Who? Gezielda's POV SUMALUBONG AGAD SA'MIN sina Abuela at Manang pagkarating namin sa mansyon. Masayang-masaya sila habang nakatingin sa kambal na tulog sa mga bisig namin ni Mommy. "Mga apo ko! Salamat sa Diyos at maayos ang inyong byahe. Halina kayo't pumasok na sa loob. Nagpahanda pa 'ko ng mga makakain," anyaya ni Abuela habang sinisipat ang kambal. I know she's really protective to my babies. "Sige po, Mama. Kumakain ba kayo nang maayos? Naku! Ako po talaga ang magbabantay sa 'yo. 'Di po puwede 'yang nagpapalipas o 'di kaya'y kung saan-saan po kayo pumupunta," sita ni Mama dito at napakagat ng labi si Abuela na mukhang walang lusot kay Mommy. Aba! naglalakwatsa si Abuela? Oh! interesting. Habang papasok kami sa mansyon pansin ko'ng aligaga na kilos nito. Parang may something

