Chapter 14
Kinapa ko ang katabi ko at ng wala akong mahawakan ay minulat ko ang mga mata. Hindi ko nakita ang gusto kong makita, lumingon lingon pa ako at nag hanap, hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang taong hinahanap ko na nakangiting tumitingin sakin.
"Good morning baby." Sabi nito sabay halik sa noo ko. Tinulungan pa ako nitong gumalaw para maiharap sa kaniya ang buo kong katawan.
Ngumiti ako pabalik sa kaniya. "Good morning."
"Mamayang gabi nandito na ang mga kapatid mo kaya hindi kana mag iisa pag nasa trabaho ako." sabi nito at tinulak ang likod ko padikit sa kaniya.
"Hindi ako nag handa ng ulam, Pero nag luto na ako ng kanin. hindi ko kasi alam kong anong gusto mong kainin ngayung umaga. " Ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay. At pinag masdan ko ito
"Why?" He ask softly.
"Nasan na ang Van na kilala ko?" Tanong ko na ikinagulat niya
"Ibalik niyo sakin ang Van na laging galit.. ibalik niyo!" Mahina ko siyang sinampal sampal. Tumawa si Van, At malambing akong hinawakan sa mukha.
" I love you so much, Summer." Hinalikan niya ang leeg ko at nanggigigil akong niyakap.
...
MALAKI ang ngiti ko habang pinag mamasdan si Van na tinitikman ang niluto ko, ayokong rin naman na siya ang mag luto dahil wala akong tiwala sa kaniya.
Ngunit ang lahat ng ngiti sa labi ko ay biglang naglaho ng nakita ko ang reaction ni Van sa piniritong chicharon na may kaunting kamalay at suka. Hindi pa ako nakakatikim ng ganitong klasing luto pero yun ang gusto kong kainin
" Ang sarap!" Kumunot ang mukha ko sa sinabi niya. Naka ngiwi ang mukha niya tapos sasabihin niyang masarap! Sinungaling!
" Wag mo ng pilitin Van!" Inis kong sabi dito,
Kinuha kona sa harap niya ang plato at padabog na pumunta sa sink. Ngunit hindi ko pa man nai lagay ang plato ay may yunakap na mula sa likod ko
"Masarap talaga." Sabi nito at kumuha ng isa at kinain niya habang nakapatong ang ulo sa balikat ko kunot noo ko siyang nilingon habang siya ay umaarte na nasasarap sa kinakain.
"Umalis ka nga diyan! ako nalang ang kakain nito." Mahina ko pang ginalaw ang balikat para umalis ito sa pagkakayakap sakin pero hidi ako nag wagi sa pag tataboy sa kaniya.
" Gusto mong lutoan kita?" Tanong nga na nag pa init ng ulo ko
" Sabi ko na nga ba na hindi ka nasarapan sa luto ko e. Alis!" Pag tataboy ko ulit
" Hindi naman sa ganon, mahal. Gusto ko lang matikman mo ang luto ko." Bakit ba ang hilig nitong bigyan ako ng endearment.
Dahil sa malambing niyang boses ay napa tango nalang ako ng wala sa sarili
...
Naka upo ako sa island table at pinapanuod siya habang nag luluto.. Namangha pa ako dahil parang ang dali lang sa kaniya ang mga gina gawa at halatang sanay siya sa pag luluto.
Nilingon niya pa ako sabay kindat kaya napa iwas ako ng tingin dahil sa biglang pagmumula ng mukha ko . Bumilis ang t***k ng puso ko pano ba namn kasi ang cool niyang tignan diyan sa apron na suot niya tapos kikindatan pa ako ng loko
Tapos na siyang mag luto at nilalagay na lang ang pagkain sa plato. Hindi niya ako pinayagan na tumungong kaya nanatili akong naka upo dito at pinag mamasdan ang bawat kilos niya.
Ng natapos na niya ang pag hahanda ay agad niya akong nilapitan sa island table at binuhat na parang bata.
Ng nakatayo na ako ng tuwid ay hinalikan niya ako sa labi
"A kiss before breakfast." He said at hinapit ang baywang ko papunta sa hapag.
Hind na ako nag protesta at umangay nalang sa gusto niya. Gustom ako at gusto ko nang kainin ang niluto niya.
Inasikaso niya mona ako bago siya umupo sa sariling upuan. Tinikman ko agad ang steak na luto niya noong una wala pa akong tiwala sa kaniya pero ng nakita ko kong gaano siya ka galing kumilos kanina ay na excite akong tikman tong steak
Nanlaki ang mata kong tinignan siya na parang hindi naniniwala.
"Ikaw ba talaga ang nag luto nito?" Tanong ko natawa naman siya sa reaction ko "Ang sarap Van, panu mo nagawa to?" Tanong kopa pero hindi niya ako pinansin at inabot ang niluto ko kanina.
Nahiya naman ako kaya kinuha ko iyon sa harap niya. Ang sarap ng niluto niya samantala yung luto ko ay nanggaling lang iyon sa utak ko na yun ang lulutoin ko dahil parang masarap.
"Wag mo nang kainin yan." Nahihiya kong sabmit pero umiling lang siya at mabilis akong hinalikan sa labi sinubo niya ang chicharon na hindi pinuputol ang tingin sa mata ko
"Ang sarap." Sabi niya at tinignan ang naka awang kong labi. Hindi ko tuloy matukoy kong ang luto ko ba o ang labi ko ang sinasabi niyang masarap.
...
"Where are you going?" Tanong niya ng nakitang nakabihis ako ng aking uniporme na pang trabaho.
"Sa Shop?" Patanong kong sabi, naka uniform ako hindi ba niya nahahalata?
" I know... But, I'm so, sorry Miss. Sabastian tinatanggal na kita sa trabaho mo." He said, pagkatapos ay tinalikoran ako, pero pinigilan ko siya sa kaniyang kamay
"Van, ano naman ang gagawin ko sa bahay nato?" Sabi ko na may inis sa boses, bakit ba ang hilig nitong utosan ako.
"pahinga.. mag pahinga ka dito, ayukong mapagod ka. Ayuko rin na may makakita sayo sa labas at lapitan ka nanaman ng kung sino - sinong lalaki." Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan sa dalawa kong mata na parang sinasabihan ako na kung pwedi ay sundin ko nalang ang utos niya.
"Pwedi ba, 'Van, wag mo nga akong tignan ng ganyan." Inalis ko ang kamay niya na nasa balikat ko at padabog na nag tungo sa kwarto, bago ko naisara ang pinto ay nakita ko pa ang malaking ngisi ni Van.
Sa palagay ko ay mas mabuti nga na andito lang ako para naman safe ang anak ko sabi ng doctor iwasan ko ang ma stress kaya ayoko monang makipag talo kay Van.
Ilang sandali ako namalagi sa kwarto, si Van naman ay may inaasikaso doon sa library niya.
Nanunuod ako ng youtube at nag hahanap ng mga music for babies ng biglang may tumawag. Napa tapik ako sa aking ulo dahil nakaligtaan kong puntahan noong isang linggo si Kerson.
Nag dalawang isip pa ako noong una kong sasagutin ko ba ang tawag. Kinakabahan ako na baka may nangyaring masama dahil hindi ako nag punta
"Hel-?" But still I answered the call
"Hi! How are you? Hindi na kita na tawagan noong nakaraan, pasinsya na, pero nag enjoy talaga ako sa lakad natin. Pwedi ba tayong mag kita ulit?" Na iwan sa ere ang pagbate ko.
Na isip ko na lang na baka andon ang mommy niya at baka pagalitan nanaman ulit siya pag nalamang hindi talaga kami nag kita.
"Ahh, oo nga eh. Hindi kasi ako pweding umalis dito sa bahay Kerson, sa susunod nalang siguro." Sabi ko dito.
" Oh, I see. Sabi ko nga kay mommy nabaka busy ka e. sige tawagan moko pag hindi kana busy " sabi nito sabay baba ng telepono.
Anyari dun?
Tinitignan ko ang cellphone ng tumunog nanaman ito dahil sa panibagong tawag.
Ako: Hello, Rain?
Rain: Ate nasa labas kami.
Ako: Sige wait lang
Pagkasabi ko non ay lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa pinto.
Hindi ko pa nakita si Van sa baba andon pa siguro sa library niya, hindi naman kasi yun pumasok ng trabaho babantayan daw muna ako dito sa bahay pero nandon siya at nagkukulong sa Library niya.
Hindi naman na ako bata para bantayan niya kanina ko pa siya sinasabihan na umalis nalang at pumasok sa shop, may parti rin sakin na natatakot dahil baka pagalitan ulit si Van ng may ari ng mall, ayoko na man na malagay siya sa pahamakan dahil sakin.
Patungo na ako ng pinto para buksan sana sila ng bigla akong napa tukod sa pader dahil sa paninikip ng dibdib ko. Bigla akong kinabahan na parang ewan. Pinakalma ko ang sarili saka binuksan ang pinto.
pinapasok ko sila at pinaupo sa sala, "Saan ang mga damit niyo?" Tanong ko ng nakita na wala sila bitbit ni isang bag.
" Ate naka pag disisyon na po kami. Hindi po kasi natin pweding iwan ang bahay." Sabi ni Rain.
Kahit naman ako ay hindi ko rin gustong iwan ang bahay, hindi ngalang pwedi iyon dahil mag kakaroon na ako ng anak.
Hindi ko alam pero biglang sumikip ang puso ko at naiiyak ako sa hindi ko malaman na dahilan, niyakap ko si Rain dahil parang nami-miss ko ang nag iisang babaeng kapatid ko. Umiiyak ako habang yakap siya.
"Ate, bakit?" Natataranta na tanong ni Cloud habang si Rain ay niyakap niya ako pabalik.
Kumawala ako sa yakap at tinignan ang magandang mukha ng kapatid ko.
"Ate?" Tanong nito sakin, nag tataka na siguro siya kong bakit ako naiiyak
"Wala, ganito lang siguro talaga pag buntis nagiging emotional." Sabi ko at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kong bakit ganito ang naramdaman ko, ng nakita ko si Rain.
...
"Baby okey kalang ba talaga dito? Pwedi ko naman taposin ang mga ginagawa ko sa library para naman may kasama ka dito." Sabi ni Van pero umiling ako.
" Wag na narinig ko kagabi na marami kang meeting na hindi sinipot, dahil dalawang araw kanang absent." Sagot ko. Tatlong araw na ako nandito sa bahay niya at kailangan ko na ring pumunta ng bahay para ma tignan ko kong ano na ang nangyayari doon. Dalawang araw na ang lumipas nong pumunta dito ang mga kapatid ko at simula non ay hindi kona sila ulit nakita. Hindi rin naman kasi ako sanay na hindi sila nasasama sa iisang bobong
Punapaalis kona si Van pero nasa mukha niya ang pag alala na baka mapano ako dito sa bahay, ang OA talaga. Ayoko rin naman na malaman niya na pupunta ako sa bahay at baka sasamahan pa niya ako at hindi niya ma tapos ang mga kailangan niyang taposin. Ayokong maka istorbo sa trabaho niya.
Hindi na ako nahirapan na paalisin siya dahil tumawag ang secretary niya at meron daw importanteng meeting na kailangan niyang puntuhan.
Pagkaalis niya ay nag bihis ako kaagad para maalis na, hindi pa man ako nakaka labas ng pinto ng biglang bumukas ito at may babaeng pumasok nasa 50 siguro ang idad.
"Sino po sila?" Tanong ko dito nabigla pa siya ng nakita ako at parang hindi makakilos sa kinatatayuan..
"Ma'am?" I ask her again namumutla na kasi ang mukha niya
"Ah, ta-taga linis po ako ng bahay hija." Sabi nito at nilapitan ako. Hinawakan niya ang balikat ko na puno ng pag-alala. Tinignan niya ang buong katawan ko ata parang may hinahanap ito. Kaya natakot ako sa kaniya. "Hija okey kalang ba? kailangan mo ba ng tulong? Sinaktan kaba ng dimonyong apo ni Don? " Tanong nito.
" Po?" Hindi ko siya ma intindihan sinong dimonyo ang sinasabi niya si Van ba? Kong siya nga bakit naman ako sasaktan ni Van.
" Yung dimonyong naka tira dito hija. Sinaktan kapa niya? " Naiiyak itong tinignan ako nabigla ako sa kaniya kanina pero ang mas lalong ikina bigla ko ay yung niyakap niya ako ng mahigpit. Kinabahan ako sa kaniya pero naka ramdam ako ng pagalala ng isang ina dahil sa ipinakita niya
Pinahinahon ko siya at binigyan ng tubig dahil iyak ito ng iyak. Simula ng nakita ko si Van marami na talaga akong nakitang weird na tao.
"Nay, okey lang po ba kayu?" Tanong ko ng naka inum na siya ng tubig.
"Hija, isa ako sa taga linis ng bahay nato, at ni minsan ay wala pa akong nakitang babae na pumunta dito. Kaya nag taka ako at nag alala ma baka kinidnap ka ng dimonyong 'yon " Sabi nito kaya mahina akong tumawa bakit naman naisipan niya ang bagay nayun. Hindi lang talaga siguro babaero si Van. Kinilig ako ng nalaman na ako ang unang babaeng dinala niya sa bahay na 'to.
"Hindi po magagawa ni Van iyon nay. Mabait po yun."
"Hindi hija, nagkakamali ka dahil sa dimonyong iyon namatay ang anak ko. Binugbog niya ang anak kong babae. " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
" Ano-" hindi kopa man natapos ang pagtatanong ng umiyak nanaman ito ulit.
" Hija, nag lilinis ako dito dahil may sakit ang anak kong lalaki at ang lolo niya ang nag papagamot ng anak ko kapalit non ang ay ipag linis ko ng bahay ang apo niya. Hindi sumangayon ang anak kong babae dahil matanda na daw ako. Kaya siya ang pumunta at nag lilinis dito. Tuwing naabotan siya ng apo ni Don ay binubugbug siya nito. Noong una hindi pa umaamin ang anak kong babae sa mga nangyayari sa kaniya. Doon ko nalang napag alaman na tama ang hinala ko ng nakita ko mismo na wala ng buhay ang anak ko sito mismo sa bahay niya. " Tumayo ako at masama siyang tinignan
" Hindi po totoo yan. Dahil kong totoo bakit andito ka at pinag sisilbihan mo parin si Van? " Nawalan na ako ng respeto dahil sa mga kasinungalingan niyang pinag sasabi saakin.
" May sakit ang bunso ko hija, nasa ibang lugar siya. Pinagbantaan ako ng lolo ng dimonyong yun na kapag mag salita ako ay mamamatay ang bunso kong anak na nasa ibang lugar. Pinilit niya akong mag trabaho dito kapalit ng namatay kong anak, hindi ko alam ang gagawin ko ayuko na mawala rin ang bunso ko. " Paliwanag nito sakit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
" Aalis na po ako nay kayu nalang po bahala sa bahay. " Sabi ko nalang hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya wala akong plano na maniwala, hindi ganong tao ang pagkakilala ko kay Van alam kong inosinte siya at hindi niya kayang manakit ng kapwa.