Wanted sister inlaw. Episode 6

1213 Words
KABADONG kabado na si Bea, matapos mapanawagan ang binata, hindi pa rin ito dumating. " Sir parang awa muna balikan mo na ako." sa kaloob-looban niya. Pigil ang pangangatog ng tuhod sa takot na baka iniwanan siya ni Carlos. "Paano miss, iiwan na kita." paalam ng guard, na naghatid sa kanya sa costumer service. " Sige po manong, maraming salamat po sa pagtulong sa'kin." Nginitian niya ito. Mabuti nalang nilapitan siya ng guard kanina ng mapansin takot-na takot siya at nagmagandang loob na ihatid siya sa costumer service. " Bakit ba kasi iniwan mo ako sir, kanina lang nakita pa kita may kausap, tapos bigla ka nalang nawawala."anas niya, panay tingin sa paligid baka sakaling maaninag ang amo. Naaliw lang naman siyang naka tingin sa mga sandals, kanina kahit puro mahal ang mga iyon, pero natutuwa siya dahil sa iba't ibang kulay, at mga desensinyo. " Ma-ingit sa'kin ang ate ko, kapag nalaman niya nakapag sout na ako ng mga mamahaling sandals, ng libre." natatawa niyang sabi sa sarili. Nagliwanag ang kanyang mukha ng matanaw si Carlos, naglalakad sa di kalayuan." Sir, nandito ako!" tawag niya sabay kaway rito. " Heto napo ang sir ko ma'am." Baling niya sa babae, naka upo sa counter. Naka ngiti siyang sinalubong ang binata. “ Sir mabuti po nandito na kayo, kanina ko pa kayo hinahanap. Akala ko iniwan niyo na ako." natutuwa niyang sabi ng makalapit rito. “ Bakit kaba umalis?” Salubong ang dalawang kilay nitong nagtatanong, sa kanya. Halata sa mukha nito ang inis. Napawi ang mga ngiti sa kanyang labi “ Sir, hindi po ako umalis, kayo po ang nang iwan. " Bea, hindi ako umalis may kausap lang ako, tapos bigla ka nang nawawala." Galit nitong sabi." Sinasabi ko sayong wagka umalis." Napa singhap siya wala naman itong binilin sa kanya na ganun. " Nandon ako, hindi mo lang ako napansin dahil masaya ka sa iba. Naghintay ako, umasa ako nababalikan mo, pero hindi kana bumalik. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin iyon hah?" Pinamaywangan niya ito. " Kung gaano kasakit ang maghintay pero wala na pala akong dapat hintayin. Bakit kapa bumalik? masaya kana sa iba, diba?" Pinandilatan niya ito ng mata. Agad din siyang natigilan ng makita hindi maipinta ang mukha nitong nakatingin sa kanya. " Hoy! Bea, ano ba iyang pinagsasabi mo? iba na yan, nilihis mo pa ang kasalanan mong babae ka!" nagugulohan nitong sabi. Napa yuko siya, ng makita naniningkit ang mga mata nito sa galit. Hindi niya rin alam kung bakit siya nag da-drama. " Yan sa kakapakinig mo ng drama sa radio, lagot ka ngayon." kastigo niya sa sarili. " Ano bang nakain mo at nagdrama ka?" tanong nitong hindi inalis ang tingin sa kanya. " Sorry, kung ako ang umalis, naligaw ako eh." aniya, ng maalala aliw na aliw siyang namimili ng sandals, hindi na niya namalayan nakalayo na pala siya sa binata. " Mga ilang paris, kaya iyon nasukat ko kanina? Lahat ng gusto ko nasout ko ng libre." sa kaloob-looban niya. " Natutuwa kapa." inis na untag sa kanya ni Carlos, ng hindi niya napansin gumuhit na pala ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “ Siya pala ang nawawalang si Bea.” natatawang sabi ng kaibigan ng binata, sumunod rito sa paglakad kanina. Sabay silang napatingin rito" Ano ang ginagawa niyo?" naiinis na tanong ni Carlos, sa dalawang lalaki. " Sinundan ka." natatawa sabi, nang nagngangalan Jake at agad na nagpakilala sa kanya. Nagpakilala naman ang isa pa nitong kasama. Mukhang masayang kausap ang dalawang lalaki, naaaliw siya sa mga ito. “ Sumama ka sa amin, Bea.” Ani, Jake, sabay hila sa kanya. “ Pare, kailangan na namin umuwi.” awat ni Carlos. Tila walang narinig ang mga ito, nagtuloy sa paglakad hinila siya sa siko, nagpatianod siya sa dalawa. " Ipapasyal muna natin si Bea, sa mall para hindi mawawala." Sabi ni Jake, na hindi nilingon ang binata. Pumasok sila sa Japanese, restaurant. Agad naman silang nilapitan ng waitress ng makitang nakaupo na sila. Isa-isang nilapag nito ang maliit na bilog na bamboo, sa kanilang harapan na may nakapatong na puti. Hindi niya matukoy kung anong klasing pagkain iyon. Pakiwari'y niya, pinagulong ito sa niyog. " Mukhang masarap." sa kaloob-looban niya at dinampot ang tinidor nasa gilid niya saka excited na tinusok, iyon para matikman. Napa-hagalpak ng tawa ang dalawang lalaki, maliban nalang sa binatang si Carlos, naka upo sa gilid niya sapo ang noo at napapailing habang naka yuko. " Bakit po? Ano po ang nakakatawa?" naguguluhan niyang tanong sa magkaibigan. " Bakit mo tinusok ng tinidor ang oshibori?" natatawang tanong ni Jake. " Mukha kasing masarap eh, di ba pweding gamitan ng tinidor iyan?" curious niyang tanong. " Ganito iyan Bea." sabad ni Kylle, kinuha ang oshibori at binuklat nito iyon." Pang punas kasi ito ng kamay." paliwanag nito nilinisan ang kamay, gamit ang oshibori. Nakaramdam siya ng hiya ng marealise, niya maliit na basang puting towel lang pala iyon na ni rolyo, ng maayos." Bakit paba kasi pinatong sa plat-." inaninag niya ng maigi ang pinaglagyan nito. " Sosyal naman." anas niya. “ Sana inantay ko nalang si manang Ester, para siya nalang ang sumama sa'yo dito sa mall. Never pa akong napahiya sa boung buhay ko, ngayon palang dahil sa'yo." himutok ni Carlos, sa subrang inis. Gusto na niya tuloy, umuwi ang dami niyang nagawang kapalpakan ngayon araw na ito. Sising-sisi siyang sumama sa amo. Minabuti niyang tumahimik na lamang at hinayaan ang tatlong lalaki nag-uusap. Ni hindi niya ginalaw ang kanyang menu, nasa harapan wala din naman siyang alam kung ano ang orderen niya. " Baka makapag order ako ng bagoong, magtalipasay, na talaga sa galit si sir." sa kaloob-looban niya. Pinag-order na siya ng binata. Maya-maya pa dumating ang kanilang order. Nagmasid siya sa ginagawa ng mga ito at kung paano kumain sa iba't ibang klaseng pagkain nasa harapan niya. Tila napapansin naman ni Carlos, ang ginawa niyang panggagaya. " Ganito Bea." sabi ni Carlos, at pinakita sa kanya kung paano ang pag-gamit ng chopstick. Hindi naman siya mahirap turuan dahil fast learner siya, kaya nagawa niya ito ng tama. Naaliw siyang kumain ng Ramen, gamit ang chopstick. " Pre kailan mo pala bisitahin ang kuya mo, sa rehabilitation?" narinig niyang tanong ni Kylle kay Carlos. " Bukas pupunta kami du'n." " Ipakilala mo na si Bea, sa magiging-" " Cut it off!" mabilis na putol ni Carlos, sa sabihin pa sana ni Kylle. Natigil siya sa pag-subo at tinignan ang dalawang lalaki biglang natahimik, pareho itong naka tingin sa kanya. " Ano ang ibig mong sabihin, Kylle?" sabad niya nagtatanong ang mga mata. " Magiging boss mo." mabilis nitong tugon. " Malapit na siyang makalabas diba?" sabad naman ng isang kaibigan para alisin ang confusion namamagitan sa kanila. " Oo, kaya nga puntahan ko bukas para ma siguro." Tugon ni Carlos na muling sumubo ng sushi. Napa isip siya, kung ano ang pag-uugali ni Franco, kung ito ang magiging amo niya. " Hindi naman siguro." sa kaloob-looban niya ng makaisip na baka gawan siya nito ng masama. Lalo pa at nalulung ito sa bisyo. " Hindi naman lahat ng napasok roon masama, kaya nga din sila naroon para gumaling." Palubag loob niya. Baka nga mabait pa ito kay Carlos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD