Inis Factor Gezielda's POV KUMAKAIN AKO ngayon ng almusal. Masama ang aking pakiramdam at wala rin ako sa mood. Yes! It's a super f*cking bad day. Talagang kada subo ko ay kumukulo ang aking dugo. "Oh, what happened? Bakit naman nakabusangot ka?" tanong ni Mommy sa'kin habang paupo pa lang sa silya. Sumubo muna ako bago sumagot. "Just a bad day, Mommy. Hindi po maayos ang tulog ko at saka 'di po okay ang aking pakiramdam," sagot ko at tila naman nag-alala si Mommy. "Naku! Hayaan na ang sinasabi ko dapat 'wag ka na munang magpaka-stress. Hindi ba't nangako kang magbabakasyon ka dito at magre-relax? Parang papatayin mo talaga sarili mo, e. Hindi mo pa nga 'ko nabibigyan ng apo sa tuhod ay gusto mo nang magkasakit," sermon nito at napabuntonghininga naman ako. Damn, wala talaga ako s

