Maingay, mainit, at kakaibang amoy ng ihip ng hangin kung ilalarawan ang underground fight club. Ito ang nagsisilbing lungga ng mga taong madalas maghanap ng away. Minsan ay dito isinasagawa ang ilang illegal na gawaing ipinagbabawal ng gobyerno.
Malawak man ang lugar ngunit napupuno ito ng mga taong mahilig makipag-away, humanap ng gulo, at mga gusto lamang gawing entertainment ang mga laban, mayaman man o mahirap. Dito ay may kalayaan silang gawin ang lahat upang matalo ang mga kalaban nila. Ang pinagbabawal lamang sa lugar ay ang makapatay.
“Once I get out of this stupid place, you have to marry me.”
Napakagat sa kan’yang labi si Raven dahil sa turan ng lalaking nasa harapan niya. Hindi niya batid kung tama ba ang dinig niya o nabibingi lang siya.
“Did you hear what I just said, woman? Don’t just stare at me.”
Nagulat siya ng muling nagsalita ang lalaking nasa harap niya.
“H-Huh? Eh ano... A-Ano ulit ang sinabi mo?” nauutal niyang batid.
“I'd rather not repeat what I just said,” sabi ng lalaki at napa-upo siya upang magpantay ang tingin nila. “But let me say it again.”
“Once we get out of this place, we’ll get married,” seryosong sabi ng lalaki. “Will you marry me?”
Hindi alam ni Raven kung paano siya dapat mag-react sa kan’yang narinig. Ang daming bagay ang pumapasok sa isip niya.
“Answer me faster, woman. The fight is about to start,” sabi ng lalaki. “I’ll get you out of here as soon as you say yes. But if you turn me down, I'll turn my back on you. Siya ang may hawak ng buhay mo kung sino man ang mananalo. And you have no idea what will happen to you after that.”
Nakaramdam ng takot si Raven at mas lalong hindi siya makapag-isip. Tumutulo na rin ang mga luha niya dahil sa hindi niya alam ang kan’yang gagawin.
“What is your response? Is that a 'no'? Too bad. I'm willing to help you, but I suppose someone would prefer to get you out of here.”
Napapikit si Raven at hinila ang damit ng lalaki.
“O-Oo na. T-Tulungan mo lang akong makalabas dito,” nanginginig nitong sabi.
Napamulat ng mga mata si Raven at napa-angat ng tingin sa ang mukha ng lalaki at ‘tila namangha ito sa taglay nitong itsura at kakisigan. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa mukha ng lalaki.
“You’re staring at me again, woman.”
Napa-iwas ng tingin si Raven dahil hindi niya alintana na nakatitig na pala siya rito. Natawa ang lalaki sa kan’ya.
“Wear my coat,” sabi ng lalaki sa kan’ya at ipinasok sa may butas ng hawla ang coat.
“T-Thanks,” sabi ni Raven at isinuot ang coat. “A-Ano… Anong pangalan mo?”
“Just call me your hubby.”
“W-What?”
Napatigil naman silang dalawa nang may lumapit sa kanilang isa pang lalaki na may malaking katawan na mukhang hoodlum.
“Anong ginagawa mo d’yan? Umalis ka d’yan! Sinong nagbigay sa ‘yo ng permiso upang lapitan ang babae?” pagsita ng hoodlum sa lalaki.
“Oo nga! Hindi ka puwedeng lumapit d’yan lalo’t na’t hindi ka naman kalahok sa mga lalaban!” sigaw ng isa mula sa grupo ng mga tao.
Nagsigawan din ang ilang tao upang paalisin siya. May ilan ding bumato sa kan’ya ng kung ano-ano.
“What?”
Tumayo ang lalaki at nakipagtitigan sa lalaking hoodlum pati na rin sa ibang tao. Natahimik ang buong lugar at maski ang kaharap nitong hoodlum ay biglang nanigas sa kan’yang kinatatayuan.
“Z-Zane…”
“Damn. How many times do I have to tell you not to call me by my real name here?” inis na saad ni Zane.
“Hawkeye!” sigaw ng karamihan habang takot na nakatingin sa kan’ya.
Napa-iling na lang si Zane at bumalik ang tingin kay Raven na naguguluhang nakatingin sa kan’ya.
“Hintayin mo ‘ko. I’ll just need to beat all those guys then let’s get out of this stupid place,” sabi nito kay Raven.
Naglakad si Zane papasok sa may boxing ring kung saan gaganapin ang laban.
“There will be only one winner, right? Then, let’s start,” sabi niya sa tagapagsalita.
“O-Oo, p-pero---”
“Why? Let them fight and do whatever they want in order to defeat me. After all, this is a boxing match. Status and rank should be irrelevant.,” sabi ni Zane. “Let’s start.”
“O-Okay…” nasabi na lang ng tagapagsalita. “Kagaya nga ng sinabi ko kanina ay isa lamang ang mananalo. Puwede niyong gawin ang lahat puwera lamang ang pumatay. Ang magwawagi ay mananalo ng limpak-limpak na premyo at may kasama pang babae. Simulan na natin ang laban.”
Pumuwesto na ang mga kalalakihan. Nang marinig na nila ang hudyat ay sinugod na nila ang isa’t isa.
Tahimik lamang na nagdarasal si Raven habang pinapanood ang laban. Natatakot siya sa maaaring mangyari kay Zane pero umaasa siyang ito ang mananalo. Naiisip niya rin ang kan’yang kapatid na tiyak ay pinaghahanap na siya.
“Are you close with the Hawkeye?”
Napatingin si Raven sa nagsalitang babae malapit sa puwesto niya. Nakasandal ito sa hawla kung saan siya nakakulong.
“H-Hawkeye?”
“Yeah. So, you don’t know the man you just talk to?” tanong ng babae.
Napayuko na lang si Raven at ‘di alintana kung kakausapin niya ba ang babae.
“Hindi ka ba magsasalita?” muling tanong ng babae. “Masyado akong maganda para dedmahin mo lang, girl. Pero sabagay, kung ako rin naman nasa kalagayan mo, wala rin akong pagkakatiwalaan na kahit na sino rito.”
Napatitig si Raven sa babae. Namangha siya sa taglay na kagandahan at kaputihan ng babae. Dumagdag pa ang kan’yang kaseksihan sa suot nitong all-black outfit. Pero napa-iwas siya nang makita niya ang dalawang baril na nakasukbit sa bulsa nito.
“P-Pasensya na,” sambit na lang ni Raven. “Say, what is this place anyway? Hindi ko alam kung bakit may dumukot sa ‘kin at dito ako dinala.”
“This is a place where people like you should not be involved with. Kung bakit ka nandito? Hindi ko alam, pero paniguradong may nagbenta sa ‘yo para mapunta ka rito.”
“A-Ano?”
“Sabihin na lang natin na baka may atraso ka sa kung sino man. At upang makaganti sa ‘yo ay ipinadakip ka at ibinenta rito. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan ka pang gawing premyo kung madalas namang ginagawa sa mga nabibili nilang babae ay binibenta rin sa kahit na sinong mayaman,” sabi ng babae at pinasok sa bibig nito ang isang bubblegum.
“W-Wala akong kaaway o naging kaaway.”
Nagkibit-balikat na lang ang babae sa kan’ya bago siya nagsimulang maglakad palayo.
“W-Wait, gusto ko lamang sanang tanungin ang pangalan mo. You also familiar to me. Nagkita na ba tayo?” tanong ni Raven sa kan’ya.
“I don’t thing so, but I know you. Your name is Ravenna Elizabeth Fontana, right?” saad ng babae at humarap kay Raven.
“Y-Yes, pero paano mo---”
“I gotta go. The hawkeye won,” sabi ng babae. “I don’t know if you have a connection with him or if he have intentions with you. But I’m warning you, girl. Isa siya sa mga taong hindi mo dapat pagkatiwalaan.”
Tumalikod na mula sa kan’ya ang babae hanggang sa tuluyan itong umalis. Napa-isip naman si Raven sa huling sinabi sa kan’ya ng babae.
“In just less than five minutes, tapos na ang laban!” anunsiyo ng tagapagsalita. “Ang nagwagi sa labang ito ay walang iba kun’di si Hawkeye!”
Naghiyawan ang mga manonood at hindi makapaniwala sa mga lalaking nakahandusay at walang malay. Hindi mababakas ang pagod kay Zane at ‘tila hindi pa nag-enjoy sa laban.
“May gusto ka bang sabihin, Hawkeye?” tanong ng tagapagsalita sa kan’ya.
“None. Just give me my reward. I need to get out of this stupid place,” malamig na turan ni Zane.
“O-Okay. Sandali lang.”
Nang makuha na ni Zane ang perang napalanunan niya ay kaagad siyang nagtungo sa kung saan nakakulong si Raven. Pinalabas naman si Raven mula sa hawla bago pa tuluyang makalapit si Zane.
“Let’s go. Let’s get out of this place,” sabi ni Zane sa kan’ya.
Nagulat na lamang si Raven nang buhatin siya ni Zane. Hindi rin nawala ang mga hiyawan ng mga tao sa loob.
“We need to go. Start the car,” utos ni Zane sa kan’yang driver pagkalabas nila ng fight club.
Pinasok niya si Raven sa loob ng sasakyan bago siya tumabi rito hanggang sa tuluyan nang umandar ang sasakyan.
“S-Saan mo ako dadalhin? A-Alam kong kailangan kitang pasalamatan dahil ikaw ang dahilan para makaalis sa lugar na ‘yon. Pero k-kailangan ko na kasing umuwi, tiyak kong nag-aalala na ang kapatid ko sa ‘kin,” saad ni Zane.
“To our home.”
“H-Huh? Our?”
“Yes, to your new home. Before that, we still need to get married.”
Nagulantang si Raven sa narinig niya mula kay Zane. ‘Tila na-blanko ang kan’yang isip.
“W-What? Y-You’re just joking right?”
“I’m not. We had a deal, remember? And you agreed.”
“P-Pero---”
“No buts. I’m going to make you my wife, woman. And that’s final.”
Mas lalong na-blanko ang isip ni Raven at hindi makapaniwala sa nangyayari sa kan’yang araw. Paulit-ulit niyang hinahanap ang Kuya niya sa isip niya. Sa isang iglap na lamang ay ikakasal siya sa taong hindi niya naman kilala.
“Nandito na po tayo, boss,” anang ng driver at tumigil ang kotse.
Sumilip sa labas ng bintana si Raven. Akala niya’y bahay ang bubungad sa kan’ya ngunit labis ang pagtataka niya nang makita niyang nasa bahay-ampunan sila.
“You know what to do. Give this to them, but don’t let them know about my identity,” utos ni Zane sa driver niya at ini-abot ang isang attache case.
“Masusunod, boss,” sagot ng driver bago lumabas ng kotse buhat ang attache case.
“Hindi ba’t ‘yon ang premyo mong pera kanina? Sa’n ‘yon ipupunta ng driver mo?” tanong ni Raven.
“I’d rather donate that money. I don’t need it,” sagot naman si Zane at uminom ng alak sa kan’yang flask.
Nakaramdam naman ng tuwa si Raven sa narinig niya. Naisip niyang mabait nga siguro talaga ang lalaking nasa harapan niya.
“A-Ano…” pagsasalita ni Raven.
“What? You’ll ask me again to let you go? Too bad, I won’t let you go away from me.”
“P-Pero kasi k-kailangan kong makita ang Kuya ko. S-Siguradong hinahanap na niya ako ngayon.”
“No, you’re not going anywhere. Your brother will be fine.”
“Hindi mo kasi maintindihan. I-Iba kasi kung magalit ang kapatid ko.”
“I still won’t let you.”
“M-Mas natatakot ako sa puwede niyang gawin. B-Baka muntikan na naman siyang makapatay.”
Napatakip ng bibig si Raven sa kan’yang nasambit. Iniwasan niyang mapatingin sa mga mata ni Zane.
“Fine, but I’ll let you go home after we get married,” seryosong sabi ni Zane.
Bumagsak naman ang mga balikat ni Raven. Akala niya’y maiiwasan na niya ang tungkol sa kasal.
“Naibigay ko na, boss. Ibinigay nila ito bilang pasasalamat,” sabi ng driver na kababalik lamang at inilahad ang dala nitong paperbag.
“What’s that?”
“Pagkain po, bossing.”
“It’s yours. Baka hindi ka pa kumakain,” sabi na lang ni Zane.
Napatingin naman si Zane kay Raven nang hawakan nito ang braso niya.
“What again? Hindi mo na mababago ang desisyon ko. Papakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo.”
‘Tila nakaramdam naman ng konsensiya si Zane nang makita niya ang bagsak na katawan ng babae habang naiiyak. Hanggang sa namataan niya ang suot nitong mga hikaw.
“Your earrings looks… familiar,” komento ni Zane pero hindi siya pinansin ni Raven.
Nakaramdam naman ng ginhawa si Raven nang mahawakan niya ang mga hikaw. Masaya siyang hindi iyon kinuha mula sa kan’ya. Mas lalo pa siyang naging masaya nang makitang suot pa rin niya ang kuwintas na regalo ng kan’yang kapatid sa kan’ya.
Sa buong biyahe ay hindi umimik si Raven at nakatingin lamang sa labas. Naiisip niya lamang na ikakasal siya ay parang katapusan na rin ng buhay niya. Nag-aalala na rin siya sa kapatid niya at sa mga bisita niya dahil sa nasirang debut niya. Ipinadadasal niya na sana’y walang napahamak sa kanila.
Tinawagan naman ni Zane ang kaibigang si Helius pero nakapatay ang cellphone nito na ipinagtaka niya. Ito pa naman ang mag-aayos ng mga papeles ng kasal niya. Kaya naman tumawag na lang siya sa abogado niya.
“Hey, what’s your name?” tanong ni Zane sa katabi.
“Kung sasabihin ko ba, papa-uwiin mo na ba ako?”
“No. I need your name to process our papers.”
Hindi siya nito sinagot at sumandal na lang sa may bintana.
“I’m talking to you, woman. Don’t ignore me.”
“Bahala kang hulaan ang pangalan ko,” bulong ni Raven.
“What? Are you testing my patience?”
Naiinis na si Zane sa babaeng katabi niya. Nasa isip niya na sana hindi na lang niya ito iniligtas.
“I call you back later. I just need to talk to someone,” sabi ni Zane sa kausap sa cellphone bago ito ibinaba.
Hinila niya paharap sa kan'ya si Raven. Nagkatitigan sila na animo’y nagpapalitan ng masamang tingin sa isa’t isa.
“What? Hindi ko nga sasabihin ang pangalan ko,” sabi ni Raven.
“Then I'll just have to figure out who you are.”
Inilabas ni Zane ang cellphone niya at mabilis na kinuhaan ng litrato si Raven na ‘tila nagulat na nangyari.
“Hey! Bakit mo ako kinuhanan ng picture?!”
“Shut up,” sita ni Zane sa kan’ya bago siya may tawagan muli.
“Hello, boss. May ipapahanap ba kayo ulit?” tanong ng nasa kabilang linya.
“Yes. I have sent you a photo. I need you to get the identity of that woman as much as possible.”
“Sige, bossing. Tatawagan ulit kita ‘pag nakahanap na akong impormasyon.”
Ibinaba na niya ang tawag at napatingin kay Raven na masama ang tingin sa kan’ya.
“Hindi naman tayo magkakilala, bakit kailangan mo akong pakasalan?! Marami namang ibang babae d’yan. May mga pangarap pa ako sa buhay at masiyado pa akong bata para maitali sa isang kasal. Seventeen pa lang ako para sabihin ko sa’yo!” sigaw sa kan’ya ni Raven.
“What?! You don’t look like one.”
“Ano?! Sinasabi mo bang mukha na akong matanda?!”
“No. You look more like younger than a teenager.”
“Talaga? If that’s what you think I am, let me go. Hindi ako suitable to be your wife, okay?”
“But still not convinced. I’ll just wait for my investigator’s call to confirm. Marami pa ring tao ang mga nasa edad na pero mas bata pa silang tingnan. Baka nga mas matanda ka pa sa ‘kin.”
“Ano?! You’re being unbelievable,” inis na turan ni Raven at umiwas ng tingin.
Nakaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa isang malaking bahay na maaari ring ilarawan bilang mansyon. Kamangha-mangha ang naglalakihang mga pader pati na rin ang gate nito. Kapansin-pansin din ang napakalawak na hardin at ang malaking fountain na nasa gitna. At ang maliwanag na bahay na hindi malaman kung gaano kalaki, ‘tila mas malaki pa sa Malacañang.
“B-Bahay pa ba ‘to?” namamanghang tanong ni Raven habang nakatanaw mula sa kotse.
Hindi ito makapaniwala sa nakikita niya. Tanging sa mga palabas niya lamang nakikita ang mga ‘to.
“Let’s go, woman.”
Napa-igtad si Raven dahil siya na lang ang nasa kotse kaya naman kaagad siyang sumunod palabas. Hindi pa rin niya mai-alis ang tingin sa buong paligid.
“Prepare a nice dress for my girl,” utos ni Zane sa isang katulong na kaagad namang sumunod.
Nagulat naman si Raven nang buhatin siya muli ni Zane at dinala sa kan’yang kuwarto.
“Binatawan mo nga ako. Kanina mo pa ako binubuhat,” reklamo ni Raven.
“I’m being generous here, woman. May sugat ka sa paa, manhid ka ba?”
Ibinaba rin naman siya nang makarating na sila sa kuwarto. Muling namangha si Raven dahil sa lawak ng kuwartong tinatapakan niya.
“Take a bath. Your needs are in the bathroom,” utos sa kan’ya ni Zane. “I've been seeing your underwear for a while now. Are you that confident in front of me?”
“Pero—”
Itinulak na siya ni Zane papasok sa banyo bago pa muli itong makapagreklamo. Kanina pa kasi ito nakakaramdam ng kakaibang init dahil kanina pa niya nakikitaan ang babae.
“How was it? Did you found information about her?” tanong kaagad ni Zane sa investigator niyang tumawag sa kan’ya.
“Yes, boss. Her name is Ravenna Elizabeth Fontana also known as Raven. She is 17 years old, a graduating high school student, and a model. She lives with only her father and brother. She was born on September 23, 2022. She is actually turning 18 in a few minutes right now. She is also—-”
“Okay, that’s enough. I got the information that I needed.”
“Wait lang, boss. Nalaman ko rin na may nagtatangka sa buhay ng babaeng ‘yon kaya siya nadakip kanina.”
Ibinahagi ng imbestigador ang nalaman niyang impormasyon mula sa isa sa mga dumakip kay Raven kanina.
“At may isa pa akong impormasyon, boss. Siya rin—”
“I heard enough. I’ll end this call now.”
“Pero boss—”
Pinatay na niya ang tawag at tinawagan ang abogado niyang magsasagawa ng papeles. Pinapunta na rin niya ang kakilala niyang hukom na magpapakasal sa kanila.
“Hey, hindi ka pa ba tapos d’yan? You are taking too long, don’t make me go inside,” pagkatok ni Zane sa pintuan ng banyo dahil lagpas kalahating oras nang nakakalipas pero hindi pa rin lumalabas si Raven.
Naghinala naman si Zane dahil maaaring nakahanap ng paraan si Raven upang makatakas lalo pa’t magkakas’ya ang tao roon sa malaking binatana sa banyo.
“Damn!” napamura na lang si Zane at puwersahan niya binuksan ang pinto.
Ang buong akala niya na nakatakas na si Raven pero naroon pa rin siya. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang makita niya itong walang saplot.
“What the hell?! Umalis ka nga! Bastos ka! Manyakis!” tili ni Raven.
“F**k!”
Dali-daling lumabas si Zane habang nag-iinit ang buong mukha dahil sa kahihiyan. Nagpaulit-ulit na nagpakita ang itsura ni Raven sa isip niya kaya nakaramdam siya ng inis.
Lumabas na rin si Raven mula sa banyo na may nakapulupot na tuwalya sa kan’yang katawan habang masama ang tingin niya kay Zane.
“I-It’s not like that. You’re n-not responding that’s why I t-thought you’ve escape from the window,” uutal-utal na paliwanag ni Zane habang naka-iwas ng tingin dahil sa suot lamang ni Raven.
“Ano ako? Tanga? Pa’no naman ako makakataas sa napakataas na puwesto? Nasa second or third floor yata tayo, noh. Hindi ako si superhero na kayang tumalon ng ganito kataas.”
“I-Is that so? Then, never mind that. Just wear that dress. Later, there will someone who will assist you to my office.”
“Huh? Bakit? Anong—”
Naputol na ang sasabihin ni Raven dahil sa mabilisang paglabas ni Zane. Pinagmasdan na lang niya ang white dress na nakalapag sa kama. Wala rin naman siyang choice kun’di ang isuot iyon dahil wala siyang anumang damit.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang hukom at ang abogado ni Zane. Nakaayos na rin ang lahat at ang mapapangasawa na lang niya ang hinihintay.
“I’ll just check on her,” paalam ni Zane at pumunta sa kan’yang kuwarto.
Narinig naman niya ang boses ni Raven na ‘tila napakaraming tanong.
“Ano po ba kasing may’ron? Bakit kailangan ko pang isuot ang mga heels na ‘yan? Masakit kasi ang paa ko,” reklamo ni Raven sa isang katulong.
“Ipinag-uutos lang po, Ma’am. Kami po ang malilintikan kung hindi namin sinunod ang nai-atas sa amin.”
Napasandal si Zane sa gilid ng pinto habang pinagmamasdan si Raven. Hindi niya mapigilang mapatitig sa maganda nitong mukha. Namamangha ito sa kan’yang mahabang kulot na buhok nito, ang hazel eyes nito, matangos na ilong, mamula-mulang mga pisngi, at ang kan’yang mapulang labi na hugis puso. May kakaiba siyang nararamdaman habang mas lumalalim pa ang pagkakatitig niya sa babae lalo na nang mapansin niyang bumagay ang puting dress sa kan’ya at kan’yang mga hikaw.
“You’re here. Para kang tangang nakangiti mag-isa d’yan. Ano bang nangyayari? Ayokong isuot ‘tong mga ‘to, masakit ang mga paa ko,” reklamo ni Raven nang makita siya nito.
Bumalik naman sa katinuan si Zane at napa-ubo.
“Iwanan niyo muna kami. Ako nang bahala sa kan’ya.” utos ni Zane sa mga katulong na naroon.
“Ano bang ganap? Ba’t ako nakabihis ng ganito? Don’t tell me, ngayon na ang kasal?” kaagad na kompronta sa kan’ya ni Raven.
“That’s right. That’s why you need to hurry because they are—”
“No! Ayoko pang ikasal! Sinabi ko naman sa ‘yo ‘di ba? Seventeen pa lang ako, meaning underage pa lang ako. Hindi pa ako puwedeng ikasal,” reklamo ni Raven.
“Happy 18th birthday, Raven. Congratulations! Welcome to your adulthood!” biglang bati sa kan’ya ni Kian na may bahid ng pagkasarkastiko.
Nanlaki naman ang mga mata ni Raven at nagulat sa naging bati sa kan’ya.
“H-Huh? A-Anong…”
“You’ve just turned 18. Puwede ka nang ikasal.”
“P-Pero ayoko pa rin! P-Paki-usap… Marami pa akong mga pangarap sa buhay. Sa iba ka na lang magpakasal, okay? Kung desperado ka nang magkaroon ng pamilya, ‘wag mo na akong idamay,” paki-usap ni Raven at sa pagkakataon na ‘to ay mahigpit na nitong hawak ang kamay ni Zane.
“How about I’ll give you all the things you need just for you to stay? Money? House? Tell me,” seryosong sabi naman ni Zane.
“W-What?”
“I’ll give you everything you want. Just tell me.”
Hindi na napigilang sampalin ni Raven si Zane kasabay ng pagtulo ng kan’yang mga luha.
“H-How dare you?!” nanginginig na sigaw sa kan'ya ni Raven.
“Too bad. You are now involved in me. Your life’s already in danger right now, Raven. That also includes your family,” malamig na sambit ni Zane at hindi na inintindi ang natanggap na sampal.
“A-Anong ibig mong sabihin?”
“Everyone who is involved with me is on the brink of death. I saved you from that fight earlier, and many people witnessed it, so you are now linked to me. They can kill you at any time and from any location. Ang mga nakita mo kanina sa fight club ay pawang patikim lamang, which means there are people worse than them. Even if I did not join the fight, the one who won will do something worse to you. You are valuable to any of them, that's why you became a prize. Mabebenta ka nila sa mas mataas na halaga lalo na’t bata ka pa.”
Napatulala si Raven sa mahabang paliwanag ni Zane na sa isip niya ay ‘tila nag-iimbento lamang ito ng sinasabi. Pero kinikilabutan pa rin siyang isipin kung paano kung iba ang nanalo at nakakuha sa kan’ya.
“I also found out that you were supposed to be dead right now. One of the men who tried to kidnap you, according to my investigator, was caught. He admitted that you were supposed to be killed by them, but they instead sold you for more money.”
“W-What? P-Paanong—”
“According to that man, they were ordered to kill you for money by someone they did not know. I'm not sure why they're after you or who is responsible for your kidnapping, but one thing is certain. You're in danger. At mukhang madadamay pa ang pamilya mo.”
Nanlamig ang buong katawan ni Raven. Kaagad na pumasok sa isip niya ang kapatid niya.
“S-Si Kuya. K-Kailangan k-kong maka-usap ang kapatid ko,” paki-usap ni Raven.
“No, you need to stay calm. I already asked my men to locate your family.”
“P-Pero n-nag-aalala ako sa kalagayan ng kapatid ko.”
“I know. But trust your brother. He will be fine,” seryosong sambit ni Zane. “Ngayon na nasa puder kita, magiging ligtas ka rito. No one will touch you here.”
“Paki-usap… A-Ang kapatid ko…”
“I’ll help you, Raven. We’ll find him.”
Sa isang iglap ay nasa harapan na silang dalawa ng hukom at abogado. May ilan ding kalalakihan ang nandoon upang magsilbing witness. Hindi naman umiimik si Raven at hindi alintana ang mga nangyayari sa kan’yang paligid. Wala na siyang choice kun’di ang pumayag sa kasal na nais ni Zane kapalit ng kaligtasan ng kapatid niya.
“Sign these papers to prove that you are now officially husband and wife,” sabi ng abogado sa kanila.
Kaagad na pumirma si Zane ngunit tulala lamang si Raven habang nakatitig sa papel na nasa harapan niya.
“What’s the matter? Sign the papers,” bulong sa kan’ya ni Zane.
Nanginginig na kinuha ni Raven ang panulat at pikit-mata niyang pinirmahan ang mga papeles sa harap niya. Wala na siyang choice kun’di ang sumunod na lamang alang-alang sa kaligtasan ng pamilya niya.
“I’m tired. Gusto ko nang matulog,” mahinanang sambit ni Raven nang matapos ang lahat.
Inutusan naman ni Zane ang mga tauhan niyang ihatid siya sa kuwarto nila dahil may kailangan pa siyang kausapin. Nakaalis na rin ang hukom at ang kan’yang abogado.
“What? You keep on calling me? Sinabi ko naman sa ‘yo na nakuha ko na ang impormasyong kailangan ko,” inis na turan nito sa imbestigador niyang kanina pa siya tinatawagan.
“P-Pasensiya na po talaga, boss. M-May importante pa kayong malaman.”
“What is it?”
“Ang babaeng pinapa-imbestigahan niyo sa ‘king si Raven ay ang kapatid ni Sir Helius na kasalukuyan na niyang pinaghahanap matapos madakip kanina. Hindi maganda ang nangyayari, bossing. Dahil marami na ang sugatang mga tauhan natin nang subukan nilang maki-alam dahil sa pagwawala ni Sir Helius.”
Natigilan si Zane sa kan’yang narinig. Hindi siya makapaniwalang ang napakasalan niyang babae ay ang nakababatang kapatid ng kaibigan niya.