Ang tagal ko 'tong hinintay Allysandra. Ang makaharap ka sa pagkakataong hindi ko na kailangan pang magpanggap na kaibigan mo. Dahil ang totoo gustong-gusto na kitang patayin" "Hindi mo kailangan magkunwari dahil ang kagaya mo, magpanggap man o hindi, wala ka pa ring kwenta!" I didn't give a damn about her anymore. Hindi ko lang lubos akalain na pinaniwalaan ko siya at tinuring ko siyang kaibigan. I have a very few friends and it turns out I chose a wrong one. "Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! Isa ka lang hamak na mortal, mahina at walang silbi!" "Ooh, mahina nga ako! Pero ikaw Dalikamata, ano sa tingin mo ang tawag sa isang kagaya mo? Makapangyarihan ka nga, diyosa ka nga... pero duwag ka. Alam mo ba kung bakit? Dahil mapagpanggap ka! At ang tanging nilalabanan mo ay

