Killing Me With Kindness Gezielda's POV NASA LOOB AKO ng kusina para mag-almusal nang makita ko si Six na dala-dala ang isang tasa ng kape. "Eto na ang kape mo, Gez. Siya nga pala, kailangan nating pumunta sa rancho kasi may manganganak na kabayo do'n," sabi ni Sixto sa'kin at tumango-tango naman ako. Maya-maya pa'y dumating na si Mommy at mukhang giliw na giliw ito sa kaniya. "Magandang umaga ho, Senyora," pagbati niya kay Mommy na sobrang ganda ng ngiti. "Good morning din, hijo. Nag- almusal ka na ba? Sumabay ka na sa'min ng anak ko, d'di ba, anak?" sabi nito sabay baling sa'kin at napataas naman ang aking kilay. Ano na naman kayang nasa isip ng Drama Queen? I saw something in her eyes. She's playing again. "Sure! Go on, Sixto. Marami naman niluto si Manang," pagsang-ayon ko at

