Chapter 2
The alarm went off with my pink bunny alarm clock on the side of the bed. It was 5 am so I got up to cook breakfast for all of us. This is my daily routine, but now I feel like dead while cooking. Panu ba naman kasi 1 am na ako naka tulog kakaisip sa kalahating milyon na yun. Van whoever you are, I curse you!
Nasunog ang itlog na niluluto ko kaya tuluyan akong nagising sa realidad na kailangan ko na talagang maging mabuti sa pusa ni Rain para hindi na ako nakakarma ng ganito. Palagi ko kasing binabatukan yon dahil ang ingay. Pagkatapos kong kunin ang itlog na sunog, nilagay ko ito sa mga itlog na naluto kona, itong itlog na sunog ang huli kaya pinatay ko na yung gasul at pumunta ako sa pagkainan ng pusa at nilagyan siya ng cat food. Unang beses ko itong ginawa sa tanang buhay ko. Ayoko kasi sa mga pusa, okay pa kapag aso basta wag lang sa pusa malilikot kasi sila at ayoko sa mga malilikot. Ewan ko kong normal lang ba ito sa mga pusa pero ang pusa kasi namin sobrang likot.
Hindi kami mayaman, ngunit hindi din mahirap kasi ginagawa ko ang lahat, napapaaral ko ang dalawa kong kapatid na kambal sa magagarang eskwelahan at nabibigay ko ang pangangailangan nila. Maliban sa pag se-sales lady ko sa FERMIE, meron kaming maliit na accessories store sa baba mismo ng bahay namin hindi naman ito lugi at marami kami parating customer pero kailangan ko parin mag trabaho para ma tulungan ang store na mapalago, wala na kaming magulang kaya kailangan kong gumawa ng paraan para maging successful ang negosyo na iniwan ng mga magulang namin sa aming magkakapatid.
"Ate, sabi ni Pao - Pao dadating na daw ang inorder niyang bagong case ng mga cellphone." Sabi ni Cloud.
Si Pao-pao ang taong pinababantay namin sa store, dito nasya nakatira sa amin mula nong 10 years old ito at nag aaral sya sa gabe at sa umaga naman ay trabaho ang inaasikaso. Pinilit ko siya noon na mag day class para mapadali ang pag aaral niya pero umayaw siya sa inalok ko, wala daw may magbabantay ng store, hahanapan ko na sana ito ng bagong tagabantay para maka pag-aral siya ng mabuti kaso ayaw talaga nitong mag day class kaya wala na akong nagawa. Mabuting bata si Pao - Pao, at kaedad lang ito nila Cloud kaya napalapit kami dito lalo na ang kapatid kong lalaki.
"Sige. Tawagin mo na sila at kakain na, Bibigyan ko nalang si Pao-pao mamaya." Sabi ko habang ini-isa isa ang mga pagkain sa mesa, nilagay ko muna ang sunog na itlog sa pinggan, ako ang naka sunog kaya ako ang kakain nito.
Nang matawag na ni Cloud ang dalawa ay nakahain na at nakahanda ang mesa, eto ang araw araw na gawain namin at si Cloud naman parati ang tagatawag sa dalawa, si Pao-pao kasi sa umaga ay nililinis agad nito ang store kahit sabihin kong wag na dahil malinis naman ito pinipilit nya parin itong linisan kasi doon daw siya nagtutulog, ayaw kasi nito matulog na kasama si Cloud, hindi siya sanay na may kasama matulog. Si Rain naman ay tulog parati at tanghali na talaga kung gumising parati pa ito nahuhuli sa klase.
Umupo na sila sa kani kanilang silya, nag dasal muna kami at pagkatapos ay tahimik na kumain, nasanay na ako ng tahimik. Sa sala kami parati'ng kumakain kaya wala ni isa ang nag sasalita habang kumakain, okay naman sakin kong mag usap sila ngunit tuwing kumakain ay sadyang tahimik lang talaga silang tatlo.
Matapos naming kumain ay nag prisinta si Rain na sya daw ang mag huhugas ng pinggan, alam nya na may kasalanan sya kaya ito naging mabait bigla.
Umalis na si Pao-pao at pinuntahan na ang store at binuksan ito, si Cloud naman ay nag liligpit na ng mga libro para sa paghahanda sa pag pasok sa paaralan at si Rain ay nag huhugas ng pinggan, hindi parin ito naka bihis dahil hapon ang pasok niya ngayon kahit naman maaga ang pasok niya ganito parin siya. Naliligo nalang pag male-late na ito sa klase, minsan napapaisip nalang ako na parang baliktad ang ugali nilang dalawa. Siguro nong pinagbubuntis sila ni mama tumalon talon ito kaya nag palitan sila ng brain cells pero imposible naman na mangyari iyon, diba?
Pinagmamasdan ko si Rain habang nag huhugas ng pinggan, nasa gilid nya lang ako kaya naiilang ito at pangiti-ngiti sakin, naka ngiwi akong ngumiti pabalik sa kanya.
“Ikaw na bata ka!" Sabi ko dito, sabay kirot sa hita nyang naka halay sa'kin naka short lang kasi ito.
"Aahh... A-aray... Ate, sorry na." Pasimula nito, bahagya pa niyang pinunas-punas ang hita niya kong saan ko siya kinirot.
"Sorry na, Ate. Promise hindi na mauulit yun." Sabi nito.
"Talagang hindi na mauulit 'yon, 200 nalang ang baon mo." Sabi ko dito para matauhan at hindi na nito gawin ulit yon'. Fourth year college na ito kaya mas kailangan maging mahigpit ako dito kahit ngayong taon lang.
"Ate," May paghihinayang ang boses niya malungkut itong tumingin saakin.
“Ate, promise! Magpapakabait ako at aagahan ko gumising,wag mo lang bawasan ang baon ko." Malungkot pero mabilis nitong tugon.
"Rain ngayong taon kana gra-graduate, please naman umayos kana oh. Kahit hindi ka maging honor student o gagraduate with flying colors, ayos lang, basta maayos lang ang grades mo" Sabi ko sa malungkot na boses.
"Ate, sorry." Umiyak ito bigla sa harapan ko kaya na alarma ako sa pag iyak nito.
"Bakit?" Sabi ko dito na may takot na tinig.
"Ate, hindi kona kaya. Akala ko mahal niya ako, pinaramdam niya sa 'kin na mahalaga ako sa kanya. T-tapos..." Sabi nito hapang umiiyak at napahagulgul ito lalo ng niyakap ko siya.
"Ate niloko niya ako, gi-ginawa nya akong uto-uto." Utal utal na sabi nito dahil sa pag iiyak
"A-ate." Pasinghap nitong sabi, hinagod ko ang likod nya habang niyayakap siya at pinapatahan.
"Sino?" Sambit ni Cloud sa kilid namin napatingin kaming dalawa ni Rain sa kanya
"Kaya ba 1 pm palang ng hapon wala kana dito sa bahay at hindi kapa pumasok sa panghapon mong klase? dahil sa lalaking 'yon?" Kalmado itong nag salita pero mapapansin ang galit sa mga mata at ang boses na pilit pinapahinahon.
"Kaya ba ganon ang damit mo kagabi pag uwi dito? Ha, Rain?!" Napasigaw na sa galit si Cloud. Hindi ko masisi si Cloud kasi kahit ako ay nagagalit din sa lalaking gumago sa kapatid ko.
“Siya ba si James Satti?" Sabi ni Cloud na kinagulat ni Rain, nagulat din ako sa pangalan, narinig ko na'tong pangalan kay Miko noon.
"Cloud, pakiusap wag kanang mangialam." Sabi ni Rain na ikinagalit ni Cloud, binagsak niya nang malakas ang bag niya sa upuan, nag ingay ito dahil sa mga librong nasa loob ng bag ni Cloud. Bumaba ito ng hagdan at agad na nag punas si Rain ng kamay hindi na nya ito binunlawan bagkus ay pinunasan na lang nito ang bula, sinundan niya si Cloud kahit ako ay nakasunod din.
"Cloud Sabastian! ano ba ang ginagawa mo?!" Umiiyak parin si Rain pero pagalit nya itong sinigawan si Cloud, nagulat si Pao-Pao sa amin, akmang susunod ito pero pinigilan ko.
"Pao, dito ka lang. Kami na ang bahala, bantayan mo muna dito.” Mahinahon kong sabi dito.
"Cloud!" Sabay sigaw kay Cloud, lakad takbo na ang ginagawa ko ng nakita ko na si Cloud ay nag hahanap na ng taxi hapang pinipigilan sya ni Rain.
"Cloud, alam mo ba kong saan makikita ang lalaking yan ha?!" Sabi ko dito para mapigilan sya sana sa pag alis.
"Alam ko kung saan nag tatrabaho ang g*gong yun!" Pasigaw nitong sabi.
"Cloud, huminahon ka!" Nagalit na ako dito, natatakot ako sa pweding mangyari at inaalala ko si Rain na nawala na ang iyak at pa singhap singhap nalang.
Pinapahinahon ko si Cloud ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap namin, sasakyan ito ni Miko kaya napa buntong hininga ako at gumaan ang dibdib ko. Nakahinga rin ako ng maluwag, para kong knight in shining armor si Miko tuwing nasa panganib ako na hindi ko na kaya andyan siya at nag susulpot kong saan-saan.
"Summer, Cloud, Rain anong ginagawa niyo dito?" Sabi nito nilapitan pa nito si Rain
"Rain, anong nangyari?" Pagalala ni Miko.
"Summer?" tanong nito sa 'kin at habang hinahawakan ni Miko ang magkabilang balikat ni Rain, tumingin ito sandali sa 'kin na binawi niya din at agad na tinignan ulit si Rain .
"Kuya Miko." Umiyak ulit si Rain na kanina lang okay na sana, niyakap niya si Miko dahil parang matandang kapatid nadin ang turing nila kay Miko.
"Pumasok tayo sa loob ng bahay, don tayo mag usap.” Sabi ni Miko na ikinaginhawa ko, dahil siya lang ang makapagpahinahon kay Cloud pag ito ay galit na galit na.
Mula sa kanila nabaling ang mata ko sa bumukas na pinto at bumaba dito si..... Si Van. Nanlaki ang mata ko at nanalangin na sana ay hindi ito mag salita tungkol sa kalahating milyon.
Nakapasok na kami sa bahay at ako na ang nagpatuloy sa paghuhugas nang pinggan, pinaalis ko na rin si Cloud para makapasok na sa paaralan.
Si Miko ang kumausap kay Cloud na pag uusapan nila ang nangyari pag balik nito galing sa skwela. Hapon ang klasi ni Rain at kaming apat lang ang nandito sa bahay.
Nag huhugas ako ng plato, habang sila ay nasa sala at malapit lang ito sa kusina kaya nakikita nila ako, naramdaman ko rin ang dalawang mata na kanina pa nakatingin sakin tuwing may sasabihin si Miko ay napapalingon ako at mata niya agad ang nakaka salubong ko. Okay na si Rain at naka pagligo na rin, pangtulog parin ang suot ko dahil 11 am ang pasok ko sa trabaho.
"Summer, nasaan na yung cheese?" Kunot noo nitong tanong ni Miko
"Sabi ko sayo wag kang maglagay ng cheese diyan, diba alam mo naman yang si Cloud basta cheese." Sabi ko dito, sabay lagay ng baso sa basuhan at dinala ko ang basohan sa hapag kainan doon kasi yun naka pwesto.
"Asa kapa na andyan 'yon.” Sabi ko dito. Mahilig si Cloud sa cheese, ganon din si Miko. Kay Cloud natuto si Miko na kumain ng cheese.
"Hayaan mo na, bibili nalang ako ng bago" Sabi sabay ngiti.
"Miko wala kabang ref sa bahay niyo? Parati ka nalang dito nag pa-paref." Bulyaw ko, pero ngumiti lang ito at nag tungo sa inuupoan nya kanina.
Nagtungo ako sa ref may tinago kasi akong cheese doon baka sakaling ubosin ni Cloud eh matitirahan parin si Miko. Kinuha ko yung cheese at nag tungo sa sala napatingin ako kay Van na nakatingin sa akin habang tumataas ang isang kilay, nag iwas ako ng tingin at binigay kay Miko ang cheese na tinago ko sa gilid ng ref, nginitian ako ng malaki ni Miko at nairap aki sa kanya.
"Rain, alam mo bang nandoon din kami kahapon sa club." Panimula ni Van.
“Kilala mo siya?" Tanong ko na may pagtataka sa mata.
"Ate kaibigan ni James si Van, nakilala ko si James no'ng high school palang ako nang makita ko si kuya Miko at sumabay ako sa kanya pauwi." Paliwanag nito, namilog ang mata kong tinignan si Miko na nakayuko habang kumakain ng cheese.
"Ate, hindi alam ni kuya Miko ang tung... kol sa amin ni Ja-James. Ngayon niya lang nalaman Ate no'ng nakita nya kami ni James na... Na... Na-naka holding hands." Pahina ng pahina ang boses nya hanggang mautal na ito sa dulo, napa tingin ako kay Rain at tinignan uli si Miko.
"Miko," Sabi ko. Katabi ko si Miko ngayong nakaupo kami sa mahabang upuan, si Van naman ay nasa isang upuan malapit kay Miko at si Rain ay katabi ko rin sa iisang upuan.
Nag angat ng mukha si Miko.
“Ipaliwanag mo sakin ang nangyari." Sabi ko.
"I have to go!" Biglang sabi ni Van hindi ko siya tinignan at si Miko lang ang nakikita ko.
"Sasama ako." Sabi ni Miko na agad kong tinaasan ng kilay kilala ako ni Miko, minsan na kami nag katampuhan at mahigit isang buwan ko siyang hindi kinausap. Nang tingnan ako nito ay napaupo siya ng wala sa oras.
"Miko I'm a busy person and you know that. You just wasted my time." Sambit nito at akmang aalis na sana ng sinumbatan ko.
"Miko didn't waste your time, Mister" Napatayo ako sa sinabi ko.
"Hindi ka niya pinipigilan na umali-" Natigilan ako nang tinakpan ni Miko ang bibig ko, malaki ang mata nang nilingon ako ni Van.
"Nagbibiro lang si Summer, Van. Sige umalis kana, gamitin mo nalang ang kotse ko.” Sabi niya habang nag pupumiglas ako para makawala sa pilitang pag takip ni miko sa bibig ko.
Matalim akong tinitigan ni Van at umalis. Nang marinig namin ang pag andar ng sasakyan ni Miko, saka lang ako binitawan ni Miko mula sa pagkakagapos.
"Sam-Sam, I told you not to talk to him." Sabi niya sakin.
"Okay. Then explain." Sabi ko at namaywang ng nakataas ang isang kilay.
"What?" Maang-maangan nitong sabi.
"About James, Miko. Who's he?" Tanong ko.
Kinuwento sakin ni Miko lahat ng alam niya.
"Yun naman pala eh. So walang alam si James kung bakit siya iniwan ng kapatid ko?" Tanong ko
"At ikaw, Rain? Nakita mong may hinahalikan si James na ibang tao?" Tanong ko at tumango lamang sya bilang sagot.
"Eh, tarantado pala yang kaibigan mo Miks eh!" Napataas ang boses ko sa sinabi.
"Nagkakamali ka Rain kakambal yun ni James, si Lloyd. Hindi kami magkasundo ni Lloyd dahil sa ugali nya at papalit palit ng babae, dahil don hindi yun sumasama samin minsan lang. Sa katunayan si Lloyd at James ay hindi tulad samin ni Mike na fraternal twins, habang sila ay monozygotic twins which means magkamukhang-magkamukha sila, sa buhok, kulay ng mata, at maging sa hugis din ng kanilang mga katawan. Ganon sila ni James at Lloyd." Paliwanag ni Miko kay Rain na dahilan sa pagkagulat ni Rain at nagpatuloy nanaman ang luha sa kanyang mata.
"Alam mo bang nababaliw na si James sa kakaisip kung bakit biglang hindi mo na siya kinausap? Hindi niya pinakilala sayo si Lloyd dahil ayaw nya na makilala ka nito at pati ikaw ay madamay sa kagagohan nang kakambal niya. Galit si Lloyd kay James kaya ang lahat ng mayroon si James kinukuha niya." Nag buntong hininga si Miko
“Hindi kita kinausap noon dahil gusto kong kayo ni James ang magusap ng magkaliwanagan kayo. Pumunta ako dito kaninang umaga para kausapin ka, at hindi ko inaasahan na sa gano'ng eksena ko kayo maaabutan." dugtong nya, tinitignan ko angkaatod ko at niyakap ko siya ng mahigpit ng umiyak siya lalo.
"Ate, bakit ganon?” Tanong nito.
"Okay lang yan." Sabi ko para mapahinahon siya kahit papano.
"Ate, kasalanan ko 'to. Hindi ako nakinig at naniwala sa kanya." Kumalas sya sa pagkakayakap at tinignan ako ng mapupungay nyang mga mata.
"Tawagan mo siya, Rain.” Utos ko, tumango lang sya saka pumasok sa kanyang kwarto.
Naiintindihan ko sya dahil ganon din ang nangyari sakin noong minsan na ako naniwala sa maling lalaki.
Naghahanda ako ng pagkain para sa pananghalian nila Pao-pao at Rain ng biglang tumunog ang cellphone ko, 10 AM na kaya naka bihis na ako at nag hahanda nalang ng konti para ready to go na ako mamaya. Hindi umalis si Miko sa bahay at nasa sala lang siya nanunuod ng tv, sabi nya sabay na daw kami umalis, may tinawagan sya kanina para kunin ang sasakyan niya kay Van napaisip tuloy ako kung mahirap lang ba ito kagaya ko.
"Hello, good morning. Sino 'to?" Tanong ko sa kabilang linya, matapos sagutin ang unknown number sa cellphone ko.
"Its Van." sabi sa kabilang linya. Tinignan ko si Miko na ngayon ay nakatingin na din sakin, sinenyasan ko sya na lalabas muna ako at tumango lang naman sya.
"So, you didn't save my number in your contacts?" May galit sa boses na pagtatanong.
"Oh..." Yun lang ang nasabi ko habang naglalakad patungo sa hagdan, ginawa ko ang lahat para hindi mahalata ni Miko na kinakabahan ako.
"Oh? Seriously?" Sabi nya sa kabilang linya na may galit parin ang tinig.
“I'll text you the address. Come over, I have something to discuss about your debt." Napailing ako sa narinig.
"Okay. Pero 10 ang labas ko mamayang gabi galing work, okay lang ba sayo?" Tanong ko.
"I'll wait." Ito lang ang narinig ko matapos maputol ang kabilang linya.
Kasabay ng pagbaba ng cellphone ang siyang pagbaba ni Miko galing taas.
"Malapit na ang sasakyan ko Sam, dinala ko nalang itong bag mo para hindi kana umakyat pabalik.” Sabi nya habang naglalakat papunta sa kinaruruonan ko.
“Sa store nalang tayo mag hintay." tango nalang ang nasagot ko sa sinabi niya
Matapos akong ihatid ni Miko sa Fermie, umalis din ito kaagad. Naglilinis ako sa sahig ng biglang may pumasok na customer, ako lang mag-isa ngayon nagtanghalian kasi silang lahat at nag paiwan muna ako para mag bantay tapos nila ako naman ang kakain sa labas.
"Good morning, Ma'am." Nakangiti kong bati dito.
"Miss, meron ba kayong yung color pink sana na sofa?" Tanong nito na nakangiti, dalaga pa ito mukhang nasa 20's ang mukha.
"Yes po, Ma'am." Dinala ko siya sa dulo ng store
“Here po. Velvet mint pink L-shaped sofa po, 35,000 pesos po 'to. Wala po kaming ibang pink na sofa maliban po dito, Ma'am. Maganda po yung kulay dahil presko po sya sa mata, siguradong babagay po sa kahit anong desenyo ng living room." Masaya kong sabi sakanya.
Napangiti ako lalo ng makita kong nagustuhan niya ang sofa.
Ipinakita ko sa kanya ang bagong mga design meron kami mga seater L shape sofa, rounder couch shaped sofa, even those simple sofa ipinakita ko sa kanya yun para marami syang pagpipilian. Inisa-isa ko itong ipinaliwanag sa kanya pero yung mint pink L-shaped sofa ang gusto niya, kaya sa huli 'yon ang pinili at binili niya. Mabuti nalang andon pa ang mga delivery boy namin, sila ang nagsakay ng sofa sa delivery van. Nang matapos nila i-deliver yung sofa, dahil malapit lang daw dito ang bahay ng nagpadeliver, ay nagpadeliver narin sila ng pagkain para daw dun nalang kumain sa stock room. Inimbitahan ko pa sila kanina na sabay nalang kumain sakin pero ayaw nila baka raw may bumili ulit at wala sila dito mapagalitan pa sila. Nang makarating na ang mga kasama ko ako naman ang umalis para kumain.
Nakaupo ako sa isang resto malapit sa mall kung saan ako nag tatrabaho. Hinihintay ko ang pagdating ng order ko, nang biglang may umupo sa harap ko bahagya pa akong nagulat ng makita ko kung sino.
"Van?!" Nag tataka at kong bakit nandito siya at natatakot sa mangyayari.
"You know what, I hate people who makes me wait for their calls." Sabi nya bahagya pang tumataas ang kilay at nakacross ang dalawang kamay sa dibdib at nakaupo pa ito sa harap ko na parang amo.
"Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya na may matang naghihinala.
"I can't wait until tonight so instead, I came here to discuss it now." May inis sa kanyang boses habang nag sasalita.
"Dito?" Sabi ko, private kasi para sakin to. Ni minsan hindi pa ako nagkakautang sa kahit sino, ni si Miko ni minsan hindi ako nag isip na utangan sya.
"Hindi mo na ako kailangan bayaran." Sabi nya seryoso ang mata habang nakatitig sakin. Nabigla ako sa kanya kaya taka ko syang tinignan.
"But I want you to be my f*ck buddy." Napatayo ako sa sinabi nya.
"Naka drugs ka ba ng pumunta dito?" Pasigaw kong sabi napatingin ako sa paligid, nahiya pa ako dahil sa ginawa kong iyun, halos lahat ng kumakain nakatingin sa'kin. Umupo ako ng ngumingiti sa mga tao at hininaan ko ang boses ko.
"Umalis ka habang nakakatimpi pa ako" Sabi ko.
"So, you can pay me hundreds of thousands?" Tanong nito na kinalaki ng mata ko.
"Babayaran kita, maghintay ka nga." Sabi ko at dumating ang waiter, nilagay niya ang pagkain sa harap ko at nakatingin sa akin ang waiter.
"Ma'am, kung may kailangan po kayo andon lang po ako." Sabi nito ng mahina ang boses na parang sakin lang niya pinaparinig, napatingin ako dito at nakangiti ito sakin napangiti rin ako sa kanya
"Okay lang ako. Thank you." Sabi ko.
Nang umalis ang waiter, tinignan ko nang masama si Van na ngayon sa waiter na ang mga mata, masama niya itong tinititigan, hinatid pa niya ang waiter gamit ang masama niyang tingin bago tumingin ulit sakin.
"Van, ayokong kinakausap hapang kumakain." Sabi ko, para sabihin na umalis na ito ngunit nabigo lang ako at pinagmasdan niya pa ako lalo.
"Van!" Inis kong sabi.
"I'll sit here, just eat" Sabi nya.
Napailing na lang ako bahagya akong pumikit at tahimik na nanalangin, nag pasalamat ako sa Diyos at nag pakiusap sa kanya na sana pag mulat ko wala na ang taong nasa harap ko, nag amen ako at pag mulat ko andon parin ito naka kunot ang noo habang nakatingin sakin. Kumain ako, naiilang akong kumain kasi naka tingin siya sakin kaya hindi ko naubos ang pagkain ko.
Uminom ako ng coke at tatayo na sana para mag bayad ng magsalita ito
"Sit." Matigas nitong utos tinignan ko siya ng masama
"I said, sit." Nilakihan pa niya lalo ang mata niya sa akin kaya natakot ako at padabog na umupo nalang sa harap niya.
"Ano ba ang kailangan mo? Sabing mag babayad ako at tatawagan kita diba." Sabi ko.
"You look virgin, are you?" tanong nya na ikinalaki ng mga mata ko.
Sasampalin ko na sana ng magsalita ito muli.
"And I want you." Nang sinabi niya yun, ay sinampal ko na siya agad.
Tinignan ko siya ng masama at inubos ang coke na kalahati palang ang nabawasan, kahit masakit sa lalamunan ay inubos ko parin ito ng tuloy tuloy dahil sa inis sa kanya.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang iritadong titig ng kaharap ko sakin.