Wanted sister inlaw Episode 2

1089 Words
" BAKIT niyo ako pahihintuin sa pag-aaral nay?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Bea sa ina ng maka uwi ito sa kanila galing Maynila. "Nangangailangan ng katulong ang pamangkin ng amo ko, at ipapasok kita roon." Hindi siya maka paniwala sa sinabi ng ina, sa muli hihinto nanaman siya sa pag-aaral. Ilang beses naba siyang natigil? Nasa taong twenty one na siya, pero hanggang ngayon nasa 4rth year high school pa rin siya dahil sa ilang beses na paghinto. Kahit na bu-bully na siya sa paaralan, dahil sa kanyang edad, hindi niya inaalintana iyon. Puspusan ang kanyang pag-aaral dahil gustong gusto niya makapag tapos at magkaroon ng magandang trabaho. Para mairaos na rin sa kahirapan ang mga magulang pero tila ba mailap sa kanya ang kapalaran. Sa isang iglap bigla itong maglaho na parang bula dahil sa kagustohan ng ina. Nawalan na siya ng pag-asa maabot ang pangarap niya. " Bakit hindi nalang ho si ate nay? hindi naman siya nag-aaral." pasa niya sa nakakatandang kapatid, na no'y naka upo sa isang tabi habang nagkukulay ng koko sa daliri. Bigla itong napatayo sa sinabi niya " Ano? Gusto mo, akong ipasok bilang katulong?" Galit nitong tanong sa kanya. Dalawa lang silang magkapatid si Jennifer, ang matanda sa kanya. Kahit mahirap nagpapanggap mayaman sa mga kaibigan. Na kinukunsinti naman ng kanyang ina. Lagi nitong tinustusan ang mga luho kahit pa nalulunod na sa utang. " Ikaw ang gusto ni nanay magtrabaho, bakit mo ipasa sa akin? Nag aaral din naman ako." Naka pamaywang nitong sabi at pinandilatan siya ng mata. " Hindi ka naman pumapasok ate, ilang araw na. Madalas ko kayong nakikita lumabas ng nobyo mo." Pang bubuking niya rito. " Tumigil ka!" Sigaw nitong sinabayan ng malakas na sampal. Natigilan siya at napahawak sa pisngi natamaan. Hindi siya naka imik sa labis na pagka gulat sa ginawa nito. " Tama na!" Awat sa kanila ng ina." Mag impake ka ngayon dahil maaga tayong luluwas bukas." Nang uutos na sabi ng ina. Hindi na niya mapigil ang mapaiyak." Nay, gusto ko hong makatapos. Nagmamakaawa ako nay, patapusin niyo po ako." Hindi niya maintindihan ang kanyang ina kung bakit lagi nalang siya ang nakikita nito. " Yang kagustohan mo, hindi 'yan nakakatulong sa kahirapan natin Bea. Tignan mo sa ilang taon, pagpapaaral ko sa'yo hanggang ngayon, baon pa rin ako sa utang." Mariin sabi ng ina. " Kaya mabuti pa, huminto ka nalang at tulungan mo akong bayaran ang mga utang natin." Pagpapatuloy nito. Gustp pa niya sanang makiusap, pero tila wala ng saysay pa iyon. Desido na ang ina isasama siya. Kaya wala na siyang magagawa pa kundi, sundin ito. Mabigat sa kanyang dibdib inimpake ang kanyang mga gamit. Kung tutuusin dapat ang ate, niya ang isama ng ina dahil wala itong pangarap sa buhay. Lagi itong naglalakwatsa kasama ang nobyo, at mga kaibigan. Bakit kailangan siya pa, gayong siya itong intresado, makapagtapos. Inisip na lamang niya sa pagtatrabaho, sa syudad ay mag-iipon siya para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng hindi na umasa sa ina. ANTOK na Antok pa siya ng lumuwas sila ng Maynila, kinabukasan. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa matinding sama ng kanyang loob. Mahaba din ang byahe, kaya minabuti nilang maaga lumisan sa kanila. Babalik pa sa trabaho ang kanyang ina pagka tapos niyang maihatid sa bahay, ng kanyang magiging amo. Napatulala siyang nakatingin sa malaking bahay, mula sa labas ng gate. Buong buhay niya ngayon pa lang siya nakakita ng ganito kalaki maliban na lang sa napapanood niya sa television. Kulay pula ang bubong at puti ang pintura sa labas ng bahay. " Malakilaking lilinisin ito." sa kaloob looban niya. " Pindutin mo ang button Bea." utos ng kanyang ina. " Po? Anong button po nay?" naguguluhan niyang tanong. " Tumabi ka nga riyan." anang ina ng hindi niya mahanap ang button ng doorbell nasa kanyang kaliwang gilid. Pinindot ng ina ng isang beses ang doorbell, ilang saglit lang ang lumipas, dumungaw ang matangkad na lalaki, sa bukas na pintuan. Naka sout ng puting t-shirt at tinernohan naman ng puting short na lagpas tuhod ang haba. Lumabas ito ng bahay at naglakad palapit sa kanila. " Ito na siguro ang magiging amo ko." sa kaloob-looban niya habang nakatingin dito papalapit. Hindi niya maalis ang tingin sa gwapo nitong mukha. Maninipis ang balat at makakapal ang kilay, matangos ang ilong. Sa puti nito tila namumula ito agad kapag natamaan ng sikat ng araw. " Aling Amparo." naka ngiti nitong sabi ng tuluyan makalapit. Lumapad ang ngiti nito ng mapagbuksan sila ng gate. " Magandang hapon po sir." Bati ng kanyang ina. " Ito na ba ang anak mo?" Baling nito sa kanya, at hinagud siya ng tingin. " Upo sir, si Bea. Bumati ka naman." Pabulong na sabi ng kanyang ina sa kanya. " Magandang hapon po sir." Kimi niyang bati. Mabigat talaga sa kanyang kalooban ang huminto sa pag-aaral. Napansin niya ang pag ngiwi ng binata naka tuon ang tingin sa kanyang sout, na pinuputol na jeans, lagpas tuhod ang haba. Pinarisan niya ng maluwang na tshirt at naka tsenelas lang siya. Ang lagpas baywang na itim na buhok ay hinayaan niya naka lugay. Kahit mahirap sila na biyayaan naman siya ng magandang buhok, straight at may pagka shiny. " Sorry kung ganito ang ayos ko, eh mahirap lang kami." Naisatinig niya, ng makaramdam ng pagkailang sa ginawa nitong pagsuri sa kanya. " Bea." mahinang sabi ng ina. Bahagya siyang napa kislot ng kurutin siya nito sa tagiliran. " Hali kayo pasok." Ani Carlos. Hindi niya alam kung napansin ba nito ang ginawa ng kanyang ina. Tahimik siyang sumunod sa nanay, na naka sunod rin sa binata naglakad papasok sa loob ng bahay. Lalo siyang namangha ng tumambad sa kanya ang malaking sala at maaliwalas, napa kintab pa ng marble tiles na kahit bangaw madudulas. " Bahay ba ito o palasyo? Ito ba ang lilinisin ko? sa laki nito aabutin ata ako ng pasko." " Kumain naba kayo?" tanong ng binata ang pumukaw sa kanyang pag-iisip. " Hindi pa ho sir." Tugon ng kanyang ina. " Dito po tayo sa kusina, ipaghanda ko po kayo ng makakain." Naka ngiti aya ni Carlos, sa kanila. " Buti nalang nagluto muna si manang Ester, bago umuwi sa kanilang probinsya." Sabi nitong naglakad papunta sa kusina. Nahimigan niya sa boses nitong mabait ang binata, nakaramdam siya ng pagka panatag ng loob. Ang sabi ng kanyang ina, kanina habang nasa byahe sila. Wala na itong mga magulang, ito lang at ang kuya daw nito ang pagsisilbihan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD