Chap2 (Vows1)

1542 Words

Ashley Dave Ysha

Halos matunaw ako sa paraan ng titig na pinupukol nito sa akin. 

Mainit at may alab na dumadantay sa bawat himaymay ng aking ugat papunta sa aking puso.

Walang pag-aalinlangan na inamin nito sa akin ang totoo nitong nararamdaman.

 Actually, kagabi pa siya umamin sa akin habang nagpapalitan kami ng mga text messages. 

Ang akala ko ay malakas lamang ang loob nitong sabihin ang mga  iyon dahil wala naman ako sa kan'yang harapan .

 At inisip kong, marahil ay hindi n'ya naman iyon masasabi sa akin ng personal.

Pero narito ngayon ito sa aking harapan at walang habas na inaamin ang tunay nitong nararamdaman!

Halos hindi ako makagalaw sa aking kina- uupuan, ramdam ko rin muli ang walang humpay na paghampas ng puso ko sa sobrang kaba.

Hindi ko nagawang sagutin ang huling text message nito sa akin, dahil nag-umpisa ng maghampasan ang mga lamang loob ko sa nerbyos kagabi. It feels also like something is tickling inside my tummy!

 Hindi ko nga maintindihan kung bakit gan'on na lang kalakas ang dating sa akin ng mga binitawan nitong salita.

Paulit-ulit ko pa iyong binasa kagabi, nagbabakasakaling namali lang ako ng pagkakabasa.

'Ni hindi ko nga makapa sa isip ko kung re-reply-an ko ba o, hindi ang huli n'yang text message.

At nang marahil ay mainip ito sa pag-aantay ng sagot ko, ay nagpasya na itong tawagan ako.

Nataranta ako ng marinig ang biglang pag-ring ng cellphone ko. 

Hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino iyon. At dahil sa nerbyos at pagkataranta, nagawa kong e-reject ang tawag niya.

Sobra-sobra kasing kaba ang sumalakay sa dibdib ko. Idagdag pa na hindi ko alam ang isasagot at sasabihin ko sa mga ipinagtapat n'ya at hinihiling n'ya sa akin..

Sinabi nito sa akin na gusto niya ako, at gusto rin niya akong ligawan at maging girlfriend!

 Pilit ko mang kinukumbinsi ang sarili kong marahil ay nangtri-trip lamang ito, pero may isang bahagi ng puso ko naman ang umaasa at gustong maniwala.

Simula ng makilala ko ito kahapon ay bigla na lamang nagulo ang buong sistema ko. At hindi ko rin maintindihan kung papaano nito nagagawang pasirkuhin ang t***k ng puso ko nang ganon-ganon na lamang!

Sanay na naman ako sa mga lalaking nagpapalipad hangin. 

Hindi lamang naman siya ang naglakas loob na lumapit sa akin, para magpahayag ng nararamdaman! 

Pero kahit kailan ay wala sa kanila ang nagawang pakabahin ang dibdib ko at pasirkuhin ang t***k ng puso ko.

But this guy, kahit simpling ngiti nito ay apektadong-apektado ako!

At ang ngisi nitong tila mas lalong nagpapalakas  sa kanyang appeal!

"Ano na Ysha ko?"  biglang parang may kung anong nagrambulan sa loob ng tiyan ko na kumikiliti sa akin.

The endearment that he used! At ang paraan ng pagkakabanggit nito. Punong-puno ng lambing.

Hindi ko man nakikita ang sarili ko sa salamin, pero alam ko at ramdam ko ang pangangamatis ng buo kong mukha!

"Hindi mo ba ako gusto? Kailangan gustuhin mona na ako kasi, hindi kita titigilang kulitin! And i'm telling you, mas makulit ako kaysa kay Matthew! " ang may himig biro nitong sabi.

Natawa ako ng mahina sa kan'yang tinuran. Magpinsan nga silang dalawa ni Matthew pero kitang kita ko naman ang malaking kaibahan nila. Pareho naman malakas ang dating at umaapaw sa  kagwapuhan ang dalawa ngunit mas malakas pa rin ang karisma ni Carl para sa akin! 

Si Matthew naman, unang kita ko pa lang sa lalaking 'yon, ay bakas na bakas ko na sa mukha nito ang pagiging pilyo at babaero. 

"Sa totoo lang, gusto talaga kita-" Bigla kong natutop ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ko. Bakit ba bigla na lang 'yon ang lumabas sa bibig ko? 'Ni hindi na ako nakapag-isip at pinagkanulo ako ng sarili kong dila. Napakagat ako sa ibaba kong labi sa sobrang kahihiyan.

Nakita ko naman sa mukha nito ang hindi matatawarang galak sa narinig mula sa akin.

"You said, You like me too? Wala ng bawian 'yan ha, Ysha ko?" ang masaya nitong sabi.. Ang pagkakabanggit nito ng "Ysha ko" ang nagpapatili sa akin ng lihim. Mapag-angkin ang bawat pagsambit nito. 'Na tila ba walang ibang may karapatang tumawag sa akin ng ganoon kundi siya lamang!

"Hindi ba mas'yado pang maaga? Kakakilala lang natin no!" Ang mahina kong sabi habang saglit akong napatingin sa kan'yang mga mata at agad rin umiwas. Matiim ang bawat titig niya na tila kayang basahin ang bawat nilalaman ng isip at puso ko.. 

"Maybe you won't believe me. But, I will tell you, that I already felt something special in here.. for you." Turo nito sa kan'yang dibdib sa tapat ng puso nito.

"Since the very first time I laid my eyes on you...I think, I'm falling inlove for you, Ysha ko...."  Ang walang gatol na pag-amin nito sa akin.

"Carl...." ang wala sa sariling sambit ko sa kan'yang pangalan.

Masaya ako sa inamin nito kahit may takot akong nararamdaman.

 Dapat ko rin bang aminin ang nararamdaman ko?

Pero ano pa ang halaga no'n kung ilang sandali na lamang ay magkakalayo na rin kami?

Pero bumuka ang bibig ko. Nagpas'ya ng kusa ang puso ko. Pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko, kapag hindi ko nailabas ang nararamdaman ko para rin sa kan'ya.

"Hindi ko nga alam pero simula rin ng makita kita lagi kitang naiisip. Hindi ko pa naramdaman at naranasan ang ganito sa kahit na kanino....Pag and'yan ka... Ang lakas- lakas palagi ng t***k ng puso ko.." Ang buong katapatan kong pag-amin na rin sa nararamdaman ko.

Nakita ko ang lalong pagliliwanag ng kan'yang mukha. Masaya rin ako para sa sarili ko dahil nagawa kong umamin ng totoong nararamdaman para sa kan'ya.

Ngunit isang bagay ang nagpabigat at nagpalungkot bigla sa damdamin ko.

Ang alalahaning hindi ko maaaring pagbigyan at hayaan  ang puso kong magkagusto at mahalin siya. 

Dahil hindi magtatagal mula ngayon, ay aalis na rin  ako.

Hindi na kami magkikita pa! At alam ko na kapag hindi na ako nito nakita, ay mawawala rin ang nararamdaman nito para sa akin.

Lalo na't kakakilala lamang namin at hindi pa gaano nakakasama ang bawat isa. Kung baga, mababaw pa lamang ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

Siguro nga pag-alis ko e, makalimutan na ako nito kaagad.

"So, girlfriend na kita Ysha ko? Akin ka na ha? Bawal ka ng magpaligaw sa iba!." tila ang mga katagang 'yon mula sa kan'ya, ang s'yang nagpabulusok sa isip ko pabalik sa earth mula sa paglalakbay sa kalawakan!

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kan'yang mukha. And there, nakita ko nanaman ang ngisi n'yang 'yon! Na lalong nagpapa-gwapo sa kan'ya, sa paningin ko. Pero kailangan kong maging tapat sa kanya. Kailangan nitong malaman na aalis na ako, then its up to him kung ano ang magiging pasya niya.

At ako? Gagawin ko ang lahat para hindi mas'yadong mahulog ang loob ko para sa kan'ya. Dahil alam kong sa pag-alis ko, ay maari itong makalimot at mahulog ang damdamin nito sa iba.

Hindi ko alam kung ilang taon akong mananatili sa America, at kung kailan ako makakabalik ng Pilipinas.

Mahirap umasa, paano kung sa pagbabalik ko e, may mahal na siyang iba? 'Na nakalimutan na n'ya ako?

Mga bata pa kami at marami pang mga bagay na maaring mangyari at magdaraan sa buhay namin.

Sa ngayon, hindi pa namin pweding gawing batayan ang bugso ng damdamin na lumulukob sa aming mga puso. Baka tulad ng iba, ang nararamdaman namin dalawa ay dala lamang ng aming  kabataan.. 

"C-carl......" ang alanganin kong tawag sa pangalan n'ya.

" Gusto man natin ang isa't isa sa tingin ko ay hindi ito ang tamang panahon para sa ating dalawa..." ang mahina kong sabi habang may pag-aalangan akong naramdaman na tignan ang kan'yang mga mata kaya pinili kong sa ibang direksyon tumingin..

Marahan itong lumapit at tumabi sa akin. Ginagap nito ang isang palad ko at marahan iyon dinala sa kan'yang labi.. Tila ba may kung anong kilabot akong naramdaman. Dumagsa rin ang kabayong nagkakarera sa loob ng aking dibdib.

Biglang nagliparan muli ang mga kulisap na bahagya pa lamang nakakapagpahinga sa isang dako ng aking tiyan.. Pilit nitong hinuli ang aking mailap na mga mata at masuyo ako nitong pinakatitigan.

 

"Ysha ko, hindi naman ibig sabihin na girlfriend na kita at boyfriend mona ako e, magpapakasal tayo agad-agad.. Ofcourse we still both young and I know that... Lalo kana... Atleast ako hindi na ako minor-de- edad pero ikaw, alam kong napaka bata mo pa.. Gusto kong tuparin ang mga pangarap ko na kasama ka, na ikaw ang inspirasyon ko.. Pwedi naman 'yon di ba? Let Us get matured together and be inspirations for each other?" ang pinasuyong boses nito na may halong pakikiusap.

"Ngayon lamang ako nagkagusto sa isang babae.. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klasing damdamin para sa isang babae.. I want you to be my girlfriend, Ysha ko." Nakalabi ko itong tinitigan, nanlalamig ang mga palad ko at alam kong ramdam n'ya 'yon dahil hawak pa rin n'ya ang isa kong palad.

"Kanina ka pa tawag ng tawag sa akin ng Ysha ko.. Bumibilis tuloy ang t***k ng puso ko kapag tinatawag mo ako ng gan'on..." Ang nahihiya kong pag-amin na kinatawa naman n'ya ng mahina.. 

Kapagkuwa'y, nagkatitigan kaming dalawa. May matamis na ngiti sa bawat isa...

Free reading for new users
Scan code to download app
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeAdd