Switzel POV
Kanina pa ako nakatayo rito sa harapan ng salamin. Patuloy ko lang na sinisipat ang sarili ko kahit wala namang dapat sipatin. Kinakabahan pa 'kong lumabas ng dorm at pumasok sa kung saan mang room dito. Ewan ko ba at kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa school na 'to. Dahil na rin siguro sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung totoong may magic o sadyang minumulto lang ako. I checked the window earlier at hindi naman iyon ang tipo ng bintana na sasara mag-isa. Pinaglalaruan ko lang ang I.D ko habang patuloy na tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. RMA - 2390 - 01, my student number.
Ang uniform ng school na 'to ay hindi naman nalalayo sa YG. May above the knee na skirt at may white long sleeves na natatakpan ng brown blazer na may logo ng school at side pockets. May two inches heels din ang black shoes nila rito. Lahat ng gamit ko, halos bago. Nang binuksan ko ang cabinet kanina, nakita ko roon ang uniforms na ‘to.
"Huwag kang kakabahan Switzel. Kaya mo yan!" sabi ko sa sarili ko kahit na nagmumukha na akong timang sa pinaggagagawa ko.
Matapos ang ilang ulit na buntong-hininga, nagawa ko na ring lumabas ng kwarto ko. Hindi ko naman siguro kailangang mag-alala pa sa seguridad dito pero bago ako umalis, sinigurado ko pa ring nakasara nang maayos ang pinto ng kwarto ko. T-in-ap ko na rin ang aking ID para sigurado talaga ako na nakalock ito nang maayos.
Agad akong napayuko nang may masalubong akong mga mata. I am not fond of socializing kaya mas minabuti ko na lang na magpatuloy sa paglalakad nang nakayuko. Siguro'y nagmumukha na akong timang pero wala akong magagawa. Dati pa man, sa YG pa lang, ay hindi na talaga ako fan ng pakikipag-usap o pakikihalubilo sa iba. Kaya nga sa tatlong taon na naroon ako, sina Yna at Aly lang ang naging kaibigan ko. Okay, I know, para sa isang magsisixteen years old na third year high school ay masyado akong mahiyain.
Nakahinga lang ako nang maluwag no’ng tuluyan na akong nakababa sa building na ‘yon. Hindi hamak na mas kaya kong gumalaw sa daan na malayo ako sa iba kumpara sa building na halos nakakasalubong ko lang talaga ang mga nagdaraan.
"Hi!"
Napatingin ako sa babaeng biglang tumabi sa akin at sumabay rin sa paglalakad ko. Napalingon pa ako sa likod at tabi ko dahil baka hindi ako ang kausap niya.
"Ako ba kausap mo?" paniniguro ko dahil mahirap mag-assume na ako ang kausap niya lalo pa't baguhan lang ako.
"What do you think?" tanong niya sa akin. "By the way, I'm Allyson Lim."
"Ako naman si Switzel Valderama. Transferee lang ako rito," pakilala ko rin sa kaniya.
"I know," sabi niya sabay harap sa akin at kumindat, na muntikan ko nang ipagpasalamat dahil sa ilang minuto na kasabay ko siya ay hindi niya ako nagawang tignan. Para tuloy siyang nakikipag-usap sa hangin. Nagulat ako nang tumawa siya nang bahagya. Okay...
“Paano mo nalaman?"
"I can see it in you and I can read your mind. Oops! Hindi lang pala sa ‘yo. Kaya kong basahin ang isip ng kahit na sino basta hindi pa sila gano'n kalalakas para iblock ang kakayahan ko.”
Okay...she's weird. Kakayahan? Baliw ba siya?
"Hindi ako baliw! Ability ko 'yon," aniya. Okay. Nabasa niya ang iniisip ko! Heto na ba ang part na dapat akong magpanic?
"By the way, anong room ka?" she asked me again, casually. Parang wala lang sa kaniya ang mga sinasabi niya matapos niya akong gulantangin. But I am glad na iniba niya na ang topic dahil internally, I am panicking at kahit kabado, kinuha ko ang registration card na dala ko 'tsaka muling tumingin sa kaniya.
"Room 1," sagot ko na nagpalapad sa ngiti niya. What now?
"Really?!" She exclaimed. "Great! Magkaklase pala tayo. Let's go! Ipapakilala kita sa kanila."
Wala akong nagawa nang hilahin niya na ako papunta sa kung saan. Baguhan din ako sa school at hindi ko alam kung saan ko hahanapin room ko kaya nagpatianod na lang din ako. Isa pa, hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niya. Mga kauri niya siguro.
"You’re funny,” aniya. “Anyway, bakit ang lamig ng katawan mo? Is that your normal temperature?" tanong niya sa akin bigla. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang kinakaladkad ako—este hinihila pala.
Pero ano raw? Malamig katawan ko? Bakit hindi ko naman ramdam?
"I don't know. Maybe sa hangin?" Hindi rin ako sigurado sa sagot ko and gladly, wala siyang follow up question. Maaga pa para sa Q and A.
Nang dumating kami sa isa sa mga rooms sa malakastilyong bulding, bumungad sa akin ang wooden door nito na may nakaukit na pangalan ng room. Special Section (Room 1). Hindi naman halata na mahilig sa woods ang nagpagawa ng school na ‘to.
"Good morning!" pagbati agad ni Allyson. "May bago tayong kaklase."
Nilibot ko ang paningin ko sa lugar. Malaki ang espasyo sa loob pero kakaunti ang mga upuan. Halos tatlong rows at tatlong column lang ang mayoon. Pandalawahan ang mga upuan na naroon kaya hindi na rin nakakagulat na iilan lang ang bilang no'n. Normal din ang mga estudyante na naririto sa loob, maging ang isang mesa sa harap. Typical na high school set up na may maiingay, may mga tahimik at kung ano-ano pa. Isang parang glass board naman ang nasa harap.
"As if we care."
Hinanap agad ng mata ko ang nagsabi no'n. I saw a girl na nakapwesto sa isa sa mga upuan na nakalagay sa second column. Her eyes were sharp at may kung anong metal din siyang kinakalikot sa kamay niya. The metal's floating na ikinabahala ko na naman. Okay, ito na ata talaga ang part na dapat akong magfreak out! Dalawa na silang weirdo na kilala ko! I flinched nang maramdaman ko ang simpleng pagkurot ni Allyson sa braso ko.
"Huwag mo na siyang pansinin," bulong niya sa akin. "Ganyan talaga 'yan."
Pero kahit na sinabi ni Allyson na huwag ko na siyang pansinin, hindi ko mapigilang macurious and curiousity kills the cat kaya tinanong ko si Allyson kung sino iyon.
"She's Doll Fernandez, " she answered. "Her ability is to manipulate people."
"How?" pang-iintriga ko. Ang galing ng mga abilities nila. Outcast pala ako rito kung sakali. Maliban sa kaya kong kumain ng anim na cup ng rice ay wala na akong ibang ability. Hindi ko nga alam kung ability 'yon o sadyang patay-gutom lang talaga ako. Minsan nga, hindi ko na rin alam kung saan ko nilalagay mga kinakain ko dahil ang payat-payat ko. Sana nga'y nakakapagpataba na rin lang ng dibdib ang kanin, baka sakaling natuwa pa ako.
"When someo—" hindi natuloy ni Allyson ang kaniyang sasabihin dahil may kung sinong walang respetong kumag at kampon ni satanas ang dumaan bigla sa gitna namin. Hindi ba sila naturuan ng good manners dito? Hello! Tinuturo na agad sa grade 1 ang GMRC!
I heard the rude man tsked. "Pahara-hara sa daan," his cold voice filled out the room.
Okay, gwapo siya. Okay, matangkad siya. Okay, cool ang aura niya. Pero pigilan niyo 'ko kasi masasapak ko 'to. Walang modo! Sige, given na nakaharang kami pero ano bang mahirap sa pagsasabi ng excuse me?! Two words lang kuya, baka naman!
"Kung magkikwentuhan kayo, huwag sa daan," sabi pa nito at saka naglakad na papunta sa upuan niya—I guess. Kasi roon siya umupo so kaniya 'yon.
I hissed. "Ano ba naman kasing mahirap sa pagsasabi ng excuse me diba?!"
Napahawak sa braso ko si Allyson, it's as if inaawat niya ako. "He's Ace Guzman. Don't try to mess with him again dahil siya ang may pinakamalakas na ability rito sa section natin."
I rolled my eyes. Ability, my ass! He's rude and God knows how much I loathe people na binabastos lang ang iba dahil tingin nila mas angat sila! When the rude man's eyes met mine, inirapan ko siya. I won't let him na basta na lang kami bastusin. Mahiyain ako pero ayoko na nababastos ako. That's not right and it will never be right!
Mukhang napansin ni Allyson ang ginawa ko kaya minabuti niyang hilahin na ako papasok. Humanap na nga rin kami ng mauupuan ko but unluckily, unfortunately at lahat ng may -ly na word na related sa kamalasan, sa harap na lang ng kumag na 'yon ang bakante. Napag-alaman ko na sa ibang upuan dapat si Allyson pero mas minabuti niyang tabihan na ako. How fascinating! Mukhang madaling mamumuti buhok ko dahil sa stress.
Pasimpleng lumapit sa akin si Allyson. "Behave and again, don't mess with Ace," bulong niya.
"Masyado siyang antipatiko!" asik ko. "Wala ba kayong GMRC dito? Mukhang kailangang-kailangan niya 'yon eh."
Sinadya kong medyo lakasan ang boses ko para iparinig sa kumag na nasa likuran namin 'yon. Naramdaman ko na may pasimpleng sumipa sa upuan ko at hindi ko na kailangan pang lingunin kong sino 'yon. May narinig din akong pasimpleng sumipol.
"Wala kaming gano’ng subject dito kaya masanay ka na," ani Allyson bago bumaling sa likuran namin. Napansin ko ang pag-iling niya kay Ace kupal s***h Ace kumag. Tumagal din ang titig ni Allyson sa kumag na 'yon, as if nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Hindi ko kayang isipin na nag-uusap ang mga mata dahil hindi magandang iimagine na may bibig 'yon at nagsasalita.
Naputol lang ang kalokohan sa isip ko nang may pumasok na isang magandang babae. "Good morning to all of you.”
Tumayo sila kaya nakisabay ako. Nang magbow sila nang konti ay nakisabay rin ako. Hindi ko pa alam ang patakaran nila kaya wala akong ibang magawa kun’di sundan ang kung anong pinaggagagawa nila. Sumenyas si ma’am na maupo kaya agad naming sinunod ‘yon.
"Where's the transferee?" tanong ni ma'am ganda sa amin. Nag-aalangan man ay agad akong nagtaas ng kamay pero sinenyasan niya akong tumayo na agad ko namang sinunod. "So young defenders, she's Switzel Valderama from YG High. Be good to her."
She peered at me. “Ako si mentor Aphrodite, ako ang naghahandle sa special section. Ako rin ang magiging mentor mo hanggang sa makatapos ka sa paaralang ito. It’s nice to finally meet you.”
“Po?”
"She's normal or she's like us?" hindi ko pa man nalilingon, napamilyaran ko na ang may-ari ng boses. Si chakaDoll iyon este Doll.
"For now, hindi ko pa masasabi," sagot ni mentor Aphrodite sa tanong no'ng babaeng parang may galit sa mundo. "We'll start our training lesson tomorrow."
Kung gaano kabilis ang pagsulpot niya sa room ay gano'n din kabilis ang pag-alis niya. Ni hindi niya man lang nilinaw sa akin ang mga sinasabi niya kanina. Anong nice to finally meet me raw? Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman siya kilala o baka dahil kay sir Orquez kaya nakilala niya ako.
"Hey transferee, welcome."
Napatingin ako sa pinagmulan ng boses. A certain guy na may tirik na buhok na parang palong ng manok ang nagsabi no'n. Katabi niya ang isang babae na may wavy na buhok at nakangiti rin sa direksyon ko. Natawa si Allyson sa tabi ko, sa hindi na naman malamang dahilan o baka dahil nababasa niya ang naiisip ko?
"He's Storm Salvador. His ability is lightning," bulong niya sa akin.
Nang akmang ibabalik ko na sa harap ang tingin ko ay nakaramdam na naman ako ng pagsipa ng kung sino sa upuan ko. Agad kong tinignan nang masama ang kumag na ngingiti-ngiti pa.
"Wazzup!" Halos mapapitlag ako dahil sapagsulpot no'ng babaeng katabi no'ng Storm kanina. "I'm Rain and Storm is my brother bee," pakilala niya.
Narinig ko ang matinding pagbuntong-hininga ni Allyson kung kaya ay napatingin sa kaniya si Rain. "Gano'n sila magpakilala 'di ba or I'm being too much?" tanong ni Rain kay Allyson na agad sinagot no'ng isa ng salitang 'latter'. “Normal people are so complicated.”
Napatingin ako kay Allyson nang bigla niyang hilahin ang pisngi ko paharap sa kaniya. "Her ability is seduction. Don't look into her eyes."
"Make sure she won't mess up, Allyson," sabat no'ng epal sa likuran namin.
"She's not a baby para ibabysit ko, Ace," sagot ni Allyson.
"Not a baby but definitely think and act like one."
My jaw dropped dahil sa kahambugan no'ng epal. Talaga bang sinasagad niya pasensya ko?!
"Welcome and goodluck, miss transferee." Naramdaman ko ang pagtayo niya, siguro'y aalis na.
"Hindi ko kailangan ng welcome mo demonace mayonnace jellyace—insert lahat ng may ace!" pahabol ko bago pa man siya tuluyang makalabas. Good thing na hindi niya ako pinansin dahil baka maguidance na ako dahil sa pagpatol ko sa kaniya.
"Wala kaming guidance rito. Diretso agad kay si Orquez kapag may maling nagagawa," sabi ni Allyson na walang kaduda-duda na kanina pa binabasa ang isip ko. Privacy cannot be found!
"Hayaan mo na 'yon," saad ni Rain. "By the way, kaunti lang tao rito sa room 1 dahil tayo 'yong may malalakas na abilities."
Natawa ako nang bahagya na ikinakunot ng noo niya.
"Wala naman akong ability na taglay na katulad no'ng inyo eh."
Their eyes went wide for a couple of seconds.
"Seryoso ka ba? That's impossible!" ani Rain.
"Hindi ka ipapasok sa Academy na 'to kung wala kang ability na tulad ng amin. Hindi open ang Academy for normal people," sabi sa akin ni Allyson. This time, ako ang natememe. "Don't worry, baka hindi mo pa nadidiscover ang ability mo."
I can feel my heart beat intensifies when she spits out those words.
"Ilan nga pala tayo rito sa room?" pag-iiba ko ng topic.
"Pito lang tayo rito," sagot sa akin ni Rain na ikinagulat ko kasi ang dami kong nakikita na nandito sa room.
"Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo," sabi ni Allyson. "May kaklase tayo na kayang gumaya ng mukha ng ibang tao at kaya niyang maging higit pa sa isa. Astig ba? Masanay ka na. Ability niya 'yon eh."
Bago pa ako makapagsalita, umangkla na si Rain sa braso ko then she winked at me. "Ipapakilala ko silang lahat sa 'yo."
She pointed at Doll na abala sa metal na pinapafloat niya. Para talaga siyang may sariling mundo. Napapitlag ako nang magawa niyang piyukin ang kaninang straight na bakal. "She's Doll, the manipulative princess. Loves to manipulate things but mostly, she loves to manipulate people.”
Then, she pointed at Storm's direction. "My brother, Storm, the lightning prince. Ang pangit ng buhok niya."
“I agree,” wala sa sariling sambit ko. Hinampas niya braso ko at natawa.
Ngayon ko lang din napagtanto na ang ganda ng pangalan nila kapag pinagsama. Rain and Storm. Rainstorm.
"Si Ace naman, he's the special magic prince and siya, so far, ang may pinakamalakas na ability rito." Ah, kaya naman pala mayabang.
“Hindi pa siya mayabang sa lagay na ‘yon,” ani Allyson. “Kung mayabang siya, nasample-an ka na.”
"Si Allyson, the mind and personality reader princess at ako naman ang seduction princess," nag-pause ito sandali at tila may hinahanap. Then, she pointed at a guy na nasa sulok. "Clark Deverra. Siya ang sinasabi ko na kayang magparami at gumaya ng mukha ng ibang tao because he's the cloning prince at ikaw ang pampito. Isn't it amazing?"
Hindi ako agad nakasagot. Normal sila kung titignan but behind their normal appearance, may mga ability silang tinatago. Which is quite fascinating kung hindi lang nila ako ginugulantang at kung hindi ako kasali.
"Are you..." Allyson paused, "afraid of us?"
My mouth opened a little. Kumakapa ako ng tamang sabihing salita. "Kind of. Naninibago lang din ako. Parang I just blinked and boom, nandito na ako at kayo na ang nakapaligid sa akin. I’m…not used to this set up.”
"Masasanay ka rin," paga-assure ni Rain sa akin 'tsaka ako nginitian.
I have this feeling inside me na parang ayaw kong magkaroon ng kung ano mang mayroon sila. Hindi ba pwedeng normal lang ako? Kung sakali, baka hindi ako matanggap nina Yna at Aly. I wanted to laugh but I can't. I wanted to laugh because I just met weird persons in this weird school and I just met two of the most annoying persons na kilala ko so far, chakaDoll and demonAce.
Minsan pang nagtama ang mga mata namin ni Allyson. She’s worried, that’s for sure. What a great day.