Hopia Gezielda's POV LAGING NAKADIKIT na sa'kin si Sixto sa 'di ko malamang dahilan makalipas ang ilang mga araw. Gusto ko rin naman na gano'n siyas a 'kin para 'di niya maisipang maglamiyerda sa babaeng plastikadang 'yon. Nasa isang bakasyon kami sa isang isla para dahil hiling na rin ni Mommy para naman mag-unwind ako. Na-stress kasi ako sa nangyaring aksidente sa kaniya at nagkita pa kami ng lintik kong ex. Naalala ko tuloy ang pesteng araw na 'yon. "F*ck you, moron!" hiyaw ko. Sa lahat ba naman ng makakasagasa kay Sixto ay ang ex ko pa. "Gezie! I'm totally shocked you're here! Why did you slapped me? Hindi ka pa rin nakaka-move on?" saad nito kaya naman binigyan ko nang sapak at napaupo ito. "Go home, moron or I will sue you! Ang kapal ng mukha mong sabihan akong 'di pa nakaka-m

