Wanted sister inlaw. Episode 3

1348 Words
" ITUTURO ko sa'yo ang magiging silid mo Bea." anang binata sa kanya pagkatapos, niyang hugasan ang kanilang pinagkainan. "Sir, hindi na ako sasama sa pag-iikot niyo, kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko, baka mapagalitan ako ng tita mo, kapag matagalan ako." mabilis na sabad ng nanay ni Bea kay Carlos. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot ng magpaalam ang kanyang ina. Naninibago siya, hindi ito ang unang beses na iniwanan siya, pero iba na ang situation niya ngayon dahil nasa ibang bahay siya. " Nay, bukas nalang po kayo bumalik sa trabaho niyo, naiilang pa po ako." pakiusap niya rito. Gusto pa niya makasama ang ina sa pagtulog, hindi niya maipaliwanag ang kalungkutan naramdaman ng mga sandaling iyon. " Bea, masasanay ka rin dito. Ganyan talaga sa umpisa, maninibago kapa pero lilipas din iyan. Ganyan din ako nong una kung pag-alis sa'tin, namamahay ako ng husto." paunawa sa kanya ng ina at naglakad papunta sa sala. Malungkot ang kanyang mukha sumunod rito." Kahit isang oras lang nay?" pakiusap niya sa malungkot na boses. Saglit itong huminto ss paglakad at nilingon siya. " Hindi rin ako pweding magtagal, alam mo namang hindi ko pa day-off kahapon at ngayon, nagpaalam lang ako nakukunin kita kaya pinayagan akong umuwi, siguro sa darating na linggo hindi na ako makapag day-off dahil na gamit ko na." mahabang paliwanag ng ina. Wala na siyang magagawa pa, kahit kuntra sa kalooban niya, pumayag na siya." Pero kapag ma bakante kayo nay, silipin mo ako rito." Paglalambing niya. Tinango-tangoan lang siya ng ina at nilingon nito ang binata naka tayo sa kanyang likuran. Nangungusap ang mga mata nito, at muli rin binalik ang tingin sa kanya. " Bea, dito ka lang muna mag-uusap lang kami ni sir Carlos, saglit." anang ina. Nauna nang naglakad ang binata papasok sa isang silid nasa kalapit ng hagdanan. Sumunod naman ang kanyang ina rito. Napa upo siya sa sofa ng tuluyan ng makapasok ang dalawa sa silid na nag-sisilbing opisina, ni Carlos. Napa ngiti siya maramdaman ang lambot ng upuan. Muling nilibot ng mga mata ang kabuohan ng malaking bahay. Pakiramdam niya, magkasya ang bahay nila sa loob ng sala sa subrang luwang nito. Naaliw siya sa mga naka display mamahaling figurines, nasa sala. Natuon ang kanyang pansin sa isang katamtaman laki ng Cabinet " Iba talaga ang mga mayayaman, kahit na mga maliliit na sasakyan, kino-collect nila." anas niyang nang makita ito mula sa bildong pintuan. Napa upo siya ng tuwid ng biglang bumukas ang silid at lumabas ang kanyang ina, kasunod naman nito ang binata. " Paano Bea, aalis na ako magpakabait ka rito." bilin ng ina at naglakad papunta sa pintuan. Mabilis siyang tumayo at sumunod sa ina para ihatid sa labas ng gate. " Nay, wag niyo po akong kalimutan daanan rito?" Paalala niya ng tuluyan itong makalabas. " Susubukan ko, sige na aalis na ako." sabi nito at naglakad palayo. Malungkot ang mga mata hinatid niya ng tanaw ang papalayong ina hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Bumuntong hininga siya sinara ang gate, at naglakad pabalik sa loob. Kinakabahan siya kung ano ba ang dapat niyang gagawin sa unang araw niyang mawala sa kanilang lugar. " Masasanay ka rin Bea, ibaling mo nalang ang attention mo sa trabaho, mabilis din lilipas ang oras, ngayon nasa merkules na tayo di mo nalang mamalayan mag linggo na." palakas loob niya sa sarili. " Bea, ipapakita ko sa'yo ang magiging silid mo." Untag ng binata sa kanyang pag-iisip. Napa angat siya ng tingin, nakita niyang naka tayo ito sa may pintuan mataman naka tingin sa kanya. Kimi siyang ngumiti." Sige po sir." Naglakad ito paakyat sa hagdanan, tahimik naman siyang sumunod rito. Hindi niya mapigil ang sariling haplusin ang railings ng hagdanan at tinignan ang kanyang kamay. Pakiramdam niya mas makintab pa ang hawakan ng hagdanan kaysa palad niya." Minu-minuto ba itong nililinisan?" naitanong sa sarili. Hindi niya na pansin ang paghinto ng binata sa huling palapag. Nabundol siya sa likuran nito saglit siyang natigilan ng maamoy ang pabango nito. " Bakit ganun, kahit nasa bahay lang si sir, mabango pa rin? Samantalang ang nobyo, ng ate ko dumalaw sa bahay, amoy pakpak." Nilapit pa niya lalo ang ilong sa malapad na likuran ng binata at inamoy, amoy. " Bea, ano ang ginagawa mo?" mahinang tanong nito na hindi gumalaw sa kinatatayuan. " Pasensiya na po sir." Nahihiya niyang sabi, hindi niya alam kung kanina paba ito naka tingin sa kanya." Natutuwa lang po kasi ako sa subrang linis ng hagdanan niyo." pagdahilan niya. Napa ngiti itong humakbang muli." Ilang taon kana Bea?" tanong nitong hindi pinansin ang una niyang sinabi. " Twenty one po sir. Ano po ba ang trabaho ko dito sir?” curious niyang tanong. “ Hindi ba sinabi ng nanay mo?” balik nitong tanong at huminto sa paglakad ng ma tapat sa saradong silid. “ Sinabi naman po, naghahanap daw kayo ng katulong, ako ho ba ang papalit sa dati niyong katulong?” inocente niyang tanong. Humugot ito ng malalim na hininga“ Bea, ang trabaho mo dito ay tulongan akong pagalingin ang kapatid ko.” sabi nitong seryuso ang mga mata tumingin sa kanya. “ Po? hindi naman po ako doctor sir." naguguluhan niyang sabi. Bahagyang natawa ang binata sa sinabi, niya siguro nahimigan nito ang kainocentehan niya. “ Ano po ba ang sakit ng kapatid mo?" Matagal bago ito nagsalitang muli“ Mula ng mamatay ang asawa ng kuya ko, na lolong siya sa druga at alak. Mabait naman siya at mapagmahal na asawa, kaya lang nagbago siya ng mamatay si ate Marlen." Nagugulohan siya sa sinabi nito, hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi nito iyon sa kanya. “ Ano po ang maitulong ko sir?” Muli itong bumuntong hininga “ Bea—“ Naputol ang sasabihin ni Carlos ng tumunog ang cellphone nasa loob ng bulsa sa short na sout nito. “ Sandali Bea, sasagutin ko lang to.” sabi nito at binuksan ang pintuan ng silid saka, tumalikod sa kanya, para kausapin ang nasa kabilang linya. Napa awang ang kanyang mga labi ng tumambad sa kanya ang malawak na silid pang mayaman talaga ang kwarto na'to. Pansamantala niyang nakalimutan ang gusto pa niya sa nang itanong. " Ganito din kaya ang silid ni nanay?" Naitanong sa sarili. Hindi niya inakala na ganito ka ganda ang magiging silid ng kasambahay, samantala ang naririnig niya mula sa kanyang kapit bahay, na namasukan din bilang katulong ay maliit ang silid at double deck ang higaan. Pero itong nasa harapan niya ay taliwas sa mga naririnig niya. Naglakad siya palapit roon at marahan umupo, gusto niyang magtatalon sa lambot nito pakiramdam niya ng mga sandaling iyon, bumalik siya sa pagka bata. Hihiga na sana siya para lasapin ng kanyang likuran ang lambot ng bago niyang higaan, agad din siyang tumayo ng maisip na baka hindi ito ang silid niya, baka pinakita lang ng binata para linisin niya. " Bea, aalis muna ako." sabi nitong naka tayo sa may pintuan. " Magpahinga ka nalang muna diyan, sigurado akong napagud ka sa byahe niyo." dagdag nito. " S-silid ko po ba talaga ito sir?" panigurado niyang hindi talaga nagkakamali ang binata. Malapad itong ngumiti at tumango-tango." Sige, na babalik ako agad." sinara nito ang pintuan. Napa ngiti siyang pabagsak na humiga. Tuwang tuwa talaga siya sa kanyang bagong higaan. Maka tulog din siya ng maayos dahil walang isturbo sa kanya, mag-isa siya sa silid. Hindi gaya sa kanila magkatabi silang lahat sa papag dahil wala siyang sariling silid. Hinagod niya ang malambot na kama. Napa tingin siya sa saradong bintana, bumangon siya at lumapit roon. Isa isa niyang binuksan, sariwang hangin ang sumalubong sa kanya ng tuluyan niyang mabuksan. Nakita niya ang iilang malaking puno mula sa likuran at sa gilid ng bahay. Ilang dangkal ang layo ng bahay sa mga kapit bahay, na puro malalaki din halatang pang mayaman ang area na iyon. Bumalik siya sa kama ng makaramdam ng antok, dulot siguro ng kanilang maagang byahe kanina at idagdag narin ang walang maayos na tulog kagabi dahil sa kakaisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD