Chapter 4 ✓

743 Words

Mischievous Lady Gezielda's POV NASA VERANDA AKO ng hacienda't tanaw na tanaw ko na ang madilim na langit. Sinasamyo ko ang malamig na simoy ng hangin. Magtatakip-silim na't ramdam na ramdam ko ang lamig. Napayakap nalang ako sa'king sarili at parang bigla kong gustong magliwaliw at uminom ng alak. Tumakbo ako pababa at naabutan ko ang isang dalagang kasambahay. "Hi!" bati ko kaya't napatingin naman siya sa 'kin at halatang gulat na gulat habang nakanganga. "Uhm, Hi! Ako nga pala si Gezielda. I have a favor. May alam ka bang lugar na puwedeng magpakasaya?" tanong ko dito at agad naman siyang sumagot. "Hello po, Senyorita! Ako po naman si Melanie. Ahh--me-ron, ho. Do'n po sa Magnus Bar sa talipapa po," nauutal na sagot niya. Napatango naman ako. Mabuti naman kung gano'n. "Okay! Sige,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD