chapter 21

2233 Words
Chapter 21 "Nako tita wag na po." Di-pagsang ayon ko sa mommy ni Miko. Panu ba naman kasi maglalagay daw sila ng CCTV dito sa shop malaking gastos din yun alam kong wala lang sa kanila ang ganung pera pero ayoko ko parin dahil nakakahiya. " Summer, anak. Pumayag kana.. at... at baka hindi na aalis dito sa bahay mo yang anak ko. " Sabi ni tito kaya napa tingin ako sa naka higang si Miko sa sofa. Paniguradong hindi nga yun aalis dito. "Sorry po ." Nahihiya akong ngumiti sa Mommy at Daddy ni Miko feeling ko kasi ako ang may kasalanan kong bakit siwail ang anak nila. "Don't be hija. Im so glad na isa ka sa nga naging matalik na 'kaibigan' ni Miko." Sabi nito pero parang ba hindi pa siya sigurado sa pagkakasambit ng salitang ‘kaibigan’ Nag tinginan pa ang mga ito at saka may mga pagtatakang ngiti sa mga labi. Kaya peke rin akong ngumiti sa kanila. "Miko! You'll pay for what you have done." Alam ko na kong ano ang ibig sabihin non. "Yes, Dad. I know" nagsasalita ito habang naka pikit ang mga mata. " Miko. Kailangan mo nang bumalik ng hospital para makapag pahinga ka." Sabi ko at bahagyang inuyog ang balikat nito nakakahiya kasi sa doctor at dalawang nurse na nandito. Minulat niya ang kaniyang nga mata saka tumingala sakin na nakakunot ang noo. "Pina paalis moko?" Tanong niya na parang ikinatuwa pa ng mommy niya. Lumunok ako at sinamaan siya ng tingin. "Hindi naman sa ganon. Kailangan mo na kasing magpahinga ng maayos. " Nahihiya na talaga ako sa mga magulang ni Miko. " I'm more than comfortable here. Kaya makakapag pahinga ako dito ng maayos." Sagot nito habang inaayos ang sarili sa maliit na sofa. What a liar paano siya magiging maayos diyan kong hindi kasya ang katawan niya sa sofa. Sa laking lalaki ba naman ni Miko. Nag buntong hininga ang daddy niya habang si tita naman ay naka ngiting tumutingin sa anak. " Summer anak, pasinsiya kana nag mana kasi sa daddy niya yang anak ko." Then she giggles. Matanda na si tita Belle pero ang ganda ganda niya parin. "Anong nag mana sakin? Hindi ako ganyang katigas ng ulo." Natawa si tita sa sinabi tito Jake. " Talaga lang hah? " "Ma'am pasinsya na po pero kailangan na po nating umalis. Also I have a very important meeting. " Ang babaeng doctor na mismo ang nag salita. Halos 20 minute akong nahirapan paalisin si Miko. Kong hindi ko pa sinabi na mag lalagay ako ng CCTV hanggang dito sa loob ng bahay ay hindi pa iyon umalis. Halong 12 am na nong umalis sila ni Miko at pag alis nila ang siyang paglabas ng dalawang daga sa kwarto. "Ano?!" Matapang kong tanong. alam ko kasing makiki chismis ang mga ito. Mag sasalita sana si Cloud nang pinigilan ko. "Matulog na kayo may klasi kapa bukas Cloud." Agad akong nag tungo ng kwarto. Hinubad ko ang jacket at humiga ng kama ng bigla kong naalala ang nangyari kanina. Hindi ko man lang nasabi kay Van ang mga gusto kong sabihin. Nang nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay ay marahan lang niyang kinuha ang kaniyang kamay at umalis ng walang paalam. Agad naman akong dinalo ni Miko pero hindi naka bawas ng sakit ang yakap na iyon sakin. Mahina akong umiyak dito sa unan ko. How i wish na si Van ang yakap ko ngayun, how I wish na mas maaga siyang dumating, how I wish na hindi siya umalis at ng naka pagpaliwanag ako sa mga nangyari. Halos mag uumaga ulit ng makatulog ako simula nong hindi na ako nag trabaho ay parati na akong inuumaga kong matulog. Meron pang pagkakataon na hindi na ako natulog dahil sa sakit ng dibdib ko ay hindi ako maka hinga pag naka higa. Ilang araw na din na si Pao-pao ang nag hahain ng pang almusal at kong minsan ay pananghalian na ako kong gumising. Nitong mga nakaraang araw lang nong hinihintay ko si Van ay parati 8 o di kaya 9 am ako magising. Nagising ako ngayun ng nine am. Kumuha ako ng mga pampalit nilagay ko sa balika ko yung mga damit at pati yong mga underwear ko at hinawakan ko lang ang pampunas saka lumabas para maka punta na agad ng banyo. Inaantok pa akong lumabas ng kwarto at agad kong napansin ang dalawang taon may kong anong nilalagay sa ibabaw ng TV malamang sila ni Pao-pao at Cloud lang iyon. kinukusot ko ang mata habang matamlay na naglalakad patungong banyo. "Good morning sleepyhead." Napa talon ako sa gulat ng marinig ang boses na nanggaling sa kusina. It's Miko bakit nandito to? Diba nasa hospital pato? Tinignan ko siya ng masama pero nanlaki ang mata niya at agad akong nilapitan. Kinuha ang tuwalyang nasa kamay ko at nilagay doon sa balikat ko. Nabigla pa ako ng tinulak niya ako sa banyo kaya hindi na ako nakapag salita nong sinira niya ng mabilis ang pinto ng banyo. "Bumaba muna kayu." Rinig kong sabi niya Napatakit ako ng bibig ng maalalang meron palang mag e-install ng CCTV ngayun dito sa bahay. Posible kayang? Kinuha ko ang tuwalyang nilagay ni Miko sa balikat ko at kitang kita doon ang pink kong b*a na naka sabit. Dinalian ko yung pag ligo. At nang pag labas ko ay nag iwas nang tingin si Miko. Kaya ganun din ako nakita niya ang b*a ko kaya alam niya ngayun ang gamit ko. S**t nakakahiya na talaga. "Bakit nandito ka? Pwedi kana bang lumabas ng hospital?" Tanong ko para maiwasan ang awkwardness sa paligid. "Nag discharge ako sa hospital kanina." Simpleng sagot nito. "Ano?!" Inis kong tanong "Nagpa discharge kasi ako at isa pa pinaalis ako doon." Ang galing umarting malukot itong mukong to. Hindi pa niya sabihin ay alam ko ng may kinalaman ito sa nurse na hinubaran niya ng damit. Ngingiti-ngiti siya sa harap ko na parang walang may nang yari ang kapal talaga. "Ito." Kumunot ang noo ko sa binigay niya. "Wag na! Bibili rin naman ako mamaya." Sagot ko at tinanggihan ang cellphone na bigay niya. Hindi niya ako nitantanan sa kakatitig hanggang sa inirapan ko siya kaya tumawa ito. "Kukunin mo to o kukunin mo?" Napa taas ang dalawang kilay ko sa tanong niya. "Anog klasing tanong yan Miko?" Inirapan ko siya at saka nag tungo ng kwarto kailangan kong mag ayos para maka pagbantay na at baka bumalik ulit si Van. Nang lumabas ako ay mukhang nakangiting si Miko agad ang nag salubong sakin. Nandoon na ulit ang mga taong nag e-install. Kanina nong inabot ni Miko ang cellphone ay may kahon pa ito ngayun ay cellphone nalang at naka open pa. "Nandiyan na ang numero ko kaya pag kailangan mo o nami-miss mo ako ay madali mo akong matawagan. " Napa ngiwi ako sa sinabi ni Miko seryoso itong ang mukha habang nagsasalita pero halatang nagbibiro ang boses. "Asa." Sabi ko at kinuha ang cellphone na bigay niya ang kulit talaga itong baliw kong kaibigan. Nagtatawanan kami habang bumababa ng nakita ko sa labas si Arthur at kakapasok palang nito sa sasakyan niya napatingin ako kay Cloud at galit itong nakatingin sa labas. " Is that Arthur?" Tanong ni Miko na tinanguan ko nalang. "Kuya Miko, pwedi mo bang patumbahin yung isang yun?" Tanong ni Cloud na hindi inaalis ang masamang tingin sa labas kahit wala na doon ang sasakyan ni Arthur. Natatawa pero naiiritang tumawa si Miko. "It's up to your sister Cloud. Alam naman nating hindi na babalik yang si Summer doon, diba." Sabi nito pero merong pang aasar sa boses. "I know but I hate it so much. Like duh." Nag mukhang pangbabae ang boses ni Pao-pao na ikinagulat namin at sabay na tumawa. Ginaya kasi ang boses ni Rain na tiyak kong nandito iyon ngayun ay iyon ang sasabihin niya. Nag tatawanan kaming apat ng biglang bumababa ang nag e-install nalimutan naming nandoon pala sa taas ang mga nag e-install. Nag titimpla ako ng juice na maiinom nila at nilagyan ko ang mga tinapay na may palaman. At doon na namin binalak na mag meryenda sa baba total ay may mga upuan at lamesa naman na doon. Natapos namin silang pakainin ay umalis na ang mga ito mabait sila at ang gaan nilang kausap. "1 pm ang klasi mo ngayun hindi ba?" Tanong ko kay Cloud. " Upo ate bakit?" Tinignan ko ang orasan at 12:30 na ng tanghali. Alam kong sinundan ni Cloud kong saan ako tumitingin " s**t*." Tinignan ko ng masama si Cloud na ikina tawa niya ito at mabilis na umakyat sa taas. "Kailan mo balak na lumipat?" Tanong ni Miko ng umalis si Pao-pao para bumili ng tinapay. Sa totoo lang mukhang ayaw na kaming makita nitong si Miko. Ilang beses na niya iyan tinanong at parang hindi pa nagsasawa sa sagot ko. Tinignan ko si Miko pero seryoso itong nakatingin sakin. "Pag naging maayos na kami ni Van yun ang sabi ni Cloud." " Panu pag hindi na kayu babalik sa dati." Hinanap ko sa mukha ni Miko ang katagang biro pero wala akong nakita. Halos hindi na ito kumukurap habang naka tingin sakin. "I guess we just going to leave without him knowing it." Sabi ko na malungkot ang boses. "Pero mahal ako ni Van, Miko nararamdaman ko yon. At mahal ko rin siya mahal na mahal." Sabi ko na hindi rin kumukurap. Natawa pa ako ng umiwas siya ng tingin. Tumayo si Miko kinulong niya ang ulo ko sa siko nito at ginulo pa ang buhok kong kay hirap suklahin. "Ang loyal mo talagang pangit ka." Nabigla ako sa sinabi niya may lungkot sa boses na iyon. Pero ang iniisip ko lang sa mga panahong iyon ay makatakas sa kaniya. "Ano ba Miko bitawan moko." Sigaw ko. nakita kong bumababa si Cloud at nakita niya kami ni Miko. "Cloud tulong." Halos mag makaawa na ako kay Cloud para tulongan ako. Pero Tinawanan lang ako nito at nag paalam. Walang kwenta. "Hindi kapa ba aalis?" Tanong ko ng nasulyapan kong nakaupo parin sa couch si Miko. Umiling lang ito ay tutuk na tutuk sa cellphone niya. Nilapitan ko ito dahil parang seryoso siya kanina pa at may pinag aabalahan sa cellphone. Sinilip ko ang ginagawa niya ng nakita ay malakas ko siyang binatukan. "ARAY mapanakit mo naman tao. Kaka discharge ko palang sa hospital Summer." Inirapan ko lang siya at ng tignan niya ang ginagawa ay may nakalagay na doong na ‘play again’ "Tignan mo namatay tuloy ako." Sinisi pa talaga ako ng mukong to. "Piano tiles lang yan Miko. At kong hindi mo gustong patayin kita ngayun dito din mismo ay umalis kana. Kailangan mo pang magpahinga! Nababaliw kana ba? Hindi kapa dapat umaalis ng hospital dahil hindi kapa magaling, at tignan mo nandito ka at nag lalaro ng mga ganyan." Napasigaw na ako kaka sermon sa kaniya . Sa halip na tumayo ay nginisihan lang ako nito. " Nag download din ako diyan sa cellphone mo Summer tignan mo. Masaya pala ang maglaro ng mga ganito." Halos umakyat na ang lahat ng dugo ko dahil sa sinabi ni Miko. "Alis!" Sabi ko sabay turo ng pinto. Tumayo ito habang nakabusangot at kumakamot ng batok. Naglakad siya pero wala pa sa kalahati ang nilakad niya bago makalabas ay tumingin ulit ito saakin. "Eto na aalis na ako, hindi mo man lang ba ako pipigilan katulad ng ginawa mo kay Van." Umarting malungkot ang mukha niya. At bigla akong natigilan sa sinabi niya. "Nag iba ka na talaga nag bago kana..." Nasaktan ako sa sinabi niya kahit alam kong nag bibiro lang siya. Noon kasi siya ang tinatakbuhan ko sa lahat ng oras pero ngayun si Van na ang hinahanap ko. "...Hindi mona ako love." Malungkot nitong sambit napatawa ako sa huli niyang sinabi. "Hoy Miko. Para lang ipaalala ko sayo buto lang ang nabali diyan sa katawan mo dahil sa aksidente at hindi nadamay yang utak mo." Pa tawa tawa kong sabi para kasing nag isip bata bigla ito. " Anong connect?" Tinignan ko siya ng masama sa sinabi " Ang connect ay yun ang umalis kana! Alis!" Pagtataboy ko sa kaniya kailangan niyang magpahinga kaya dapat ay umuwi nasiya. "Paano si Loyd?" Biglang tanong niya "baka pumunta yun dito." Pag alala niya. "Hindi ako kilala non. Umuwi kana. Tiyakin mong uminum ka ng gamot naiintindihan mo?" Sabi ko tumango at umalis lang siya kaya napatanag ako. Maya't-maya ay dumating si Pao-pao. "Pasinsiya kana ate si Aling Terisita kasi." Napakamot ito ng ulo habang nag lalakad sa kinaroroonan ko. "Bakit?" Nilabas niya ang mga tinapay na binili. Tiyak kong tinawag nanaman siya ni Aling Terisita habang pauwi. "Tinanong ako kong bakit daw maraming sasakyan kagabi dito saka may ambulance pa daw." Sabi nito natawa nalang ako. Si Aling Terisita talaga. "Anong sinabi mo?" "Sabi ko ay indi ko alam dahil tulog ako kagabi. Tapos sa kabilang kanto daw yung bagong lipat doon sa haunted house. Kwenento niya sakin na may narinig daw siyang babaeng umiiyak doon habang pa tingin tingin siya dito sa bahay." "Guni guni lang iyon Pao-pao wag kag maniwala. Sa kaka chismis lang iyon ni Aling Terisita kaya nakakarinig siya ng mga ganon." Napa iling si Pao-pao at halata naman hindi naniniwala. Hinanap niya si Miko sinabi kong umuwi na at nag pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD