Chapter 1: The Beggining
Jane , Jane gising.....
Bakit kuya ? Ma lalate na tayo bangon na. Nagpuyat ka na naman ba kakanood mo ng mga k-drama ?
Napatawa nalang ako sa tanong ni kuya dahil nahuli na naman niya ako na nagpupuyat. Bakit ba kasi nakaka addict manood ng mga k-drama ngayon. Dali-dali akong bumangon dahil malalate na nga kami ang hirap-hirap pa naman mag-abang ng tricycle sa kanto dahil laging puno at marami laging nag-aabang. Si kuya yung laging nakikipag agawan sa mga tao para makasakay kami lagi.
Kuya ? Nakita ko kayo kahapon ni Miranda sa may gym , anong pinag-uusapan niyo ? Akala ko ba si Chloe girlfriend mo ?
Tanong ko sa kanya habang nag-aantay kami ng masasakyan.
"Wala yun , hahaha may inabot lang sa akin si Miranda Babear".
"Arggggh ! Kuya naman , ayan na naman yang tawag mo sa akin hindi na ako baby at lalong-lalo hindi ako isang bear ! Atsaka akala mo di ko nalalaman , iba-iba girlfriend mo everyweek isusumbong talaga kita kay nanay. "
Hindi na naka imik si kuya dahil may dumating na tricycle at dali-dali syang tumakbo upang makipag agawan ng puwesto. Habang ako naman ay tumakbo na rin kung nasaan si kuya upang makasakay ng biglang...
" Aray ! Putcha naman oh ! "
Pasigaw ko na pagkakasabi At may pumatid pa talaga sa akin. Ang ganda naman ata ng umaga ko ngayon. Dahan-dahan akong tumayo upang pagpagan yung uniform ko.
" Huy ! Di ka ba mag sosorry ? "
Tanong ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Pero teka lang parang familiar ang likod niya , parang kilala ko to ahhh. Malapad na mga balikat , mataas na buhok na laging nakatali. May dalang gitara na akala mo naman mag coconcert at higit sa lahat uniform na hindi nakasara ang mga butones. "
Monterooooooo !!! sigaw ko.
"Uy Natividad bat ka naman umuupo dyan ?
Tanong ng mokong. Alam niyo kung may tao man akong di kayang pakisamahan si Montero yun. Di ko alam bat ang init-init ng dugo ko sa kanya. Sa kasamaang palad ay magkakabata kami , sabay kaming lumaki nila kuya tsaka itong lalaking to na pinaglihi ata sa palaka. Ewan ko nga din sa sarili ko bat inis na inis ako sa kanya. Well siguro dahil nung mga bata kami nilagyan niya lang naman ng uod yung bag ko , tinago yung pencil case ko , tinapunan ng palaka , at nilagyan niya pa talaga ang bag ko ng laruan na ipis at dahil don bigla akong nahimatay sa klase.
Hindi-hindi ko yun makakalimutan naging katatawanan ako dahil don. Isa lang yun sa maraming dahilan bat ayaw ko sa kanya pero dahil pinanganak siguro akong malas lagi ko syang classmate simula kinder hanggang ngayon na nasa highschool kami.
" Alam mo Montero iba ka din eh no ? Mayaman naman kayo at may kotse kayo di ba ? Bat andito ka lagi sa may sakayan atsaka bat lagi tayong nagsasabay dito ? May gusto ka ba sa akin ? Tanong ko sa kanya.
" Alam mo Natividad libre mangarap , ako pa talaga ang may gusto sayo piglet huh ? Hahahaha patawa ka. Eh baka ikaw talaga may gusto sa akin kaya inis na inis ka hahahaha. Umamin ka na hindi ko naman ipagkakalat. "
Teka lang mga mare ! Did I heard that right ? Ako pa dw ang may gusto sa kanya ! At tinawag pa talaga akong piglet ni Kupal. Arghhhh ! Nakaka down na ng self esteem lagi nalang akong sinasabihan ng mataba. Ang kupal talaga ng Montero nato.
Hindi ko nalang sya pinansin dahil sumakay na ako sa tricycle hindi ko naman inaasahan na sasakay din si kupal at sumiksik pa talaga sya sa akin sa likod. Habang si kuya nasa unahan.
" Pre , andyan ka pala " si kuya na napansin si Montero sa likod kasama ko.
" Ang sikip nga Pre ehh , kailan ba to magda diet si piglet para lumuwag naman at magkaroon ng space ang upuan dito."
Ayan mga mare ganyan sya ka bully sa akin at hindi ko na nga alam kung bakit laging ako ang nakikita ng Montero nato para lait-laitin. Di naman yan pinapansin ni kuya dahil ewan ko ba siguro akala niya na simpleng biruan lang at dahil kilala niya naman si Montero eh ginagatungan pa talaga ni kuya mga banat ng lalaking to.
" Di na kailangan mag diet ni babear dahil mawawala ang pinakaiingatan namin na mga cheeks niya hahaha tsaka bawal sya pumayat dahil lalong gaganda itong kapatid ko at baka dahil dyan dadami masusuntok ko. "
Hays lagi nalang ganito ewan ko ba sa tuwing sinasabi ni kuya na maganda ako kinakabahan ako lagi at parang nag iinit katawan ko. Sguro dahil si kuya lang pumupuri sa akin kaya ganito ako maka react.
" Maganda ? Hahaha Pre patawa ka rin. Pero sige na nga maganda ka na piglet ang kyut kyut mo maarawan ehh namumula ka parang baboy wahahahahha "
Tumahimik nalang ako at hinayaan si Montero na tumawa ng tumawa. Sana mamatay nalang ito sa kakatawa para naman makaranas ako ng peaceful highschool life.
Bigla ko naman naalala na ngayon nga pala yung assigning of roles para sa darating na event sa school. Next month na kasi ang Foundation day at ako lang naman ang class president ng section namin. Mataba man ako at hindi kagandahan sa paningin ko pero matalino ako. Matalino din si kuya kahit napaka babaero niya napagsasabay niya talaga ang mga babae niya tsaka pag-aaral niya tsk ! Tsk ! Tsk. Napakagaling niya nga naman talaga sa time management. Bumaba na ako ng tricycle at sabay kaming tatlo pumasok sa gate. Humiwalay na si kuya dahil nasa higher year sya kaysa sa amin. Nasa 4rth yr highschool na sya while kami ni Montero eh nasa second yr. Kaya nasa baba lang yung classroom namin at si kuya naman nasa 4th floor.
Dali-dali akong pumasok sa classroom dahil ayoko ma late. Ayaw ko magiba record ko , never pa akong na late dahil gusto ko magkaroon ng magandang record. Umupo na ako sa tabi ng bestfriend ko na si Kyla. Nagtaka naman ako kung ano ginagawa niya ang aga-aga kasi at may ginugunting na sya.
" Pst , Kyla ? May assignment ba tayong di ko nalalaman bat ang busy-busy mo ? Ano ba yang ginagawa mo ? "
Tanong ko naman sa kanya , Malay ko bang may assignment kaming nakaligtaan ko. Pagtingin ko sa ginagawa niya ay napangiti nalang ako. Gumugunting na naman sya ng mga litrato ni kuya na bagong upload siguro ng fans club ni kuya sa sss.
" Jusko bes , wala ka talagang maaasahan kay kuya. Alam mo naman di ba ? Linggo linggo yun nagpapalit ng babae baka masaktan ka lang. "
Concern lang talaga ako sa kaibigan ko grabe obssession niya sa kuya ko. Minsan nga nahuli ko pa tong si Kyla na inaabangan si kuya sa Male Cr. Si Kyla din president ng Levinatics official fans club ni kuya sa school.
" Alam mo bes , ang gwapo talaga ng kuya mo. Yung tipong di nakakasawa tignan. Ang dami ko na ngang picture niya sa kwarto ko. Promise ko talaga sa iyo bes , magiging magkapamilya talaga tayo in the future."
Hinayaan ko nalang si Kyla mag daydream sa gilid , araw-araw ko na atang naririnig yan sa kanya. Lagi niyang sinasabi na magiging magkapamilya kami soon. Lakas din ng tama ng isang to. Pumasok naman adviser namin at nagsimula na syang mag explain about sa Foundation day na gaganapin next month.
" Natividad ? tawag niya sa akin. I want you to take over this agenda , ikaw naman ang president. I already gave you the list of event last week right ?
Tumayo naman ako at nag umpisa na akong mag explain about the events ng biglang tinawag ni maam si Montero. " Montero ? Bat si Natividad lang nandito sa harap ? You are the vice president you need to help the president for the planning. Come on and help Ms. Natividad with this meeting.
Ewan ko nga din bat naging matalino din tong si Montero lagi kaming nagkakalaban sa lahat ng bagay pati sa grades. Lagi naman akong nananalo sa kanya. Pero di rin maiwasan lagi kaming magkasama sa lahat mapa quiz bee , mga events , at ganito sa mga meeting. Hays. Isa-isa kong binasa lahat ng events na gaganapin habang si Montero naman ang nagsusulat ng mga sasali. Naging mapayapa naman ang meeting naman at isang event nalang ang dapat pag-usapan.
" As for the main event , every year the school is hosting for the search of Mr./Ms. Foundation day. I need someone na mag vovolunteer para sa event na to " sabi ko.
Biglang tumahimik ang klase at Wala talagang naglakas loob na mag participate. Jusko pano nato ? Ito yung laging pinaghahandaan ng school at bawal na Wala kaming participation for this. " Is there anyone who would like to volunteer ? " Tanong naman ni maam. " Ma'am si Natividad nalang tsaka si Montero. Wala pa silang nasasalihan.
Bigla naman akong napaubo dahil sa suggestion na yun. Pinagloloko ba nila ako? Ako at si Montero ? Hell no !!! Hindi Pwede. Magiging disaster talaga ito. Bat ako? Eh ang taba ko , well di naman talaga ako mataba talaga may pagka chubby lang. At saka si Montero magiging partner ko ? Teka langggggggg !!! Hindi talaga Pwede.
" Hmmm , pwede. Mr. Montero and Ms. Natividad , you two will be our representative for the upcoming search for Mr./Ms. Foundation day. We'll be cheering on you two galingan niyo. The helllllllllllllllll ?!
My mind is in chaos right now. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay maam. Andito kasi ako ngayon sa labas ng faculty room. I'm trying to talk to our adviser na kung pwede ay hwag nalang ako. I'm too shy for this and also di talaga pwedeng magsama kami ni Montero magkaka problema lang talaga.
" Babear ? Napalingon naman ako , isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan kundi si kuya. "
Kuya , halos paiyak ko na tawag sa kanya.
" Bat andito ka sa labas ng faculty ? Anong problema at parang di ka mapakali ? "
Tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay kuya ito. Ang alam ko din kasi protective si kuya sa akin. Ayaw na ayaw nya nacecenter of attraction ako. Ewan ko ba din kung bakit.
" Kasi kuya , I'm one of the representative sa upcoming na Mr./Ms. Foundation day , ayaw na ayaw ko talagang gawin kuya but our adviser insisted na gawin namin ni Montero and im here para sana pakiusapan si maam na wag nalang ako. Mahabang paliwanag ko sa kanya.
" Big girl na talaga ang little sister ko , I think bagay sayo pero dadami nga lang akong masasapak for sure marami rin manliligaw sayo after the event. "
Hindi ko din maintindihan minsan si kuya. Bulag ba sya ? Bat parang iba ata nakikita ng mga mata niya sa nakikita ng ibang tao. Eh kahit nga ni isa walang nagtangkang manligaw sa akin. Di naman sa gusto ko na magpaligaw well I mean yung mga classmate ko nga kanya-kanyang boyfriend pero ako kahit crush wala talaga.
" Kuya ? Pano to ? Ayaw ko talaga tsaka si Montero partner ko baka magpatayan lang kami. "
" Babear , I'll try to talk to your adviser okay ? Ako na ang bahala.
Parang may tinik na nabunot sa dibdib ko sa sinabi ni kuya. " Kuya ? Bat ka nga pala andito sa may Faculty ? tanong ko sa kanya. Isa din kasi ako sa representative sa Mr./Ms. Foundation day. Nandito din ako para magback out nag-aaway kasi ngayon si Miranda at Cindy. Si Miranda kasi partner ko. Kaya ayun nagsabunutan kanina sa classroom , ang hassle.
What's new ba ? Halos every week din naman ako nakakarinig ng balita about sa mga babaeng nag-aaway dahil kay kuya. Mga nagsasabunutan sa canteen , buhusan ng tubig sa cr , at halos lahat nalang sgurong klase ng gulo nacoconnect kay kuya. Pero hindi ko naman masisisi ang mga babaeng Patay na Patay kay kuya. Kuya have this alluring aura na kapag tinitigan ka niya maiinlove ka nalang ng hindi mo namamalayan.
He is so tall , captain din sya ng basketball team ng school , he is tan , has almond shape eyes with his red lips na Akala mo naka lipstick lagi eh. Dinaig pa ako.
" Sige kuya , balik na ako sa classroom ha ?
" Sabay tayong mag re recess mamaya. Sabi naman niya. " Sige kuya , I'll wait for you sa canteen. "
Pabalik naman ako ng classroom ng makita ko ang kupal na Montero sa may gilid na parang may kausap. Di ko na sana papansinin silang dalawa pero na curious ako kung anong pinag-uusapan nilang dalawa ang alam ko is third yr ata yung girl. Makikita mo kasi yung lace ng Id may ibat-ibang kulay kasi mga lace ng Id namin to indicate what yr ka. Her Id is red so which means third yr sya. Dahan-dahan akong naglakad atsaka umacting na parang may itatapon lang na basura sa trashbin , medyo katabi kasi nila ang tapunan ng basura ehh.
" Monique , alam mo naman di ba na napagpustahan ka lang ng barkada. Our relationship is just for fun , bat ka nagkakaganyan. Aba ! Iba talaga tong si kupal bat ba kasi ako napapalibutan ng mga playboy , una si kuya tas pangalawa itong si Kupal.
" Kyle , I cant. Di ko kayang makipaghiwalay sayo. Alam ko , pero pls pwede naman nating seryosohin ito di ba ? I'm falling for you. Pls Kyle dont dump me like this. Pls give me time promise mapapaibig kita.
Hindi ko alam kung maaawa ako sa girl na Monique ang pangalan o matatawa sa kanya dahil ano bang nakita niya sa kupal nato ? Kulang nalang lagyan mo ng eyeliner ang mata ay papasa na para maging emo. Paalis na sana ako ng sa di inaasahang napatid ko ang trashbin at gumulong yung takip papunta sa kanila. Bigla naman akong nataranta. Pag nahuli ako ni kupal im sure gagawin niya na namang issue ito at tutuksuhin ako jusko hindi pwede ! Ready na sana akong tumakbo ng biglang may humila mg ID ko. Patay ! Si kupal....
" Aha ! Nag change career ka na pala piglet ah. Di ka nalang pala ngayon tanga , chismosa ka na rin pala? Nagseselos ka ba piglet ? Sabihin mo lang para naman maibigay ko lahat ng oras ko sayo. Don't hesitate to confessed piglet makikinig ako.
Napaka humble niya naman talaga , dahil sa pagka humble niya naghahallucinate na sya at kung ano-anong pinagsasabi sa akin. Excuse me talaga sa kanya. Hindi sya pasok sa standards ko. Kung may pasok man sa standards ko si kuya yun except sa pagiging babaero din nya.
" Excuse me Ms. ? Nakikita mo bang may pinag-uusapan kami dito ? Isa ka rin ba sa mga babae niya ? I didnt know na pumapatol ka na din pala sa mga overweight ngayon Kyle.
Oh my God ! What did she say ? Ako ? Overweight ? Grabe para namang dinagdagan niya ng ilang kilo ang timbang ko , Normal naman BMI ko. Kaloka ka mare. Di ba pwedeng mas malaman lang sayo , mas hamak na sexy at may curve ako kumpara sayo para kang walis tingting. Ang straight mong tignan ! Gusto ko sanang sabihin to sa lahat sa knya pero di ko tinuloy , mas nakakabuting wag nalang patulan ayaw ko ng gulo.
" I'm sorry Ms. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa pinag-uusapan ninyo , napadaan lang kasi ako at magtatapon sana ng basura sa may trashbin. Accidentally nasipa ko yung basurahan at ayun gumulong yung takip papunta sa inyo. Sige alis na ako. Adios ! " paalis na sana ako ng biglang nagsalita si kupal.
"I'm sorry Monique hindi talaga kita mahal. Si Piglet ang dahilan kung bakit di ko kayang magmahal ng iba. I'm whipped when it comes to her. s**t , goodbye my peaceful life. Parang nakikita ko na magiging buhay ko sa highschool. Walangyang kupal to dinamay pa ako sa kalokohan niya.
" Pls Ms. Wag kang maniwala sa kanya. He's lying jusko ni hindi nga kami close. Huy kupal wag mo akong idamay sa mga kalokohan mo ! Galit na galit kong sabi sa kanya.
" You'll regret this ! Humanda ka talagang babae ka. Sabay alis niya. Ako naman naiwang tulala. Ito na ba yun Lord ? Ito na ba ang simula ng paghihirap ko. Ito na ba yung part na mabubully ako tulad ng napapanood ko sa mga teleserye ? Napaka kupal talaga ni Montero !
" Alam mo Montero , hindi ko alam kung anong trip mo pero tigil-tigilan mo ako pls lang. Gusto ko lang naman ng mapayapang highschool life. Wag kang kupal. Ayusin mo to lagot ka talaga kay kuya " pananakot ko sa kanya pero knowing kuya alam ko tatawanan lang niya ito di ko din alam bat pagdating kay Montero okay lang sa kanya na ganituhin ako. Dahil ba magkababata kaming tatlo ? Hays Ewan.
" Alam mo piglet , dapat nga magpasalamat ka sa akin una dahil magiging partner mo sa ako sa search , pangalawa magkaka boyfriend ka na kasing gwapo ko. I'm yours. Sabay kindat naman niya.Dukutin ko kaya mata niya !
Arghhh ! Bahala na sya sa buhay niya. Hindi ko talaga kayang tagalan ang presensya ni kupal parang nanghihina ako na di ko alam na dedrain lahat ng energy ko sa pakikipagsagutan sa kanya. Parang lahat ata ng brain cells ko ay na stestress masyado sa knya. Bumalik na ako sa room at nakinig ng music sa cellphone ko. Mas mabuti pang makinig ng music kaysa naman makipagsabayan ako sa ingay ng paligid ko atsaka ayaw ko marinig boses ni kupal baka di ko mapigilan sarili ko at masapak sya. Madidiscpline pa kami ayaw ko talaga pumangit record ko. No way !
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Nagising nalang ako ng may yumuyugyog sa balikat ko.
" Bes , recess time na. Hindi pumasok si Maam Ferrer vacant natin.
Agad-agad naman akong bumangon at tinanggal ang headset at nag-inat ng mga kamay.
" Bes , sama mo naman ako oh , tuwing recess kasama mo kuya mo lagi sige na. Di mo pa ako sinasama tuwing recess ehh. Promise magbebehave ako " nakasanayan na kasi namin ni kuya na magkasabay tuwing recess since nasa elementary palang kami kaya tuwing recess kami lang talagang dalawa.
" Bes , promise me na mag bebehave ka baka tumili ka nalang out of nowhere tas pipicturan mo si kuya , tititigan mo . Baka ma weirduhan sayo. "
" Promise bes , I'll behave. Isa din to sa mga reason kaya di ko maaya-aya si Kyla sumama sa akin pag recess time kasi alam ko naman na di sya magpipirmi at baka ma weirduhan si kuya at matakot pag nalanaman niya na obssessed su Kyla sa kanya. Papunta na sana kaming canteen ng biglang may narinig kaming broadcast announcement.
" Calling all the attention of the representatives of Mr./Ms. Foundation Day pls proceed to the auditorium now. We will have a quick meeting.