Nagising ako na tahimik na ang paligid. Nasa isang kwarto ako na puno ng color violet. Tiningnan ko ang relo ko. Alas tres na ng madaling araw. Siguradong hinahanap na ako ni Tita ngayon. Tumayo ako at dahan-dahang pinihit ang pintuan. Ng makalabas, nakita ko si Juan Carlos na natutulog sa isang mahabang upuan sa sala habang nakapatong ang kamay sa noo. Juan Carlos being Juan Carlos, his face was peaceful and still f*cking handsome. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako nag desisyong tumakas. Kung hindi nila ako matutulungan ng kapatid niya, gagawin ko 'to ng mag isa. Bahala na. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng tree house, making sure that my every step won't create a creaking sound. Pero nakakatatlong hakbang palang ako ng may humawak sa braso ko at hinatak ako pabalik. "Saa

