Nakakatawa. Maaari na pala akong mamatay. Limampung taon na pala ang nakakalipas simula ng parusahan ako ni Ina. Kinuha niya sa'kin ang kapangyarihan ko at ginawa akong mortal at ikinulong ako sa isang madilim at parisukat na silid. Noong panahon ding 'yon, kinuha niya sa'kin... ang lahat. "Lalabas ka ba o hindi?" Malakas ang sigaw ng LiGwardiya at dumagundong sa loob ng selda. Pero hindi pa rin ako kumibo. Mas mabuti na rin ang isara niya lang ang pintuan dahil wala na rin naman akong planong lumabas. "Umalis ka riyan!" Narinig ko ang boses ng isang babae. "Paumanhin Lalahon" sagot ng LiGwardiya. Narinig ko ang mabilis na pagkaripas nito sa pagtakbo palayo. Naglakad si Lalahon, ang nakakatatanda kong kapatid sa loob ng selda. Papalapit na sa akin ang mga yabag ng paa niya ngunit p

