Tears Gezielda's POV NANG NALIPAT na ang aking mga anak sa isang kwarto ay do'n ako umiyak. 'Di ako karapat-dapat na maging isang ina sa kanila. Ano na lang ang sasabihin sa'kin ni Sixto kapag nalaman nitong naging pabaya ako sa mga anak namin? For sure magagalit sa'kin 'yon. I smiled sadly. "Shhh... 'Wag ka nang umiyak. Sinabi na ni Doc na magiging maayos na sila at kailangan lang ng pahinga. Don't stress yourself at baka naman ikaw ang magkasakit," sabi ni Mommy habang inaalo ako. Napatingin naman ako sa kaniya. "'Sana'y ako na lang po ang nagkasakit imbes na sila. Ayaw ko pong nakikita ang mga anak ko na nahihirapan. I'm guilty. 'Di ko po sila nahaharap dahil puro trabaho ang ginagawa ko. I'm such an irresponsible mother to them," umiiyak na litanya ko at hinimas naman niya ang

