Chapter 2

604 Words
Nadia's P.O.V. "Well....well...well..." sabi ni Rose. "Look whose here?" tanong naman ni Stephanie. Sila sina Rose Ann at Stephanie..... ang dalawang malanding coloring book. That's what I call them. Sa dami ba namang palamuti sa mukha at katawan nila eh. To avoid any fight, sinubukan kong lagpasan na lang sila at 'di na pansinin. But to my surprise someone grab my hand at pwinersa akong iniharap sa kanila. "Where do you think you're going?" -Rose "How dea--da---ahh basta! Anong karapatan mong talikuran kami?" -Stephanie. Mag-e-english english 'di naman pala marunong. Psh! "Ano ba bitawan nyo nga ako!" sabi ko at pilit nagpupumiglas sa hawak ng dalawang pangit na 'to. Then to my surprise again sinampal ako ni Rose coloring book #1. "Arayy!!" daing ko. Badtrip! Ang sakit nun ah! Siraulo talaga 'tong mga 'to. Hindi na nga pinasin tapos sila pang may ganang manampal. Kainis! "You better shut up or baka gusto mo pang masampal.." pagbabanta nya pa. Kahit naiinis ako sa kanila tumahimik na lang ako at 'di na nagpumiglas kasi ang sakit talaga manampal ng mga gagang 'toh.. Dinala nila ako sa likod na bahagi nitong campus. At medyo madilim dito. Nagsimula ng manginig ang aking katawan. Nagsisituluan na rin ang butil ng pawis sa aking likod. Takot ako sa dilim. "Teka anong gagawin nyo?!" natatakot na ani ko ng sinimulan nila akong itali sa punong ito. "Tsk! Isn't it ob--ov--- aish!! aray ah!" reklamo ni Stephanie ng batukan sya ni Rose. "Bobo! obvious kasi! Ang simple simpleng word lang 'di pa alam." naiinis na ani ni Rose. "Sorry naman!" she said while rolling her eyes. "Anyways, for your question... before someone make tigil tigil me from answering you by batok batok me----" natigil si Stephanie ng aambahan na naman sya ni Rose. "Itigil mo na nga yan! If you don't know how to talk in English fluently, then stop! Hindi yung nag co-conyo-conyuhan ka!" asik ni Rose. "Edi mag st-stop na!" nagdadabog na sabi ni Stephanie. 'Di ko alam kung matatawa ako o matatakot sa kanila eh.' "Yan!" pumapalakpak na sigaw ni Stephanie after they'd finished tying me on this tree. "Much better." may ngiting tagumpay namang sabi ni Rose. "Oyy! Ano ba! Pakawalan nyo 'ko rito! Wala naman akong ginagawa sa inyo--asdfg" natigil ako sa kakareklamo ng busalan nila ang bibig ko. "You're so annoying! But your face is more annoying! Pasalamat ka nga at 'di namin tinakpan ng something yang ulo mo eh" sabi ni Rose. "Oo nga naman!" sang-ayon naman ni Stephanie. 'Sino bang magiging thankful sa lagay na 'to ha! Ang bobo naman ng mga to' Sasabibin ko sana yan pero 'di ko nga magawa kasi nga may busal 'tong bibig ko. "Stop wasting your time with that ugly b*tch Steph... C'mon.. We need to hurry-" sa pagkakataong ito si Stephanie naman ang pumutol sa sasabihin ni Rose. "OMG! Baka dumating na sila Edrix!" nag-titiling sabi ni Stephanie. "Stop screaming Steph! Baka gusto mong itali rin kita rito?" banta ni Rose na nakapagpatigil kay Stephanie. Stephanie surrendered by rasing her hands. "Bye...Bye...Nerdia....Sana naman this time matuluyan ka na." nakangising ani ni Rose bago tuluyang umalis. 'Di 'ko namalayan na ngasimula ng magsituluan ang mga luha ko. 'Ano ba tong mga luhang to! Wag kang umiyak Nadz..Kaya mo to' kumbinsi ko sa sarili 'ko. Pero letseng mga luha 'to ayaw paawat! "Mwelp! Mwelp mwee! Pweaseeee!" sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig dahil sobrang hina ng boses ko at dahil narin sa walang katao tao rito. Nang mapagod ay unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa kaya wala akong ibang magawa kundi ang lumuha. 'God please help me....I'm scared....please..'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD