Chapter 3
10:11 pm, nag hihintay ako ng jeep. Sa ganitong oras may mga jeep pa namang bumabyahe. Alam ko na delikadong sumakay ng jeep pag gabi pero hindi naman kasi ako magastos na tao, mas gusto ko yung mag ipon kaysa mag taxi na hundred ang babayaran ko, samantalang yung jeep kinse pesos lang makakauwi na ako. Ano pa ang silbi ng self defense kong pinagaralan noon kung hindi ko naman pala magagamit.
Nagpalinga-linga ako ng tingin habang nag babantay ng jeep. Marami kami dito na nag babantay kaya hindi naman ako nabahala. Patingin-tingin din ako sa relo ko sa kamay, nag mamadali kasi ako. Kailangan kong umuwi kaagad, kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Cloud.
Nang makarating ang jeep hindi kona kailangan pang pumara, kusa na itong huminto sa tapat ko. Agad na nag unahan kami ng mga taong naghihintay para makasakay. Mabuti nalang sanay na ako kaya naka sakay ako agad.
Kakaandar pa lang ng sinasakyan kong jeep nang tumunog ang cellphone ko, sinagot ko agad ang tawag ng nakita ko ang naka rehistrong pangalan ng tumatawag dahil si-nave kona ang number niya.
"Hello?" Sagot ko, bahagya pa akong yumoko para sumagot. Nasa gitna kasi ako ng mga naglalakihang mga lalaki nakaupo.
"Bumaba ka." malamig na utos nito at napa kunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Huh?!" Tanong ko dito na may kasamang inis.
"Get the f****ng down there kung hindi mo gusto na mabangga yang sinasakyan mo, Summer!" Pagalit na sigaw nito.
"Pwede ba, Van! Nagmamadali ako." sabi ko dito ng biglang nahulog ang cellphone ko dahil biglang nagpreno ang sinasakyan kong jeep, mabuti nalang nakahawak ako sa steel bar ng jeep, agad ko naman nakita kung saan nahulog ang cellphone, kinuha ko 'yun.
"Ano ba kuya! Mag dahan-dahan naman po kayo!" Pagalit na sigaw ng dalaga na nasa harap ko.
"Pasensya na ho kayo, may sumulpot kasi bigla na sasakyan sa daan, Miss." mahinahong sagot nito sa babae.
Nang tignan ko ito, laking gulat ko na si Van ang bumaba sa nakaharang na kotse sa jeep na sinasakyan ko. Galit ang mukha nito na nakatitig sa jeep, pumunta ito sa labasan ng jeep hinawakan ako nito at hinila pababa, kung bakit ba kasi andito ako sa bandang babaan nakaupo, nagulat ako sa ginawa nya. Hindi pa man ako tuluyan nakababa nang biglang hinawakan ng isang lalaki ang pulsuhan ko 'yung katabi ko kanina sa kaliwa.
"Pare, may problema ba?" Tanong nito kay Van.
Napatingin si Van sa pulsuhan ko kung saan nakahawak ang lalaki. Hindi ko mawari kung ano ba ang iniisip niya dahil maliban sa galit at poker face nitong mukha, eh wala na akong makitang ibang emotion nito. Mula sa kamay ng lalaki, nagtungo ang mata nito sa mukha at nakita ko na mas lalo itong nagalit kaya agad kong kinuha ang kamay ko na hawak nilang dalawa.
"Van, ano ba?!" Sigaw ko dito, tinulak ko siya at bumaba ako dahil nakakaistorbo na ako sa ibang pasahero. Nakita ko pa na nakatingin sakin ang lalaking humawak ng pulsuhan ko kanina, nag tungo ako sa driver at binigay ang pamasahe.
"Kuya, pasensya na po." Sabi ko dito na may hiya sa boses, tumango lang ito at matapos kunin ang pera ko ay umandar na ang jeep at nag patuloy sapag alis. Sinundan ko pa ng tingin ang jeep na sinakyan ko kanina, naghihinayang kasi kailangan ko na talaga makauwi para makausap si Cloud.
Nakatingin ako sa jeep ng hinala niya ako, dinala ako ni Van sa sasakyan niya at binuksan niya ang pinto at pwersahang pinaupo ako, at pabagsak na sinara ang pinto. Hindi ako nakapagsalita sa bilis ng pangyayari.
Nang makapasok na sa sasakyan si Van, doon palang lumabas ang boses ko.
"What do you think you're doing?" Panimula ko dito.
"Sinabi ko naman sayo na nag mamadali ako diba!" Pagalit kong sabi.
"Sabi mo kanina 10 pm magkikita tayo diba?" Sabi nito habang pinapaandar ang sasakyan niya.
"Van, nagkita na tayo sa restaurant kanina!" Galit kong sagot dito.
"We didn't talk enough, Summer!" Pasigaw nitong sabi at siya pa talaga ang may lakas ng loob para magalit ngayon, eh siya nga 'to yung dahilan kong bakit hindi ako makakauwi ngayon ng maaga sa bahay.
"Excuse me Mister, F.Y.I hindi po ako isang kaladkaring babae. Kung nangangati yang ari mo, maghanap ka ng ibang makausap dahil hindi ako interesado at yung kalahating milyon mababayaran ko yun, bigyan mo lang ako ng sapat na oras." Sabi ko dito na lumalaki ang mata habang naka taas ang isang kilay.
"Sa totoo nga lang wala akong utang sayo eh yung lalaking, sino yun?..." Sabi ko na bahagya pang lumiit ang mata at nasa mukha ang nag iisip.
“Ahh... 'si Kerson." Sabi ko sabay turo sa nagmamanehong si Van.
"Siya 'yon! Siya yung may utang sayo, dahil sya ang bumasag ng sasakyan mo." Sabi ko.
"Teka, bakit iba ang sasakyan mo? Hindi ba sasakyan ni Miko 'to?" Sabi ko dito na may paghihinala sa mukha ko.
"Kung nakabili ka ng sasakyan na naghahalaga ng 28million dollar, it means..." Sabay turo sa labas, kahit wala naman do'n ang sasakyan niya.
"Marami kang pera pero bakit
nanghihiram ka pa ng sasakyan kay Miko?" Sabi ko dito. Nakita ko ang inis sa kanyang mukha pero binaliwala ko lang ito.
“Sabi ni Miko kanina, pupunta talaga siya sa bahay. So alam mong pupunta siya sa bahay namin, imposible naman yung wala kang alam! Pero bakit sumama kapa?!" May inis sa boses ko.
"Tapos ikaw pa 'tong galit kanina dahil natagalan si Miko sa bahay at na late or whatever ka sa pupunta-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ng bigla niyang hinampas ang manibela.
"Woman, can you please shut up?! You're too loud, you should shut that filthy mouth of yours?!" Nainsulto ako don ah, walang hiya talagang lalaki.
"Edi pababain mo 'ko. Saan mo ba ako dadalhin?!" Inis kong sabi dito, pinagcross kopa ang kamay ko.
"Your seatbelt." Utos nito inirapan ko lang siya at tumingin sa labas nabigla ako ng bigla siyang huminto at... At..
Bahagya niya akong hinila sa kamay ng lingunin ko siya sinakop ng labi niya ang mga labi ko. Namilog ang mata ko at napalunok ako ng wala sa oras, nawalan ako ng lakas para itulak siya nang igalaw niya ang labi niya, naka mulat parin ang mga mata ko. Napa kurap ako ng tatlong beses ng ilayo niya ang labi niya sakin.
Yung first kiss ko!
"Next time sumunod ka sa utos ko, naintindihan mo?" Mahina nitong sambit. Natulala ako sa ginawa nya.
Nagulat pa ako ng muli niya akong hinalikan labi.
"And that is for you to shut up." Sabi nito habang nanlaki ang mga mata ko. Sasampalin ko sana siya ng bigla niyang sinalo ang kamay ko at mabilis na hinubad ang seatbelt niya. At hinalikan niya ako ulit, ito ang halik na hindi ko mawari, ang sakit kasi sa labi. Pilit niyang binubuksan ang labi ko gamit ng dila niya pero hindi ako kumikilos kaya kinagat niya ang gilid ng labi ko kaya nagising ako sa realidad.
"Ah-!" Sisigaw sana ako pero mabilis niyang ipinasok ang dila niya sa bibig ko, itutulak ko sana siya nang pinigilan ng malaya niyang kamay ang isa ko pang kamay. Pinaibabaw niya ang dalawa kong kamay, ngayon ay nasa likod na ng ulo ko na nakapatong sa ibabaw ng sandalan ng upuan.
Napansin ko na ang kaninang masakit na paghalik niya ay naging malambot na sa bibig ko. Sa hindi ko ma waring dahilan, naibalik ko sa kaniya ang halik ng hindi namamalayan, napapikit din ang mga mata ko. Hindi ako easy to get pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito nalang ang katawan ko sa kaniya, eh ilang beses pa lang naman kami nag kita. Binitiwan niya ang kamay ko na agad namang nagtungo sa ibabaw ng balikat niya pababa sa dibdib nito.
Ang kamay niyang kanina nakahawak sa 'kin ay nagtungo sa dibdib ko bahagya niyang hinimas ito, may naramdaman akong hindi familiar pero nagustohan ko kung pano niya itong hawakan.
"Mmmp..." Pagpipigil ko nang ungol.
Sa gitna ng paghahalikan namin nang pareho kaming nagulat sa pag-ring ng cellphone ko, agad ko siyang itinulak. Siya man ay nagulat din sa aking biglaang nagawa, napaupo siya ng tuwid sa kinauupuan niya. Hinanap ko ang cellphone ko sa bag na agad ko ring nakita. In my peripheral vision, nakita ko si Van na natigilan din ng mga limang segundo pagkatapos ay pinaandar niya na ang sasakyan.
"Ate, anong oras ka uuwi? Andito si Kuya Miko sa bahay." Sabi ni Cloud sa kabilang linya.
"Pa-pauwi na ako." Sabi ko dito ginawa ko ang lahat para hindi ma utal pero nabigo akong gawin ito.
"Sige, Ate... Ahh, ate parang hindi ka pa naman nakasakay." Sabi nito na may kasamang mahinang tawa.
“Uhm, Ate, alam mo ba na super ganda mo?" Sabi pa nito.
“Magpapabili ka ng cheese, 'no?” Tanong ko dito, alam ko na ang mga techniques niya.
"Oo. Thank you, thank you, Ate. Love you!" Mabilis nitong sambit at pinatay agad ang cellphone.
Nahihiya akong magpahatid kay Van, nahihiya rin akong kumausap dito ni hindi ko siya matignan. Ba't ba kasi ang landi ko. Ba't hindi ko napigilan ang sarili ko. Bakit ako tumugon don.
"I'll take you home." Sabi nito at tanging tango nalang ang nagawa ko. Sinubukan ko naman kasi mag salita pero walang lumalabas sa bibig ko. Nakayuko ako at sa kuko ko nakabaling ang aking paningin, ramdam ko ang titig ni Van sakin kaya naiilang ako kahit di ako nakatingin dito. 'Yon lang ang huling sinabi ni Van at ang huling salita sa loob ng mahabang byahe.
Nang makauwi ako hindi na ako naka pag thank you sa kanya, bumaba ako ng sasakyan kahit nga sulyapan siya ng tingin eh hindi ko magawa.
"By the-" Sabi ni Van na hindi na tuloy.
May sasabihin pa sana ito kaso hindi ko na siya pinatuloy sa pagsalita, isinara ko na agad ang pinto dahil hindi ko kaya na kausapin siya. Nahihiya ako sa ginawa ko bakit ba kasi hinawakan ko siya sa dibdib, ramdam ko ang tigas ng dibdib niya kahit ng makababa ako ng sasakyan eh naiwan parin sa kamay ko ang pakiramdam na 'yon. Kaya dahil sa hiya, hindi ko siya magawang tignan man lamang o mapa thank you.
Papasok na ako sa maliit na pinto dito sa store. Ang bahay kasi namin, ang buong ilalim nito ay store at sa ibabaw kami ng mga kapatid ko nakatira, kaya bago pumasok bahay ay sa store ka muna dadaan. Nang makarating ako sa taas ando'n sila lahat nanonood ng tv, si Miko agad ang napansin ko na masama ang tingin sa 'kin. Bakit ganito ang tingin nito sakin, bakit kinakabahan ako sa tingin niya.
"Ate, yung cheese ko?" Tanong ni Cloud.
Napatingin ako kay Cloud dahil sa pagsasalita nito, ngumiti ako sa kanya.
"Sorry, Cloud. Bukas na lang kita bibilhan." Sabi ko dito, nalukot ang magandang mukha ng kapatid ko.
"Kuya Miko, aalis kana?" Tanong ni Rain, nang tumayo si Miko.
"Kailangan ko lang makausap ang Ate niyo." Sabi nito sabay ngiti kay Rain.
"Mali ang iniisip mo, Miko." Sabi ko dito pagkatapos ako nitong pagalitan dahil sa kaibigan nitong si Van.
"Nakita kita na bumaba sa sasakyan ni Van. Summer I'm just worried that you might get hurt because of him." may pagalala sa mukha.
"Kilala ko si Van, mabuting tao 'yon pero meron siyang ugali na hindi ko gusto. Lalo na ngayon na mukhang may gusto siya sayo, hindi ako nangingialam sa pag ibig mo noon Summer pero ngayon, pasensyahan nalang tayo kasi hindi ako papayag kay Van." Sabi niya.
Nakaupo kami sa store at nandoon silang tatlo sa taas nanonood parin ng tv.
"Grabe ka naman kung makapagsabi ka parang may gusto ako sa lalaking yun. Asa ka, at asa siya." Umirap ako at umiwas sa may panghihinalang mukha ni Miko.
Isang linggo na ang nakakalipas nang nag halikan kami ni Van sa sasakyan niya. Naiinis ako dahil hindi lang man ito nag pakita o di kaya tumawag matapos ng pangyayaring iyon. Hindi naman sa umaasa ako pero hindi ito ang ine-expect kong mangyari, I mean pagkatapos niyang gawin sakin iyon eh hindi na niya ako kikibuin, ano ako? Isang bayarang babae. Pagkatapos niyang maka score eh babalewalain nalang ako.
Naiinis man eh kailangan ko siyang tawagan, meron na akong 50,000 na ipon sa isang linggo. Hindi ko agad-agad maiipon ang perang gusto niya, dahil sa marami akong kailangan bilhin dito sa bahay at kailangan kong mag stock ng pagkain, maliban don eh yung pamasahe pa ng mga kapatid ko at baon nito sa pang araw araw. Hindi na din ako kumakain sa labas at nag babaon nalang para makaipon ako ng marami.
"He-hello?" Pagkatapos nang apat na ring ay sinagot niya ang tawag ko, hindi ko man gustong mautal, eh hindi ko kinaya.
"What took you so long to call me?" Sagot nito sa kabilang linya
"Meron na akong unang pambayad sayo." Mahina kong sambit dahil sa hiya kalahating million ang utang ko dito pero 50,000 lang ang kaya kong bayaran sa ngayon.
"No! I said I won't take your money." Sabi nito na nagpakulo ng dugo ko.
"Please naman oh... Alam mo ba kung anong hirap ang ginawa ko para maka ipon ng pera para mabayaran kita, tapos ito at pinapahirapan mo pa ako?!" Galit kong sabi.
Break time ngayon kaya nakakatawag ako sa kaniya, mamayang mga 1:30pm pa ang pasok ko. 12:30pm kanina ako nag break isang oras lang ang break time ko. Ka ka 1pm pa lang at tapos na din akong kumain.
"Fine! I'll text you-" hindi ko sya pinatapos sa sasabihin
"No! Ako ang magbibigay sayo ng address." Sabi ko. natakot ako baka kong ano pa ang gawin niya sa 'kin kaya pinagplanuhan ko na ito ng maigi na dapat ako ang mag bibigay ng address.
Nang makarating ako kung saan kami magkikita, ay nandoon na si Van. Pagpasok ko pa lang ng resto, nag salubong na agad ang mga mata namin bumilis ang t***k ng puso ko at kumakalam din ang tiyan ko. Nararamdaman ko yung tiyan ko na parang may gumagalaw sa loob sa sobrang kaba, nakatitig sa 'kin ang maganda nitong mga mata, pero iba ang tingin niya' parang gusto ako nitong sunggaban. Nang makaupo na ako sa harap niya nakita ko ang juice malapit sakin, at may kape naman sa kanya.
"Gabi na ah, magkakape ka pa?" Tanong ko, heaven knows how much I control myself not to stutter. I even tightly squeezed my hands for that.
"I still have a lot of important things to finish this night, so I need it.".
God, Summer... Why are you so fascinated by his voice?
"Ahh..." Sagot ko nalang, sabay labas ng maliit na envelope mula sa bag ko. Nilagyan ko na ng envelope para mag mukhang presentable naman. Kailangan kong madaliin 'to baka ano pa ang mangyari kung matagalan kaming magkasama.
"Ayan." Tinuro ko pa ang envelope , kumunot ang noo niya.
"Really? You will really pay me with that money?" Sabi nito. Pinipigilan ko ang mamula dahil sa mahina pero malalim na boses niya. napapikit ako para bahagyang sawayin ang nasa isip.
"Yes.!" Sabi ko sabay dilat. Tumayo na ako para umalis na, baka kasi kung ano pa magawa ko sa kagwapohan niya. Noon napansin ko na talaga ang gwapo niyang itsura pero iba ang dating nito sakin ngayon. Hindi ko mawari kong ano iyon.
Nakalabas na ako ng restaurant ng biglang may humawak sa bag ko.
"I'll take you home." Sabi niya, sabay hila ng bag ko na agad ko namang binawi.
"Hindi na ma-" Hindi ko natapos ang sasabihin ng magsalita siya.
"I said-" Natigil niya ang kaniyang sasanabi ng mapansin ang reaction ko, nakayuko ako at pilit na tinatago ang takot sa mukha.
"Ayokong sumakay sa sasakyan mo!" Pag amin ko at tumingala para matignan siya sa mata.
"Mag je-jeep na lang ako." Sabi ko pa na walang kahit anong emotion sa mukha, pinilit kong ipakita na hindi ako takot. Hindi ko gusto na isipin niyang natatakot ako sa kanya dahil hindi naman talaga. Natatakot ako para sa kaniya at natatakot ako para sa sarili ko, na baka hindi ko nanaman mapigilan ang sarili at baka ano pa ang magawa kong hindi maganda sa kanya. Sa ganda ng katawan at gandang lalaki nito lahat ng babae makukuha niya kung gugustuhin, kaya ayoko siyang ipahamak at ang sarili ko.
Kaninang umaga noong mga oras na hindi niya ako tinatawagan o kahit text man lang, umiinit ang ulo ko dahil parang ginamit niya lang ako at pagkatapos gamitin eh itatapon na lang. Pero ngayon na nagkita kami nahiya ako sa sarili ko, ang gwapo niyang lalaki, mayaman, halatang galing sa tinitingalang pamilya, idagdag mo pa na matalino siya, kaya napaisip ako kung sino ba talaga sa amin ang nanggamit. Ako ba? O siya?
Napalunok ako habang tumititig sa kaniya, nang hindi na siya nagsalita tumalikod na ako at naglakad papuntang sakayan.
Malungkot akong nakauwi sa bahay, hindi ako napansin ng mga kapatid ko dahil abala ito sa paggawa ng school works, maging si Pao-Pao ay nag-aaral din.
Tahimik akong kumilos sa loob ng bahay wala ako sa mood para mag ingay hindi ko man gustuhin at kahit ang mga hakbang ko ay walang tunog, mukha na akong patay na nag lalakad. Iniisip parin kong tama ba ang desisyon ko?
Siya ang unang nang-akit pero ako ang babae kaya ako dapat ang gumawa ng paraan para sana mapigil ang mangyaring iyon pero wala akong nagawa, at talagang nagustuhan ko pa ang ginawa niya, what's worst is nagpadala ako.
Naalala ko ang nangyari samin pagkatapos ng isang linggo ngayon ko lang ulit naramdaman ang labi niya para bang fresh parin ito sa mga labi ko kahit ang dibdib niya sa kamay ko nararamdaman ko parin. Napangiti ako habang nag lalakad habang iniisip ang nangyari sa sasakyan.
"Ate!" Sigaw ni Pao-Pao, nabigla ako kaya natigilan ako sa paglalakad at pag-iisip ng walang kwentang bagay. Bahagya kong iniling ang aking ulo para maalis ang mga imahing gumugulo sa isip ko.
"A-ah?" Tanong ko dito.
"Ate, anong nangyari sayo? May problema ba?" Tanong ni Cloud na ngayon ay nakatingin na sakin, ang nakababa na sa lamesa ang hawak niyang libro kanina maging si Rain at Pao-Pao na tumawag kanina sakin eh nagtatakang tumititig sakin.
"Wala naman. Bakit?" .
"Kwarto ko kasi 'yang sa harap mo Ate. Kanina pa kita tinatawag, kung hindi sumigaw si Pao-pao eh hindi kapa lumingon sa amin." napakamot ako sa braso, ngumiti at sa kanila
"Pagod lang si Ate." Alam kong hindi kapani-paniwalang dahilan iyon, kahit naman sobrang pagod ko na hindi pa ako ni minsan na lito ng kwarto, napakunot na lang nang noo si Cloud.
"Matulog kana ate. Good night" sabay abot ng libro.
Napangiti ako sa mga kapatid ko na ang sisipag mag-aral, ito ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa buhay dahil sa tatlong ito.
Ulit kong iniling ang ulo ng pumasok nanaman sa utak ko ang nangyari sa amin ni Van sinampal ko ng mahina ang aking sarili.
"Summer, tumigil ka!" Pabulong kong saway sa sarili at pumasok na sa kwarto para maka handa na ako sa pagtulog.