Chap-1 (My memory)

1529 Words
Carl James Nakaupo ako sa nakadaong na bangka at mula roon, ay pinagmamasdan ko ang aking kasintahan na si Ysha. Masaya itong nakikipag-unahan sa mga alon sa dalampasigan. Paminsan-minsan ay kinakawayan ako habang may malawak na ngiti sa labi. Marami na ngang nagbago sa lugar na ito. Kapansin- pansin na marami ng nakatayong mga establisyemento. Mas lalo pang dumami ang mga turistang nagbabakasyon at nagagawi sa lugar. Kung noon ay tahimik pa ang lugar na ito sa ganitong oras, ngayon ay magkabilaan na ang ingay na nagmumula sa mga vedio okay machine na nagkalat mula sa mga maliliit na cottages sa paligid. May mga kumpol-kumpol rin sa di kalayuan at nagsasagawa ng mga maliit na palabas para sa mga turista. Napalingon ako sa isang cottage sa di kalayuan mula sa daungan kung saan ako nakaupo, naririnig ko pa ang tilian at ang tawanan ng isang grupo ng mga kabataan na umuukupa roon. Ilang sandali pa, ay pumailanlang ang isang awitin na pamilyar sa akin. Wala sa loob na napangiti ako nang mag-umpisang magkantsawan ang mga katabaang 'yon. "Para sa'yo daw 'yan Mary! D'yan niya ilalabas lahat ng lihim niyang pagtingin sa'yo!" ang malakas na sabi ng isa, na sinundan ng tawanan ng iba nilang kasama. Nakita kong isang binatilyo ang nakatayo sa harap. 'Di kalayuan sa vedio okay at hawak ang mikropono. Naramdaman ko ang biglang pagsipa sa dibdib ko nang umpisan nitong kantahin ang bawat liriko ng awiting iyon. My Memory ( Endless Love / Winter sonata ( Tagalog Version ) W/Lyrics) Sa saliw ng awiting 'yon ay unti-unting nagbalik ang magagandang alaalang pinakaiingat-ingatan ko sa lugar na ito. Parang kailan lang kung iisipin. Napatingin ako sa dakong iyon kung saan ko siya unang nasilayan. Kung saan ko ito unang nakita.. Tila nakikita ko pa sa isip ko ang napakaganda at napakaamo n'yang mukha habang nangiti at kinakausap ang mga anak-anakan nitong alimango. Dalawang taon na ang nakakaraan ng makilala ko siya sa mismong lugar na ito. Ang kauna-unahang babaeng nagpatibok sa pihikan kong puso. Sa mismong daungan na ito, ako noon nakaupo habang nakatingin noon sa kan'ya. Nakikipag-usap habang pinapakain n'ya ang kan'yang mga alagang alimango. Wala sa sariling napangiti ako ng mapait.. Kasunod ng pagdaloy muli ng mga masasayang alaala kong iyon, kasama ang babaeng pinakamamahal ko. "Hey Hon, are you okey? W-why are y-you crying?" magkahalong pagtataka at pag- aalala nitong tanong sa akin habang matiim na nakatingin ito sa aking mukha. Dalidali kong pinunasan ang mga luhang 'di ko namalayang lumandas sa magkabila kong pisngi. Namura ko ng lihim ang aking sarili! 'Ni hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sa kinaroroonan ko si Ysha.. Sobrang naging abala ang isip ko sa mga alalang paulit-ulit na bumabalik sa akin, sa tuwing nagagawi ako sa lugar na ito. At ang laging kasunod ng mga alaalang 'yon ay ang kirot sa dibdib ko! Dalidali kong hinawi ang magkabilang pisngi ko at tinuyo iyon ng mga palad ko. "Are you really ok Hon?" ang nag-aalala nitong tanong muli sa akin. Masuyo pa nitong hinawakan ang magkabila kong pisngi . Pinilit kong ngumiti. Pinasigla ang aking mukha at boses. Gusto kong burahin ang mga imahing sumulpot na lang muli sa aking memorya. Why I'm acting again, like such an idiot? It's been two years for God sake! I should move on.. "M-mahangin na r-rito Hon, masakit sa mata... ang alat na humahalo sa hangin.. n-naluluha ako.." Ang pagdadahilan ko. Iniwasan kong mapatingin sa kan'yang mga mata. Gusto kong gulpihin ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko! It's very unfair for her, na kasama ko siya pero ibang babae ang iniisip ko! *** ~~flash back~~ "Hi Miss Crabbie! " ang naka ngisi kong bati sa kan'ya. Bahagya pa itong nagulat sa akin, napahawak ito sa ibabaw ng dibdib nito at matalim akong tinignan saka inirapan. Binaliwala ko lang ang mga irap nito at lalo pang lumapad ang ngiting kumawala sa labi ko. "Huwag ka naman pabigla-biglang lumilitaw na parang kabote. Aatakihin ako n'yan sa puso eh! " ang masungit at nakairap nanaman nitong sabi sa akin. Habang pinagpatuloy muli ang pagbibigay ng pagkain sa maliliit na alimango. Lalong nagiging-cute ito sa paningin ko sa tuwing naiinis at nang- iirap! Kahit anong expressions ata ang lumitaw sa mukha nito ay hindi matatabunan n'un ang amo at inosente nitong mukha. "Presensya ko pa lang inaatake kana, e, pano pa kaya 'pag sinabi kong mahal na kita?" Nakita ko nang biglang napatingin ito sa mukha ko, natigilan at med'yo namilog ang mga mata.. Napangisi ako ng tila naging kamatis sa pula ang pisngi nito! Bigla itong nag-iwas ng tingin sa akin. "Ay c-corny! " ang may taray ngunit nautal nitong sabi. Kitang kita ko ang paglikot ng mga mata nito. At ang pinipigilan nitong ngiti sa mga labi.. Kagabi nga ay panay ang palitan namin ng mga text messages. At walang pag- aalinlangan kong inamin sa kan'ya na gusto ko talaga siya. Gusto ko siyang ligawan at maging nobya! Pero pagkatapos kong sabihin 'yon, ay hindi na ito muling nag-reply pa! Bigla akong nakaramdaman ng pag-aalala, na baka hindi nito nagustuhan ang sinabi ko kaya mabilis kong e-denial ang numero n'ya para tawagan. Pero nakarami na ng ring, ay hindi n'ya iyon sinagot. Ilang ulit ko pang sinubukan siyang tawagan pero pinatayan na ako nito ng linya! Mula ng makita ko siya kasama ang Xian na iyon, at ang mga naririnig kong mga sabi-sabi tungkol sa pagkakahumaling ng lalaking 'yon kay Ysha, ay hindi maiwasan ng puso ko ang maalarma. Kailangan kong kumilos agad bago ako maunahan ng iba! I want her to be my girl. To be my first girlfriend. And to be my last! Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy at magpatumpik-tumpik pa! I like her.. I mean, I think I'm falling for her... O, baka nga noong una ko pa lang itong nakita kahapon ay mahal ko na talaga siya? Hindi ako naniniwala noon sa love at first sight pero parang 'yon ata ang nangyari sa akin kahapon ng una ko pa lamang siyang masilayan sa may dalampasigan. Hindi na naging normal ang t***k ng puso at isip ko simula pa kahapon. Laging siya ang laman ng isip ko, kasabay no'n ang laging pagbilis ng pintig ng puso ko. "K-kahapon pa lang t-tayo nagkakilala mahal na agad? Ano bang nakain mo at kagabi ka pa lutang?" malikot ang mga mata nito't di makatingin sa akin ng deretso. Halatang- halata na umiiwas ang mga mata nitong mapatingin sa akin. Pero lalo pang namula ang magkabila n'yang pisngi! "I eat crabbie.. Kaya puro ikaw na-" Nanlaki ang mga mata nitong pinutol ang iba ko pang sasabihin.. "Ikaw ha, pag nakita-kita talaga kitang namumulot dito ng mga baby crabbies ko puputulin ko 'yang kamay mo! Tama na 'yong mga sira ulong manginginom lang ang mga nanakot sa mga alaga ko. Huwag ka ng dumagdag pa! " ang pagbabanta ngunit may halong lungkot nitong sabi. "Oohh, sorry....But.... I- i was just joking.." Ang napapakamot sa batok kong sabi. Ayaw ko naman magalit sa aking ang Ysha ko. "But I'll be honest with you. Ginataang alimango ang pinakapaborito ko. Pero hindi naman ako nakain ng mga maliliit. Nagpapabili talaga ako sa palingke ng mga malalaki.. 'Yon kase ang gusto ko, 'yong mga malalaki! 'yon ang masasarap! " ang nakangiti kong sabi. Nakita ko naman ang tuluyang paglungkot ng mukha niya. "So, You're eating the Mommies and the Daddies.? Kawawa naman ang mga Babies na maiiwanan nila.." Gusto ko sanang humagalpak ng tawa, ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili ko. Ayaw ko naman ma-offend ang Ysha ko. Baka kapag nanligaw ako, hindi ako nito sagutin! It's really weird, dahil ngayon lamang ako nakakilala ng katulad nito. I got curious tuloy kung kumakain ba ito ng ibang sea foods. Kasi, it must be stupid to ask her if she eats crabs because obviously, not! "Kumakain kaba ng kahit anong sea foods?" Ang tanong ko. Malamlam ang mga matang nakatingin lang ito sa akin. Med'yo naka-pout pa nga ang labi nito. Saka marahang umiling. There must be a reasons, allergy maybe? Karaniwang rason ng tao kung bakit umiiwas sa sea foods e, dahil may allergy ito. "Do you have sea foods allergy?" panghuhula ko habang med'yo nakakunot ang aking noo. Marahan muli itong umiling sa akin. "Nope. I didn't eat them... beacuse, I don't want to. Bata pa lang ako nakikita ko na sila dito sa dalampasigan, nakakalaro. Naaawa ako sa kanila lalo na pag pinupulot sila ng mga tao kahit maliliit pa lang sila.I decided not to eat any seafoods. It may sounds weird like what other people say, but thats me. That's what I choose for me..." Ang mahina ngunit seryoso nitong sabi. Umiwas ulit ito ng tingin sa akin at inumpisahan ng bugawin ang mga alimango paputang dagat.. Tinulungan ko na nga ito dahil sa ibat ibang direksyon naman pumupunta ang mga ito. Nang matapos kami ay niyaya ko itong maupo muna kami sa mga bangkang nakahilira roon, akala ko nga ay tatanggi ito pero laking tuwa ko ng ngumiti ito sa akin at nagpatiuna nang maupo sa isa sa malaking bangka.. May matamis na ngiting sumilay sa labi kong sumunod sa kan'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD