Pumasok na si Raven sa kanilang bahay. Kaagad niyang napansin ang mga bote ng alak na nagkalat sa sahig. Maaamoy din ang masangsang na amoy dahil sa mga nagkalat na basura.
Binalewala na lamang ‘yon ni Raven at kaagad siyang nagtungo sa kuwarto ng kan’yang kapatid. Ngunit dismayado ito dahil wala siyang nadatnan doon.
Laking gulat na lamang niya nang biglang sumulpot ang kan’yang ama sa kan’yang likuran.
“D-Dad…”
“Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay patay ka na?!” gulat na tanong ng ama niya.
“P-Po? Ano pong s-sinasabi niyo? Kung ‘yong pagdakip sa ‘kin ang tinutukoy niyo, nakaligtas po ako. Walang puma---Dad!”
Napasigaw si Raven nang biglang sipain ng kan’yang ama ang katabi nitong salamin dahilan para mabasag ‘yon. Labis ang kaba nito habang nakatingin sa ama niya.
“Hindi ka na dapat nandito! Patay ka na! Patay ka na dapat!” sigaw ng kan’yang ama sa kan’ya kasabay ng sunod-sunod na sampal sa kan’yang pisngi.
“D-Dad…” bulong ni Raven. “A-Ano bang nangyayari sa ‘yo?”
“Ikaw!” sigaw ng ama niya. “Ikaw ang problema ko! Kayo ng kapatid mo! Kailan ba kayo mawawala sa paningin ko?!”
“A-Anong…”
Napa-iyak si Raven dahil sa mga salitang naririnig niya mula sa kan’yang ama. Matagal naman na nitong tanggap na matagal ng may kakaibang galit ang kanilang ama sa kanilang magkapatid pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan.
“L-Lasing ka lang, Dad. B-Bakit---”
Hindi na nakapagsalita pa si Raven nang hilain ang kan’yang buhok.
“Huwag mo akong tawagin ng gan’yan dahil kailanman ay hindi kita magiging anak.”
Napaluhod si Raven nang muli siyang sinampal ng ilang beses ng kan’yang ama. Sa pagkakataong ito ay nagkaroon na siya ng pasa at pagdurugo sa kan’yang labi. Pakiramdam niya ay namanhid na rin ang mukha niya.
Ngunit sumiklab ang takot at kaba ni Raven nang biglang maglabas ng baril ang kan’yang ama at ikinasa ito. Nakatutok ito sa kan’ya at alin mang oras ay maaari ‘yong makalabit.
“D-Dad…”
“Kung gano’n, ako na lang ang papatay sa ‘yo.”
“D-Dad, please…”
Nanlalabo na ang kan’yang mga paningin kasabay ng kan’yang pag-iyak. ‘Tila bumalik din ang mga masasakit niyang ala-ala. Sa mga oras na ‘yon ay napatakip ng tainga si Raven habang nanginginig ito. Hindi na rin niya naririnig pa ang mga sinasabi ng kan’yang ama.
Nagmamakaawa ito sa kan’yang ama. Ngunit nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagputok ng baril ay tuluyan na siyang napahiga at nawalan ng malay.
“Raven!”
“Wake up!”
“Raven…”
“Wife, you have to wake up.”
Dahan-dahang nagmulat ng kan’yang mga mata. Nanlalabo pa ang kan’yang mga mata. Mabilis din ang mabilis na pagtibok ng kan’yang puso. Ramdam din nito ang pamumuo ng kan’yang pawis.
Kahit na hindi pa rin malinaw ang kan’yang paningin ay napayakap siya sa taong nasa harap niya. Ang buong akala nito ay ito ang kan’yang kapatid.
“K-Kuya…”
Mahigpit niya itong yakap habang may kakaibang kaba pa rin siyang nararamdaman. Yumakap din pabalik ang kayakap nito at hinimas pa ang kan’yang ulo.
“Everything is going to be fine, wife. You’ll be fine.”
Nanlaki ang mga mata ni Raven at biglang luminaw ang kan’yang paningin. Mabilis siyang humiwalay sa lalaking yakap niya.
“Z-Zane? Anong ginagawa mo rito?! B-Ba’t mo ‘ko niyayakap?!” gulat na tanong ni Raven.
“Don’t be silly, woman. You hugged me first.”
“A-Akala ko… A-Akala ko k-kasi---”
“How are you? Are you feeling good? Binabangungot ka.”
Natigilan naman si Raven at napayuko. Napaginipan niya ang nangyari sa pagitan niya ng kan’yang ama.
“I suppose you had calm down. Uminom ka na muna ng tubig.”
Inalalayan siya ni Zane na uminom ng tubig. Napansin din niya na ‘tila nasa ibang kuwarto ‘ata siya. Ngunit mas nakaagaw ng pansin sa kan’ya ay ang kan’yang kapatid na nakahiga sa katabi niyang kama.
“K-Kuya…”
Dahan-dahang tumayo si Raven at naglakad patungo sa puwesto ng kan’yang kapatid. Nagulat ito sa mga pasa ng kan’yang kapatid sa mukha. Mas lalo na nang makita niya ang benda sa balikat ni Kian. May nakatusok ding IV sa may kamay nito.
Nanginginig ang kan’yang kamay habang hinahaplos ang mukha ng kan’yang kapatid. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit nasa ganoong kalagayan si Kian.
“He fought a lot of goons and mobsters downtown. Then he was shot by your father when something happened,” bungad ni Zane sa kan’ya nang makalapit ito.
“A-Ano?”
“Don’t think too much. Helius is going to be fine. We’ll talk about it once he wake up. Kailangan mo ring magpahinga matapos ng mangyari sa ‘yo kanina.”
“P-Pero si Kuya…”
“He’s going to be fine. Besides he’s not on the brink of death. According to my doctor, he just needs lots of rest.”
“D-Dito na muna ako sa tabi niya.”
Napabuntong-hininga na lamang si Zane at napatango.
“Fine. Pero kung may kailangan ka, sabihan mo na lang ang mga tauhan ko sa labas.”
“‘San ka pupunta?”
“I need to go to our company. I just need to fix something.”
“Anong oras ka uuwi? T-Teka, anong oras na ba?”
“It’s already quarter to ten, woman. I’ll be quick. I’ll go home immediately.”
“P-Pero---”
“You sound afraid of something.”
Natigilan naman si Raven at napayuko. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ng kan’yang kapatid.
“You’re safe here, wife. Wala kang dapat ikatakot para sa ‘yo at kay Helius.”
Napaangat ng tingin sa kan’ya si Raven. Naiiyak na naman ito dahil sa naalala niya ang mga nangyari kanina lamang.
“Babalik din ako. And I think Dr. Madison is on her way back. She’s my personal doctor and who takes care of both of you,” sabi ni Zane. “I need to go. You can go to our room if you need to take a rest. Magpapadala na rin ako ng pagkain dito para makakain ka rin.”
Tumango na lamang si Raven sa kan’ya at bumalik ang tingin sa kan’yang kapatid. Ngunit nagulat ito nang gawaran siya ng halik ni Zane sa kan’yang sintido bago ito tuluyang umalis.
“K-Kuya, something wrong with my heart. Gumising ka na d’yan,” bulong ni Raven sa kapatid habang hawak ang kamay nito.
Hindi napigilang ilibot ni Raven ang kan’yang paningin sa kabuuan ng kuwarto. ‘Tila ba nasa ospital sila dahil sa puting mga gamit sa paligid. Idagdag pa ang mga hospital bed na naroon sa buong kuwarto. Ngunit wala siyang makitang bintana sa kahit saang sulok ng kuwarto.
Napatayo siya upang silipin sana sa may labas nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng nakasuot ng puting coat.
“Oh wow! Just like your husband told me, you’re awake. Kumusta ka? Hindi ka ba nahihilo o nakakaramdam ng kahit anong masakit?” pagbungad ng babae at kaagad na lumapit sa kan’ya.
“A-Ayos lang po ako,” sagot ni Raven. “I-Ikaw po ba si Dr. Madison?”
“Yeah, the one and only,” nakangiting saad ng doktor. “I am Dr. Maureen Madison, the personal doctor of your husband. Your name is Raven, right? Just like a crow?”
“O-Opo.”
“Oh come on, drop the ‘po’ and ‘opo’ thing. Act like we’re the same age. I may suggest you call me Maureen instead.”
Lumapit naman ang doktor sa puwesto ni Kian at tiningnan ang kalagayan nito. Habang hindi naman matanggal ang tingin ni Raven sa babaeng doktor.
“Kung yelo lang ako marahil ay kanina pa ako natunaw dahil sa mga titig mo, Mrs. Fuentes,” bulalas ng doktor at malawak ang ngiting lumingon sa kan’ya.
“I-It’s j-just that… I-I found you gorgeous.”
Napatitig naman sa kan’ya ang doktora at maya-maya pa ay napatawa ng malakas.
“Oh my! Really? I love you na!” kinikilig na sabi nito at yumakap pa sa braso ni Raven. “Sa tingin ko magiging close tayo.”
“H-Huh?”
Totoong maganda si Dr. Madison. Matangkad ito, mestisa, at may balingkinitang katawan. ‘Tila ba may lahi ito dahil sa kulay asul nitong mga mata at matangos na ilong. Idagdag pa ang mahabang buhok nito. Pero ang mas nakakaagaw ng pansin sa kan’ya ay ang kan’yang cleavage dahil sa naglalakihan nitong dibdib.
Mas lalo pang na-conscious si Raven nang mas idikit ni Dr. Madison ang kan’yang mga dibdib sa kan’yang braso. Kaya naman ramdam na ramdam niya kung gaano ito kalambot.
“Is there something wrong? ‘Tila namumula ka ‘ata?” tanong ng doktora kay Raven.
“W-Wala, ang laki kasi--- I mean, medyo mainit lang dito dahil siguro walang bintana.”
“Palakasin ko na lang ang aircon para---”
“Okay lang. S-Sakto naman na ang lamig dito eh,” sagot ni Raven. “By the way, ba’t nga ba walang bintana rito?”
“Oh, hindi pa ba sinasabi ng asawa mo?”
Napa-iling si Raven kaya naman medyo natawa ang doktora at lumayo sa kan’ya.
“Nasa basement kasi tayo ng mansyon,” saad ni Dr. Madison.
“Basement?”
“We’re in the medical ward, two floors below the mansyon. Ang buong floor kung saan tayo mismo ay ang medical ward. Kumbaga hindi lang ito ang kuwarto rito para sa mga pasyente at hindi lang din ako ang doktor na nandito.”
“Ano? Ibig niyo bang sabihin ay parang nasa ospital na rin tayo?”
“Parang gano’n na nga,” natatawang sagot ng doktora ago hinila ang kamay ni Raven palabas ng kuwarto. “Let me show you.”
Nalula si Raven sa lawak ng buong floor. ‘Tila ngang nasa ospital siya. May mga doktor, nars, at ilang pasyente sa paligid. At totoo ngang marami pang kuwarto roon para sa mga pasyente. May mga tauhan din sa labas ng kuwarto na sa tingin niya ay nakabantay sa kanila.
“What do you think?”
“G-Grabe… Hindi ko alam na may ganito pala rito sa mansyon. P-Pero ba’t nga ba may gan’to? May mga pasyente rin dito,” takang tanong ni Raven.
“Siguro naman alam mo na kung anong klaseng pamilya ang pinasukan mo?”
Napatango si Raven at medyo nakaramdam ng takot dahil muli niyang naalala ang paghaharap nila ng mafia boss ng pamilya Fuentes.
“Dito dinadala ang mga nasusugatang mga tauhan na hawak ng asawa mo. Dito sila ginagamot at nagpapahinga mula sa operasyong kinasangkutan nila. Kaya maraming kuwarto rito ay dahil masyado ring marami ang tauhan ng asawa mo. Ang mga ilang pasyenteng narito ay sabihin na nating kamuntikan nang malagutan ng hininga.”
“K-Kung gano’n, dito rin namamalagi ang mga doktor at nars?”
“Hindi naman. Parang sa isang normal na hospital, may sarili rin silang schedule dahil may mga sarili naman silang inuuwian. Ang kaibahan lang ay hindi lang sila basta mga doktor at nars na gumagamot.”
“A-Anong ibig mong sabihin?”
“Sabihin na nating, kabaligtaran no’n.”
“A-Anong? P-Pumapatay din?”
“Ikaw na ang bahalang mag-isip kung anong ibig kong sabihin.”
Natahimik si Raven at napayuko. Muling sumiklab sa kan’yang dibdib ang takot at kaba. Nawala lang siya mula sa kan’yang malalim na pag-iisip nang may sumulpot sa kan’yang harapan.
“Ma’am Raven, kumain na po muna kayo. Pinadalhan ka po ni boss ng pagkain dahil hindi ka pa raw po kumakain,” saad ng babaeng katulong na nasa harapan niya habang buhat ang isang tray ng pagkain.
“G-Gano’n ba? Kahit---”
“Dalhin mo na lang ‘yan sa opisina ko. Doon siya kakain,” pagsingit ni Dr. Madison.
“P-Po? Sige po.”
Umalis na ang katulong at sinunod ang utos ng doktora. Hinawakan naman ni Dr. Madision si Raven sa balikat.
“Halika, ipapakita ko sa ‘yo ang opisina ko. Kahit do’n ka na kumain. Alam mo na, para makapagkuwentuhan tayo,” nakangiting sabi ni Dr. Madison. “I want to know more about the new member of this family.”
“P-Pero ayokong iwan dito si Kuya.”
“Helius is going to be fine. Masamang damo ‘ata ang isang ‘yon. Huwag kang mag-alala dahil may maga-assist naman sa kan’ya,” sabi ng doktora at tinawag ang isang nars. “Ms. Eva, kindly assist Mr. Fontana for a while? Kung may problema, nandoon lang kami sa opisina ko.”
“Yes po, Dok.”
Hinila naman ni Dr. Madison si Raven patungo sa opisina niya. Hindi rin maiwasang lumingon-lingon ni Raven lalo na’t napapatingin din sa kan’ya ang ilang tao sa paligid nila.
“Inilapag ko na po sa may lamesa ang pagkain niyo po, Ma’am Raven. Kung may gusto pa po kayong kainin, tawagin niyo lang po ako sa may labas,” bungad ng katulong pagpasok nila ng opisina.
“Hihintayin mo pa akong kumain? Nako! Huwag na po, Ate. Kahit ako na po ang bahala sa pinagkainan ko.”
“Okay lang po, ma’am. Utos din po ni boss,” saad ng katulong bago lumabas.
Napabuntong-hininga na lamang si Raven habang natutuwa naman si Dr. Madison.
“Come, Raven, eat your food unless you want her to wait for you longer.”
Sumunod na lamang siya at naupo. Bago pa man niya galawin ang kan’yang pagkain ay inilibot niya ang kan’yang paningin sa buong opisina at hindi nito maiwasang mamangha sa sobrang lawak nito. Mas nakaagaw naman ng pansin sa kan’ya ang isang larawang nakapatong sa isang lamesa habang may nakasinding dalawang kandila.
“Mahilig ka ba sa kape? Ipagtitimpla kita.”
“H-Huh? A-Ano… Kahit tubig na lang ako,” sagot ni Raven.
Umiwas na lamang si Raven sa pagtitig sa larawan. Gusto man niyang magtanong tungkol do’n ay wala siyang tapang upang gawin ‘yon. Kaya naman pinili na lamang niyang kumain dahil ramdam na rin niya ang pagkulo ng kan’yang tiyan.
“Ang bata mo pa nga talagang tingnan gaya ng kumakalat na usap-usapan,” namamanghang saad ni Dr. Madison habang nakatitig sa kan’ya kaya naman hindi niya maiwasang makaramdam ng pagka-ilang.
“Let me guess. Siguro 20 ka pa lang? 21? O baka naman ka-edad mo rin ang asawa mong 24 years old? Unless you've had any sort of surgery to look so young?” sunod na sunod na tanong ng doktora na ‘tila sinusuri ang kan’yang mukha.
“H-Huh? A-Ang totoo ay 18 pa lang po ako.”
Natigilan si Dr. Madison at natahimik. Pero ng rumehistro na sa kan’ya ang lahat ay napasigaw siya sa gulat.
“18?! Seryoso ka ba?!”
“O-Opo. Sa katunayan nga po ay ngayon ang birthday ko.”
“Ano?!”
Mas malakas na sigaw ang pinakawalan niya. Hindi siya makapaniwala habang nanlalaki ang kan’yang mga mata.
“Ibang klase naman talaga ‘yang si Zane. Sa bata pala mahuhulog,” iiling-iling na bulong ng doktora.
“Ano po ‘yon?”
“W-Wala. Ang sabi ko, sa ganda mong ‘yan hindi talaga impossibleng mahulog sa ‘yo ang asawa mo,” tatawa-tawang saad ng doktora.
“Pero hindi ko alam na hindi pa pala gano’n katanda si Zane. Well, kung tutuusin din naman mukhang nasa kaedaran ko rin naman siya.”
“Kahit wala naman siyang gaanong paki-alam sa sarili niyang itsura ay talagang naaalagaan niya pa rin ang katawan niya. Actually, he looks more younger than his little brother,” sabi ng doktora bago sumimsim sa kan’yang kape.
“May kapatid siya?”
“Yeah, pero madalang ko lang din makita. May sarili din kasi ‘yong bahay pero ang alam ko ay madalas siyang nasa condo niya. Hindi rin naman sila close ng asawa mo. Huwag na nga natin ‘yong pag-usapan,” pagbabahagi ng doktora. “Ikaw? Anong ganap mo ngayon? Sigurado ay nag-aaral ka pa lang.”
“A-Ah oo. Senior high school na ako at graduating student sa susunod na buwan.”
“High school ka pa lang pala pero may asawa ka na. Sabagay, sa ibang bansa nga ang legal na edad ng ilan ay nasa trese anyos eh,” komento muli ng doktora. “Since graduating ka na pala. May balak ka na bang kuning kurso?”
“Ang totoo ay gusto kong maging doktor balang araw. Matagal ko na ‘yong pangarap mula pa nang bata ako,” masayang sagot ni Raven.
“Oh my! Kung gano’n, matutulungan kita d’yan. Marami akong libro d’yan na hindi ko na ginagamit. I can also teach you some, kung gusto mo lang naman.”
Ang masayang mukha ni Raven ay biglang nawala nang bigla niyang mapagtanto ang kan’yang sitwasyon. Napatingin siya sa singsing na suot niya at hinimas ito.
“What’s wrong? May problema ba?”
“A-Ah, n-naisip ko lang na baka nga hindi na mangyari ‘yon dahil sa sitwasyon ko ngayon. Kasal na ako at higit sa lahat ay konektado na ako sa pamilyang ito. Nanganganib din ang buhay ko,” malungkot na saad ni Raven.
“Don’t be negative, sweetheart. Lahat ng bagay at nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Don’t lose hope just because your life in trouble.”
“P-Pero---”
“Kung gusto mo naman talagang makuha ang isang bagay ay maraming paraan. Nakadepende na lang sa tao kung paano niya gugustuhing mabuhay para makamit ang kan’yang pangarap. No one should dictate what we want in life. Baka dumating ang araw na pagsisihan natin ang mga bagay na kaya naman talaga nating gawin pero natatakot lang tayo sa kalalabasan.”
Napansin ni Raven ang pagiging emosyonal ng doktora at pagkatulala. Kaya naman nang mapansin ni Dr. Madison ang kan’yang inaasal ay ngumiti ito.
“Nevermind that. Basta ang gusto ko lamang sabihin, kung gustong-gusto mo talagang maging doktor ay dapat ay hindi ka dapat mawalan ng pag-asa,” seryosong saad ng doktora. “Your life may be in danger, but I know that your husband will protect you.”
Napatitig si Raven sa kan’ya. Sa isa pang pagkakataon ay hindi na naman niya maitago ang kan’yang pagkamangha sa ganda nito.
“You’re gorgeous. Pero bakit hindi na lang ikaw ang piniling pakasalan ni Zane?” biglaang bulalas ni Raven na ikinagulat niya rin. “I-I mean, ‘wag mo na lang pansinin---”
“Don’t be silly. Hinding-hindi ko papatulan ang isang ‘yon kahit na sobrang guwapo o yaman pa niya. He’s not my type, masyado siyang seryoso at malamig. Kaya nga naninibago ako sa kan’ya ngayon eh. And besides, I’m already too old for him.”
“Pero mukhang magka-edad lang naman kayo---”
Natigilan si Raven nang natawa ng malakas si Dr. Madison.
“Kinilig naman ako sa sinabi mo,” natatawang saad ng doktora. “But the sad truth is that I’m twice his age.”
“Po?! P-Pero---”
“I maintain a healthy lifestyle, that’s why.”
“Looks can really be deceiving,” bulong ni Raven habang hindi makapaniwalang nakatingin sa doktora.
“That’s right, sweetheart. Kaya ‘wag kang masiyadong magpalinlang,” nakangiting saad ng doktora.
Tumayo ang doktora at naglakad ito patungo sa kung saan nakalagay ang larawan. Inilapag na ni Raven ang kanyang kubyertos at sumunod kay Dr. Madison na sinindihan ang kandila.
Malinaw nang nakikita ni Raven ang larawan na kung saan makikita si Dr. Madison habang masayang yakap-yakap ang isang batang babae. At sa katabi naman nito ay isang lalaki.
“This is my family,” panimula ng doktora. “Ito ang aking asawa at ito naman ang nag-iisa naming anak.”
Napatitig si Raven sa larawan habang sinusulyapan ang doktora. Kaagad niyang napansin ang malungkot na mga mata nito kahit na malawak ang ngiti nito.
“Ito ang pamilyang hindi ko akalaing mawawala sa ‘kin sa isang iglap. Kung siguro nabubuhay pa ang anak ko, kasing-ganda mo siya. Sa katunayan ay ka-edad mo na rin siya. Nakakalungkot nga lang isipin na hindi ko man lang nasubaybayan ang pagdadalaga,” naiiyak na saad ng doktora.
“D-Dok…”
“Kaya noong una kitang makita, naalala ko ang anak ko. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit magaan ang loob ko sa ‘yo.”
“P-Pasensya po---”
“I don’t wanna be emotional. Gusto ko lang magbahagi sa ‘yo.”
Napayuko si Raven at hindi malaman kung ano ang dapat niyang sabihin.
“Balang-araw ay maigaganti ko rin ang pamilya ko. Babalikan ko ang taong sumira sa buhay namin,” mahinang saad ni Dr. Madison habang nakakuyom ang kan’yang kamay.
Hahawakan na sana ni Raven ang kamay ng doktora nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina dahilan para matigil sila. Sabay silang napalingon sa pumasok.
“Mr. Fuentes, you’re back. Hindi ko naman akalaing mapapabilis ang pagbalik mo,” masayang saad ng doktora sa bagong dating na si Zane.
“I’m here to take my wife.”
“Oh, wife daw. Kukunin ka na raw ng asawa mo,” may bahid ng pang-aasar na bulong ng doktora kay Raven.
Namula naman ang magkabilang pisngi ni Raven at biglang nakaramdam ng hiya. Mas lalo pa siyang nailang nang hilain na siya ni Zane palabas ng opisina.
“T-Teka lang,” pagpigil ni Raven. “S-Sa’n mo ba ako dadalhin? Dito muna ako baka magising si Kuya at---”
“Your brother’s awake. He’s looking for you.”
Nakahinga naman ng maluwag si Raven at natuwa sa balitang dala ng asawa niya.
“Ano? Gising na siya?!” gulat na tanong ni Dr. Madison. “Anak ng--- Bakit wala man lang nagsabi at tumawag sa ‘kin?! Nasa’n ‘yong inutusan ko?”
“He just woke up when I check on him just now, Maureen. Sinabi naman ng nars na pumunta kayo rito kaya ako na ang nagpunta rito para sunduin ang asawa ko.”
“Ah gano’n ba? Sige, mauuna na ako ro’n,” natatawang sabi ni Dr. Madison bago tuluyang umalis.
Hinawakan naman ng mahigpit ni Zane ang kamay ni Raven at sumunod din.
“H-Hindi mo naman ako k-kailangang hilain pa,” naiilang na sabi ni Raven pero hindi siya pinansin ni Zane. “Ba’t nga ba ang bilis mong nakabalik mula sa kung saan?”
“I told you, I’ll be back immediately.”
Nang makarating sila sa kuwarto kung saan si Kian ay maluha-luhang bumitaw siya sa hawak ni Zane at napatakbo sa kapatid. Niyakap niya ito ng mahigpit.
“Kuya! Salamat naman at gising ka na.”
“R-Raven…”
Mahigpit ang pagkakayap niya rito habang walang tigil ang pagtulo ng kan’yang mga luha.
“R-Raven, ‘wag masiyadong mahigpit. ‘Y-Yong sugat ko,” sabi naman ni Kian dahilan para mabilis na lumayo sa kan’ya ang kapatid.
“How is he?” tanong naman ni Zane kay Dr. Madison.
“As always, his vital signs are doing fine. Hindi naman din gano’n kalalim ang tama ng baril sa kan’yang balikat. Kailangan niya lamang itong ipahinga pati na rin ang buong katawan niya,” sagot naman ng doktora. “Ano pa nga bang aasahan ko? Kahit ilang beses ‘atang magpabaril itong si Helius, eh mukhang sobra pa nga sa siyam ang buhay niya.”
“Is that so? Kung gano’n, iwanan niyo muna kami rito,” saad naman ni Zane.
Napabuntong-hininga ang doktora at sumunod na lamang. Lumabas na siya ng kuwarto kasama ang nars.
“How are you feeling?” pangangamusta ni Zane kay Kian.
“Ano sa tingin mo?” pambabara naman nito.
“Yeah right. Based on the way you talk, it seems like you’re doing fine.”
Tiningnan siya ng masama ni Kian bago napatingin sa kan’yang kapatid. Hinawakan nito ang ilang pasa ni Raven sa mukha at hindi niya maiwasang masaktan sa kan’yang nakikita.
“I’m sorry, Raven. Mukhang hindi na naman kita nailigtas sa pananakit ng hayop na ‘yon,” malumanay na saad ni Kian.
“Ano ka ba, Kuya. Huwag mo ngang sabihin ‘yan. Ilang beses mo na kaya akong nailigtas kay Dad. Kaya ano bang pinagsasabi mo?”
“I just feel that I’m a failure from protecting you from him. Ilang beses na niyang ginagawa ‘to. At sana ito na rin ang huling pagkakataon dahil ako na ang makiki-usap sa ‘yong umalis na sa pamamahay na ‘yon.”
“P-Pero Kuya, bahay ni Mommy ‘yon. Ayokong iwanan ang bahay na ‘yon.”
“This is for your safety, Raven. Huwag kang mag-alala dahil gagawa ako ng paraan para hindi mawala ang naiwan ni Mommy para sa ‘tin.”
“Anong binabalak mo? Babalik ka ba do’n? Please lang, Kuya… Huwag muna sa ngayon,” saad ni Raven. “Baka kung ano na naman ang gawin sa ‘yo ni Daddy. M-May baril siya, b-baka may---”
“Hindi ko ipapahamak ang sarili ko. Magtiwala ka lang kay Kuya.”
“Your sister is right. It would be dangerous for you to go back there,” biglang pagsingit ni Zane sa usapan nila.
“Oh? Nand’yan ka pa pala? Kung ano man ang problema naming magkapatid, sa amin na lang ‘yon. Hindi ka naman namin kaano-ano,” pambabara muli sa kan’ya ni Kian.
“Stop acting like a child, Helius. I know that you’re still mad at me for marrying your sister. Pero tandaan mong asawa ko na siya. Her problem is also my problem.”
“Talaga ba? Sino namang niloko mong hayop ka? Alam naman nating ginagamit mo lang ang kapatid ko,” galit na sabi naman ni Kian.
Kunot-noo naman si Raven habang tinitingnan silang dalawa. Ramdam nito ang tensyon sa pagitan nila.
“Huwag mo munang pairalin ang galit mo, Helius. You both need to hear this,” pagpipigil ng inis ni Zane.
“Ano na namang kasinungalingan ‘yan? Kung ano man ‘yan, ayaw na naming marinig ang tungkol---”
“I know the person who is plotting to kill your sister.”
Natigilan naman si Kian at naging seryoso ang kan’yang mukha. Kinilabutan naman si Raven sa kan’yang narinig.
“Sino?” kalmadong tanong ni Kian at hinawakan ang kamay ni Raven.
“It’s the person you both know.”
Mas lalong umapaw ang kuryosidad sa isip ng magkapatid. Mas lalo na si Raven na sobra ang pagkabog ng kan’yang puso dahil sa kaba.
“Mr. Jackson Fontana.”
Sabay na nag-angat ng paningin ang magkapatid dala ng kanilang pagkagulat sa pangalang kanilang narinig.
“The person behind my wife’s attempt assassination is your father, Mr. Jackson Fontana.”