Kabanata 4

4465 Words
Sa mahabang hapag-kainan ng mansyon ay seryosong kumakain ang pamilya Fuentes kabilang na si Raven kahit na siya'y nakakain na. Hindi rin ito mapakali at pilit na iniiwasan ang matatalim na tingin ng tatay ni Zane. Sa tuwing titingin naman siya kay Zane ay wala rin itong nakukuhang reaksyon na 'tila wala itong paki-alam sa kan'ya. Nang ibinaba na ng matanda ang kan'yang kubyertos ay mas lalong nabalot ng katahimikan ang hapag-kainan. Hindi rin nakaligtas ang mga nakaw na tingin sa kan'ya ni Raven. “Young lady…” “P-Po?” Nagulat si Raven dahil sa pagtawag sa kan'ya ng matanda habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kan'yang bistida. Mabilis din ang pagtibok ng kan'yang puso dahil sa kakaibang kabang nararamdaman niya sa matanda. Gano'n pa man ay pilit na tumingin ng diretso sa kan'ya si Raven. “How old are you?” “P-Po? 18 po.” “18? You're too young,” napapa-iling na komento ng matanda. Napayuko si Raven at hindi malaman ang kan'yang gagawin. Sa isip niya ay hindi niya naman ginusto na mapunta sa ganoong sitwasyon. “Why didn’t you tell me about this, son?” “Dad, her age doesn’t matter. And besides I’m already planning to let her meet you but you suddenly showed up.” “But why her? With her young age, she is still new to the adult world. Does she even know everything about our family?” “Not yet, Dad.” “You how dangerous our family for her. She's unknown. I don't know her including her family background. Ang akin lang naman ay ang maging maayos ang sitwasyon ng pamilya natin, Zane.” “I understand, Dad. Hindi ako gagawa ng isang bagay na ikapapahamak ng pamilya natin. Just trust me on this.” “I trust you, but not your wife.” “Dad, please.” Hindi maintindihan ni Raven kung ano ang pinag-uusapan ng mga taong kasama niya sa hapag. Ang isang bagay lamang na sigurado siya ay mga delikadong tao ang mga kaharap niya. “I assured you that my wife won’t do something that will put our family in danger. I love my wife, Dad. And she will soon bare your grandchildren.” Mas lalong nakaramdam ng hiya si Raven dahil sa pinagsasabi ni Zane sa tatay niya. Mas lalo pang kumabog ang dibdib niya nang hawakan ang kan’yang kamay sa ilalim ng lamesa. Pero hindi niya rin maiwasang mainis sa mga naririnig niya mula kay Zane. “Then I want to hear it from the young lady.” Napaangat ng tingin si Raven sa matanda na malamig pa rin ang tingin sa kan’ya. Lumipat naman ang tingin niya kay Zane na walang makitang emosyon sa kan’yang mga mata. Napabuntong-hininga na lamang ito at hinigit ang kamay niya mula sa asawa. “I’m sorry, Sir. Pero gusto ko lamang sabihin na ang pagpapakasal ko sa anak niyo ay ang pinaka-pinagsisisihan ko sa buong buhay ko. ” Nagulat ang dalawa sa naging sagot ni Raven. Sinubukang hawakan ni Zane ang kan’yang kamay pero tinabig niya ito. “You regret marrying my son? Bakit naman? He said that he loves you. What’s the matter?” “No, Sir. It was a lie. I don’t know what is his real agenda. Pero isa lang ang alam ko, maling-mali na nakilala ko ang anak mo,” matapang na sagot ni Raven. “Nagpapasalamat ako sa pagkakaligtas niya sa ‘kin. Pero naging tanga ako nang pumayag akong pakakasalan ko siya kapalit ng kaligtasan ko at ng pamilya ko. Ngayon ko lang napagtanto na mas magiging delikado pa lang pumasok sa pamilyang ito.” “Wife, stop it. What the hell are you saying?” “Huwag mo akong pigilan, Zane. I have the freedom to speak my thoughts this time. Am I right, Sir?” matapang na tanong ni Raven sa matanda. “Of course, you do, young lady.” Mahigpit na hinawakan ni Zane ang kamay ni Raven na hindi na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. “May ideya ako kung anong klaseng pamilya ang pinasok ko. At alam ko kung anong klaseng mga tao kayo.” “Interesting,” komento ng matanda. “What the hell, Raven? Mag-usap muna tayo---” “No. Tutal nandito rin naman ang tatay mo, bakit hindi ko na lamang kumpirmahin mula sa kan’ya ang mga teoryang namumuo sa isip ko?” sabi ni Raven at matalim na tumingin kay Zane. “Go on, young lady. I’m listening.” “Dad, please. Let me just talk to my wife.” “Let her talk, son. She seems to have lots of questions in her head.” “But---” “Are you a mafia family?” Nagulat si Zane sa naging tanong ni Raven. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa kamay niya. “Yes, we are. Tama ka,” kaswal na sagot ng matanda. “Then you are the mafia boss? Don Dominique Fuentes, tama ba?” “Yes, I am. How do you know about that? Nagkakilala na ba tayo?” “This is the first time to meet you, Don Dominique. Hindi lang siguro naisip ng anak niyo na itago ang mga ilang mahahalagang dokumento at kan’yang mga baril sa kan’yang kuwarto,” sarkastikong sagot ni Raven. “W-What?” Tuluyan nang nabitawan ni Zane ang kamay ni Raven at tumingin sa kan’ya ng seryoso. “How did you know where I hide those things?” “Nahanap ko lang nang naghahanap ako ng damit na isusuot ko sana kanina pagkagising ko bago ako pinadalhan ng mga katulong mo ng pagkain.” “I thought you are suffering from a phobia---” “I am. I cried and was shocked when I saw those things. Gladly, hindi ako hinimatay.” “But---” “Pero hindi ako nagpatinag at binasa ko ang mga ilang dokumentong nandoon. Nalaman ko ang ilan tungkol sa pamilya niyo. Isa sa mga pinakakinatatakutang mafia family, may mga illegal na transaksiyon, mga negosyo, at higit sa lahat pumapatay ng mga tao. At do’n ko rin nalaman na ang lalaking pinakasalan ko ay ang tagapag-mana at ang susunod sa yapak ng pamilyang ito bilang mafia boss, tama ba ako?” Binalot ng katahimikan ang buong hapag-kainan matapos magsalita ni Raven. Hindi nagpapatinag sa bawat tingin ng isa’t isa. “Yes, you’re right. But what are you planning to do now knowing all that kinds of stuff?” “I want to file an annulment.” “Then bet your life on that decision.” “Anong ibig mong sabihin?” “May mga nalaman ka na tungkol sa pamilyang ito. I can’t let you go live freely carrying all that stuffs you know.” Napatayo si Raven nang biglang maglabas si Don Dominique nang baril at itinutok sa kan’ya. “Dad!” “Pinakasalan mo ang anak ko kaya naman parte ka na ng pamilyang ito. Pero kung susubukan mong umalis, hindi ko hahayaang makaalis ka sa pamilyang ito ng buhay.” Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Raven habang tumatagakdak ang pawis sa kan’yang noo. Nanlalabo rin ang kan’yang mga paningin. Mas lalo pang lumala ito nang biglang ikasa ni Don Dominique ang kan’yang baril at pinaputukan ang isang baso. “Raven!” sigaw ni Zane at mabilis niya itong sinalo nang matutumba sana ito. “You really have a phobia, eh? Anong klaseng sakit may’ron ka? O baka naman idinadaan mo lang kami sa pag-arte?” “Dad, please. Move your gun away from my wife.” “Why are you acting like that? Do you really love that kid?” “She’s my wife, Dad. I’m responsible for her. Don’t do anything about her.” “She doesn’t wants to stay with you, son. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Balak mo bang sirain ang reputasyon ng pamilyang ito?” “Just trust me on this, Dad.” “You know how much I hate reckless people, son. What’s with this situation, anyway? All of a sudden, you’re now married.” “I’ll tell you everything later, Dad. Kailangan ko lang dalhin ang asawa ko sa kuwarto namin.” “Fine, but remember that I still don’t approve of that kid being officially part of this family.” Umalis na si Zane habang buhat-buhat niya si Raven na nawalan ng malay. Nakasalubong niya rin ang kanang kamay ng kan’yang ama. “Colt, ikaw na muna ang bahala kay Dad. And I think it’s also time for him to take his medicine,” saad nito sa kaharap niya. “Mukhang siya ang nagpaputok ng baril kanina. Napatay ba niya ang babaeng hawak mo?” “Colt! Don’t speak like that casually. Buhay pa ang asawa ko. Umalis ka na lang at samahan muna si Dad doon.” Napangisi si Colt sa kan’ya at binigyan siya ng tapik sa balikat. “Mukhang ibang tao ka ngayon, Zane. Dahil ba d’yan sa napakabata mong asawa?” “Shut up! Gawin mo na lang ang dapat mong gawin.” Tuluyan nang umalis si Zane na may bahid ng inis sa kan’yang mukha. Pagkarating nito sa kuwarto nila ay pinahiga na niya si Raven sa kama. May bahid ng luha ang gilid ng mata ni Raven at nanginginig ang mga kamay nito kahit na wala itong malay. Hindi malaman ni Zane ang gagawin at ang tanging naisip na lang nito ang hawakan ang mga kamay ng asawa na siya namang nagpakalma rito. “Your brother might kill me this time,” bulong ni Zane habang nakatingin sa mukha ni Raven. Lumipas ang ilang minuto bago niya bitawan ang mga kamay ni Raven at naisipang balikan ang kan’yang ama. Pero bago pa man siya lumabas ng silid ay nagtungo muna ito sa isang kabinet kung saan nakalagay ang mga dokumento at ilang mga baril na nakita ni Raven kanina. Sinisi niya ang sarili niya dahil hindi niya ito itinago nang maayos lalo na’t may ibang tao nang tumutuloy sa kan’ya. Kaya naman inipon niya ang mga ito pati na rin ang iba pang mga gamit na hindi dapat makita ng kan’yang asawa at inilagay sa malaking kahon bago niya dinala sa kan’yang opisina. “Don’t let anyone nor my wife enter my office without my permission,” utos nito sa isang tauhan. “Areglado po, bossing.” Nagtungo na si Zane sa kung saan naghihintay ang kan’yang ama. Naabutan naman niya itong may importante silang pinag-uusapan ni Colt. “Let that young lady go, Zane. Hindi siya makakabuti sa pamilyang ito. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng mapapangasawa,” sambit ni Don Dominique nang hindi man lang tinitingnan ang anak. “Then what? You’ll kill her?” “Kung ‘yon ang makakabuti para sa lahat.” “Hindi ko hahayaang gawin mo ‘yan, Don Dominique,” seryosong saad ni Zane habang diretsong nakatingin sa ama. “Then give me a more valid reason why would I accept that girl in our family?” “She’s someone special to me, Dad.” “Is that all?” “What else do you need to accept her? Kung ipipilit mo na naman akong ipakasal sa babaeng pinipilit mo sa ‘kin, ilang beses ko ring sasabihing ayoko.” “Marrying her will make our family stronger, son. You know what I mean. Para ito sa ating lahat.” “I’m now married, Dad. Hindi na ‘yon mababago.” “But she doesn’t want to be with you. At may takot siya sa mga baril, ano sa tingin mo ang mangyayari ‘pag nagtagal pa siya rito?” Natahimik si Zane at seryoso lamang na nakipagtitigan sa ama. “I’m still the mafia boss. You may be my son and successor, but I won’t let you do anything you want. File an annulment just like what she wants.” Kinuha ni Don Dominique ang kan’yang tungkod at dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman siya ni Colt na paupuhin sa kan’yang wheel chair. “Inuulit ko, Zane. Hiwalayan mo ang babaeng ‘yon. Bibigyan lamang kita ng isang linggo,” paalala ni Don Dominique. “Sana pagbalik ko galing sa Amerika ay hindi ko na makikita ang babaeng ‘yon.” “You’re leaving? Bakit hindi ko alam?” “That’s the main reason why I came to see you. May kaunting problema sa mga negosyo natin sa Amerika.” “Pero bakit kailangang ikaw ang pumunta? I can handle it. You’re suppose to be resting.” “No, stay here and do your thing, especially to your so-called wife. I will also get in touch with your Mom there and bring her home.” “But---” “Let’s go, Colt.” Tuluyan nang umalis sila Don Dominique at iniwan si Zane na malalim ang iniisip. Sa loob niya ay nag-aalala siya sa ama niya at sa maaari nitong mapasamak. Kinuha nito ang kan’yang cellphone at tinawagan ang isa sa kan’yang mga tauhan. “Boss, napatawag ka ulit? Kung si tungkol ito kay Helius, magandang balita bossing dahil nahanap ko na siya. Pero ang masamang balita ay nakikipag-away siya sa grupo ng---” “Let him be. I’ll give you another task.” “Pero boss--” “Pack your things, Calvin. I need you to go to America and follow my father.” “S-Si big boss? Pero boss baka madehado kaagad ako lalo na’t matalas ang pang-amoy no’n sa mga sumusunod sa kan’ya.” “Just do what I say. I trust your skills in spying on someone. I just want you to make sure that he’s doing fine.” “Pero boss, marami naman siyang tauhan. Siguradong ligtas si big boss. M-Mukha hindi na kailangan ang tulong ko---” “Are you refusing my order?” “H-Hindi. Ito na nga b-bossing eh, pauwi na para mag-impake.” “Good. I’ll send you the other details. I also want you to send me the details about Helius' whereabouts.” “A-Areglado, bossing.” Ibinaba na niya ang tawag. Nang matanggap na niya ang detalye kung saan si Kian ay kaagad niyang pinatawag ang ilang tauhan niya. “Check on Helius. He’s currently fighting some goons. Tulungan niyo siya kung hindi na niya kaya bago niyo dalhin dito.” “Opo, bossing.” Nang makaalis na ang mga tauhan niya at nagpasiya na itong magpunta sa kuwarto niya kung nasaan ang kan’yang asawa. Nagulat naman ito nang makita niya si Raven na gising na habang nakatanaw sa malaking bintana. “You’re awake. How are you? Hindi ka na ba nahihilo?” kaagad na tanong ni Zane at nilapitan ang asawa. Hindi siya pinansin ni Raven at patuloy lamang ang tingin sa labas ng bintana habang malalim ang iniisip nito. Tumabi naman sa kan’ya si Zane at mahinang tinapik ang balikat nito. “I’m sorry, you should have not seen those things. And about my father’s action---” “Gusto kong umuwi,” malamig na saad ni Raven. “It’s not yet safe for you to go home. Hindi pa natutukoy kung sino ang gustong pumatay sa ‘yo.” “Wala akong pake. Gusto ko munang umuwi. Siguradong nandoon na ang kapatid ko.” “Y-Your brother is not---” Hindi na naituloy ni Zane ang dapat niyang sabihin nang makita niya ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ni Raven. Napaiwas siya ng tingin at napalayo ang tingin. “You really hate me that much, eh? Hindi naman kita masisi dahil sa lahat nang napagdaanan mo. And of course, malaki ang papel ko sa lahat ng ‘yon,” bulalas ni Zane. “Gusto kong makita ang pamilya ko.” Hinawakan ni Raven ang kamay ni Zane. May bahid ng pagmamakaawa sa kan’yang mga mata habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kan’yang mga luha kaya naman napabuntong-hininga ang asawa niya. “Fine, just this time. Kung sakaling may mangyaring masama sa ‘yo, wala ka nang choice kun’di manatili sa tabi ko bilang asawa ko.” Hindi malaman ni Zane kung bakit kusang gumalaw ang mga kamay nito at pinunasan ang mga luha sa mga mata ni Raven. “I don’t want you crying, or else your brother might beat me seriously.” Napatitig din si Raven sa mga mata ni Zane at hindi malaman ang dapat maramdaman lalo na’t nalulula siya sa kan’yang nararamdaman. Kusa namang lumayo si Zane nang mapagtanto kung gaano sila kalapit sa isa’t isa. Umiwas ito nang tingin bago naglakad palabas ng pinto. “Fix yourself. We’ll go after ten minutes,” paalala ni Zane bago ito tuluyang lumabas. Nakaramdam naman ng tuwa si Raven dahil sa wakas ay makakalabas na siya. Pero nalungkot ito nang mapagtanto niyang hindi pa ligtas para sa kan’ya ang lumabas dahil sa taong gustong pumatay sa kan’ya. Lumipas ang ilang minuto ay nasa sasakyan na ang mag-asawa. May ilang tauhan ding nakasunod sa kanila upang siguraduhin ang kaligatasan nila. “Kaya ko namang umalis nang mag-isa. Bakit kailangang kasama ka pa at ‘yong mga tauhan mo?” reklamo ni Raven. “It’s for your safety.” “Kaya ko nga ang sarili ko.” “Really? O gusto mo lamang akong takasan?” sarkastikong tanong ni Zane. “Both,” diretsong sagot naman ni Raven. “You can’t run away with me. Even if you do, I can do whatever I need to do to find you.” “Paano? Sa pagpatay?” sarkastikong tanong din ni Raven. “If that’s the only way, perhaps.” Hindi na lamang nagsalita si Raven at hinayaan na lamang si Zane. Pero hindi niya maalis sa isip niyang mag-alala kung nasa bahay nga talaga nila ang kan’yang kapatid. “Pa’no mo nalaman ang daan papunta sa ‘min?” takang tanong ni Raven. “I just know.” Napa-irap si Raven dahil napagtanto niyang marami pa lang koneksyon ang kan’yang asawa. “We’re here. Do you want me to go with you?” “Huwag na. Kaya kong mag-isa. Makakaalis na kayo.” “Sino namang nagsabi sa ‘yong ihahatid lang kita? Of course, you’ll still come with me to your new home.” “Bahala ka sa buhay mo. Hindi na ako lalabas ng bahay.” “I’ll wait for you.” Lumabas na nang kotse si Raven at napatingin sa bahay nila. Hindi na siya umaasang sasalubungin o hahanapin siya ng kan’yang ama pagkatapos nitong mawala ng isang gabi. Dahan-dahan na binuksan ni Raven ang gate nang makitang hindi ito naka-lock. Napansin din nitong bukas ang pintuan nila kaya naman ‘tila nakaramdam siya ng kaba. Si Zane naman ay pinagmamasdan lamang si Raven habang nasa loob pa rin ng kan’yang sasakyan. Nang tuluyan nang makapasok ang kan’yang asawa ay pinaalalahanan niya ang kan’yang mga tauhan na magmatiyag sa kanilang paligid. Kunot-noo si Zane habang pinagmamasdan ang bahay dahil ‘tila tahimik at walang nakatira. Nakakapagtaka rin para sa kan’ya na walang kahit anong pulis ang naroon kahit na maraming nakakaalam ng pagdakip kay Raven kagabi. Nawala siya sa kan’yang malalim na pag-iisip nang may tumawag sa kan’ya. “What is it?” “Bossing, wala si Helius sa lugar na sinabi niyo. Pero maraming mga nakatumbang grupo ng mga kalalakihan dito, siguradong siya ang may kagagawan nito.” “Is that so? Then find him. Send me his location, if you do.” Ibinaba na niya ang kan’yang cellphone. Lumabas siya ng kan’yang sasakyan. Magsisindi na sana siya ng yosi ay namataan niya ang isang pamilyar na lalaki na naglalakad. “Helius…” Kaagad na lumapit si Zane kay Kian na maraming pasa sa kan’yang mukha. May ilang daplis at sugat din ito sa kan’yang mga braso. Gula-gulanit din ang kan’yang damit. “What the hell, Helius? What happened to you?” Napaangat ng tingin si Kian at nagulat nang makita si Zane. “Anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay namin? Nasaan ang kapatid ko? Iniwan mo ba sa bahay mo?” sunod-sunod na pagtatanong ni Kian. “She thought that she’ll see here. She’s crying and wants to go home. I bet she also wants to see your family, so I let her.” “Ano?! Hindi puwede! Baka kung anong gawin sa kan’ya ng---” Natigilan silang pareho nang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa bahay. Napamura si Kian at dali-daling pumasok sa bahay nila. Sumunod din si Zane papasok at hindi mapigilang mag-alala kay Raven. “Raven!” Tumakbo sila pataas ng bahay at doon nila naabutan si Raven na wala nang malay habang nakahiga sa sahig. Pero kapansin-pansin ang mga pasa nito sa mukha. At sa harap nito ay ang ama nitong nakatutok ang baril nito sa anak habang may hawak pa itong alak sa kan’yang kamay. “Walang-hiya ka! Anong ginawa mo sa kapatid kong hayop ka?!” sigaw ni Kian at sinugod ang kan’yang ama. Dali-dali namang lumapit si Zane kay Raven at tiningnan kung may tama ito. Pero laking pasasalamat niya nang makita niyang wala itong kahit anong tama ng baril. “Tigilan mo ako! Hindi ako ang nagpaputok ng baril!” sigaw naman ng tatay nila. “Sino namang maniniwala sa ‘yong hayop ka?! Nakatutok ang baril kay Raven!” “Hindi nga sabi ako! Bitawan mo nga ako!” Binuhat ni Zane si Raven. Hindi naman niya napigilang magmasid at napansin niya ang mga nagkalat na basag na salamin na hinuha niya ay ang bintana. Napansin din nito ang ilang daplis ng bala sa mga braso ng ama nila Kian. “Helius, stop that. I think he’s telling the truth. The gunshot must be from the outside.” “Pa’no ka naman nakakasigurado? Pero kahit na gano’n ay sigurado akong binugbog ng isang ‘to ang kapatid ko kaya nararapat lang sa kan’ya ‘to.” Pumasok naman ang ilang tauhan ni Zane. “Bossing, may nakita kaming isang lalaking itim lahat ang suot sa may bubong ng isang kapit-bahay nila. May dala itong baril, panigurado ko’y siya ang nagpaputok ng baril kanina. Kasalukuyan na siyang hinahabol ng ilan sa mga tauhan natin,” saad ng isang tauhan. “Kung gano’n ay hulihin niyo kung sino man ‘yon. Kailangan niyang managot sa nangyari sa asawa ko.” “Masusunod, bossing.” Kasalukuyan pa ring nagpapalitan ng masamang tingin ang mag-ama. Habang nananatili pa ring walang malay si Raven. “Huwag mo akong tingnan ng gan’yan. Ako pa rin ang tatay mo kaya matuto kang rumespeto,” saad ng tatay nila. “Saan ka naman nakahanap ng kapal ng mukha para sabihing tatay ka? Kailanman ay hindi ka naging tatay sa ‘kin lalong-lalo na kay Raven. Nakita mo ba ang mukha ng kapatid ko? Gan’yan ba ang dapat gawin ng isang ama?!” galit na sigaw ni Kian habang hila-hila ang kuwelyo ng kan’yang ama. “Bastos ka! Wala kang modo! Ginawa ko lang kung anong dapat kaya ‘wag kang umasta na parang sino sa pamamahay ko!” “Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Kailanman ay hindi naging sa ‘yo ang bahay na ito. Kay Mommy ito at hinding-hindi magiging sa ‘yo! Ba’t ba hindi nalang ikaw ang nawala kaysa sa kan’ya?” “Ano?! Ginagalit mo talagang bata ka!” sigaw ng ama nila at ikinasa ang baril niya bago itinutok kay Kian. “Wala ka talagang kuwenta! Kinakaya mo kaming saktan, pagbuhatan ng kamay, at ilang beses na pinagtangkaan ang buhay! You don’t deserve to be called a father by us. You’re a monster! Sigurado akong may kinalaman ka sa pagkawala ni Mommy!” “Shut up! Mommy, mommy, mommy. Puro kayo mommy! Kung nasaan man ang isang ‘yon, sigurado akong nasa impyerno na ‘yon at hinihintay kayo ng kapatid mo!” “How dare you say that—!” Pinaputok na niya ang baril at tinamaan ang balikat ni Kian. Tiningnan ni Zane ang ilang tauhan niya upang senyasang maki-alam sa away ng mag-ama lalong-lalo na nang may narinig silang sirena ng mga pulis malapit sa kanila. “Helius, it’s time for you to stop. The police are on their way here. I’m pretty sure that one of your neighbors reported it.” “Mauna na kayo. Kailangan ko pang maka-usap—” “Let’s go, Helius. May tama ka rin ng baril. Ano sa tingin mo ang mangyayari ‘pag nalaman ng kapatid mong naiwan ka rito?” Natigilan si Kian at napatingin sa walang malay na si Raven. Napabuntong-hininga ito at tumango kay Zane. “Tandaan mo ang araw na ‘to. Magbabayad ka sa ginawa mo kay Raven. At kung may mangyari sa kan’yang masama, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka kahit na tatay pa kita!” huling banta ni Kian bago umalis kasama sila Zane. Lumabas na sila ng bahay. Inutusan naman ni Zane ang kan’yang mga tauhan na sila na ang bahala sa mga nakiki-usyoso sa mga nangyayari. Nawalan na rin ng malay si Kian dahil sa dami ng dugong lumalabas mula sa kan’yang tama kaya naman agaran din silang umalis. Nang makarating sa mansyon ay kaagad na dinala si Kian sa isang kuwarto kung saan naroon ang kan’yang doktor. Kasama ring dinala si Raven upang magamot ang mga pasa nito sa mukha. “Who is she? Ngayon ko lang siya nakita,” tanong ng doktor. “She’s my wife. Ikaw na ang bahala sa kanilang dalawa. I just need to deal with some business.” “Masusunod, Mr. Fuentes.” Lumabas na si Zane at hinanap ang kan’yang mga tauhan. “How was it? Nahuli niyo ba ang lalaking ‘yon?” “Pasensiya na po, bossing. Ngunit napakabilis tumakbo at tumalon ang isang ‘yon. Sinadya pang dumaan malapit sa mga pulisya. Pero may nakuha kaming tiyak kong nahulog ng lalaki,” sagot ng isang tauhan. “What is it?” Ibinigay ng tauhan ang isang gintong singsing na kung saan nakaukit isang leon. Tinanggap ito ni Zane at pinagmasdan bago niya kinuha ang kan’yang cellphone. “I want you to investigate someone.” “Sino bossing?” tanong ng nasa kabilang linya. “I want some information about Jackson Fontana.” “Siya ba ‘yong—” “Keep your question to yourself. I also need information about a certain mafia family.” “Sinong pamilya ‘yan, bossing?” “Lionel family.” “Copy, bossing.” “I need the information immediately. Send it to me as soon as possible.” “Areglado, bossing.” Napa-upo si Zane habang hinihilot ang kan’yang sintido. Muling bumalik sa isip niya ang mukha ng ama ng kan’yang asawa at kaibigan. Para sa kan’ya ay ‘tila namumukahan niya ito at pawang nagkita na sila. “He really looks familiar. It feels like I already met that guy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD