Thea's short POV (ina ni Switzel)
Lumanghap ako ng hangin dahil sa bigat ng dibdib ko. Hindi na talaga ako napanatag mula nang maihatid namin sa Royalties Magical Academy si Switzel. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa kaniya at gano'n din sa relasyon niya sa amin.
Sa ilang taon na nasa amin si Switzel, sobrang naging malapit sa kaniya ang loob ko. Wala na akong ibang hinangad kun’di ang mapabuti lang ang paglaki niya sa amin ni Victor.
Naaalala ko pa kung paanong umuulan no’n nang ihatid niya sa amin si Switzel. Napakaganda niyang bata at nang pakiusapan niya akong ingatan ko ‘to ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Hindi ko rin kayang mabigyan ng anak si Victor kaya malaking biyaya si Switzel para sa amin. Tinuring namin siyang parang tunay naming anak dahil hindi naman mahirap mahalin ang gaya niya. Masiyahing bata, magalang at mapagmahal siya.
Muli akong napatunghay sa mga bituin sa kalangitan at mapait na ngumiti roon. Dinama ko rin ang lamig ng hangin, maging ang liwanag ng buwan. Ipinikit ko ang aking mga mata at sa muling pagmulat ko, purong kaba ang bumalot sa akin nang makita kong natatakpan ng ulap ang buwan.
Nalalapit na ang araw. Malapit na niyang malaman ang tunay niyang pagkatao. Alam kong magiging marami ang katanungan niya. Nakakalungkot lang na wala ako sa tabi niya para sagutin iyon. Noon pa man, alam kong darating ang oras na 'to. Kahit anong gawin ko, mangyayari pa rin ang nakatakdang mangyari sa kapalaran ni Switzel. Sana'y matanggap niya ang kaniyang tunay na pagkatao.
Switzel POV
"Good morning," bati sa amin ng kararating lang na si mentor Aphrodite. Narito kami sa training gym ng school. Ito ‘yong nakita ko na may silver accent and very modernized style.
Sobrang nakakamangha kung paano siya tumindig. Halata sa kaniya ang pagiging propesyonal. Bumagay sa kaniya ang kaniyang pangalan dahil gaya ni Aphrodite na isang goddess sa Greek myth, tunay na kayganda ni mentor Aphrodite. Ang kaniyang maalon na buhok na umaabot sa kalahati ng kaniyang katawan ay sumasabay sa bawat galaw na ginagawa niya. Ang kaniyang porselanang balat na namumula kada matatamaan ng sinag ng araw ay kamangha-mangha. Minsan gusto kong tanungin kung ano ang skin care routine ni mentor Aphrodite. Gumagamit kaya siya ng toner? Rejuv kaya?
"Our activity for today is about controling your abilities," aniya.
I pressed my lips. Mukhang hindi ako makakapagparticipate sa activity dahil wala naman akong ability na kokontrolin. Hindi hamak na normal ako kesa sa kanila. Maglatag sila ng kanin diyan, mga anim na takal, tapos samahan nila ng inihaw na manok, ayon makakapagparticipate ako.
"Who wants to show his or her ability? Show it and show me how you control it," sabi pa ni mentor ngunit parang walang gana ang karamihan ngayon sa klase—
"Me!"
Okay, mali ako. Napatingin sa kaniya ang iba pero hindi na ako lumingon. I'm not really surprised na si Doll 'yon. Pwede na nga niyang palitan si Jollibee sa pagiging bid—
"I want to manipulate Switzel."
This time, I looked at her nang nakakunot ang noo. Wait. Loading. Sino raw? Tama ba na Switzel ‘yong narinig ko?
Nag-aalangang tumingin sa gawi ko si mentor Aphrodite. Okay, ako nga. Ilang segundo niya rin akong tinignan bago siya bumuntong-hininga at ibinalik sa mga kasamahan ko ang kaniyang mga mata.
"Please come in front, miss Valderama," pagtawag sa akin ni mentor Aphrodite.
I took a deep breath bago tuluyang bumaba mula sa bench na inuupuan ko. Napanguso ako dahil ngingisi-ngisi si Doll nang magkatinginan kami. May lihim ata na galit sa akin 'tong chakadoll na 'to eh. Aish!
Nang makarating ako sa harap, ilang segundo pa kaming nagtinginan.In a snapped, she held my shoulders at mas tinignan pa ako sa mga mata ko. Mas lalong nangunot ang noo ko nang bumanggit siya ng mga salitang hindi ko maintindihan. Lenggwahe ata nila sa planeta nila. Kaplaneta ata ni Goku ang isang 'to, eh. Matapos ang ilag segundo, bumitaw siya sa akin.
"With the ability bestowed in me, inuutusan kita na sumayaw ngayon din."
Halos mawala ang ekpresyon sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Kung hindi lang naman niya alam ay parehong kaliwa ang paa ko. Well, figuratively. Maraming beses nga akong inaya nina Aly at Yna na sumayaw kada mag-aarcade kami pero hindi ko sila mapagbigyan dahil hindi talaga ako marunong. Kaya kung sasayaw ako ngayon? That's himala.
"Baliw ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Bakit ako sasayaw? Ano ako, entertainer mo?"
I heard series of gasped. Siguro, maging sila ay hindi inasahan ang inasta ko kay Doll o siguro'y may ibang dahilan na sila lang ang nakakaintindi.
Doll look flushed. "Wait? Hindi tumalab sa 'yo ang ability ko? That's impossible! How could you do that?!"
"Only those with higher abilities can block Doll's manipulation. This is impossible," ani no'ng kumag. Talagang kapag kinaiinisan mo nga naman ay mabilis maging pamilyar ang boses nila sa'yo.
"Pero wala pang ability si Switzel, kaya paano niya nagawa 'yon?" Nilingon ko kung sino ang nagsabi no'n and I saw that it's Clark.
Lahat sila ay seryoso ang tingin sa akin. But after a while, I saw how Allyson's lips rose up. Ibinalik ko kay Doll ang attention ko. Unti-unti ko siyang nilapitan kaya napaatras ito nang wala sa oras. Tsk. Halatang naiintimidate sa presensiya ko.
"Baka kasi mahina talaga ang ability na meron ka, Doll," pabulong kong pang-aasar sa kaniya. Ha! Take that kabayong buntat! Narinig ko naman ang paghagikgik ni Allyson. Napunta tuloy sa kaniya ang masasamang tingin ni Doll.
"What's funny, Allyson?" pagtataray ni Doll dito.
Napailing naman si Allyson. "Nothing, Doll. Go on." Isenenyas niya pa ang kaniyang mga kamay na animo'y pinapatuloy si Doll sa business nito sa akin.
She glared back at me. "Oh please! You don't have the right to mess with me in my own territory," sabi nito 'tsaka ako hinawakan sa braso ngunit agad din itong napabitaw. "Ouch!"
Nangunot ang noo ko dahil sa pagdaing niya. Jusme baka isipin nila ay may ginagawa ako sa taong 'to!
"You're not normal! Sobrang lamig ng katawan mo!" asik niya sa akin. "What are you...who are you?!”
Hindi ako nakasagot. I was left dumbfounded. Wala rin akong nagawa nang iduro niya ako habang ang mga mata ay naroon sa mga kaklase namin. “She’s not normal!”
Muli niya akong binalingan. Nagsink in na rin sa akin ang kaba ko. “Tell us, who are you?!”
Pagtingin ko sa mga kaklase ko, nakatingin lang sila sa 'kin. Halatang nag-aabang din ng kasagutan. Ang kaninang magiliw na tingin nina Allyson at Rain ay napalitan ng pangamba. Maging si mentor Aphrodite ay parang hindi rin makapaniwala sa nakita niya. Ano bang meron? Can someone please tell me? Big deal na ba ang nangyari ngayon? Siguro nama'y may limitation lang din ang ability ni Doll.
I can feel how my fear rose up. Natatakot ako sa sarili ko. "I...don't know." I faced Doll once again. "I really don't know."
Silence...wala ni isang nakapagsalita. Hindi pa rin nawawala ang talim ng pagkakatitig sa akin ni Doll. Napayuko ako dahil do’n. Ngunit hindi pa man ako tumatagal sa gano'ng posisyon ay naibalik ko kay Doll ang mga mata ko nang iharap niya ako sa kaniya. Naramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko nang ibaon niya pa ang kuko niya roon.
“Niloloko mo ba kami?!” asik niya sa akin. Napapikit ako nang iangat niya sa ere ang kamay niya. "You—"
Hindi niya natapos ang dapat ay sasabihin niya. Wala rin akong naramdamang kamay na dumampi sa pisngi ko kaya iminulat kong muli ang aking mga mata and I saw that Doll was on the ground. Nalipat ang masamang tingin niya sa mga nakaupo sa bench. My eyes went there at nakita ko ang nakatayong si Ace. His hands were inside his pant's pocket. Seryoso ang mukha nito at nakatingin din siya kay Doll.
“Enough," aniya.
I heard how Doll hissed at saka nagmartsa palabas ng training gym. Naiiwas ko ang tingin ko nang magtama ang mga mata namin ni Ace.
"We will continue our lesson tomorrow," ani mentor Aphrodite. "May kailangan lang akong sabihin kay sir Orquez."
Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi nina Allyson nang umalis si mentor Aphrodite. Ramdam ko pa rin ang mga tingin nila sa akin. Suddenly, I feel so uncomfortable. Ramdam ko rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari at hindi ako natutuwa na may kung anong gumugulo sa akin. Big deal ba talaga lahat?
"Si Ace lang ang natatanging tao sa room 1 na may kakayahang iblock ang ability ni Doll and that's given dahil higher royalty siya kumpara kay Doll. Aside from Ace, kaya nang imanipula ni Doll. Sa ilang taon naming magkakasama, ikaw ang ikalawa sa nakagawa no'n. Big deal 'yon dahil wala ka pang ability sa lagay na 'yan," paliwanag sa akin ni Allyson. Alam kong nabasa niya ang isip ko.
Bakas ang kaba sa tawa ko at hindi ko maikakaila 'yon. "Baka naman kasi hindi gano'n kalakas ability ni Doll."
"Don't start with that argument. Hindi siya mapupunta sa room 1 kung mahina siya," pagdedepensa ni Allyson.
"Baka isa yan sa mga ability mo," ani Rain kaya napatingin ako sa kaniya. "You can't be manipulated by others. Nullifier, maybe."
“I don’t think so,” pagkontra agad ni Allyson. “Kung nullifier siya, kahit papaano ay mabablock niya ang ability ko.”
“Ally...”
“Curious na kaagad ako no’ng una kitang nakita,” aniya. “Ngayon ay mas lumaki pa ang kuryosidad ko tungkol sa’yo. Sino ka nga ba talaga, Switzel Valderama? Anong ability kaya meron ka?”
Ability na naman. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina Allyson at Rain na hindi ko ata kakayaning tanggapin ang sarili ko kung may ability nga ako. Hanggang ngayon, natatakot pa rin ako sa mga taong nasa paligid ko at sa buhay rito sa RMA. Ibang-iba sa mundong nakasanayan ko. Kaya kung ako ang masusunod, ayoko muna. Hindi pa ako handa. Hindi pa sa ngayon o baka, hindi na talaga.
“Do not be afraid. Embrace your magic and it will embrace you back,” sabi pa ni Allyson. “That’s a defender’s rule. Welcome to our world."