Hacienda
Gezielda's POV
PUMASOK na kami sa loob ng mansyon at humanga ako sa ganda nito. Napaka-homey sa loob. Simple ang disenyo pero may class. I like it!
"Heto ineng, ang mga paintings ng Mommy mo no'ng kabataan niya pa. 'Di ba't napakaganda dine?" tanong ni Tatay Dodong at itinuro sa'kin ang dingding na maraming nakasabit na frames na may painting.
Nakita ko ang iba't-ibang klaseng mga bulaklak at kulay ngunit ang pinakapumukaw sa'king atensyon sa lahat ay ang babaeng nakasakay sa swing habang may lalaking nasa likod nito na tila tumutulak. Nilapitan ko 'yon at tinitigan nang maiigi. Lumingon ako kay Mommy at nakita ko ang pangingilid ng luha niya pero agad naman niyang pinunasan at ngumiti.
"Naku! 'yan sina Mommy at Daddy mo no'ng kabataan, ineng. Lagi ngang hinahanap ng Lolo mo 'yang Mommy mo dahil tumatakas para lang makipagkita kay Zield. Pasaway na bata talaga," natatawang dagdag ni Tatay Dodong.
Napailing naman ako dahil do'n. Natawa nalang ako sa ugali niya. May pagka-childish talaga siya. Kung ipagkukumpara nga kaming dalawa'y parang siya pa ang mas bata sa 'ming dalawa.
"Tatay! Binibisto niyo naman po 'ko sa anak ko," singit niya at tumawa lang si Tatay Dodong dito.
Nakarinig ako nang tunog na mula sa takong ng sapatos na pababa sa engrandeng hagdan. Nasilayan namin ang aking abuela na inaalalayan ng nurse nito.
"Mama!" masayang bati ni Mommy at tinakbo ang pagitan ng layo nila ni Abuela. Natawa naman si abuela dahil do'n.
"My baby! Namiss kita anak ko. Walang maingay sa bahay na ito 'di tulad no'ng dati. Halos gawin mo na itong kweba dahil nag-eecho ang boses mo," malamlam na sabi ni abuela at nakangiti ito habang nakayakap si Mommy dito.
"Mama, you know naman na I had my own family. Pero don't worry, sasamahan nalang po kita dito," saad ni Mommy at inalalayan si abuela sa rocking chair nito. Lumapit naman ako dito para magmano at humalik sa pisngi nito kaya't hinawakan ako nito sa kamay.
"My apo! Kamukhang-kamukha mo si Gelly. Pero may anggulo na kamukha mo rin si Zield kapag tinitigan ka nang mabuti. Kailan ba ang huling pagkikita natin? Parang baby ka pa ata no'n," masayang turan nito't napangiti naman ako. Habang si Mommy nama'y giliw na giliw sa sinasabi nito.
"Yes! Mama. Pasensya na 't 'di po kami madalas dati mamasyal dito dahil busy po kami sa pag-aasikaso ng mga negosyo," hinging paumanhin ni Mommy dito. Napatikhim naman si abuela bago bumaling sa'kin.
"Oh! siya. Apo may nobyo ka na ba o 'di kaya'y asawa? Puwede ko ba siyang makilala?" tanong sa 'kin nito na puno ng kuryosidad.
Naku! naman, oh!
"Ah-eh... wala pa po, abuela," sagot ko't parang nanghinayang pa ito sa 'king tugon. Biglang sumabat naman si Mommy dahil napakaganda ng topic sa pandinig nito, I know it.
"Kaya nga po kami nandito, Mama. Para po magbakasyon s***h man hunting na rin po para kay Gezielda. Wala kasing matipuhan sa siyudad at baka naman po ang destiny niya'y nandito. Oh! I'm so excited!" bulaslas ni Mommy habang nag-iimagine ng mga plano niya para
sa'kin. Kaya't natatawa nalang si abuela sa kalokohan niya. Habang ako nama'y napabusangot, parang wala ako dito, ah.
"Sige-sige! Marami naman matitinong lalaki dito sa 'ting bario. Basta't kilatisin mo muna, apo. 'Wag kang magpadalus- dalos 'di tulad ng Mommy mo na sinunggaban agad ang Daddy mo. Kaya't halos mahimatay ang abuelo mo sa kalokohan niya," sabi ni abuela habang tumatawa. Sumegunda naman si Tatay Dodong.
"Ay! sinabi niyo pa ho, Senyora. Lagi dine pa hong umaakyat 'yan sa puno ng mangga para magpakitang gilas kay Zield. Kaso mukhang nakalimutan atang magsalawal sa loob ng bestida. Do'n yata nainlove si Zield dine, eh." pang-aasar naman ni Tatay Dodong kay Mommy na pulang-pula ang mukha sa hiya. Samantalang kami nama'y tawa nang tawa.
Oh, f**k! That's very extraordinary. Mukhang namana ko kay Mommy ang aggressiveness.
"Tse! Walang labasan po ng nakaraan, Tay. Oh! Sumasakit ang ulo ko. I want to sleep. Sige, mauuna na 'ko. Ciao!" paalam niya at nagmamadali na pumunta sa silid. Halatang ayaw mapag-usapan ang mga kalokohan niya no'n. Tawa naman nang tawa si abuela habang tinitignan si Mommy na papaakyat sa kwarto.
"Apo, alam mo bang natakot ako para kay Gelly? Nang ipinagbubuntis ka niya'y halos mamiligro ang batang 'yan. Kulang nalang atakihin ako sa puso. Pero sadyang matigas ang ulo niya na handang mamatay para lang maisilang ka. Kaya naman sobrang saya namin na okay kayong dalawang mag-ina. 'Di na muling nagbuntis si Gelly sa takot ni Zield na mawala siya. She's my one and only kahit pasaway at pilya ang anak ko. Kunsitidor ako dito na ikinaiiling ng abuelo mo. Anong magagawa ko? Nag-iisang anak ko si Gelly dahil 'di na kami nabibiyaan ng abuelo mo kahit gusto ko ng marami. Kaya sana 'y kapag nagkaapo kami'y marami para medyo magulo ang pamilya natin ulit," saad nito sa 'kin at ako nama'y tahimik na nakikinig dito. Talagang matindi ang dinanas ni Mommy just for me. Napakagat ako ng aking labi.
"Kaya 'wag mong biguin ang Mommy mo. Please lang, apo. Gusto kong sumaya ulit siya. Alam kong malungkot siya kapag nag-iisa dahil wala na ang ama mo. 'Wag mong iiwan ang Mommy mo, apo ko. Sana naman may apo na rin ako sa tuhod na makikita bago ako mamatay at samahan si abuelo mo. Pero tandaan mo ang bilin ko," dagdag nito na nakangiti sa'kin kaya't tumango naman ako dito.
"Senyora, tara na po. Kailangan niyo na pong magpahinga," singit ng nurse nito kaya't sumunod naman si abuela dito.
Napaisip ako sa sinabi nito. Susubukan kong maghanap ng puwedeng magbigay sa'kin ng anak. Sign na ito para mapasaya ko sina Mommy at Abuela. It's final!