Kabanata 6

4514 Words
Tulala si Raven habang nakatingala sa kisame. Malalim ang kan’yang iniisip habang siya’y nakahiga. Hindi pa rin maalis sa isip nito ang nalaman niya mula sa asawa. “The person behind my wife’s attempt assassination is your father, Mr. Jackson Fontana.” “A-Ano?” “Anong sinabi mo? Stop joking around, dude. Siguro nga hindi mabuting ama ang isang ‘yon, pero mukhang imposible naman---” “You know how I get any information accurately, Helius. Pina-imbestigahan ko ang tatay niyo then it turns out he’s the culprit here.” “B-But still---” “Jackson Fontana, the former CEO of Fontana Corporation that no longer exists, and an ex-convict after being involved in a drug syndicate. He was also being accused of killing Rebecca Mercado Fontana, your mother, who is assumed to be dead.” “D-Dad can’t do---” “I also find out that your father is one of the associates of our rival mafia family. He is part of the Donato family. He’s been working for them for years.” Napapikit ng mga mata si Raven nang muli niyang maalala ang huli nilang naging usapan kanina lamang. Pagkatapos ng usapan na ‘yon ay kaagad na muna siyang nagpaalam dahil hindi nito makayanan ang kan’yang mga naririnig. Hindi niya pa rin niya kayang tanggaping ang kan’yang ama ang gumawa no’n sa kan’ya. Hindi siya sinundan ng asawa’t kapatid niya. Hindi niya rin alam kung saan dapat siya pumunta kaya naman naki-usap siya sa isa sa mga tauhan na dalhin siya sa kuwarto nila ng asawa. ‘Yon lamang ang lugar na alam niya sa mansyon at sigurado siyang ligtas. Isang oras na rin ang nakakalipas. Nararamdaman niya rin ang bigat ng kan’yang mga mata dala ng kan’yang pag-iyak. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata nang maramdaman niyang may daliring dumampi sa kan’yang pisngi na ‘tila pinupunasan ang kan’yang luha. Gusto niyang bumangon pero wala siyang lakas upang gawin ‘yon. “S-Si Kuya?” garagal niyang tanong kay Zane na naka-upo sa tabi niya. “He’s still there and now sleeping. ‘Wag kang mag-alala, kasama naman niya si Dr. Madison.” Mapait na napangiti si Raven at muling ipinikit ang kan’yang mga mata. Pinapakiramdaman niya lamang ang paghaplos ng kan’yang asawa sa kan’yang pisngi. Hindi niya malaman kung bakit hinayaan niya lang itong hawakan ang kan’yang pisngi at manatili sa tabi niya. “Aalis ka na naman ba?” garagal ngunit mahinang tanong ni Raven habang nananatiling nakapikit. “If you want to be alone, then I’ll leave.” Natigilan naman si Zane nang hawakan ng kan’yang asawa ang kan’yang kamay. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Raven dahilan para magtama ang kanilang paningin. “Dito ka lang. Huwag mo ‘kong iwan,” mahinang paki-usap ni Raven. “I won’t,” malumanay na sabi ni Zane. “Sleep, wife. I’ll be watching you.” Kumibot ang mga labi ni Zane habang pinagmamasdan niya ang kan’yang asawa. ‘Tila hindi rin ito mapakali sa nararamdaman niya sa kan’yang dibdib. Hindi ito ang isang beses na may makasama siyang babae sa isang kuwarto. Pero sa unang pagkakataon ay may kagustuhan siyang manatili lamang sa kan’yang kuwarto kasama ang kan’yang asawa. Nang maramdaman niyang tuluyan nang nakatulog si Raven ay bibitawan na niya sana ang kamay nito pero hinila ito ng kan’yang asawa. Napabuntong-hininga na lamang si Zane at hinayaan ‘yon. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang kan’yang cellphone kaya naman dali-dali niya itong kinuha sa kan’yang bulsa gamit ang kan’yang isang kamay. Sinagot niya kaagad ito dahil ayaw niyang magising ang asawa niya. “What?” “Boss, nahuli na po namin itong mga pinapadampot niyong kasamahan ng nahuli namin kanina,” anang ng nasa kabilang linya. “Locked them up. I’ll see them this morning,” mahinang sambit ni Zane at sinisigurong hindi niya magising si Raven. “Po? P-Pero sabi mo---” “Just do what I say. Keep your eyes on them. I’ll take care of them this morning.” “A-Areglado, bossing.” Pagkababa niya ng tawag ay muli siyang bumalik sa pagkakatitig sa asawa nya. Sa kadahilanang hindi mabitawan ni Raven ang kamay niya ay humiga ito sa tabi niya. “D-Dad, tama na,” mahinang pagsambit ni Raven habang tulog ito kasabay ng kan’yang mahinang pag-iyak. “Raven…” pagtawag sa kan’ya ni Zane. “I’m here. You’re going to be fine.” “D-Dad…” Niyapos ni Zane ang kan’yang asawa at masuyong hinaplos ang buhok nito. Unti-unti namang kumalma si Raven at yumakap pabalik sa kan’ya. Pinunasan nito ang mga luha sa gilid ng mga mata ng asawa. “You don’t deserve this kind of pain.” Inayos niya ang kumot sa kan’yang asawa. Hindi niya rin mapigilang ilapit ang kan’yang mukha at muling tumitig kay Raven na mahimbing na ang tulog habang nakayakap pa rin sa kan’ya. Hinalikan niya ito sa noo bago lumayo ng kaunti. At sa ilang minuto na pagkakatitig ni Zane kay Raven ay hindi niya namalayan na unti-unti na rin siyang dinalaw ng antok. “Have a good sleep, wife. Tomorrow’s going to be more challenging day,” mahinang sambit ni Zane bago ito tuluyang nakatulog. Sa kabilang dako naman ay may isang kahina-hinalang babae ang nakamasid sa labas ng mansyon. Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mansyon mapa-loob at labas ay sinisigurado niyang hindi siya makikita ng kahit na sinong tauhan ng pamilya Fuentes. Nasa itaas ito ng puno habang nakatingin sa mansyon. “Asar! Bakit ba kasi ako ang nandito?” inis na sambit niya habang may sigarilyo ito sa kan’yang bibig. “Hindi pa ako makapag-bisyo rito.” Kinuha niya ang sigarilyo mula sa kan’yang bibig at pinaglaruan ito sa kan’yang daliri. Naging alerto siya nang may mapansin niyang may dalawang lalaking palapit sa kan’yang puwesto kaya naman iniwasan niyang makagawa ng kahit na anong ingay. “Nakita mo ba ‘yong asawa ni bossing? Maganda at sexy, pre. Ang bata pa tingnan, mukhang sariwa pa,” anang ng isang lalaki. “Anak ng---Ano bang pinagsasabi mo d’yan? Kung makarating kay bossing ‘yang pinagsasabi mo, malilintikan ka talaga. Huwag mong pailarin ang kalibugan mo,” sita naman ng kasama niyang lalaki. “Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah? At hindi rin naman talaga natin alam kung asawa ba talaga ni bossing ang isang ‘yon.” “Si boss na ang nagsabi, asawa niya si Ma’am Raven. Binalaan pa nga niya tayo eh. Kaya umayos ka sa mga pinagsasasabi mo.” Kunot-noo namang nakikinig sa kanila ang babae sa itaas ng puno. Mariin niyang pinapakinggan ang usapan ng dalawang lalaki. “Asawa? Kailan pa ikinasal ang hayop na ‘yon?” bulong niya. Muntikan nang madulas ang babae, mabuti na lamang ay napahawak siya sa sangay ng puno. Pero nahulog niya ang hawak niyang sigarilyo dahilan para mapamura siya lalo na nang mag-angat ng tingin sa kan’ya ang dalawang lalaki. “Sino ‘yan?” tanong ng isa. Bago pa man makabunot ng baril ang dalawang lalaki ay naunang bumunot ng baril ang babae at nilagay ang silencer. At walang ano-anong pinaputukan ang mga lalaki. Natumba sa sahig ang mga lalaki. Bago pa man may makapansin sa kanilang sitwasyon ay mabilis na tumakas ang babae at patakbong pumunta sa puwesto ng kan’yang motor. “May maganda akong impormasyon. Tiyak matutuwa na naman ang matandang ‘yon sa impormasyong nakuha ko,” nakangising saad niya bago mabilis na pinatakbo ang kan’yang motor. --- Kina-umagahan ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Raven. Tumatama sa kan’yang mukha ang sinag ng araw. Ramdam din niya ang pamamaga ng kan’yang mga mata. Muli niyang ipinikit ang kan’yang mga mata upang sana’y bumalik sa pagtulog nang huli na niyang napansin ang brasong nakapatong sa kan’yang baywang habang mahigpit na nakahawak sa kan’yang kamay. Nagulat siya sa kan’yang puwesto at napalingon sa kan’yang likuran pero mas lalo siyang nalula dahil kamuntikan nang magtama ang mga labi nila ng asawa. Lumayo ang tingin niya at nakaramdam ng hiya. Napapaisip siya kung paano sila napunta sa ganoong puwesto. Unti-unting gumalaw si Raven upang sana’y tumayo mula sa pagkakahiga nang hinila siya pabalik ni Zane. Sa pagkakataon na ‘yon ay nakaharap na siya sa kan’ya habang mahigpit siyang yakap ng asawa. Mabilis ang pagtibok ng puso ni Raven at pakiramdam niya ay pulang-pula na siya. Mas lalo pa siyang nahiya nang dahan-dahang magmulat ng mga mata si Zane. Pupungay-pungay pa itong nakatingin sa kan’ya. “Good morning, wife. I hope you had a good sleep,” mahinang sambit nito kay Raven at hinapit siya palapit sa kan’ya. “A-Ah---” Nanlaki ang mga mata ni Raven ng gawaran siya ng halik sa noo ni Zane. Magsasalita na sana ito nang halikan naman nito ang ilong niya. “A-Ano bang g-ginagawa---” At sa huling pagkakataon ay hindi na naman siya nakapagsalita nang idampi ni Zane ang labi nito sa labi niya. At doon niya niya naramdamang tila sumabog na ang puso niya sa sobrang pagkabog. “I’ll just take a shower,” sambit ni Zane kay Raven bago tumayo at nagtungo sa banyo. Nanatiling gulat at tulala si Raven habang unti-unting rumirehstro sa kan’yang isip ang ginawa ng kan’yang asawa. Napahawak siya sa kan’yang labi at hindi makapaniwala sa nangyari. “H-Hindi… ‘Y-Yong first k-kiss ko…” nanghihinayang na saad ni Raven. “H-Hindi ito ang p-pinapangarap kong mangyari sa first kiss ko!” Naiiyak na nagpagulong-gulong sa kama si Raven na parang bata. Tila nawala sa isip niya ang lahat ng problema niya at tanging ang kan’yang unang halik ang iniisip niya. “B-Bakit naman gano’n? Hindi ko ‘to matatanggap! Nakaw… Tama! Magnanakaw siya! Ninakaw niya ang first kiss ko!” patuloy na reklamo ni Raven. Lumipas ang ilang minutong nagpapa-ikot ikot siya sa kama. Hindi pa rin siya tumitigil sa paglalabas ng kan’yang saloobin. “What are you doing? Sa kaka-ikot mo d’yan, natatanggal na ang sapin ng kama natin.” Napabalikwas si Raven mula sa pagkakahiga. At walang ano-anong pinagbabato ng unan si Zane. “What the hell?! What are doing?! Stop throwing things at me!” “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!” sigaw ni Raven at lumapit sa kinatatayuan ng asawa bago sinuntok sa braso. “What are you saying, woman? What the hell did I do?” inis na saad ni Zane. “Ikaw!” pagduduro niya sa asawa. “Magnanakaw ka!” “What?! Ano namang ninakaw ko sa ‘yong babae ka?” “Halik.” “Did I?” “A-Anong—Ninakawan mo ako ng halik! First kiss ko ‘yon! First kiss ko ‘yon na para sana sa mapapangasawa ko!” galit na sigaw ni Raven. “Oh? Then, there’s nothing wrong with it since I’m your husband,” kaswal na sagot ni Zane. “H-Hoy! K-Kahit na! Sa papel lang naman tayo kasal eh!” “What do you want me to do, then?” “Ibalik mo sa ‘kin ang ninakaw mo! Hindi ‘yon para sa’yo at lalong----” Hindi natapos ni Raven ang dapat niyang sabihin nang bigla siyang hapitin ni Zane dahilan para maglapit ang mga mukha nila. “If that’s what you want, then I’ll return it to you,” nakangising sambit ni Zane. “A-Ano… H-Hindi ‘yon ang ibig kong sabhin,” namumulang saad ni Raven nang mapagtanto niya ang sinabi niya. “But you just said that I’ll return your precious first kiss that I stole,” mapang-asar ngunit mapang-akit na sambit muli ni Zane. “O-Oo nga, p-pero h-hindi sa ganitong paraan---” Hindi na naituloy si Raven ang dapat niyang sasabihin nang halikan na siya ni Zane sa labi. Nanlaki ang mga mata niya. dahil hindi niya iyon inaasahan. “A-Anong---” “I gave back your first kiss,” malumanay na sabi ni Zane. Tinulak ni Raven ang asawa at do’n niya lang napagtanto ang suot nito. Nakapulupot lang sa ibabang bahagi ng katawan ni Zane ang tuwalya. Sa hindi malamang dahilan ay dahan-dahang naglakbay pataas ang mga mata niya at napalunok sa kan’yang nakikita. “What are you staring at, woman?” “H-Huh?” Kaagad na napatalikod si Raven dala ng pagkahiya. Sobrang pula ng kan’yang pisngi at hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa kan’yang dibdib. “M-Magbihis ka nga. B-Ba’t ba naka-tuwalya ka lang?” “I just came out from the shower. It’s your fault for distracting me.” “A-Anong— Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ni Raven at napaharap na sa asawa niya. “Ikaw na nga ‘tong nagnakaw ng halik tapos ako pa sisisihin mo. At isa pa, nakadalawa ka na! Pati ‘yong second kiss ko!” “Do you want me to return it again?” “Ano?” “Your second kiss.” “Isusumbong kita kay Kuya Kian!” “So be it.” “A-Ano? Iniinis mo ba talaga ako? Ang dami mo nang atraso sa ‘kin.” “Like what?” “Nakakainis ka na talaga!” Sasampalin sana ni Raven si Zane nang mahuli nito ang kamay niya. Kinuha pa nito ang isang kamay bago siya itinulak dahilan para mapahiga silang dalawa sa kama. Sa ibabaw ni Raven ay si Zane na mahigpit ang pagkakahawak sa mga kamay nito. “A-Ano ba! B-Bitawan mo nga ako. Umalis ka sa ibabaw ko!” Tila wala namang narinig si Zane at inilapit ang mukha nito dahilan para matahimik si Raven. Nagtama ang mga mata nila habang nagpipigil sila ng kanilang hininga. “Those lips…” paos na sambit ni Zane. “I won’t allow anyone to kiss them aside from me.” Hindi makagalaw si Raven sa kan’yang puwesto habang nakatitig ito sa mga mata ng asawa. “A-Ano bang binabalak mo?” “I’ll give you more kisses. Gaya nga ng sinabi mo kanina, ang mga halik mo ay para lang sa mapapangasawa mo at ako ‘yon. We’re married, remember?” Natahimik si Raven at doon niya napagtantong kasal na nga pala siya. Pero hindi niya pa rin mapigilang mainis. “H-Hindi ko sinabing sa ‘yo. P-Para sa lalaking papakasalan ko sa future na sigurado akong mahal ko at mahal ako!” sambit ni Raven. “You’re marrying someone else, eh?” malamig na tanong ni Zane. “O-Oo! A-Alam mo namang gustong-gusto ko nang mawalan bisa ang kasal natin. ‘Yon din ang gusto ng tatay mo. Isang araw, aalis din ako rito kasama si Kuya.” Natahimik si Zane at pinagmasdan ang mukha ni Raven. Napatayo siya at muling pinagmasdan ang nakahigang asawa bago ito tumalikod para magpunta na sana sa kanilang closet. “G-Galit ka ba?” Natigilan si Zane at unti-unting humarap sa kan’yang asawa na nakayukong naka-upo na sa kama. “No.” “Eh parang galit ka eh. Naiintindihan mo naman ang punto ko, ‘di ba? Gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay kasama si Kuya. Alam kong nanganganib ang buhay ko lalo na’t nalaman kong si D-Dad a-ang may plano sa ‘kin. G-Gusto ko nang umalis dito,” sabi ni Raven. “May sarili rin akong buhay. I’m pretty sure na nag-aalala na rin sa ‘kin ang mga kaibigan ko. Pati na rin ‘yong manager ko sa pagmomodel. Nag-aaral pa ako, sana naman maintindihan mo.” Ilang segundo pang tumingin sa kan’ya si Zane bago ito tumango. Kaagad itong tumalikod sa kan’ya. “Suit yourself. Kung ‘yon talaga ang gusto mong mangyari, kakausapin ko ang abogado ko,” malamig na saad ni Zane. “R-Really? As in, talaga ba? G-Gagawin mo ‘yon?” natutuwang sambit ni Raven. “Yeah. If that’s what makes you happy.” Hindi na niya pinakinggan pa si Raven at mabilis na pumasok ito sa closet. Napasinghap siya at hindi niya maintindihan kung bakit tila may naramdaman siyang kirot. “Damn, woman. Kung patayin ko na lang kaya siya?” bulong ni Zane bago nagsimulang magbihis. Si Raven naman ay masayang-masaya sa narinig. Pakiramdam niya ay makakalaya siya mula sa pamilyang hindi siya magiging ligtas. Pero natigilan siya nang napagtanto niyang hindi pa rin ligtas ang buhay niya mula sa ama niya. Masakit para sa kan’ya na ang gustong pumatay sa kan’ya ay ang ama niya. Naisip niyang kausapin ang kan’yang ama at alamin ang dahilan nito. Nagbabakasali siyang madadaan sa pakikipag-usap ang lahat. “Gusto kong maka-usap ng masinsinan si Dad,” bulalas nito habang nakikipagtitigan sa kisame. “I won’t allow you do that. Huwag mong ipahamak ang sarili mo. Kung ano man ang binabalak mo, ‘wag mo nang ituloy.” Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Raven at nakita niya ang asawa niya sa harap niyang nakabihis na. Inaayos nito ang kan’yang kuwelyo. “May pupuntahan ka ba?” “I have to talk to some annoying brutes with your brother.” “A-Ano? Kasama si Kuya? But why? Sino ba ‘yong mga ‘yon?” Hindi na siya pinansin si Zane at naglakad na palabas ng kuwarto pero pinigilan siya ni Raven. “T-Teka lang naman. Ano na naman bang gagawin mo? Bakit kasama pa si Kuya?” “Just stay here and do your morning routines.” “Wait lang sabi eh. Saan ba kasi kayo pupunta? At gustong-gusto ko na talagang itanong ‘to eh, kailan pa kayo nagkakilala ni Kuya Kian? Bakit parang kilala niyo na ang isa’t isa?” Napasinghap si Zane bago humarap kay Raven. “One thing that I could say to you is that Helius is a brother to me. That’s all.” “P-Pero---” “Kung may gusto ka pang malaman, ang kapatid mo ang makakasagot no’n,” malamig na sambit ni Zane. “Now, let go of my hand. I really need to go. At magpahatid ka sa isa sa mga tauhan ko papunta kay Dr. Madison para ipagamot muli ang mga pasa mo.” Binitawan na siya ni Raven kaya naman tumalikod na ito sa kan’ya at tuluyan nang nakalabas ng kuwarto. Kaagad itong nagtungo sa kuwarto kung saan naroon ang mga nahuling hoodlum na kumidnap kay Raven. Napagdesisyunan naman ni Raven na magbabad sa bathtub. Habang naroon siya ay lumilipad sa kung saan ang isip niya. Napabuntong-hininga siya nang mapansin niya ang biglaang pagtulo ng mga luha sa kan’yang mata. “Ano bang nangyayari sa buhay ko?” bulalas niya. Makaraan ng ilang minuto ay umahon na siya at mabilis na nagbihis. Lumabas siya ng kuwarto at napansin niya ang isang tauhan na naroon. “Good morning, ma’am. Binilin po pala ni bossing na samahan kayo kay Dr. Madison.” “G-Gano’n ba? P-Puwedeng mamaya na lang? N-Nagugutom na kasi ako eh,” nahihiyang sambit ni Raven. “Sige po, ma’am. Samahan ko na muna kayo sa dining area.” “K-Kahit ako na. Kaya ko namang magpunta.” “Pasensya na po, ma’am. Bilin po ito ni bossing na samahan kayo dahil hindi pa po niyo alam ang pasikot-sikot dito.” Wala nang nagawa si Raven kun’di ang sumunod sa tauhan hanggang sa narating na nila ang dining area. Nalula siya nang makitang may nakahanda nang mga pagkain doon. “A-Ang dami naman nito. Kumain na ba si Zane?” “Hindi pa po, ma’am. Pinasadya niya lang po ‘yan kung sakaling magutom po kayo,” sagot ng isang katulong na naroon. “P-Pero ang dami nito. Gusto niyo ba akong saluhan? Hindi ko mauubos itong mga ‘to.” “N-Nako. Pasensya na po, ma’am. Hindi po namin ‘yan magagawa.” “Po? Pero sayang naman ‘tong mga ‘to kung hindi ko mauubos.” “Pasensya na po talaga, ma’am.” Tahimik na kumain na lamang si Raven. Naiilang pa ito dahil sa mga tauhang naroon malapit sa kan’ya at ilang mga katulong na nanonood sa bawat kilos niya. Pagkatapos nitong kumain ay kaagad siyang inalalayan ng isang tauhan para magpunta sa medical ward. Doon niya lang napansin na hindi lang isa ang basement ng mansyon. Nalula siya nang madaan nila ang ikaunang palapag ng basement na kung saan makikita ang ilang training rooms at mga kagamitan. May ilang mga tauhan din ‘don na nag-eensanyo. “Hindi ko alam na may ganito,” bulalas niya. “Ito po ay ang training area para sa mga tauhan ng pamilya Fuentes. Ito rin ang nagsisilbing lugar upang mag-ensayo ang lahat at magpalakas ng katawan. May iba pang kuwartong nakahiwalay para sa martial arts at archery. May indoor shooting range rin sa may gilid. Pero madalas ay sa labas sila nag-eensayo ng pagbaril. At binilinan kami ni bossing na hindi kayo puwedeng magpunta roon,” paliwanag ng tauhang kasama niya. “G-Gusto sanang pumunta sa may archery o sa martial arts pero kung sakaling nandito na lang ang kapatid ko,” ani ni Raven habang napapalinga-linga sa lugar. “Marunong po kayong pumana?” “Ah oo, tinuturuan kasi ako ni Kuya Kian. Minsan din ay martial arts bilang pang-depensa ko raw pero matagal na panahon na rin mula nang huli niya akong tinuruan.” “Kung gano’n, puwede kong sabihan si bossing. Sigurado akong may irerekomenda siya sa ‘yong trainor niyo.” “N-Naku, ‘wag na. Kung ano man ang nalaman mo, sana’y ‘di na makarating pa kay Zane. Hindi naman din ako magtatagal dito,” saad ni Raven at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Tara na, Kuya. Baka hinihintay na ako ni Dr. Madison.” Tumango ang tauhan at nauna nang naglakad pababa ng hagdan. Sumunod na lamang sa kan’ya si Raven at ‘di na pinansin pa ang training area. Pagkapunta nila sa ikalawang palapag ng basement ay napansin niya ang isang malaking pintuan malapit sa hagdanan. “May pababa pa ba? May iba pa bang palapag?” hindi mapingilang tanungin ni Raven. “O-Opo, ma’am. Pero hindi na po kayo puwede ro’n. Mahigpit ang pagpapapasok sa bandang ‘yan,” sagot ng tauhan. “Tara na po, ma’am.” Sinulyapan pa ng isang beses ni Raven ang malaking pintuan bago ito sumunod sa tauhan. Nagpunta sila sa opisina ng doktora at doon ay kaagad siyang sinalubong ng yakap ni Dr. Madison. “Sorry about that. Feel ko lang na close na tayo,” natatawang sabi ng doktora. “How are you? Hindi ba sumasakit ang mga pasa mo?” “Hindi naman na po, Dok. Effective po ‘yong nilagay niyong ointment.” “Ano ka ba, sabi ko naman sa ‘yo na drop the ‘po’ and ‘opo’. At tawagin mo ako sa pangalan kong Maureen.” “S-Sige, M-Maureen.” “Ayan!” Habang ginagamot siya ng doktora ay hindi naman nila maiwasang mag-kuwentuhan. Nagiging komportable na rin si Raven sa kausap niya. Sa ikatlong palapag ng basement naman ay nasa isang kuwarto sina Zane at si Kian. Kaharap nila ang mga hoodlum na dumakip kay Raven sa araw ng kan’yang debut. Nasa labing-lima ang bilang nila. “Hindi ba kayo magsasalita? Uulitin ko, nasaan ang lider ng grupo niyo?” inis na tanong sa kanila ni Kian. “H-Hindi po talaga namin alam. Kahapon pa siyang nawawala,” sagot ng isa. “Pa’nong mawawala ang lider niyo? ‘Wag niyong sabihing bumalik sa kan’ya kaagad ang karma at siya naman ang nadakip?” sarkastikong pagkakatanong ni Kian. “Nagsasabi kami ng totoo. Hindi po talaga namin alam.” Nananatiling tahimik at nakikinig si Zane sa may tabi habang humihithit ng yosi. Isa-isa niyang pinag-aaralan ang mga mukha ng mga hoodlum. “Sasabihin niyo o kailangan pang dumanak ang dugo sa kuwartong ito?” “H-Hindi talaga namin alam. Kahapon pa po namin siya hinahanap kahit na sa lungga at bahay niya pero wala talaga siya ro’n.” “Kung patayin kaya kita ngayon? Lalabas kaya ang lider niyo?” “M-Maawa ka, bossing. Hindi talaga namin alam kung nasa’n siya. Hindi na namin siya nahagilap magmula nang dalhin at ibenenta namin ang babaeng tinutukoy mo sa fighting club. Hindi talaga---” Hindi na nakapagsalita pa ang lalaki nang tuluyan siyang barilin ni Kian. Nagulat ang ilang kasamahan niya at nagpupumiglas sa mga tali nila sa kamay. “Ano? Hindi kayo aamin? Sino ang susunod sa inyong ma-meet si kamatayan?” Takot na takot ang mga hoodlum dahil sa kanilang nasaksihan. Napapa-iling naman si Zane sa tabi. “Stop that, Helius. Wala kang mapapala sa mga ‘yan,” pagpapatigil niya kay Kian. “Shut up! Kapatid ko ang inagrabyado nila. Sa tingin mo, patatahimikin ko sila nang ganon-ganon na lang matapos ang ginawa nila kay Raven?” “Like I said, wala kang mapapala sa kanila kahit patayin mo sila. Raven’s still in danger as their lider and your father are still out there.” Kinuha ni Zane ang baril mula kay Kian at inilabas na ang isa pang baril. At walang ano-anong pinagbabaril ang mga hoodlum na nasa harap nila hanggang sa maubos ang mga bala niya. “We need to find your father and their lider. Sila dapat ang pagbuntungan mo ng galit at---” “Bossing!” Natigilan sila nang may pumasok na isa sa mga tauhan. “What? Don’t you know how to knock?” “S-Sorry po, bossing. Pero masama pong balita, natagpuan po ang dalawa sa mga tauhan natin ang patay sa labas ng mansyon.” “Then, you know what to do. Hanapin niyo kung sino ang may lakas ng loob na magpunta rito sa mansyon ko. Kilatisin din ninyo ang ilan sa mga kasamahan niyo baka sakaling may espiya o kahina-hinala.” “Masusunod, bossing.” Maya-maya pa ay may tumawag sa kan’yang cellphone kaya naman kaagad niya itong sinagot. “Colt, what is it? How’s Don Dominique?” “Trouble, boss.” “What do you mean? Nakasunod ka ba sa kan’ya?” “Yes, boss. Alam na niyang nakasunod ako sa kan’ya pero may mas malaki pang problema.” “Ano ‘yon?” “N-Nilusob ang bahay ni Doña Margarette. At kasalukuyan na itong natutupok ng apoy. Napag-alaman ding ang pamilya Donato ang may kagagawan---” “How is my she?! How’s Doña Margarette?” sigaw ni Zane na ikinagulat ni Kian sa tabi niya. “Nasa maayos na siyang kalagayan---” “I’ll go there. Just keep an eye on my family.” “Pero---” Ibinaba ni Zane ang tawag at galit na galit na sinipa ang isang upuan. “Sino ‘yon? Anong problema?” “I need to fly to America.” “Ano? Bakit ba?” Hindi pinansin ni Zane si Kian at dali-dali siyang lumabas ng kuwarto. “Keep an eye and take care of my wife. Ikaw na muna ang bahala rito sa mansyon,” saad ni Zane. “A-Anong--- Hoy! Sabihin mo nga kasi kung anong problema.” “I’ll talk to you soon once I came back, Helius.” “H-Hoy!” Hindi na mahabol ni Kian si Zane dahil biglang kumirot ang sugat niya sa braso. Inis niya itong pinagmumura kahit na nakalayo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD