CHAPTER ONE

2168 Words
Switzel POV Mabigat ang loob ko habang tuloy-tuloy lang sa paglalagay sa maletang gagamitin ko ng mga gamit na dadalhin ko sa lilipatan kong school. Wala akong kaalam-alam sa lahat. Ni rason kung bakit ako lilipat, walang sinabi sa akin. Muli kong pinahid ang luha kong lumandas sa aking pisngi nang may kumatok. "Come in." Bumungad sa may pinto si Mommy. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makita ang mukha ko. "Anak, are you ready?" Ang luhang pilit kong pinipigilan ay muling rumagasa. Lumapit siya 'tsaka ako niyakap nang mahigpit. Ginantihan ko nang mas mahigpit na yakap iyon. "Mom, kailangan ko ba talagang lumipat ng school? Paano na 'yong mga kaibigan ko sa YG High?" She gently caressed my back. "Kailangan mong lumipat ng school anak eh. Don't worry, dadaanan muna natin sina Yna at Aly sa YG para makapagpaalam ka sa kanila ha?" Humiwalay ako sa pagkakayakap ‘tsaka ko siya tinignan nang diretso. "Bakit ko po ba kailangang lumipat ng school?" Agad naman siyang napabuntong-hininga. "I can't say it now." She looked away then a subtle but full of sadness smile appeared on her lips. "You'll know it when you turn 16. Konting hintay lang, anak.” Hindi na ako nagtanong pa matapos no'n. Tinulungan na ako ni Mommy sa pagliligpit ng mga dadalhin ko dahil kailangan na raw naming makaalis. Kabado man at lito sa mga nangyayari, nagpatianod ako sa gusto ng mga magulang ko. I was shocked. Kahapon ay abala kaming kumakain ng lunch nang walang ano-ano ay sinabi nila sa akin na lilipat ako ng school. Ayon pa sa kanila, naayos na nila ang mga papel na kailangan ko para maprocess ang pagtatransfer ko. Wala akong nasabi dahil sobrang biglaan ng lahat. Paulit-ulit ko rin silang tinatanong kung ano ang dahilan pero wala silang sinasabi sa akin. Sa buong oras ng byahe namin, tulala lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Mahirap pa rin intindihin kung bakit nangyayari 'to dahil napakabiglaan. Kung sana kasingbagal lang ng traffic sa EDSA ang lahat, baka sakaling na-grasp ko pa. "We're at YG," sabi ni Mommy. I smiled a little then sighed. Bumaba na ako nang sasakyan at hinintay sina Yna at Aly sa tambayan namin. They're my bestfriends and two of the most amazing people I've ever known. Sobrang unexpected ng way kung paano kami nagkakilalang tatlo. Sa pila sa enrollment ko sila unang nakausap. I was lost and Alyson helped me. Then, we met Yna and she was lost too. Masyado kasing malaki ang school kaya hindi naman kami masisisi. "Yna! Aly!" Yakap ko ang sumalubong sa kanila. Niyakap din nila ako pabalik and the warmth of their hugs makes me want to beg na rito na lang ako sa YG at huwag na lumipat pa. "Bakit parang ang aga mo ata, Switzel?" Nagtataka si Aly dahil sa aming tatlo, ako ang madalas na nahuhuli sa pagdating sa klase. "I..." I can't help but to sigh to stop my tears from falling. "I came here to say goodbye." Tila nagulantang naman sila sa sinabi ko kung kaya ay hindi sila agad nakasagot. Nagpalitan pa sila ng tingin dahil sa sinabi ko. Nang makabawi, agad na inunahan ni Yna si Aly. "May vacation kayo?" tanong ni Yna. Mabilis kong naiiling ang ulo ko. "No, lilipat na ako ng school..." "Ha?!" halos sabay sila. "Bakit?! Nasa kalagitnaan ka na ng second sem, zel!" sabi ni Aly. "Sayang naman ‘yong nasimulan mo, zel," maging si Yna, halatang dismayado. "I know..." tanging nasabi ko at muling bumuntong hininga. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong nila dahil hindi ko rin alam ang dahilan ng lahat. “Makakausap ka pa rin namin, hindi ba?” tanong ni Aly sa akin. I tried my best to smile a little and nod. “Oo naman. Sisikapin kong makausap kayo.” Ilang sandali pa ay bumusina na ang sasakyan kung nasaan sina Mommy at Daddy. It's time. "Goodbye..." Niyakap ko sila while silently hoping na hindi pa iyon ang huli. I ran to the car but before I hopped in, I waved at them and they waved back. Goodbye for now Aly and Yna. Goodbye YG High. "Off to RMA," ani Daddy 'tsaka makahulugang tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng hilo habang nasa byahe. Mukhang malayo-layo pa ang aming pupuntahan kaya mas minabuti ko munang ipikit ang mga mata ko. "Switzel...baby, wake up..." ang banayad na boses ni Mommy ang gumising sa akin. I scanned the place and I realized na masyadong mapuno sa lugar na kinaroroonan namin. Nakita ko rin sa hindi kalayuan, sa may maburol na parte, ang isang mala-kastilyong building. Hindi ko maipaliwanag ang disensyo na meron ito ngunit tunay na nakakamangha ang lugar. "Ayan ang magiging bagong school mo," ani Mommy. Napaamang ang bibig ko sa sinabi niya. I am no royalty but is she serious? Sa ganyan kagarbong paaralan ako mag-aaral? Magkano naman kaya ang tuition dito? "Let's go," aya ni Daddy. Ni hindi ko namalayan na naibaba niya na mula sa sasakyan ang mga gamit ko. I took a photo of the school but when I was reviewing it, walang nasisave sa gallery ko. Weird. I shrieked. “Mommy, walang signal…” She looked at Dad before looking at me. “Oo, wala talagang signal sa lugar na ‘to.” Halos manlumo ako sa narinig. “Paano ko po makocontact sina Yna at Aly?” “Trust me, makakausap mo pa sila ulit.” Hindi ko nakuha ang sinabi ni mommy kaya nangunguso na lang akong napatingin sa cellphone ko. Talaga bang walang cell site na malapit sa lugar? "Switzel." Dali-dali na akong naglakad nang tawagin ako ni mommy. Hindi ko namalayan na medyo nakakalayo na sila ni daddy. Nang tuluyan kaming makalapit sa lugar, walang gate o kung ano na bumungad sa amin. The arc type doorway engraved with gold letters that says Royalties Magical Academy at ang iilang estudyanteng naroon ang bumungad sa amin. Hindi ako maalam sa mga building pero ang lugar na ito ay parang isa sa mga buildings na makikita sa England. Halos bricks ang labas samantalang made of woods naman ang floor sa loob and I can say, hindi ito basta-bastang klase lang ng wood. Some designs inside are mostly made of deeply carved wood. May touch din ng ginto at silver sa loob. Twisted forms of embellishments were evident. Everybody's busy on what they're doing kaya iilan lang ang pumansin sa presensya namin nina mommy. Ang iilan ay nagawa pa akong tignan mula ulo hanggang paa. Weird school name and weird people. Nagtuloy-tuloy lang kami sa hallway ng school na 'yon hanggang sa pumasok sina Mommy at Daddy sa Head Office. Agad din akong sumunod sa loob dahil hindi ko na ata kayang tagalan ang tingin ng mga tao sa labas. "Good afternoon, Valderamas," bungad no’ng lalaking nakaupo sa swivel chair, nakatalikod sa gawi namin. Agad naman siyang humarap 'tsaka kami nginitian. "Alam mo na ang sadya namin, sir Orquez," ani Daddy at hinila ako papalapit kaniya. "This is Switzel, our daughter," he added. "Beautiful," ani Sir Orquez then he smiled at me. Don't tell me, may pagnanasa siya sa akin?! Ew!  "The time is near..." I noticed how Mommy hesitated. "Wala pa siyang alam so please, sabihin at ipaliwanag n'yo sa kaniya nang paunti-unti. Huwag niyo siyang bibiglain," she added. "We will," tugon ni sir Orquez 'tsaka muling tumingin sa akin. "Welcome to RMA, Ms. Switzel Valderama." "Thank you, sir," yumuko pa ako nang konti bilang paggalang. He smiled then in a snapped, he's handing a paper to me. Halos balutin ng takot ang sistema ko dahil hindi ko man lang nakitang gumalaw ang kamay niya o ano. "This will be your guide rito sa RMA. The place where magic begins at 16th..." he smiled again. I don't know what he's talking about but I accepted the paper at mabilis na tumabi kay Mommy. Nang buklatin ko iyon, lumitaw ang isang I.D na naroon. Kumpleto mula sa pangalan at iba pang importanteng detalye tungkol sa akin. Sa likod ay isang key card na may nakaukit din na pangalan ko. Nang suriin ko ang papel, mapa ang nakita kong nakalagay roon. I looked at him and I saw how his smile became wide. Nagdulot ito ng kakaibang kaba sa loob-loob ko. "Brixx will accompany you sa girl's dormitory, Valderamas," ani sir Orquez at pumasok sa office ang isang lalaking may suot na black suit. Sosyal! "This way, please," sabi no’ng Brixx sa amin at naglakad na rin palabas. Para siyang isa sa mga men in black. Pumasok siya para lumabas ulit. Pfft! Agad naman akong sumunod sa kaniya dahil hindi ko gusto ang vibe sa loob ng opisina ni sir Orquez. Dire-diretso kami hanggang sa makatagos kami sa isa pang arkong doorway. Halos mapanganga ako sa laki ng RMA. May malawak na open court sa gitna at may mini garden na mayroong fountain sa dulo ang napapalibutan ng sari-saring building. Sa hindi kalayuan ay may nakita pa akong isang lugar na iba ang disenyo kesa sa mga building na nakikita ko. It has this silver accent and a semi-circle roof na gawa rin sa metal or whatsoever. It was very modern and it shines when rays of sun strikes it. Tuloy-tuloy lang ang lakad namin ngunit sa bawat madadaanan, hindi ko mapigilang mamangha. Kumpleto ang RMA sa kung ano-anong bilihan na naisin mo. Para itong isang paaralan na may sariling mundo. Iyog hindi mo mararamdaman na malayo ka sa kabihasnan dahil moderno rin ang loob. Ngunit agad din akong napangiwi nang marating namin ang dulo ay wala pa rin akong nakikitang fast food chains. Hindi ata uso sa kanila ang Jollibee o McDo.  Nakarating kami sa isang building na may dalawang entrance. The doors were made of a special type of wood, I must say. Gold letters din ang nakaengraved dito. Sa kaliwa kami dumaan dahil iyon daw ang girl's dormitory. Ang nasa kabila, ayon sa mapa dahil hindi nagsasalita si Brixx, ay ang boy's dormitory. Hanggang doon, pinagtitinginan pa rin kami. Siguro'y nababother sila sa presensya namin o hindi naman kaya'y dahil sa cute na hello kitty design ng maleta ko. Oo na, ako na ang soon to be 16 years old na isip bata. Sumakay kami ng elevator at pinindot ni Brixx 'yong '36'. Grabe lang! Floor 36 pa ang magiging kwarto ko?! p*****n 'to everyday ganern? "Kuya Brixx," tawag ko rito, agad niya akong nilingon. "Floor 36 pa ang kwarto ko?" "Number thirty six means third floor, hallway number six," inalis niya rin agad ang tingin niya sa akin. Napanguso naman ako sa nalaman. Nang makababa kami ng elevator, ilang pasikot-sikot pa ang dinaanan namin hanggang sa makarating kami sa isang kwarto na may naka-engraved na 2390 sa pinto nito. In all fairness, napanindigan ni kuya Brixx na hindi kami kibuin. Mukhang hindi uso sa gaya nila ang makipagsocialize and I can relate. I pressed my lips nang bigla niya kaming lingunin.  "This will be your room, miss Valderama. Tap your key card to lock or to unlock it. Isa pa, kung ano ang room number mo, ayon din ang missing four numbers sa student number mo. Welcome to RMA," paliwanag ni Brixx na medyo nagpaamaze sa akin dahil hi-tech na pala sila rito. Hindi kasi halata sa lugar. Pansin ko na lumingon ito nang bahagya kina mommy at daddy. "Hanggang dito na lang po kayo." Mom let out a sigh 'tsaka yumakap sa akin. Gano'n din ang ginawa ni Daddy. Ngayon pa lag, alam kong mamimiss ko sila pareho. "Take care of yourself, okay? We can't be here on your birthday. I'm sorry," ani Mommy. "It's okay, mom. Take care also." "Huwag kang magpapabaya, ha?" ani Daddy. I nodded then chuckled lightly. "Hindi po, dad." Mom pinched my cheeks lightly. "I'll miss you." "Magkikita pa naman po tayo, right? I can't wait to see you both again!" my voice was full of excitement pero nagpalitan lang ng tingin sina mommy at daddy. "Okay lang naman sa akin if busy po kayo. I can handle myself po." "We don't know kung kailan kami makakabalik," ani mommy.  I nodded and tried my best to cheer up. Ayokong mag-alala sila sa akin. "It's okay, mommy. Big girl na ako." They chuckled because of what I told them. "Walang big girl ang gumagamit ng hello kitty na maleta, Switzel," ani daddy.  "That...well, that can't be worked out." Sandali pa kaming nag-usap bago napagdesisyonan nina mommy na magpaalam na sa akin. I bid goodbye and hugged them 'tsaka malungkot na tinanaw na lang ang likod nila nang isama na ulit sila ni Brixx pababa. Pinasok ko na ang mga gamit ko sa magiging kwarto ko. It's cute. Color pink and blue kasi ang color ng room. I checked the bathroom and I was surprised to see na may bath tub sila roon. Everything was very modernized, iyong building na lang nila ang hindi. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko, I looked at the window and I was amazed again by the view. I still can't believe na sa ganitong environment na ako gagalaw. Abalang-abala sa kani-kanilang mga ginagawa ang mga estudyante na nasa baba. Napaiwas ako ng tingin nang may isang babae ang tumingin sa gawi ko. In a snapped, the window closed. Napaatras ako dahil sa nangyari. What did just happen? I can feel my heart racing. There's something that tells me that this school is not an ordinary one. There's something strange happening and I will find out about it tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD