Bitchy Mode Gezielda's POV WALA NGAYON sa mansyon si Sixto dahil inaasikaso niya ang aming rancho. Kasalukuyan ko namang binabasa ang papeles na ipinapadala sa'kin ni Veronica. Gusto kong ma-divert ang atensyon ko mula sa pag-iisip sa kaniya. 'Di ko alam parang isang virus siya na pumapatay sa sistema ko at ginagawa akong mahina. I'm not a weakling. Medyo bothered ako sa nangyayari sa'kin. Oo may deal kami, he will give me my baby and I'll help him to elevate his status. Sumasakit ang aking ulo at hinilot ko ang mga sentido ko. Napagpasiyahan kong bumaba muna sa kusina dahil medyo nagugutom na rin ako. Pagkarating ko sa kusina ay tinumbok ko ang kinalalagyan ng ref at binuksan 'yon. Mga ilang minuto pa 'kong pasipat-sipat ngunit wala akong magustuhan ngunit gutom na gutom na 'ko. Nayayam

