Wanted sister inlaw. Episode 4

1255 Words
PASADO alas nueve na ng gabi nakauwi si Carlos, galing sa hospital, pinuntahan niya ang kaibigan na confine kanina lang. Nagtuloy siyang umakyat sa itaas ng hindi niya madatnan si Bea, sa ibaba. Marahan niyang binuksan ang pintuan ng silid ng dalaga, ngunit kadiliman ang sumalubong sa kanya. Muli niyang sinara bago, pa siya maka likha ng ingay at ma isturbo pa ito sa pagtulog. Naalala niya ang pagud na bumakat sa mukha nito kanina ng dumating." Inferness sa kanya, kahit nagmukha ng madungis sa sout nito at sa pagud na mukha maaninag pa rin ang ganda." sa koob-looban niya. Bigla siyang nakaramdam ng awa para rito ng malaala ang ka inocentehan nito ni hindi nito alam naibenta na ito ng ina. Hindi niya rin maiwasan masisi ang sarili. “ Sana ikaw ang maka tulong sa kapatid ko maibalik siya sa katinuan.” bulalas niyang nagpatuloy sa paglakad papasok sa kanyang silid. Inisip niyang ipag shopping ang dalaga bukas na bukas at dalawin ang kapatid na si Franco. " Sana magkaroon ng spark ang dalawa." Naihiling niya sa kawalan at pagbasak na humiga sa kama. Hindi niya rin naitago sa sarili ang pangamba na baka mali siya sa pagkuha kay Bea, masyado malaki ang agwat ni Franco, para rito. " Pero wala naman mawawala kung susubukan, isa pa hindi naman ganun ka tanda si kuya, edad lang tumanda nito pero hindi ang mukha." pang palubag loob niya sa sarili. Nasa thirty si Franco, siya naman ay nasa twenty three. Pero kahit nasa thirty na ang kakatandang kapatid nagmukha pa rin itong 25, pero noon iyon hindi pa ito nalunod sa bisyo. Pinikit-pikit niya ang mga mata, hanggang sa tuluyan na siyang naka tulog. Nagising na lamang siya ng makaramdam ng pagka-uhaw. Minabuti niyang lumabas ng silid para kumuha ng tubig. Tumambad sa kanya ang liwanag pagka bukas niya ng pinto. Napa kunot-noo siya ng matanaw ang ulo ng dalaga sa may hagdanan. Naglakad siya palapit roon. " Bea, ano ang ginagawa mo? Bakit ka nagpupunas diyan?" sita niya ng makita abala ito sa kakapunas ng hagdanan at nasa gilid nito ang timba. Saglit na tumigil ang dalaga sa ginagawa at tumingala sa kanya. " Magandang umaga po sir, pinunasan ko po itong hagdanan, isusunod ko nalang po ang ibaba. Nagising ko po ba kayo sir? pa sensiya na po." nag-alalang sabi nito. Umiling-iling siya," Anong oras naba Bea?" " Alas-tres y medya na po sir." tugon nito. Hindi siya maka paniwala ganito ka aga nagising ang dalaga ni hindi nga niya na pansin kung naka tulog ba siya, ng maayos kagabi siguro dahil sa dinami ng mga iniisip niya. " Iwanan mo muna 'yan, bumalik ka muna sa pagtulog." aniya rito. " Naku! Sir, sanay na po akong magising ng maaga. Sa amin po sa mga oras na ito, nagsasaing na po ako." Nagkaroon siya ng interest, makipag kwentohan sa dalaga. “ Mabuti pa samahan mo ako sa kusina.” aya niya at humakbang pababa, binitbit niya na rin ang timba. Tahimik itong sumunod sa kanya, hanggang sa makapasok sila sa kusina. Tinuruan niya ang dalaga paano gamitin ang electrict kettle. Habang hinintay niyang kumulo ang tubig, kumuha siya ng dalawang tasa at nilagyan niya ng kape at asukal. Umupo siya sa kaharap na inu-upuan ng dalaga. “ Bea, kwentuhan mo ako tungkol sa inyo." pakiusap niya rito. Nahihiya itong yumuko saka muling tumingin sa kanya. “ Naku sir, wala naman po ma e kwento sa amin.” kibit balikat nitong sagot. “ Bakit maaga kang gumising sa inyo?” Pasiuna niyang tanong para tanggalin ang pagka asiwa nito sa kanya. “ Kasi ho sir, mahuhuli po ako sa klase pag hindi ako gigising ng maaga, mag sasaing pa ho ako at malayo po ang lalakarin ko papuntang paaralan.” Tumahimik ito at bumakat sa mukha ang lungkot. “ Bakit ka nalungkot Bea?” nag-alala niyang tanong. “ Ah! eh.. Wala ho sir.” sinabayan nito ng pag-iling. “ First time mo ba magpunta dito sa syudad?” curious niyang tanong. " Yes, po sir. Malayo po kami sa bayan, mga halos dalawang oras po papunta roon at madalang lang din akong nagpupunta roon." tugon nito. "Paano sa paaralan niyo?" Humugot ito ng malalim na hininga bago sumagot." Mula po sa bahay, namin sir papunta paaralan halos isang oras din lalakarin, tatawid pa po kami sa ilog bago maka rating ng paaralan." kwento nitong tumingin sa labas ng bintana. Hindi niya maimagine ang buhay nito sa probensiya, at kung gaano ka pagud maglakad sa ganon ka layo. “ Mamaya ipasyal kita sa mall para hindi kana malungkot.” Sabi na lamang niya. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng dalaga." Sige po sir, bilisan ko lang ang paglilinis ko sa buong bahay, para matapos ako agad." excited nitong sabi. Tumayo siya, at nilagyan ng mainit na tubig ang hinandang tasa." Bea, babalik na muna ako sa itaas." paalam niya rito at binitbit ang tasa may lamang kape. ALAS DYES ng umaga ng magpunta sina Bea sa mall. Halos hindi magka mayaw ang mga mata niya sa tuwa naka tingin sa malaking mall. “ Sir, napakalaki pala ng mall niyo dito.” Naka ngiti niyang sabi habang naglakad sila palapit sa entrance. Nag mukha siyang bata na ginala ng ama sa playground. “ Buti sir hindi kayo nawawala dito.” aniya, ng tuluyan maka pasok sa loob. Napa tingin siya sa scalator, “ Sir, s-sasakay po ba tayo diyan?” nauutal niyang tanong, sabay turo sa hagdanan. “ Bakit Bea? natatakot kaba sumakay?” “ Upo sir. Ngayon lang po ako nakakita ng ganyan.” nahihiya niyang sabi rito. “ Wag kang matakot, halika.” sabi nito sabay hawak sa siko niya at pasimple siyang hinila papunta roon. Nangangatog ang mga tuhod niya sa subrang kaba hindi niya alam ang gagawin ng tuluyan makalapit. " Bea, i-apak mo riyan ang isang paa mo." sabi nito at nauna nang humakbang. Hinubad niya ang tsinelas at sinunod ang amo. " Relax ka lang Bea, hindi ka masasaktan." sabi ng binata sa kanya ng mapansin ang panginginig ng kanyang katawan. Pero lalo siyang nahintakutan ng unti-unti naglaho ang hagdanan pagdating sa dulo. Sa subrang takot niya napa talon na siya bago pa siya maipit. Nagsi tawanan ang mga nakakita sa kanya, pati na rin ang binata naiiling nangingiti. “ Sir, bakit po sila tumatawa?" naitanong niya. “ Wala. bayaan mo sila.” Mahina nitong tugon sa kanya. “ Kayo din naman sir tumatawa, ano po ba nakakatawa sa ginawa ko?” “ Bakit ka kasi tumalon?” tanong nitong napa yuko. " Bea, nasaan pala ang tsinelas mo?" tanong nito ng mapansin naka paa lang siya. " Nasa ibaba po sir iniwan ko, babalik pa naman tayo dun diba?" inocente niyang tanong kay Carlos. Napa kamot ito sa ulo." Bea, dito ka lang muna babalikan ko lang ang tsinelas mo." sabi nitong naglakad papunta sa hagdanan pababa. Nagtataka sinundan niya ng tanaw ang binata. "Buti nalang bagong bili ang tsenilas ko,hindi ma syadong nakakahiya." sa kaloob-looban niya. Binili pa niya iyon sa kapit bahay, nagbebenta ng kung ano-ano. " Wag, mo nang tanggalin ang tsenilas mo." untag ng binata sa kanya ng maka tayo ito sa tapat niya at nilapag ang bitbit na tsenila kulay puti ang apakan at blue ang strap. " Pasensiya na po sir, akala ko po kasi iiwan natin ang tsinelas." saad niya. Bahagya siyang nginitian, nito at naglakad papunta sa hagdanan. Napanatag ang kanyang kalooban ng hindi na gumagalaw ang hagdanan tinahak ng amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD