“ BEA, pumili ka ng gusto mong damit." sabi ni Carlos, sa kanya ng nasa loob na sila ng boutique.
Nag-alinlangan siyang mamili, wala siyang pera. " Wag mo nang isipin ang bayad ako na ang bahala." Sabi nito ng hindi siya kumilos sa kanyang kinatatayuan.
Nilapitan niya ang nakitang naka hanger na blousang itim at agad na hinagilap ang presyo. Napa atras siya ng makita ang tatak five hundred and ninety nine pesos.
“ Naku sir, ang mahal naman po ng mga ito,
baka isang sahod ko lang ho ito. Wag na po sir. ” Tanggi niya.
Nanghihinayang siya sa halaga, ng damit lalo pa at kinakailangan niyang makapag-ipon para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
“ Hindi yan ikakaltas sa sahod mo kung yon ang iniisip mo, libre ko iyan sa'yo.” Pamimilit nito sa kanya.
" Sir, ayos pa naman po ang mga damit ko." aniya. Hindi siya sanay sa libre, nahihiya siya sa ganong set-up.
“ Sige na Bea, isipin mo nalang na regalo ko iyan sa'yo." giit pa rin nito.
“ Hindi ko naman kaarawan sir, bakit niyo po ako bibigyan ng regalo?" seryuso niyang tanong rito at matamang tinitigan ang binata.
Napa kamot ito sa ulo dahil sa pagmamatigas niya. “ Sige du'n tayo sa mura basta mamili ka ha?”Saad nito at nauna ng lumabas ng boutique.
Mabilis naman siyang sumunod rito sa paglakad, kinakabahan siya baka ma wala ito sa paningin niya sa laki, ng mall baka mawawala siya. Pumasok si Carlos sa department store.
Nakikita niya ang mga price tag naka lagay sa ibabaw, may mga two hundred eighty five, at mayroon din one hundred ninety-nine.
“ Sabi mo sir, mura lang mahal pa rin naman po. Wala po bang ukay-ukay dito? mura lang kasi isang daan tatlong piraso na." Paliwanag niya. Hindi pa siya naka bili ng damit sa ganon halaga. Ukay-ukay lahat ang damit niya. Mahal na para sa kanya ang seventy five, pesos na short at damit kapag bagong bugas ito sa palengke. Pero mukha pang bago iyon at matibay din ang tela.
" Bea iyan na ang pinaka mura dito, kaya mamili kana please lang." halata sa mukha nitong nayayamot na sa kaka-angal niya sa presyo.
“ Ang hirap naman samahan ng mga babaeng mamili ng damit parang gusto ko na tuloy, magsisi." mahinang sabi nito pero umabot naman iyon sa kanyang tenga.
Minabuti niyang mamili na lang at hindi na nakipag tigasan pa rito. Tinulongan narin siya ng binata mamili para matapos na siya.
Hindi niya mapigil ang sarili ma ngiti ng abutin ni Carlos, ang naka hanger na puting backless na damit at may katerno pang puting short. Nilapat nito iyon sa kanyang likuran para ma tantiya kung kasya ba sa kanya.
Napapansin niya ang panay sulyap nito sa kanya habang namimili ito ng mga damit.
"Ano Bea, naka pili kana?" untag nito sa kanyang pananahimik.
Napa tingin siya sa hawak niyang blousa at napatingin sa bitbir nitong basket, mas madami pa itong napili kaysa sa kanya.
" Yes, po sir." nahihiya niyang tugon.
Kinuha nito ang hawak niya at naglakad papunta sa casher, tahimik siyang sumunod.
Hindi niya alam kung totoo ba ang sinabi nito libre iyon, kapag nag sinungaling ang binata, hindi siya magdadalawang isip na ibabalik rito ang pinamiling damit. Mahalaga sa kanya ang makapag-ipon kaya hindi siya makapapayag na makaltasan ang sahod niya.
LIHIM naman humahanga si Carlos, para kay Bea. Iba ito sa mga babaeng nakasama niya. Kahit sa pagiging inosente nito, hindi mapag samantala. Bigla siyang napa ngiti ng maalala ang nangyari kanina sa scalator.
" Ayos, lang po ba kayo sir?" na itanong ng dalaga.
Napa-yuko siyang na-iiling. Natanaw pa niya ang sout nitong tsinelas. Gusto niyang bumanghalit ng tawa, pero pinigilan niya ang sarili. Nakaramdam man siya ng pagkapahiya kanina, pero ano naman ang magagawa niya? firstime ng dalaga.
Matapos niyang makapag bayad naisipan niyang ibili ito ng sandal. Para naman hindi na ito magmukhang kawawa at magiging prisentable itong tignan.
" Bea, kahit ano ang gusto mo diyan, kukunin mo at wagka mag banggit nang presyo dahil nanghuhuli sila rito." biro niya sa dalaga.
Hindi naman naitago sa mukha nito ang pag-alala" Biro lang!" agad niyang bawi bago, pa ito maiyak.
" Sir, naman! pinakaba mo ako ng husto."
Tinawanan niya lang ito at hinayaan na niyang mamili.
“ Carlos?”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Napangiti siya ng makita ang kaibigan. “ Pareng Kylle, kumusta?" bati niya.
Tinapik nito ang kanyang balikat." Okay, lang ikaw kumusta kana? long time no see." Naka ngiti nitong sabi." Sino ang kasama mo?"
Napalingon siya sa dalaga, na no'y abala sa pagsusukat ng napiling sandal, agad din itong naglakad palapit sa isa pang sandal.
" Mga pre, andito pala kayo?" anang isa pang kaibigan ng makalapit ito sa kanila kaya hindi niya nasagot ang tanong ni Kylle.
" Ano naman ang ginagawa mo rito?" baling ng kaibigan si Jake, sa kanya.
" A..e..naghahanap kasi ako ng sapatos." pagsinungaling niya.
" Dito sa sandals ng mga babae?" natatawang sabi ni Jake na may halong panunukso.
" Napa daan lang kasi ako dito, tapos nakita ako ni Kylle." paliwanag niya.
" Kayo, ano ba ang ginagawa niyo rito?" balik niyang tanong sa dalawa para malihis ang mga ito.
" Nagka sundo kasi kami mag bowling." tugon ni Kylle. " Mabuti pa sumama kana sa'min." aya nito sa kanya.
" Wag na muna ngayon, may pupuntahan pa ako eh." tanggi niya at sinulyapan ang dalaga, bigla siyang kinabahan ng hindi ito nakita.
" Mga pre excuse muna ako, kailangan kuna kasi umuwi." mabilis niyang tinalikuran ang dalawa ni hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito.
Nilibot niya ang area, pero hindi niya pa rin nakita si Bea." Saan kaba nagpupunta?" sa kaloob-looban niya, nagtutuloy sa paglakad.
Lumabas na siya sa department store, sa laki ng mall hindi niya alam saan ito hahanapin.
Nagpaikot-ikot na lamang siya, baka sakaling maka salubong niya. Naka ilang ikot na siya, hindi pa rin ito nakita. Hanggang sa makarating siya sa boutique na pinapasukan nila kanina.
" Carlos? Akala ko ba uuwi kana?" tanong ni Kylle, ng muli siyang makita.
Napa maywang niya ang dalawang kamay." May hinahanap kasi ako."
" Ano ba iyang hinahanap mo ng matulungan ka namin." mabilis na sabad ni Jake.
“ Wag na pre, ako nalang ang maghahanap."
“ Sige na, wala naman kaming ginagawa ni Jake, tulungan ka nalang namin. Sino bayan hinahanap mo?” giit ni Kylle.
Nagkamot siya ng ulo bago nagsasalita, ngunit hindi niya nasabi ang gusto niyang sabahin ng may babaeng nagsasalita.
"Paging mr Carlos Mondragon, narito po si ma'am Bea Magsaysay, sa custumer service.
Nawawala daw po siya."Boses ng babaeng naka micropono.
Nagkatitigan ang dalawang kaibigan sa isa't isa at muli din tumingin sa kanya, parehong nagtatanong ang mga mata ng mga ito.
" That woman!” Hiyaw ng isipan niya. “ Wala naitong ibang ginawa kundi ang ipahiya ako, I'm gonna break her freaking neck." bulalas niya sa inis.
“ Pare, sino ba si Bea? Halos magka sabay na tanong ng dalawang kaibigan sa kanya.
“ Dont tell me sini-seryuso mo talaga 'yong sinabi mo maghahanap ka ng sister inlaw?" hindi makapaniwalang tanong ni Jake.
“ Iba talaga 'tong Mondragon, kung ano ang naisipan ay siya rin gagawin.” Tukso ni Kylle.
Napa buntong hininga siya, at tinignan ang dalawa. “ Mabuti pa-"
" Mr Carlos Mondragon, sir please puntahan niyo po rito si ma'am nag-alala na po siya." putol ng boses babae sa kanyang sasabihin.
“ Oo, na!” Naisigaw niya sa subra inis. “ Sarap tirisin ng babaeng ito.” Naka simangot siyang pinuntahan ang kinalagyan ng dalaga.
Buong buhay, niya ngayon palang siya napahiya ng ganito. Ngayon palang siya na paging at dahil lang sa nawawalang babae.