NAPANSIN ni Bea, ang pananahimik ni Carlos, habang nagmamaneho ng sasakyan, pauwi sa kanila.“ Sir, kanina pa po kayo walang kibo, baka mapanis po ang laway niyo.” Pabiro niyang sabi rito.
“ May gusto kaba kay Jake?” Walang pasintabi tanong sa kanya, nakatoon pa rin ang tingin sa daan.
Napatingin siya rito hindi niya inasahan tatanungin siya ng ganito. “ Sir, naman ang layo ng sagot mo sa tanong ko." muli niyang biro rito.
Saglit itong tumingin sa kanya, at muli rin binalik ang tingin sa daan.“ Hindi ako nakipag biruan sa'yo.” Naiinis nitong sabi.
" Bakit po biglang uminit ang ulo niyo sir?" malumanay niyang tanong at binaling ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.
“ Ang tanong ko ang sagutin mo Bea." matigas na wika nito.
Napaupo siya ng tuwid at sumeryuso tumingin sa amo, tila galit na nga ito.
“ Wala naman akong gusto sa kanya sir, mabait lang po yung tao sa'kin."
“ Pwes! ayaw kong maniwala ka sa kabaitan ipinakita niya sa'yo." pagalit nitong sabi.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang itong nagagalit. Kanina lang habang nasa kainan pa sila, tuwang tuwa pa ito at tinuturuan siya kung paano ang tamang pag-gamit ng chopstick, pinakilala din sa kanya ang mga iba't ibang klaseng putahi, ng ulam hanggang sa lumabas sila ng kainan, pero ngayon tila sinaniban ito ng masamang spiritu.
"Saan po ba kayo nagagalit sir? Dun po ba sa ice-skating?" naalala niya sinita silang dalawa ni Jake ng matumba siya at pinilit siyang saluhin ng lalaki. "Baka nga iyon ang kinagagalit niya. Nagseselos ba siya? hindi naman siguro, hindi naman gaya ko ang magustohan niya." sa kaloob-looban niya.
" Pag sinabi ko na wag kang makipag close, na kahit kanino, sundin mo nalang." matigas nitong wika.
Hindi na lamang siya umimik, ayaw niyang makipag talo. Baka dinalaw lang ito ng sumpong kaya nagkakaganito.
" Baka nga mas mabait pa si sir Franco, kaysa sa kanya." sa kaloob-looban niya.
SINUNDAN ng tingin ni Carlos, ang dalaga naglakad paakyat sa hagdan. Mula pagbaba nito ng sasakyan hindi ito umimik. “ Ayaw kong maging close ka sa ibang lalaki Bea.” bulong niya sa sarili. " Ayaw kung may maging kahati si kuya Franco." umupo siya sa sofa, ng hindi na matanaw ang dalaga.
Gusto niyang malibang at sanayin ang dalaga sa syudad, alisin ang pagiging ignorante at ang pagka inosente, nito.
Nagustohan niya ang ugali ng dalaga, sa kabila ng pagkapahiya kanina, hinahangaan niya ito hindi mapagsamantala.
Naramdaman niya iyon kanina kung paano tinanggihan ang mga material na bagay, inaalok niya kay Bea, ng libre. Ma prensipyo ang dalaga kaya hinahangaan niya ito.
Tuturuan niya nalang ito kung paano ang kumilos, para hindi ito mapapahiya, napapansin niya rin mabilis matoto ang dalaga. Kaya gagawin niya ang lahat para maging kaaya-aya si Bea sa kapatid. Alam niya ang gusto ng kapatid para sa babae.
Sa kabila ng kanyang pag-iisip bigla siyang nakaramdam ng guilt sa pagsigaw niya rito.
Napa buntong hininga siya, at tumingala sa bubong. Magkikita na ang dalawa bukas." Sana magka gustohan kayo." anas niya at pinikit ang mga mata.
Napaigtad siya ng mag reflect ang aura ni Bea." Naluko na!" Napatayo siya. Ayaw niya ang kanyang nakikita, kinuha niya ito para sa kapatid hindi para sasarili.
EXCITED na sinukat ni Bea, ang damit na pinili ng binata kanina, cream sleeve-less at ang katerno nitong short, ang inuna niya, sinuot. Napangiti siya ng magkasya sa kanya.“ Nagmukha na din akong tao.” napangiti siyang tinitigan ang sarili sa harap ng salamin. Mas magaling pa mamili ito kaysa sa kanya. Naisipan niyang puntahan ito sa ibaba para makapagpa salamat.
Hindi niya nagawa iyon kanina dahil sa dinami ng nangyari. Binuksan niya ang pintuan hindi niya napansin nakatayo pala ito sa harapan niya napa subsub siya sa dibib nito. Sinamyo niya ang pabango nito
" Dahan-dahan at baka maubos ang pabango ko sa kakaamoy mo." Naka ngiting nitong sabi.
Napaatras siya ng dalawang hakbang palayo rito. " Sir, ano po ang ginagawa niyo, sa may pintuan, binubusuhan niyo po ba ako?"
Kumunot ang noo nito." Paano kita makikita?sarado ang pinto. Kahit butas wala."
" Oo, nga naman" nakaramdam siya ng hiya, napaka assuming na niya, sa isipin pinagnanasaan siya nito.
Kakatok na sana ang binata kanina, ng mapadaan ito sa tapat ng pintuan ng kanyang silid sakto, naman biglang bumukas ang pintuan kaya hindi nito naituloy ang pagkatok. " Hihingi ako ng sorry, sa nagawa ko kanina." sinsero sabi nito.
Napangiti siya sa sinabi nito, " Ayos lang po yun sir, naunawaan ko po. Gusto ko rin magpasalamat sa ibinigay niyo sa'kin, sorry din po kung napahiya ko kayo kanina." hinging umanhin niya.
" Kalimutan mo na iyon, ganun talaga pag firstime." Pagka sabing iyon agad din nagpaalam ang binata pumasok nang silid.
Bumalik na rin siya sa kanyang kwarto, para itabi sa kabinet ang mga pinamili. Inilagay niya sa hangger ang isang paris na sosoutin niya para bukas.
NAPATULALA siya nang magkaharap sila ni Franco, gaya din ito ni Carlos, gwapo maninipis at mapupula ang mga labi ng magkapatid at matangos ang mga ilong. Parang may halong dugong spañol ang dalawa. Makikinis ang mga balat.
“ Hi Bea, so nice to met you.” Masayang bati sa kanya ni Franco, at hinalikan siya nito sa pisngi.
Pinamulahan niya iyon ng mukha, hindi siya sanay ngayon pa lang siya nahagkan.
" Masasanay ka rin Bea." natatawang sabi ni Carlos, ng mapansin ang pagka ilang niya.
Pilit siyang ngumiti," Masaya po ako sir, makilala kita sa personal. Lagi po kayong bukang bibig ni sir Carlos."
“ Franco, ang itawag mo sa akin ayaw kong tawagin mo akong sir hindi ako guro.”natatawa nitong sabi.
Natawa na rin siya, nahimigan niya sa pakikipag-usap rito may pagka pala biro ito.
" Nakakahiya naman po, kayo po ang magiging amo ko sir." aniya.
" Hindi kita kikibuin pagtawagin mo pa rin akong sir." Giit nito. " Saan pala si manang Ester?" Baling nito kay Carlos, na no'y masayang naka tingin sa kanilang dalawa.
" Kuya, bukas kana uuwi diba?" Lihis nito sa tanong ng kapatid, at inabot nito ang dalang fruit cake na paborito ni Franco.
" Oo, aayusin ko na ang buhay ko hindi na ako magpapadala sa sakit." tugon nitong sinulyapan siya.
Pakiramdam niya magkakasundo sila nito, mukhang mas mabait pa ito kay Carlos.
Naintindihan niya kung bakit napatiwara ang buhay nito. Iba iba kasi ang paraan ng mga tao, kung paano tanggapin ang sakit. Pero ang mahalaga ngayon, ay nagsikap itong maka bangon.
" Kuya, aalis na kami pupunta pa kami sa birthday ng kaibigan ko." Paalam ni Carlos.
Mabilis itong tumayo, at inaya na rin siyang umalis na sila. " Bea, see you tomorrow!" pahabol ni Franco, sa kanya.
NAPANATAG ang loob ni Carlos, na mabilis napagka gaanan ng loob ang dalawa. " Hindi nga ako nagkakamali ng decision." Bulong niya sasarili. Lumakas ang paniniwala niya, magiging maayos ang buhay, ng kapatid.
Mula sa rehabilitation, nagtungo sila sa bahay, ng kanyang kaibigan para makipag diwang sa kaarawan nito.
" Who is she Carlos?" Tanong ni Aira, sinundan ng tingin si Bea, naglakad papunta sa buffet, kasama si Jake.
" The wanted sister inlaw!" Natatawang sagot ni Kylle, sa tanong ni Aira.
" What? Seryuso ka talaga? at paano mo masiguro magustohan iyan ni Franco?" sunod-sunod nitong tanong, at pinag-ikis ang paa, nakaupo sa sofa.
" Okay, na sila Aira, nagkita na sila kanina ni Kuya." Tugon niyang inabot ang bote ng beer nasa ibabaw ng mesa sa harapan niya.
" Alam ba ni Franco? Binayaran mo iyan para sa kanya?"
Saglit siyang natigilan pakiramdam niya nabilaokan siya sa sariling laway, sa tanong nito." Paano nga kung malaman ni Franco?" Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa magiging reaction ng kapatid sa oras na malaman nito ang ginawa niya.
" Hindi mo ba inisip na masasaktan ang kapatid mo, kapag malaman niyang minahal lang siya ni Bea dahil sa pera? Nababaliw kana ata Carlos." untag ni Aira, sa kanyang pananahimik.
May punto din ang babae, hindi malayo iyon ang isipin ng kapatid kapag malaman nito iyon. Pero itatago niya ito sa kuya. " May laban din naman dahil hindi alam ni Bea, binili ko siya sa nanay niya. Magiging consistent pa rin ang pagiging malapit ni Bea rito." sa kaloob-looban niya. Sisikapin niyang maitago sa dalawa ang ginawa niya.
" Hindi niya malalaman kung walang magsasabi. Kaya Aira, pigilan mo iyang bibig mo kung ayaw mong ma turn-off ako sa'yo." prangka niya sa natigilang babae.
Matagal na niyang alam na gusto siya nito, pero hindi niya pinansin. Turn-off siya sa ganitong klase babae. Matalik na magkaibigan si Franco, at Aira kaya alam niya kung anong klase itong babae dahil sa mga kwento ng kapatid sa kanya.