luck kuya." Sabi nito sabay tingin sakin at saka pumasok na sa kwarto na parang takot na madamay sa gulo. Nginitian ako ng nakakaluka ni Miko kaya masama ko siyang tinignan. Tinaasan ko pa siya ng kilay kaya yumuko ito pabalik sa pinag uupuan niya kanina. Tapos nang maghugas ng plato si Pao-pao at pinatulog kona siya sa kwarto ni Cloud. Hindi na ako pumayag na sa baba siya matulog ulit mabuti nalang at sinunud niya ang sinabi ko. Naka upo ako katabi ni Miko. Nasa kandungan ko ang laptop at nag hahanap ng mga pweding bilhin dito sa online shop. Ng naramdaman kong hindi umiimik ang nasa tabi ko ay napaangat na ako ang tingin sa kaniya at nakita ko siyang naka tingin diretso sa kwarto ni Rain. Biglang may kong anong dumaan na sakit sa puso ko ng nakita ko ang mata niya. "Sorry. " Sabi niya at tinignan ako sa mata nginitian ko lang siya at saka binatukan sa ulo. "Sa mommy mo kamu ka humingi ng tawad. Pinag alala mo sila ng husto." Inis kong sabi at hinarap ulit ang laptop alam ko naman kong ano ang gusto niyang ihingi ng paunanhin pero binipigilan ko lang dahil baka maiyak nanaman ako. "I mean--" "Hindi mo kasalanan." Biglang sagot ko kaya napa pigil siya sa pagsasalita at nilingon ko siya. "Naiiyak kaba?" Tanong ko ng nakita ang namumuong tubig sa kaniyang mga mata. "Hindi no." Pag de-deny niya pero huli na ang lahat dahil pumatak na ito. "Sus.. magde-deny pa. Ayan na oh.. saksi ako kong pano tumulo yan." Sabi ko sabay turo at pa tawang hinarap ang mukha niya sa mukha ko. Pinipigilan ko lang ang umiyak dahil hindi ko gustong umiyak na malapit sa pinto ni Rain. " Yeah, I miss her.. I miss Rain. She is like a sister to me too. She's very important to me Summer. Your family is my first priority you know that." Sabi nito na ikina init ng puso ko. " I know. But can you please forget what happened to Rain? Hindi mo kasalanan yun." Sabi ko habang tinitignan ko siya sa kaniyang mata. "I'm so sorry. It's all my fault. Sana hindi ko nalang sinabi kay Rain. Sana nong nalaman kong na hospital ka that day I shouldn't told Rain." Umiling ako sa harap niya. " No its not your fault." All I know right now is to comfort Miko. Ng nakita kong pumatak ulit ang luha ni Miko ay wala akong nagawa kodi ilagay ang laptop sa lamesa at yakapin siya. "Hindi mo nga kasalanan Miko. Gusto mo bang mabatukan ulit?" Sabi ko na may halong biro. Natawa naman si Miko sa sinabi ko at niyakap ako pabalik. Pumikit ako habang yakap si Miko Hmmm.. So comfortable.. Miko is the best friend.. I can tell that. Napangiti ako dahil alam kong hindi na umiiyak si Miko. Alam kong tumahan na ito. Minulat ko ang mata at una kong nakita ang taong matagal ko nang hinihintay. its Van! Oh God... Bigla akong napatayo at nabigla si Miko sa ginawa ko tinignan ko si Van na malalim ang mga mata at galit na galit naka awang pa ang mga magagandang labi nito. "Van." Tawag ko sa pangalan niya pero hindi ito kumikibo. Tumayo si Miko sa tabi ko ng nakita niya ng reaction ni Van ay hinila ako nito na parang takot na mahawakan ako ni Van.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD