"N-nakausap ko si Kaptan" "Ano?" Gulat na tanong ko. Imposibleng magpakita sa kanya si Ama. Napakatagal na panahon ko itong hinahanap at ni isang bakas ng paa niya ay wala akong natagpuan. "Matagal ng hindi nagpapakita si ama sa kahit kanino. Ano'ng sabi niya sayo?" "Binalaan niya ako na mapapahamak ako kapag hindi kita nilayuan. P-pero bumalik ako kasi...Juan Carlos bumalik ako kasi m-ma-" Hindi ko na hinintay ang mga susunod niya pang sasabihin. Parang may mali sa mga nangyayari. At kailangan kong malaman kung ano iyon. "Ally makinig ka, ihahatid kita pabalik sa resort. Wag kang aalis doon hanggat hindi ako ang pumunta sa'yo. Naiintindihan mo ba? Delikado ang buhay mo kaya mas mabuti ng nandoon ka lang. May pupuntahan akong importante na pwedeng makatulong sa'tin" diretsa ko sambi

