Kasalukuyang pinaghahanap pa rin ni Kian o kilala ng iba sa ngalang Helius ang kan’yang kapatid. Hindi na nito mawari kung ano na ang kan’yang gagawin. Humingi na rin siya ng tulong mula sa ilang tauhan ng pamilya Fuentes pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.
Nangangamba rin ito sa maaaring nangyari sa kan’yang kapatid dahil na rin sa impormasyong nakuha niya sa nahuli nilang kasamahan ng holdapers. Ang ipinagtataka niya ay kung sino ang taong gustong ipapatay ang kan’yang kapatid kung gayong wala naman itong kaaway.
“Kuya Kian, magpahinga ka na muna. Alam kong nag-aalala ka kay Raven pero kailangan mo rin ng sapat na lakas,” sabi ng kaibigan ng kan’yang kapatid na si Kyla.
Napatingin sa kan’ya si Kian at doon niya lang napansin na narito rin ang ilan pang kaibigan ni Raven at ang manliligaw nito na si Joaquin.
“Bakit nandito pa kayo? Umuwi na kayo, baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo,” sita ni Kian sa mga ito.
“We wanted to help,” sabi naman ni Joaquin.
“No, umuwi na kayo. Baka may mangyari ring masama sa inyo. Umalis na kayo.”
“Pero Kuya----”
Hindi na natapos ni Kyla ang kan’yang sasabihin nang dumating ang ilang kalalakihan na mga tauhan ng pamilya Fuentes.
“Sir Helius, may nakalap kaming impormasyon tungkol sa kapatid niyo,” saad ng isa sa mga tauhan.
“What is it? Nahanap niyo ba siya?”
“Namataan ang iyong kapatid sa fight club na pagmamay-ari ni Knuckles. Inihain siya bilang papremyo sa isinagawang laban kanina.”
“Ano?! Kung gano’n kailangan na nating puntahan bago pa may makakuha sa kapatid ko---”
“Kanina pa natapos ang laban. At wala na rin doon ang kapatid mo.”
“Kung gano’n, sino ang nakakuha sa kapatid ko?!” sigaw ni Helius at hindi na niya napigilang hilain sa kuwelyo ang kausap na tauhan.
“Huminahon po kayo, Sir Helius,” pagpigil ng isa pang tauham.
“Pa’no ako hihinahon kung gayong hindi ko alam ang kalagayan ng kapatid ko?!” sigaw muli nito sa kanila.
“Kuya Kian, huminahon ka. Bitawan mo ang kuwelyo niya, nasasakal na siya,” pagsingit ni Kyla sa usapan.
Napabitaw si Kian sa kuwelyo ng kan’yang kausap at inis na tiningnan ang mga kaibigan ng kan’yang kapatid na kanina pa nanunuod sa kanila.
“S-Si boss…” inuubong sagot ng tauhan.
“Ano? Sinong boss?! Umayos ka nga sa pagsasalita.”
“A-Ang nakakuha sa kapatid mo ay si boss.”
“Sinabi nang ayusin mo ang pagsasalita mo! Kayo na lang ang sumagot sa tanong ko,” turo ni Kian sa ibang tauhan. “Sinong kumuha sa kapatid ko?!”
Nagkatinginan ang mga tauhan at napayuko.
“S-Si Boss Zane…”
“Z-Zane?”
“O-Opo, Sir Helius. A-Ang sabi ni Knuckles ay si Boss Zane ang nanalo sa laban kanina at ang nakakuha sa kapatid--- Sir, sa’n ka pupunta?”
Tinalikuran kaagad sila ni Kian at patakbong pumunta sa kan’yang sasakyan. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kan’yang manibela. Kinakabahan ito sa maaaring ginawa ng kan’yang kaibigan sa kan’yang kapatid.
May ideya na siya kung saan niya dinala ang kan’yang kapatid pero ipinagdadasal niya na sana ay nasa maayos lang ang kalagayan nito.
Taimtim namang pinagmamasdan ni Zane ang maliwanag at bilog na bilog na buwan mula sa kan’yang malawak na bintana sa opisina. Kasabay nito ay ang sunod-sunod na paglagok nito ng alak. Napatingin siya sa singsing na suot niya at napa-isip sa maaaring kahantungan ng mga nangyari sa gabing ‘yon.
Nawala ang kan’yang pag-iisip nang marinig niya ang malakas na pagbukas ng kan’yang pintuan. Hindi na niya nilingon ito dahil alam na niya kung sino ang taong naglakas-loob na gumawa no’n.
“You’re finally here. I knew you’d come here, Helius,” walang emosyong saad ni Zane at nagpatuloy lang sa kan’yang pag-inom.
“Where’s Raven?” mahinahong tanong ni Kian naman sa kan’ya.
“She’s now asleep in my bedroom,” kaswal lang nitong sagot.
“Sinabihan naman na kita na huwag ang kapatid ko, ‘di ba?”
“I know about that. But I didn’t know she’s your sister. I just learned after we signed our marriage contract---”
Hindi na naituloy ni Zane ang kan’yang sinasabi nang matumba siya dahil sa malakas na suntok ni Kian. Galit na galit ito sa kan’ya at binigyan pa ng sunod-sunod na suntok. Hinayaan lang siya ni Zane at tinanggap ang mga suntok mula sa kan’yang kaibigan.
Nagpasukan din ang ilang mga tauhan nila nang madinig nila ang mga ingay mula sa opisina. Kaagad nilang hinila palayo si Kian mula kay Zane na walang reaksyon na nakatingin sa kan’ya.
“Tumigil na kayo, Sir Helius!”
Pinagsusuntok niya rin ang mga tauhan at muling sinugod si Zane na may mga pasa na sa kan’yang mukha pero ‘tila wala pa rin itong paki-alam. Lahat ng umaawat sa kanila ay napupuruhan din.
Hanggang sa binunot ni Kian ang kan’yang baril at walang ano-anong itinutok ito kay Zane.
“I don’t care if you’re the mafia heir. Pero hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kapatid ko. Napakabata pa niya para masangkot sa ganito at sa iyo pa!” sigaw sa kan’ya ni Kian at pinaputok ang baril dahilan para madaplisan tagiliran ni Zane.
“Tumigil na kayo, Sir Helius. Inilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan.”
“Bitawan niyo sabi ako!” sigaw ni Kian at pinagsusuntok ang mga pumipigil sa kan’yang mga tauhan.
Tumayo naman si Zane at pinulot ang nalalaglag na bote ng alak bago ito uminom. Seryoso niyang tiningnan ang kan’yang kaibigan na tuluyan nang nilamon ng kan’yang galit.
“You can’t do anything about it anymore, Helius. She’s now my wife. And she’s now part of my family.”
Sunod-sunod na kinalabit muli ni Kian ang gantilyo ng kan’yang baril pero sa pagkakataong ito ay naka-iwas si Zane.
“K-Kuya…”
Napatigil ang lahat at napalingon sa may pintuan kung saan nakatayo roon si Raven. Takot na takot itong nakatingin sa kanila lalong-lalo na sa baril na hawak ng kapatid niya.
“R-Raven…”
Mabilis na lumapit si Kian sa kan’yang kapatid. Pero nagulat ito nang napaatras sa kan’ya si Raven.
“Raven?”
“K-Kuya, b-bakit may hawak kang baril?” nanginginig na tanong sa kan’ya ni Raven habang napapakapit sa kan’yang dibdib.
Kaagad na binitawan ni Kian ang baril na hawak niya bago siya dahan-dahan na lumapit kay Raven. Malakas ang kabog ng puso niya dahil alam niya kung gaano katakot ang kan’yang kapatid sa mga baril.
“S-Sorry, wala na akong hawak na baril. Puwede ka nang tumingin sa ‘kin,” masuyong sabi ni Kian sa kan’ya.
Dahan-dahan na napalingon sa kan’ya si Raven. Pero napalayo pa rin ito sa kan’ya.
“K-Kailan ka pa natutong humawak ng baril, Kuya?”
“K-Kalimutan mo na lang ang nakita mo, Raven,” sabi ni Kian at mahigpit na niyakap ang kapatid. “Masaya akong makita ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa ‘yo.”
“B-Bitawan mo ako, K-Kuya.”
Hindi nakinig si Kian at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kapatid. Pero nagulat siya nang itulak siya palayo ni Raven.
“R-Raven, please…”
“N-Natatakot ako sa ‘yo…”
Bumagsak ang mga balikat ni Kian at malungkot na napatingin sa kan’ya. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mukha ng kan’yang kapatid na takot na takot. Ngayon niya lamang makitang gano’n tumingin sa kan’ya si Raven.
“I think my wife needs to rest. In the meantime, please leave your sister alone. She has a lot of things on her mind,” pagsingit ni Zane sa kanila.
Akmang hahawakan na sana ni Zane ang kamay ni Raven nang tabigin ito ni Kian palayo.
“Don’t you dare touch my sister. Hinding-hindi ko siya puwedeng ipalapit siya sa katulad mo,” galit na sabi ni Kian.
“Raven is now my wife, Helius. And besides, you’re also just like me,” malamig tugon naman ni Zane. “Let’s go, woman.”
“Sinabi nang ‘wag mo siyang hahawakan!” sigaw ni Kian at hinila si Raven. “Let’s go home. Let’s get out of this place.”
Nanatiling nakatayo lamang si Raven at hindi sinubukang gumalaw o magpahila sa kapatid.
“Halika na, kailangan na nating umuwi,” pagmamakaawa ni Kian. “Nag-aalala na rin ang mga kaibigan mo.”
“I’ll stay, Kuya.”
“A-Ano?”
“Magpapa-iwan ako rito.”
Nagulat si Kian sa naging sagot nang kan’yang kapatid na seryosong nakatingin sa kan’yang mga mata.
“P-Pero… Kung mananatili ka rito, maaaring may mangyari sa ‘yong masama. Kailangan na nating umuwi.”
“It’s the same thing, Kuya. May mangyayari pa ring masama sa ‘kin ‘pag umuwi ako sa bahay. Masasaktan lang din ako ni Daddy gaya nang palagi niyang ginagawa,” seryosong sagot ni Raven.
“I-I know that but I’m here, I’ll protect you. Kung ayaw mo munang umuwi sa bahay, sa iba na lang muna tayo magpapalipas ng gabi at---”
“Dito lang ako, Kuya,” muling sabi ni Raven sa kapatid. “Do you know that someone’s after my life?”
Natahimik si Kian dahil alam niya ang tungkol do’n dahil isa sa mga kumidnap sa kan’yang kapatid ang nagsabi no’n. Pero ayaw pa rin niyang ipagkatiwala si Raven kay Zane lalo na’t mas magiging delikado ang buhay niya kung mananatili siya sa bahay na ito.
Nagulat naman si Zane nang hawakan ni Raven ang kan’yang kamay at hinila paalis do’n.
“R-Raven, please…” pagmamakaawa ni Kian pero hindi siya pinansin ng kapatid.
Nagpatuloy sa paglalakad si Raven habang patuloy ang pagbagsak ng kan’yang mga luha. Tahimik lang na sumunod sa kan’ya si Zane na sinenyasan ang ilang tauhan na sila na ang bahala kay Kian.
Nakarating na silang pareho sa kuwarto pero nanatili lamang silang tahimik ng ilang minuto. Hindi pa rin natigil sa pag-iyak si Raven habang nakatingin lang sa kan’ya si Zane na hindi malaman kung anong gagawin.
Hanggang sa kusa na ring tumigil si Raven at pinunasan ang kan’yang mga luha. Napansin niyang nakatingin lamang sa kan’ya si Zane pero mas kapansin-pansin sa kan’ya ang mga pasa nito sa mukha.
“Kailangang malinisan ang mga sugat at pasa mo. Where is you medical kit?” tanong ni Raven at lumapit ito kay Zane.
“It’s inside that cabinet.”
Lumapit naman si Raven sa tinutukoy ni Zane at kinuha ang kailangan niya bago ito bumalik sa kan’ya. Pareho silang naka-upo sa kama at pinapakiramdaman ang isa’t isa.
“I can handle myself. I have my own Doctor. Siya na ang gagamot sa mga sugat ko,” sabi ni Zane sa kan’ya.
Pero ‘tila walang narinig si Raven at nagpatuloy lang ito sa kan’yang ginagawa. Napatayo pa ito upang mas maigi niyang magamot si Zane. Hinawakan niya ang mukha nito bago idinampi ang bulak sa sugat nito.
“Huwag kang magalaw. Kailangan mong tiisin ang hapdi nito,” mahinang sabi ni Raven.
Napatitig naman sa kan’ya si Zane at napapalunok dahil sa sobrang lapit ng parehong mukha nila. Hindi niya rin maintindihan ang kabang nararamdaman niya.
Ilang minuto na ang lumipas pero nagpatuloy lang si Raven sa paggamot sa mukha ni Zane. Ang nasa isip niya lang ay kailangan niyang magamot ang mga sugat ng kaharap niya.
“I think you’re more wounded than me. You just got your heartbreak with your brother. Mas kailangan mo ang mga gamot na ‘to,” komento ni Zane sa kan’ya.
Tipid lamang na ngumiti si Raven at nagpatuloy sa kan’yang ginagawa. Hanggang sa napatingin siya sa bandang tagiliran ni Zane na nagdudugo kaya naman kaagad siyang nataranta. Ngayon niya lang napansin dahil itim ang suot ni Zane na damit.
“Oh my! Nabaril ka ba?! Ang daming dugo…” gulat na tanong ni Raven. “Ba’t naman hindi mo sinabi? Ito na muna sana ang ginamot ko.”
“Calm down, woman,” sabi ni Zane. “Nadaplisan lang ako. It’s not that serious.”
“Kahit na! Kailangan pa ring magamot ‘yan bago pa lumala! Kahit na daplis lang ‘yan, marami pa ring dugo ang lumalabas.”
Nagulat si Zane sa pagsigaw ni Raven sa kan’ya. Mas nagulat pa ito nang nagsimula itong buksan ang mga butones ng kan’yang suot na polo hanggang sa nahubad na ito nang tuluyan.
Kaagad na nilinisan ni Raven ang sugat ni Zane sa kan’yang tagiliran. Seryoso ito sa paggamot sa kan’ya at hindi inintindi ang pagpapatigil sa kan’ya.
“Ako na ang humihingi ng tawad sa pagbaril sa ‘yo ni Kuya,” sambit ni Raven pagkatapos niyang gamutin si Zane.
“It’s also my fault. Ginalit ko ang kapatid mo.”
“But still, hindi pa rin tama na barilin ka niya dahil lang sa galit siya.”
Napatitig si Zane kay Raven na inaayos na ang mga ginamit niyang gamot.
“Why did you choose to stay? You have the choice to go with your brother,” seryosong tanong ni Zane.
“H-Hindi ko rin alam.”
“You don’t know?”
“Y-Yeah. Hindi ko rin alam kung ano nang sunod na mangyayari sa ‘kin pagkaalis ko rito kung may gusto ngang pumatay sa ‘kin.”
“Are you scared of death?”
“No.”
“So, you’re not afraid to die?”
“I’m not. Lahat naman tayo mamamatay pero mas natatakot ako sa maaaring mangyari sa mga taong mahal ko sa buhay kung sakaling dumating ang araw na ‘yon.”
“You value your loved ones more than you value yourself. Is that even worth it?”
“Yeah, I think so…”
Natahimik silang dalawa na ‘tila may dumaang anghel sa pagitan nila. Tumayo si Raven upang ibalik sa lagayan ang medical kit. Napansin ni Zane na suot pa rin ni Raven ang dress nito kaya naman tumayo siya upang kumuha ng damit sa closet niya.
“Change your clothes, woman. Use my clothes for the meantime,” sabi ni Zane at itinapon kay Raven ang mga damit na kaagad din naman niyang nasalo.
“Sa’n ka naman pupunta?” tanong ni Raven nang makita niyang palabas na nang pintuan si Zane.
“I’ll just check on something.”
“W-Wala naman silang gagawing masama sa kapatid ko, ‘di ba?”
Mahinang natawa si Zane bago lumapit sa kan’ya at ginulo ang buhok ni Raven.
“He’s going to be fine. Helius is the toughest guy I know.”
“You know my brother?”
“Yes, but it would take time to talk about it. It’s getting late, you need to go to sleep.”
“P-Pero---”
“I know you’re tired. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw,” sabi ni Zane. “Don’t worry. I’ll come back.”
Nagulat si Raven nang lumapit ang mukha ni Zane sa kan’ya. Napapikit siya bigla dahil sa paglapit ng mga mukha nila hanggang sa naramdaman na lang niya ang pagdampi ng labi ni Zane sa kan’yang noo.
“Thank you for treating my wounds, wife.”
Nakaalis na si Zane pero nananatili pa ring windang si Raven habang nakahawak sa kan’yang noo. Hindi niya maipaliwanag ang mabilis na pagpintig ng kan’yang puso.
“N-Nababaliw na ‘ata ako. Kailangan ko lang sigurong itulog ‘to,” bulong ni Raven.
Humiga na ito sa kama pero hindi niya mapigilang mag-alala sa kan’yang kapatid. Alam niyang nasaktan niya ang kan’yang kapatid dahil sa kan’yang mga nasabi. Napapa-isip siya kung pa’no niya haharapin ito kung sakaling muli silang magkita.
Napunta ang tingin niya sa suot niyang singsing. Alam niyang hindi na niya maibabalik ang mga nangyari. Sa isang araw, naganap ang pinapangarap niyang debut ngunit naudlot, dinakip siya at dinala sa lugar na punong-puno ng masasamang tao, may nagtatangka sa kan’yang buhay, at ikinasal siya sa hindi niya kilalang lalaki.
Napadasal na lang ito na sana matapos na ang mga kaguluhan na nagaganap sa kan’yang buhay.
Sa kabilang banda ay nagtungo naman si Zane sa lugar kung saan alam niyang pupuntahan ni Kian. Iyon ang laging pinupuntahan ng kaibigan tuwing nagpupunta ito sa kan’yang bahay.
“I knew you’re going to be here,” sabi ni Zane nang mamataan niya si Kian.
Hindi siya pinansin nito at nagpatuloy lang sa pagkalabit ng kan’yang gantilyo habang pinapatamaan ang target. Alam ni Zane na narinig siya ng kaibigan dahil hindi ito nakasuot ng earplugs.
Nang matapos si Kian ay kaagad niyang itinutok ang baril kay Zane na hindi naman na nagulat.
“You can’t kill me,” komento lamang ni Zane bago sumandal sa pader.
“I can, kung ‘yon ang magpapalaya sa kapatid ko mula sa ‘yo.”
“Then, do it. Kill me.”
Dumaan ang ilang minuto pero nanatili lamang nakatutok kay Zane ang baril. Nakayuko lang ito at hinihintay ang gagawin ng kaibigan na kusa ring ibinaba ang kan’yang baril.
“File a divorce. Huwag mong idadamay ang kapatid ko sa uri ng buhay na may’ron ka,” malamig na sabi ni Kian.
“No. If you’re that worried, I can protect her.”
“Kaya ko siyang protektahan. Hindi ka niya kailangan. Let her enjoy her life.”
“She can enjoy her life by staying with me. And besides, she chose to stay here.”
“Pero hindi pa rin siya magiging ligtas dito. Who knows what will happen to her if she found out that your the mafia heir?”
“So what about it? Unti-unti ay maiintindihan niya rin ang mundo ko.”
“That’s not the point! My sister is suffering from Hoplophobia. Takot siyang makarinig ng tunog ng baril. Hindi siya dapat nandito sa lugar na ito!” sigaw ni Kian.
Nagulat naman si Zane sa nalaman niya. Napalayo siya ng tingin hanggang sa pinagmasdan niya ang iba’t ibang uri ng mga baril na naka-display sa kuwarto.
“Mamamatay lamang sa takot ang kapatid ko kung mananatili siya rito. Please, Zane… Huwag ang kapatid ko. Huwag si Raven...” paki-usap ni Kian habang pinipigilan ang kan’yang pagluha.
Napapikit si Zane at napatungo. Bumalik sa isipan niya ang naging usapan nila ng kapatid ng asawa niya kanina.
“Are you scared of death?”
“No.”
“So, you’re not afraid to die?”
“I’m not. Lahat naman tayo mamamatay pero mas natatakot ako sa maaaring mangyari sa mga taong mahal ko kung sakaling dumating ang araw na ‘yon.”
“You value your loved ones more than you value yourself. Is that even worth it?”
“Yeah, I think so…”
Napamulat si Zane bago napaharap kay Kian.
“Helius, it's too late. Your sister is now involved to me. We could divorce, but that would not change the fact that she would be in greater danger. Alam mo naman siguro ‘yon, ‘di ba?”
Tumalikod na sa kan’ya si Zane at nagsimulang maglakad palabas ng shooting range.
“Give me a week, Helius. I’ll let her understand my world, little by little.”
“A-Ano? A-Anong binabalak mo?”
Hindi na niya pinansin ang kaibigan at tuluyan na itong lumabas. Napabuntong-hininga na lang siya nang marinig pa rin niya ang pagtawag sa kan’ya ni Kian.
Bumalik na ito sa kan’yang kuwarto. Naabutan naman niyang mahimbing nang nakatulog ang kan’yang asawa sa kama nito. Inayos niya ang kumot upang matakpan ng maayos ito.
“Give me a week, woman.”
Nagdesisyon si Zane na maligo muna at ‘di na inintindi ang kan’yang mga sugat. Tinanggal niya ang benda sa kan’yang tagiliran bago tuluyang naligo.
Nang matapos ito ay nanatili pa itong nakatingin kay Raven ng ilang minuto bago siya nagdesisyon na matulog sa malawak na sofa. Gustuhin man niyang matulog sa kama o sa isa sa mga guest room ay gusto niya pa rin itong bigyan ng respeto at ayaw niya ring maiwang mag-isa ang kan’yang asawa rito.
Kinaumagahan ay maagang nagising si Zane at nakitang mahimbing pa rin ang tulog ni Raven. Kaagad na itong nag-ayos bago nagtungo sa kan’yang opisina. Maayos na ulit ang kan’yang opisina dahil inayos ng kan’yang mga tauhan kaya naman maayos na rin siyang makakagalaw.
“Cook breakfast for my wife and bring it to my room,” utos niya sa isang kasambahay nito.
“Masusunod po.”
Kinuha niya ang kan’yang telepono at may tinawagan.
“I need a lot of clothes and shoes. I need it delivered to my house right away.”
“Para po sa inyo, Sir?”
“It's for my wife. I'll send you a picture of her and other information so you can figure out her size.”
“O-Okay po, Sir.”
Marami pa itong tinawagan tungkol sa kan’yang mga negosyo. Nagpatawag rin siya ng mas marami pang tauhan niya para siguraduhing ligtas ang paligid ng bahay niya. At inutusan din niya ang mga ito na huwag maglalabas o magpapakita ng baril kung sakaling makasalubong nila ang kan’yang asawa.
“Where is Helius?” tanong niya sa isang tauhan niya.
“Hindi po nagsabi kung saan pupunta. Kaninang madaling araw ay lumabas siya.”
“Okay. Tell me immediately once he came back.”
Maya-maya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanang kamay ng kan’yang ama.
“What do you want, Colt?”
“Tinawagan kita para sabihing papunta na kami sa bahay mo. Gusto kang makita ni Boss,” sagot ng kausap niya sa kabilang linya.
“What? Bakit kailangan niyang pumunta rito?”
Hindi na nakarinig ng sagot si Zane dahil binabaan siya ng telepono. Kaya naman napahawak ito sa kan’yang sintido.
“Damn!”
Lumabas na si Zane sa kan’yang opisina at nagtungo sa kan’yang kuwarto. Pagpasok niya ay nakita na niya ang kan’yang asawa na walang ganang kumakain mag-isa ro’n sa may kama.
“You need to hurry, woman. We have an important guest to come.”
Napasimangot si Raven at mas binagalan pa ang pagkain.
“Hey. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? You need to hurry.”
“Hindi na lang ako lalabas kung sino man 'yang bisita ang pupunta rito.”
“It's my father. I'll introduce you as my wife.”
“What?! Ayoko! Mas gugustuhin ko na lang na magkulong dito ng isang araw.”
“Just do it or would you like me to invite my father to our room instead?”
“Ayoko nga. Wala rin akong damit. Ayoko namang humarap sa yayamaning tatay mong gan’to lang ang suot ko.”
“Your clothes are on its way. Kaya maligo ka na o ako pa ang magpapaligo sa ‘yo?”
Mas lalong napasimangot si Raven at sinamaan ng tingin ang asawa. Tumayo rin ito at nagtungo sa banyo.
“Ten minutes only, woman.”
“Ano?! Nahihibang ka na ba? Kailangan ko ng maayos na ligo.”
“I don’t care. Bilisan mo na lang o kung ayaw mong pasukin kita pagtapos ng sampong minuto.”
“Y-You’re crazy!” sigaw ni Raven at padabog na isinara ang banyo.
Maya-maya ay dumating na rin ang mga damit na pinapadala niya.
“Put these clothes and shoes in my empty closet. Dapat maayos at malinis,” utos ni Zane sa mga katulong niya. “After ten minutes, please let my wife out of the bathroom. Make her wear this dress. I’ll just go back to my office.”
Bumalik sa opisina si Zane upang tawagan ang sekretarya niya sa kan’yang kompanya.
“Good morning, Sir. Gladly you called since I have to inform you about the meeting with Mr. Alvarado—-”
“Cancel all my plans and meetings for today. I have some business to do and I need to spend my whole day with my wife.”
“W-Wife? B-But Sir…”
Kaagad niyang ibinaba ang kan’yang telepono at sinubukan namang tinawagan si Kian pero hindi ito sumasagot. Kaya naman tinawagan niya ang isa pa niyang pinagkakatiwalaang tauhan.
“What’s up? This is handsome Calvin speaking. Napatawag ka, boss?” kaagad na sagot ng nasa kabilang linya.
“I need you to locate Helius. I need to know his whereabouts.”
“Copy, bossing.”
“Kapag nakita mo na siya, sundan mo. I'd like you to tell me where he's going and who he's talking to.”
“Areglado, boss! Pero wala ka bang ipapasunod sa ‘king chicks—”
Hindi na niya pinatapos ang kan’yang sasabihin at kaagad na ibinaba ang tawag. Hanggang sa napagdesisyunan niyang tingnan ang kan’yang asawa.
Mabilis namang natapos na maligo si Raven dahil nag-aalala itong baka pasukin talaga siya ni Zane. May kumakatok sa pintuan ng banyo kaya naman lumabas na siya pero ang isang katulong ang bumungad sa kan’ya.
“Magandang umaga po sa inyo, ma’am.”
“Good morning. Bakit kayo ang nandito? Nasaan ang amo niyo?”
“Bumalik po muna sa opisina niya, ma’am. Pinag-utos niya sa ‘ming ipasuot ‘to sa ‘yo,” anang ng katulong at ibinigay ang isang mahabang bistida.
Napabuntong-hininga at napa-irap na lang si Raven bago tinanggap ang bistida. Napansin naman niya ang ilang mga katulong na lumabas mula sa malawak na closet.
“Naayos na po pala namin ang mga damit niyo po sa loob. Nasa kaliwa ang sa inyo at sa kanan po ang kay Sir Zane,” anang ng isa namang katulong.
“Anong ibig niyong sabihin?”
“Tingnan niyo na lang po sa loob. Kung may gusto po kayong ipagawa o i-utos sa amin ay tawagin niyo na lang po ang kahit sino sa amin.”
Umalis na ang mga katulong. Nagtataka namang pumasok si Raven sa loob ng walking closet hanggang sa nagulantang ito.
Namangha siya sa laki ng closet na tinatapakan niya. Mas malaki pa sa dating kuwarto niya. Kung ilalarawan niya ay para siyang nasa mall dahil sa mga nakalinyang mga tuxedo, polo, pantalon, at iba pa.
Napatingin siya sa kan’yang kaliwa at nagulantang ito sa dami ng mga damit na nandoon. May mga iba’t ibang mga dress, pantalon, damit, undergarments, at may mga ilan pang sapatos at high heels.
“G-Grabe! Kailan niya nabili ‘yang mga ‘yan? May closet din naman ako sa bahay pero kailanman ay ‘di ko ‘yon napuno ng mga damit,” pagkakausap ni Raven sa kan’yang sarili.
Bago pa siya tuluyang mawala sa katinuan dahil sa sobrang pagkamangha ay kaagad na siyang nagbihis bago pa siya abutan ni Zane. Humanap na rin siya ng sapatos na babagay sa bistidang suot niya.
“Are you done?”
Nagulat naman si Raven sa biglaang pagsulpot ni Zane sa likuran niya.
“H-Huwag ka ngang manggulat!” reklamo nito. “Ayan na, tapos na.”
Tiningnan siya ni Zane mula ulo hanggang paa. Pinigilan niyang ngumiti dahil namangha ito sa ganda ng kaharap niya.
“You look… fine.”
“‘Yon lang? Hindi ba puwedeng ‘beautiful’?”
“Stop being delusional,” sabi naman ni Zane. “Let’s go. Dad’s already here.”
“Nandito na siya? Ayokong magpakita sa kan’ya.”
“Why? I want him to meet my wife.”
“Eh ayoko nga. As if naman nagpakasal tayo dahil mahal natin ang isa’t isa. Ayokong magpanggap!”
“Come on, woman. You don’t need to act in front of him.”
“Kahit na, ayoko pa rin.”
“Let’s go.”
“Ayoko nga, kahit ikaw na lang— Hoy! Ibaba mo nga ako!”
“Shut up or I’ll drop you.”
Binuhat siya ni Zane bago lumabas ng walking closet. Nagpupumiglas ito pero hindi pa rin siya makaalis.
“What’s going on here?”
Natigilan pareho sila Zane at Raven nang may magsalita sa may pintuan nila. Nakatayo ang ilang tao ro’n na nakabihis ng pang-nurse at ilang bodyguard. Sa may gitna naman ay ang matandang naka-upo sa kan’yang wheelchair habang seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.
“Who is she, son?”
Dahan-dahang ibinaba ni Zane si Raven bago hinawakan ang kamay nito. Nagulat naman si Raven pero pilit niya iyong itinago.
“Dad, I want you to meet my wife. Isn’t she gorgeous?”