Wanted sister inlaw. Episode 8

1299 Words
NAPANSIN ni Bea, biglang natahimik ang groupo ni Carlos, ng makabalik siya bitbit ang plato may lamang pagkain. “ Sir, may dala akong sugpo,” saad niya, at umupo sa tabi ng binata. “ Carlos, hindi mo ba ako ipakilala sa bago mong katulong, ”sabi ng babae, at maarte pinag-cross ang mga paa. Nakita niya ang matalim na tingin ni Carlos, rito." Umayos ka," pabulong na sabi ni Carlos, sa babae. " Aira, mabuti pa kumuha kana rin ng pagkain mo," saad ng isang kaibigan rito, para malayo sa kanya. “ Ano kaya ang problema ng babaeng 'yon?” sa isip niya, ng irapan siya nito, bago umalis. Hindi na lamang niya pinansin ang inasta ng babae, pinaghimay niya ng sugpo ang binata. " Bea, dito ka lang muna lalapitan ko lang si David," saad ni Carlos, sabay turo sa katabaang lalaki, naka upo malapit sa kusina. Naiwan siyang naka upo, kasama ang mga kaibigan ng binata. Iilan lang ang mga bisita naroon, pero halatang puro mayayaman. Hindi siya maka sabay sa mga pinag-uusapan ng mga ito kaya, tumayo siya at lumabas ng bahay. Nagpa ikot-ikot siya sa garden, nakita niya ang batang lalaki nagtatakbo, kasunod nito ang nag-iiyak na batang babae. Nagtaka siyang sinundan ang dalawa. Huminto ang batang lalaki ng matapat sa maliit na fish pond, at may tinapon ito roon. Pumalahaw ng iyak ang batang babae. Mabilis niyang nilapitan ang dalawa," Neng bakit ka umiiyak? Ano iyon tinapon niya?" " Kwentas ko po," tugon nitong, humihikbi. " Tahan na kukunin ko ang kwentas mo," aniya. Hinubad niya ang soot na sandal at lumusong siya sa tubig, na hindi umabot sa tuhod ang lalim. Kinapa niya ang kwentas, gamit ang kanyang paa, ng may naapakan siyang madulas, nawalan siya ng panimbang, " B*lat!" Hiyaw niya, ng mapa-upo sa tubig. Narinig niya ang boses ng lalaking tumatawa. Nilingon niya ang pinagmulan, mula sa liwanag ng mga naka bukas na ilaw sa paligid nakita niya si Jake, naglakad palapit sa kanya. Himbis na tulongan siya, pinagtatawanan siya nito," Hoy, ano ba tulungan mo ako maka tayo," aniya. Nagulat siya, ng lumusong ito sa tubig, at hinahabol ang iilang koi, naroon. Natawa siyang naka tingin rito na parang bata na naglalaro. " What the f*ck!" Galit na boses, ang pumutol sa kanilang tawanan. Napa tingala siya, nakita niya ang nagdilim na anyo ng binata naka tingin sa kanya. "Para kayong mga bata, hindi na kayo nahiya!" singhal nito sa kanila. Napa tayo siya," Sir, nadulas po kasi ako," paliwanag niya. " Bea, naman! wala kana bang ibang gagawin, kundi ang ipahiya ako ng ipahiya? ano ba, magtino ka naman!" na yayamot nitong sabi. " Pare-" " Just shut up Jake, isa kapa!" mabilis nitong putol sa sabihin ni Jake at pinukol nito ng masamang tingin ang natigilan na kaibigan. "Umuwi na tayo, Bea!" sabi ni Carlos, sabay hila sa kanya. Tila nasa mood si Jake, na asarin ang binata, mabilis na hinala nito ang isa niyang kamay. Napahinto sa paglakad si Carlos, at galit na nilingon si Jake." What is wrong with you?" Hindi nagpatinag si Jake, sa ipinakitang galit ng binata," Napapansin ko, lagi ka nalang kumukuntra sa gusto ni Bea. Hindi porke't sa iyo siya naka tira, ikaw na ang nagmamay-ari sa kanya," sabi nito. Ang buong akala niya, siya lang ang naka pansin sa inasta ng binata, pero ka agad niya rin naisip na nag-iba lang ang mood nito kapag, magkalapit sila ni Jake, bigla nalang itong nagagalit. Hindi niya tuloy, maiwasan isipin kung nagseselos ba ito sa kanila. " Ano ba ang pakialam mo sa kanya, bakit kaba lapit ng lapit kay Bea?" galit na tanong ni Carlos, kay Jake. " Bakit, masama bang makipag-kaibigan ako sa kanya? O nagseselos ka para sa kapatid mo? ayaw mo bang may ka-" Hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla itong suntukin ng binata sa bibig. Agad naman itong ginantihan ng suntok ni Jake. Nangangatog ang mga tuhod niya sa takot, ng napang abot ang dalawa." Tulong tulong!" sigaw niya. Mabilis na nakalapit ang mga kaibigan at pinaghihila ang mga ito palayo sa isa't-isa. " Bakit ba kayo nag-away?"tanong ng kaibigan, nakahawak kay Carlos. Pinahid ni Jake, ang bibig na nagdurugo," Hindi porke't nabili mo si-" " Tama na Jake!" mabilis na putol ng isa pang kaibigan, sasabihin pa sana nito. Nagtaka siyang nagpalipat-lipat ang tingin kina Carlos, at Jake. Parehong nangungusap ang mga mata ng dalawa, nakatingin sa isa't-isa. Tinanggal ni Carlos, ang kamay ng kaibigan nakahawak sa braso nito at matalim na tingin ang pinukol kay Jake," Alam mo ang dahilan kung bakit, pero umiksina ka pang epal ka!" sabi nito, at naglakad palayo roon. Sumunod siya rito sa paglakad papunta sasakyan nito. Gusto niya ipaintindi rito ang nangyari kanina, pero pinili na lamang niya ang manahimik. Agad nitong pinaandar ang sasakyan, ng makaupo siya sa tabi nito. Saglit siyang nilingon nito, “ Nakita mo ang ginagawa mo?” naiinis nitong tanong. Sinusumpong na naman ang binata. Nanatili na lamang siyang tahimik, hinayaan niya ito magdadakdak. “ What did I tell you before, huh?” Napayuko siya, para pigilin ang naramdaman inis para rito," Isa na lang," sa kaloob-looban niya. “ I told you, to stop flirting with that assh*le!” tumaas ang boses nito. Naguguluhan na siya sa inasta nito, hindi niya maintindihan kung bakit ganito nalang ito ka galit," Ano ba ang meron?" " Dahil diyan sa paglalandi mo, nagkakagulo na sinabi ko sayo noon pa, layuan mo si Jake," matigas na wika nito. Nagpantig ang kanyang tainga, hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, “ Sir, magdahan dahan kayo sa pananalita niyo," hindi na siya maakapag timpi pa," Sabihin niyo na ignorante ako, pero wag niyo po akong pagsabihan malandi,” naiiyak niyang sabi. Hininto nito ang sasakyan, saka nilingon siya,“ Wag mo akong iyak-iyakan. Binalaan na kita wag kang makipaglapit sa g*go, iyon! pero ginawa mo pa rin ngayon, iiyak-iyak ka? Para ano para kaawaan? Hindi mo ako madadala diyan sa ka artehan mo,” mahabang litanya nito. Hindi na niya matiis ang mga pinagsasabi nito, lumabas na siya ng sasakyan. “ Bea, get in the car," nang uutos nitong sabi. “ Kung sisigaw-sigawan niyo naman lang po ako, mabuti pa ay maglakad nalang ako sir." Mabibilis ang mga hakbang naglakad palayo, sa binata. Pinaandar nito ang sasakyan, sinundan siya, binaba nito ang bintana,“ Bea, sumakay ka, now!” pasigaw nitong sabi. Hindi siya nagpatinag sa galit nito," Maari sinahuran mo ako, pero wala ka pa rin karapatan sigaw-sigawan ako ng walang sapat na dahilan,"pagsisigaw ng isipan niya. Lalo itong nanggalaiti sa galit, ng hindi niya pinansin,“ Bea, wag mo akong asarin! akala mo madadala mo ako sa tigas ng ulo mo!" Hininto nito ang sasakyan. Hindi niya namalayan mabilis, itong nakalapit sa kanya, napa sigaw na lang siya sa pagka gulat ng bigla siyang kargahin nito. ” Ano ba ibaba mo ako," anas niya. “ Wag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo dahil hindi yan uubra sa akin!" Nilapag siya nito sa passengers seat. Napa buntong hininga siya sa ginawa nito,"Kung may pinaka matigas na ulo, ito na yata,” bulong niya sasarili. Naka simangot itong muling pinaandar ang sasakyan. Hindi niya maintindihan nang may sa kung anong bumangon sa puso niya, na hindi niya matukoy. Basta na lang siyang kinilig sa pag karga nito sa kanya. HUMINGA ng malalim si Carlos, para tanggalin ang galit sa didbib. Sinulyapan niya ang dalaga naka tingin sa labas ng bintana. “ Ang sarap mo talagang tirisin na babae ka!” hiyaw ng kanyang isipan, “ Na stress ako sa'yong krong krong ka," muli siyang napahugot ng malalim na hininga," Habaan mo pa ang pasensiya, mo bukas lalabas na ang kuya mo, siya na ang bahala sa kanya," sa kaloob-looban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD