chapter 6

2958 Words
Chapter 6 Nakaramdam ako ng ngalay sa aking balikat, so I turned to the other side para makatulog ako ng mahimbing at maayos but when I was about to turn, naramdaman ko yung phone ko na hawak hawak ko parin. Inopen ko ito at tinignan kung anong oras na at alas kwarto y medya ng madaling araw pa lang, isang oras nalang ang pwedi kong maitulog kaya babalik na sana ako sa pagtulog ng makita ko ang mensahe na nanggaling kay Van, “Don't be late tomorrow.” sabi nito sa text message. Ano ba, wala naman akong kasalanan na ginawa sa kaniya para parusahan ng ganito, si Kerson naman yung may kasalanan kung bakit nabasag yung salamin ng bintana ng sasakyan niya. ininat-inat kopa muna ang balikat ko at natulog ako ulit para makapag pahinga pa ako ng matagal. kailangan ko to dahil day shift ako at para akong nag call center kagabi sa ginawa ni Van. Pinuyat ba naman ako ng husto nung lalaking yun. Humanda talaga sakin yun pag naging zombie ako mamaya sa shop Naalimpungatan ako sa ingay ng katok sa pintuan ng kwarto ko, parang nagmamadali yung taong nasa labas. “Ate? Ate Summer!” sigaw ni Pao - Pao na may halong pag-aalala sa kanyang boses, napaisip naman ako kung may problema ba sa shop. Agad naman akong bumangon at sinuot ang tsinelas ko, nagmadali akong pumunta sa pintuan para buksan ito. “Oh, Pao? Anong problema?” Tanong ko dito while rubbing my sleepy eyes. Ang aga pa nga neto, maaga pa ba sila nagbukas ng shop? 8 kasi ang opening time ng shop eh. I was lost in my train of thoughts but was awakened when Pao - Pao uttered these words. “Ate, diba may work ka? Mag q-quarter to eight na kase eh, kaya pinuntahan na lang kita dito. mahimbing ang tulog mo kanina nong pununtahan ka namin ni Cloud dito dahil nag taka kami kong bakit hindi ka nakapag luto ng agahan. Nong nakita ka namin na natutulog ng mahimbing, kami nalang ang nag handa ng agahan. ” paliwanag nito. Wala ni isa ang pumasok sa utak ko sa mga sinabi niya. Dala siguro ng pagod kahapon at antok kagabi. “Huh?!” Wala na akong ibang masabi pa kundi ‘huh’ na lang. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ng nakita ko ang orasan na nakasabit sa ding-ding kasama ng mga litrato namin. inayos ko yung mga gamit na dadalhin ko para sa trabaho. Mabilis lang akong naligo sa dahilan na nagmamadali na ako, nakaligo na rin naman na ako kagabi bago ako matulog. kaya okay na ata 'to. Nagtoothbrush na lang ako at hindi na nag almusal. bigla kong naalala ang mga sinabi ni van kagabi. Nakita ko pa ang 54 missed calls from Van kaya kinabahan ako lalo. Kaya mabilis na akong lumabas ng bahay at nagpaalam kay Pao - Pao na aalis na. Nakailang minuto na akong nakatayo at nagbabantay ng jeep at ni isa ay walang bakante. Ano ba? Ang aga-aga pa nga minamalas na ako oh. Ni-nenerbyos ako baka pagalitan ako ni Sir Christian ko kamu. at baka ito pa ang rason na mawawalan ako ng trabaho, wag naman sana. Noong sinabi ko na mag reresign ako nadala lang ako nun sa galit nong nakita ko si Arthur. Ngayun wala na akong balak na mag resign malapit na ang exam ng kambal ko kaya kailangan kong pag ipunan ang tig 30,000 nilang tuition. Buti na lang at may huminto na jeep, agad naman akong sumakay dito. Ang laki ng pasalamat ko kung sinong anghel man ang bumabantay sa'kin ngayon na pinarahan niya ako ng jeep. Nang makita ko na medyo malapit na ako sa aking pinagtatrabahoan, naisip ko na kunin ang cellphone ko sa loob nang aking shoulder bag para tignan kung ano oras na ba. Nang i-open ko na yung phone ko, bumungad ang bagong 13 missed calls and 5 text message nanaman na galing kay Van, wala na akong maisip na iba kundi kung ano na lang ang ira-rason ko mamaya sa kanya. Salamat at nakarating narin ako sa Fermie, nagmamadali akong pumasok dito at nakita ko na marami-rami na yung mga customer na tumitingin sa mga furnitures na nakadisplay, hindi naman ako naninibago sa dahilan na palagi naman na puno ng mga customer ang shop sa umaga. May isang customer na tumitingin sa mga dining tables, agad ko itong pinuntahan at aasakihan ng sinalubong ako ni Rose na may pag-aalala sa kanyang mukha. “Summer, pinapatawag ka ni Sir Christian. Pumunta ka daw sa office niya.” Pabulong na sabi nito sa akin, tumango na lang ako at naglakad papuntang opisina ni Van. Kumatok ako ng dalawa at agad namang sumagot si Van na pumasok ako. Hinawakan ko ang malamig na door knob at inikot ito, I was welcomed by the cold wind coming from his aircon mixed with his manly scent, his broad shoulders leaning arrogantly in his swivel chair, nakatitig siya sa malaking painting. “Good morning, Va- ay Sir.” Bati ko sa nakatalikod na presensya niya, hindi ito sumagot at ni hindi rin ako hinarap para kausapin o tignan lang. “Uh, Sir, Pasensya na po kung na late ako, di ko kase narinig-” Panimula ko dito para lang maiwasan ang awkwardness sa office niya, ngunit napatigil ako sa pagsasalita ng tumayo siya sa kinauupuan niya. Inayos niya ang kanya suit at inilagay ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at naglakad papunta sa akin, napalunok ako ng laway sa ginawa niya. Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya nakatulog ng maayos kagabi, pero bakit ang cool at gwapo niya kahit ganyan yung sitwasyon niya? And his lips. Ohh d*mn it. I slightly shook my head to get off the thoughts na pumasok sa isip ko. “Summer.” Tawag nito sa akin, I got startled ng marinig ang malalim nitong boses. 'Di ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya . Umatras ako para mabigyan ng malaking space ang gitna namin ngunit napahinto ako nang naramdaman ko yung malamig na dingding sa likod ko, nginisihan ko lang si Van na parang wala lang may nangyari, lumapit naman ito sa akin at yumuko para magkalebel yung mga mata namin. Kinabahan ako sa ginawa niya. Inangat niya ang kamay niya and he brings it on my face as he slowly caressed my cheek at pagkatapos non inilagay niya yung kamay niya sa chin ko, habang dahan dahan itong inaangat. Kahit anong gusto ko na umalis, ayaw gumalaw ng katawan ko sa kintatayuan nito. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at napapikit ako sa kanyang ginawa habang ineexpect kung ano ang sunod na mangyayari, dahan-dahan kong binuksan ang ang aking labi ng naramdaman ko na may kinuha siya sa aking mata at pagkatapos nito ay narinig ko na tumawa siya. “So, you did like it. Did you, Summer?” Ngising tanong nito sa akin. Napatayo ako ng tuwid sa harapan niya na hindi alam ang gagawin. “Hi-hindi!” Defensive na sagot ko dito nang matauhan ako.'gaga ka talaga Summer'. Umalis siya sa harapan ko at bumalik sa kanyang swivel chair. “Why weren't you answering my calls?” He coldly asked, bumalik na ang Van na kilala ko. Napatayo naman ako nang maayos at naglakad malapit sa kanya. “I wa-” Sasagot na sana ako, but I was again cut off by him. Bakit ba ang hilig nitong si Van na putulin ang mga sinasabi ko. “And you're late, Summer.” Sabi nito sa akin na wala man lang emosyon sa kanyang mukha. Napayuko na lang ako at napatingin sa nagtitingkaran na tiles ng kanyang opisina. “After your off, meet me here.” Sabi nito sakin, tumango lang ako as a response nang may biglan kumatok sa pintuan niya. “You can go and do your work.” Agad naman akong lumakad palabas sa kanyang office. nakasalubong ko si Sir Meirgo, ngumiti ako at bumati ng magandang umaga sa kanya pero pagtataray lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya, ang mas malala pa ay sinabihan niya nananam akong bruha. Bumalik na ako sa pag aasikaso ng mga customer at agad naman lumapit si Rose sa akin. “Gurl, ayos ka lang ba? Hindi ka naman pinagalitan ni Sir, diba?” Pag-alalang tanong nito habang hinawakan ang mga kamay ko. Tiningnan ko muna siya ng mga ilang segundo bago ako sumagot sa tanong niya. ”Hindi naman. Sinabihan niya lang ako na,'wag ko na daw uulitin.” Sabi ko sa kanya para matapos na ang usapan namin. Mabait si Rose siya nga lang yung inaasahan ko dito kaso mahirap na baka may masabi pa akong pag mitsahan ng issue dito sa trabaho. pagkatapos ng ilang oras, the clock finally turned to 4:50pm, malapit na matapos yung shift ko and I can't wait na makauwi na sa bahay. Another customer came in, he's young and I assume around 25-28 yung edad niya, he looks decent too. I was the only one na available kase yung iba may ibang customer din na inaatupag, so ako ang kumausap sa kanya. Nag inquire siya about sa bagong stock ng couch namin. I was explaining the materials that was used and the price to him, nang nakita ko si Van na kanina wala pa diyan sa kinatatayuan niya, na masakit na nakatingin sa customer na kinakausap ko, his eyes found mine na mabilis ko ding iniwas para asikasuhin ulit ang costumer namin. “At meron din po kaming L-shaped na sofa, it has 3 seat sectional couch with storage.” Paliwanag ko sa customer, nang tumingin ako sa kintatayuan ni Van wala na siya don kaya hinayaan ko na lang. “How much is the price for that one, Miss?” He kindly asked, I checked the pricelist para tignan kung magkano pero 'di pa nakalagay yung presyo niya sa pamphlet na hinahawakan ko, since bagong stock pa lang yung couch wala pang finalized pricelist. Pumunta ako sa desk ko para tignan sana sa computer ang mga nakaencode na prices. “Sandali lang po Sir, ich-check ko muna yung price niya kaninang umaga lang kasi yan nadeliver eh.” Mahinahong sabi ko dito. “Sure Miss, take your time.” Sambit nito na nakangiti. Akmang aalis na sana ako ng nakaramdan ako may humawak sa aking kamay, tiningnan ko ito at nakita ko na si Van pala. “S-sir, pwede mo bang alisin yung kamay mo?” Mahinang tanong ko, ngunit hindi ako pinansin nito. “Meirgo! Don't just stand there and assist this one!” Utos ni Van sa kay Sir Meirgo na masakit ang tingin sa 'kin. Pinaglihi ata 'tong si Sir sa sama ng loob. Dali dali namang sinunod ni sir Meirgo ang utos ni Van. Hinawakan ni Van ang kaliwang kamay ko and he drag me to his office. "Van, wait!" kinaladkad niya pa ako na para bang isang laruang truck na may tali. Kahit anong gusto ko na umalis sa pagkakahawak niya, 'di ko talaga magawa gawa, nakakailang beses na rin 'to ah. when we reach the front of his office, he opened the door and signaled me to go inside. I didn't hesitate even though I felt like having an arrhythmia. Kung ano ka bilis ang t***k ng puso ko ay ganon naman ka bobo ng utak ko. Why do I feel like this? I like being near to him. I don't feel safe, yet I'm not scared. para akong gamo-gamo na gustong maglaro sa apoy. 'NO. kailangan kong maging matatag. “Ano ba Van?! Alam mo naman may kinakausap ako na costumer, diba?” pagalit kong tanong sa kanya. “I don't like the way he talks and look at you.” He answered dangerously, sabay titig sa akin. Hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kung ganito na lang palagi ang ginagawa niya kung may makikita siyang kausap kong iba, malamang may makakausap akong iba, yan ang trabaho ko eh. Hindi na ako sumagot at nakita ko siyang may kinuha sa drawer ng desk niya, susi ng sasakyan? “Grab your things, we have to go.” He commanded at agad lumakad paalis ng opisina. “Hindi ko pa off at isa pa, ba't ako sasama sayo?” Pagtataray ko sa kanya. He deeply sigh and turned to look at me with a did-you-really-asked-me-that look on his face. Saan nga ba umabot ang pagtataray ko? Andito ako ngayon umuupo sa front seat ng sasakyan niya habang ang mga mata ay nakapokus sa aking koko. Tumingin ako sa bintana para tignan kung saan niya ko dadalhin, baka iki-kidnap niya ako. Ba't di ko to naisip kanina? Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at tinignan kung nag message ba sila ni Cloud, wala pa namang message na nag pop-up so tinignan ko lang ang oras, almost 6:30pm na pala. San ba ako dadalhin nito bakit ang tagal ng byahe. Ibinalik ko na ang phone ko kung saan ko ito kinuha at nang binalik ko ang tingin sa bintana ay nakita ko ang mga malalaking buildings at isa na do'n ang magarang restaurant kung saan kme nag park. Lumabas siya ng walang imik at sinundan ko siya nang tingin. Ano ba kase ang gagawin niya dito, ba't pa ba kailangan ako isama? Kung isa to sa mga work meeting niya, ba't di si Meirgo bruha ang isinama niya. Akala ko ay papasok na siya sa restaurant at hahayaan niya lang ako na mag-isa dito, binuksan niya ang pintuan sa aking side. “Wala ka bang planong lumabas diyan?” Tanong nito. Eh, pano ako lalabas 'di niya naman ako sinabihan kung ano ba ang dapat kung gawin. Ayoko nang ulit mapahiya no. Lumabas ako ng sasakyan gaya ng gusto niya at inayos ko ang palda ko. He intertwined his hand with mine and started to walk inside. Looking at the glass window from outside walang tao ang restaurant, siraulo ba 'tong si Van? Baka close na ba sila. “Van, ano ba ang gagawin natin dito? Una na 'ko, baka hinahanap na ako ng mga kapatid ko. Mag je-jeep na lang ako pauwi, just do your thing.” while I'm trying to get off from his grip, pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sakin. Alam ko naman na imposible yung sinasabi kong mag je-jeep nalang sa tagal ba naman naming nag byahe. “No. You're not going anywhere, Summer.” He said with a playful smirk. May sumalubong sa kanya na isang lalaking na naka black suit at may name tag ito sa kaliwang dibdib niya, na may nakasulat na ‘Jay, Manager’. “Good evening ma'am and sir. This way please..” Masayang bati at bungad nito sa amin. I smiled hesitantly pero sumonod na din ako sa kanya.. I was stunned with the design and ambiance of the restaurant. My heart is beating erratically. Bakit ba kasi ginagawa ni Van ito para niya akong nobya kong humawak pa siya sa baywang ko ay parang wala lang sakanya at sanay itong gawin sakin, nakakakiliti kaya yung ginagawa niya. hanggang sa nakarating kami sa lamesang inihanda para saamin ay hindi parin ito binibitawan ang baywang ko nahihiya, nakikiliti at kaba ang nararamdaman. halos hindi ko na ma intindihan ang nararamdaman ko dahil sa kaniya. pinag hila niya pa ako ng upuan habang ang isang kamay ay iginiya ako paupo. hindi ako nakapagsalita at sinunud nalang siya. ng nakaupo ako dun palang siya humiwalay sakin. sinundan ko siya ng tingin at naka ngisi lang ang mukong, parang natutuwa pa sa nga ginagawa sakin habang ako ay halos hindi na maka hinga dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. "Anong gusto mong kainin." napa igtad ako dahil sa biglaan niyang pag salita. Summer please umayos ka kahit ngayung gabi lang. umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Kahit ano." para pa akong mauutal mabuti nalang at napigilan ko. dalawang steak, mashed potato, at vodka ang inorder niya. gusto ko pa sanang mag protesta pero parang mauutal ako pag nag sasalita kaya tumahimik nalng ako at uminom ng tubig. isang minuto ay dumating na ang mga order namin. namangha ako sa steak na senerve nila dahil bukod sa mga maliliit na dahon ay may kulay purple na bulaklak. hindi ko kilala itong bulaklak na to dahil sa ngayun ko lang to nakita o baka nakita kona pero hindi ko lang napansin. tahimik akong kumakain ng bigla akong nabilaukan dahil nakita kong titig na titig si Van sakin. bago ko pa nakuha ang tubig ay inabot na niya ito. "S-Salamat." sabi na nga e, mauutal ako pag magsasalita. "okay ka lang?" kinilig at namula ako dahil sa malalim at paos nitong boses. tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. pasimple kong tinignan ang oras. f**k bakit ang tagal ? nararamdaman ko parin ang mga titig niya sakit. gusto ko nang kumaripas ng tumakbo at dahil ramdam ko na pulang pula na ang mukha ko. bahagya kong tinignan ang plato niya na hindi niya ginalaw kahit kaunti. hindi ko napigilan at ininum ko ang vodka na nasa harap ko kasi na te-tense na ako sa mga ginagawa niya sakin. para na akong hihimatahin sa mga titig na binibigay niya sakin. "Summer!" narinig kong sigaw ni Van ngunit hinayaan ko lang ito at inubos ang vodka. nahihirapan na kasi ako sa titig niya parang gusto ko nalang mag lasing at sabihin na umuwi na kami. pero mali ata ang ginawa ko dahil ng natapos kong inumin yung lahat ng laman ng baso ay parang nandilim at parang umikot ang paningin ko. hanggang sa nakita ko nalang na nasaharap ko na si Van at naka tunghay sakin. nagmumura ito kaya nginitian kosiya at doon ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD