Chapter 11: The Curse

2901 Words
"Si-sino?" naguguluhan kong tanong. Of all the things I want to hear, that was the least I expected. Why would a goddess know me in the first place? At bakit niya ako gustong makita? He smiled at me. "Mas mainam ng ikaw na mismo ang umalam" I rolled my eyes and puffed air. Ayan na naman siya, starting to flood me with questions. What is it with him and not directly answering questions? Yeah, I know he's a god, but is that required? Kailangan ba talaga na ang lahat ng bagay ay may palaisipan? Baka mamaya ialay niya pa ako sa kung sino mang diyosa yang sinasabi niya. I just hope she's nothing like those evil goddessess out there. "Sige, so saan natin siya pupuntahan?" I asked. He didn't respond and just wrapped his arm around my waist. My eyes widened. I was surprised of what he did that I wasn't able to talk. Napatingin lang ako sa kanya dahil sa bigla. Tumingin siya sakin at ngumuti. I felt fluttering in my stomach. His face was so close I can smell his fresh breath. Parang hindi ako makahinga dahil na co-concious ako. "Kumapit ka sakin. Malayo layo pupuntahan natin" What happened next was hard to explain. Something shimmered behind him like fireflies. Madilim ang paligid but he seemed to be glowing. Then the glow began to take shape, forming feathers. And I realized what is happening. He is growing wings! I mean literal wings. Brown and black feathers with, wait! Are those gold? What the h*ll, it was gold. They were so beautiful and quite enormous that I was left in awe. Napanganga nalang ako habang tinitingnan ang pakpak niya. Damm*t, now that's a god I'm looking at! I think I'm about to faint. Sa mga movies ko lang nakikita ang mga ganitong bagay pero ngayon nasa harapan ko na. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksiyon ko. It was just marvelous. Mas gumwapo yata siya lalo. 'Yoko na, uuwi na'ko. Masyado na siyang perfect. "Ally..." he called my name which made me twitch. "Yeah! Where were we again?" "Okay kalang ba? Ang sabi ko, kumapit ka sakin" I did what he told me to do. I wrapped my arms around his body and without warning he flapped his wings and we went zooming in the air which made me scream. Within seconds, we were already flying. I can feel the cold wind brushing against my skin. I closed my eyes since I have fear of heights. I tightened my grip on his body, afraid that I might fall. "Ally, kumalma ka. Hindi ako makahinga" he chuckled. "Wag kang matakot. Hindi kita ihuhulog. Magtiwala ka kasi sakin" he whispered. His words were soothing like they've always been. I relaxed and loosened my grip a bit but I kept my eyes closed. I knew in my mind that we are already hundreds of feet from the ground. Baka pag tumingin ako, bigla nalang akong himatayin. Then I felt that he had stopped flying though I can still still hear his wings flapping. "Alam mo, mas maganda kong hindi ka pumikit. Tingnan mo oh, mayaman sa mga bituin ang langit ngayon" sabi niya habang hawak-hawak ako. Ayan na naman siya sa lalim ng tagalog niya. Yet as he spoke, I couldn't fight the urge to open my eyes kaya dumilat ako. He was smiling while facing the night sky. I stared at him for a moment before looking at the sky. He was right. The sky was filled with billions of stars, twinkling and sparkling. I never had a view like this in the city. Masyado kasing polluted ang hangin doon at nagsisitaasan ang mga building kaya bihira lang makapag sightseeing. "They're so beautiful" I whispered. "I want to pick one" I gigled and tried to reach for one kahit imposible. It was a wonderful experience. Ang dami talagang bagay na hindi ko nagagawa sa Maynila pero dito ko lang nagawa. Thanks to this person with me- er? god. He giggled which made me turn to him. Napalingon din siya sakin and our eyes met. His smile slowly faded and his face turned serious. My heart was beating so fast and so wild and my stomach feels odd. His eyes were so intense at the moment kaya hindi ko na nakayanang tumitig pa. I lowered my gaze down to the ground and watched the community lights instead. It was awkward for me. Here we are, a hundred feet in the air, holding and staring at each other under the light of a billion stars? It could've been romantic, right? Except that it isn't. It felt weird and I don't have a logical explanation to it. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko at inilapit ang mukha niya sa may leeg ko. I started to shiver. "Tara na?" Bulong niya sakin. I nodded and we continued to travel for the night. We landed on a deep part of the forest. Juan Carlos' wings started to disappear after we touched the ground. Masyadong madilim kaya kumapit parin ako sa braso niya. Pero nagulat ako ng magsimula kaming maglakad. The path was glowing a faint purple color as we step on it. Ganun din ang bawat madaanan naming mga puno, at mga halaman. In like a meter or two ahead and a meter behind, the path glows. Sumusunod lang sa bawat yapak namin ang liwanag. Then flowers started to glow the same purplish colors beside the path. They were like neon flowers, pwedeng gawing flashlight dahil sa liwanag ng mga ito. "Nandito na tayo" untag ni Juan Carlos sakin. We reached a huge purple tree house on an enormous balite tree. Ewan ko, hindi ako expert sa names ng mga puno pero alam kong yun tawag dun. Pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga engkanto, chuchu. I know a thing or two about superstitions. Sumunod lang ako kay Juan Carlos hanggang makaakyat kami sa tree house. It was no ordinary tree house. It was elegantly decorated with different flowers I have never seen before. Most of them are violet or lavander in color. The curtains are also lavender. The interior was cute and enchanting. Glowing and glimmering crystals lie on different corners of the house. "Maligayang pagdating sa aking munting tahanan" A beautiful, I mean not just beautiful but extremely beautiful woman emerged from behind the lavander curtains. She was wearing a violet dress matched with a violet headress with blue and violet crystals. She was so fair and her skin is like porcelain. She had a long, wavy black hair and eyelashes that are long and thick. Lumapit siya kay Juan Carlos at yumakap. "Aglawin, diyos ng Hangin, aking kapatid napasyal ka" she smiled at Juan Carlos. Mas gumanda siya ng ngumiti. Napapasanaol nalang tuloy ako. Teka, tinawag niyang kapatid si Juan Carlos? Now that explains why she looks like that. Beauty runs in their blood. Yumakap din si Carlos sa kanya. "Kailangan namin ang tulong mo" seryosong saad nito sa kapatid. Humarap sa'kin ang diyosa. Hanggang ngayon napapanganga parin ako sa ganda niya. May hawig nga siya ng kunti kay Juan Carlos. Lumapit siya sakin at masuyong ngumiti. "Allysandra, sa wakas nagkita din tayo. Halika maupo ka" she gestured me into a cute, round, purple table with cute purple chairs. Lumingon ako kay Juan Carlos na nakasandal sa may bintana. He just gave me a nod and gestured me to follow his sister. Humarap ako sa diyosa at sa lamesa. To my surprise, the chairs moved by themselves from under the table. "Maupo ka" sabi niya ulit when she saw me hesitated. She sat on a chair kaya umupo nalang din ako. Baka parang sa Beauty in the Beast ganap ng mga gamit dito, may buhay. "Allysandra" she said and smiled. "Nagagalak akong nakarating kang ligtas sa lugar na ito" Kumunot ang noo ko. "Marahil nagtataka kung paano kita nakilala." Mas kumunot ang noo. Parang naririnig niya yata ang iniisip ko o masyadong halata lang talaga sa mukha ko ang pagtataka ko. She laughed softly. "Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko sa'yo. Ako si Dalikamata, ang diyosa ng Isip at mga Panaginip. Tama ang hinala mo Allysandra, nababasa ko ang isip mo" My eyes widened. What? " 'Wag kang mag alala. Wala akong gagawing masama sa iyo" I calmed myself and tried not to think of stupid things at baka sabihin niya pa sa kapatid niya. Then I'm doomed. "So, matutulungan mo ako?" I asked. She nodded. "Kaya kong kontrolin ang isip ng tao kung gugustohin ko. Kaya, kaya kong burahin sa ala ala ng lahat ang tungkol sa video mo at sa mga pangyayaring may kinalaman doon. Iyon ay kung gugustohin mo." "Pa'no yung video? Kahit naman burahin mo yun sa alaala nila, nasa social media na yun. Makikita parin nila yun" I explained, trying hard not to provoke the goddess. "Ah, ang makabagong teknolohiya ng mga tao. Kaya ko rin yung burahin para sa iyo. Iyon ba ang gusto mo?" Tumango ako. Dalikamata smiled genuinely at me and waved her hand in the air. Napansin ko ang mata sa gitna ng palad niya. The air shimmered in violet light as her hand moved. "Nagawa ko na" Ha? Yun na yun? Tumango siya. Ooh nga pala. She can read my thoughts. Hindi lang kasi ako makapaniwala na ganun lang yun kadali. I was expecting something a little bit dramatic, hindi pala. Yun lang pala talaga yun. "So, pagbalik ko, normal na ulit lahat?" I was just trying to be sure. Lam niyo na... "Parang walang nangyari" she grinned. "M-maraming salamat" I said and smiled at her. "Uhm, can I ask you something?" Kinapalan ko na ang mukha ko. "Paano mo ako nakilala" Tumitig sakin si Dalikamata at lumingon kay Juan Carlos na walang emosyon ang mukha at nakatitig lang sa amin. Napalingon ako sa kanya at naisip ko na baka ichinika na'ko nito sa kapatid niya. "Matagal ka na naming kilala Allysandra. Pero hindi ako ang una. Ang kapatid ko ang unang nakakita sayo at nabanggit ka niya sa akin. Marahil hindi mo na naalala ang tagpong iyon dahil binura na ito sa'yo. Hayaan mong ipa alala ko sayo" she waved her hand infront of my face and the violet light shimmered again. Then the visions came out so fast. Like a flood na parang nag flash in a fast forward sa harapan ko ang lahat. When the vision stopped, napatingin ako ng diretso kay Dalikamata at lumingon ako kay Juan Carlos. "Y-you...you we're that kuya I was looking for every afternoon. That tall guy I met in the beach. Ikaw yun." I didn't know what to say. He was the man in my dreams, the one I unconciously draw. He was the person I always dreamt of. He just nodded. "Ibig sabihin, alam mo na kung sino ako noong una tayong nagkita?" I asked him. He shook his head. "Hindi. Nung muntik ka ng matuklaw ni Arapayan, nakita ko yang nasa kamay mo. Dun ko na alala kung sino ka." He explained and I stared down at my hand bracelet with my name on it. "Arapayan?" Nanlaki ang mga mata ni Dalikamata. "Muntik ka niyang matuklaw?" Tanong niya sakin na ikinakunot ng noo ko. I turned back to the goddess. "Yeah, pero tinulungan ako ni Juan Carlos" "Allysandra, alam mo bang si Arapayan ay ang diyos ng Lason?" Great, so I almost got killed by a god! Thanks for letting me know. "Kaya niyang magbago ng anyo. Minsan ahas, minsan tao. Mabuti nalang at hindi ka napahamak" "Yeah, I got help" I smiled shyly. "Talagang napalapit na sayo si Aglawin. Tatalikuran niya na sana ang mundo ng mga mortal pero dumating ka" she smiled which confused me even more. "Ng araw na yun na nakita mo siya, isang linggo palang na nakakalaya ang kapatid ko mula sa sumpa ni Maguayen. Pupuntahan niya sana ang lugar kung saan nawala si Ariella pero hindi inaasahang nakita mo siya. Isang pangyayaring ikinapahamak mo. May sumpa si Maguayen sa mga taong nagkakaroon ng koneksiyon sa aming mga diyos kaya may nangyayaring masama sa kanila" paliwanang ni Dalikamata. "Kagaya ng nangyari kay Ariella" sambit ko. May kong anong kumirot sa puso ko ng sabihin yun. Hindi ko alam pero napalingon ako kay Juan Carlos na nakatingin sa labas ng bahay at lumayo sa amin. "Ako ang nagbigay ng mga panaginip na hindi mo maipalawanag dati Allysandra. At sa pamamagitan ng panaginip, ipinakita ko sa'yo ang kasamaan ni Maguayen, ang diyosa ng Dagat at Kamatayan. Nakita mo kung ano ang ginawa niya sa kapatid ko at kay Ariella. Umasa ako noon na sa pamamagitan nun, maiintindihan mo ang lahat" Hindi ko alam kong anong magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. Mas naging komplikado para sakin ang lahat. Pero naging malinaw yung part sa kung bakit pilit akong pinapaalis ni Juan Carlos mula pa noong bata pa ako. Ayaw niyang may mapahamak pa sa sumpa ni Maguayen. "Bakit naman gagawin ni Maguayen ang ganung bagay? Bakit ganoon na lang ang galit niya sa mga tulad ko? Sabihin na nating likas siyang masama. But that's so lame is she had no reason for doing that" I pointed out. Hindi ko napansin ang paglapit ni Juan Carlos sa'min. Umupo siya ulit dun sa may bintana at seryosong tumingin sa kapatid niya na mukhang kinakabahan. "Sabihin mo sa kanya ang totoo. Karapatan niyang malaman ang lahat" saad niya kay Dalikamata. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero humarap sakin ang diyosa. "Makinig kang mabuti Allysandra" seryosong saad ng diyosa. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. "Tama ka, may isang mabigat na rason si Maguayen kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa mga mortal. Noon, payapang namumuhay ang mga diyos sa mundo at maaari naming tulungan ang mga tao. Hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang nagdulot ng pagbabago sa lahat. Si Kaptan, ang Haring diyos na pinuno naming lahat ay umibig sa isang mortal. Nagpanggap siyang isang mortal na lalaki at napaibig niya ang babae. Ng malaman ng babae ang tunay na katauhan ni Kaptan inalok niya ito ng imortalidad pero natakot ito at tinalikuran niya ang diyos ng Himpapawid" "Lumayo ang babae sa diyos at may nakilala siyang lalaking mortal din kung saan nahulog ang loob niya. Lubosang nasaktan ang diyos sa ginawa ng babae kaya umalis siya. Iniwan niya ang kaharian ng mga diyos sa kamay ni Maguayen na kanyang asawa at hindi na siya nakita pang muli. Walang kaalam-alam si Maguayen sa babaeng minahal ni Kaptan kaya ng malaman niya na ang dahilan ng pag iwan ni Kaptan sa kanya ay isang mortal, hinanap niya ito. At sa araw mismo ng kasal nito, isinumpa niya ang dalawa. At ang babaeng yun Allysandra ay si Mercedes Rodriguez, ang iyong lola" Nagkaroon ng koneksiyon si lola sa isang diyos? Parang ang hirap naman yata i process ang mga sinasabi ni Dalikamata. "Ng araw ng kasal ni Mercedes kay Eduardo Guevarra na lolo mo, nagpakita sa kanila si Maguayen at nag iwan ang diyosa ng sumpa sa pamilya ninyo" patuloy niya. "A-anong sumpa?" Kabado kong tanong. Gaya ba yun ng sumpa na ipanataw niya kay Ariella? "Ang bawat asawang lalaki sa pamilya ninyo ay hindi aabot sa edad na limampu at mamamatay. Dahil iyon sa pag iwan ni Kaptan sa kanya, nais niyang maranasan din ng bawat babae sa pamilya ninyo ang mawalan. Kaya maagang nawala ang lolo mo at ang asawa ng tiyahin mo" Agad akong nakaramdam ng kaba. Isang tao ang kaagad pumasok sa isip ko. Si Daddy. "T-teka, yung d-daddy ko! Malapit na ang birthday niya! He's turning 50! Ibig sabihin ba m-may masamang mangyayari sa k-kanya?" I started to panic. Kumakabog ang dibdib ko ng pagkalakas lakas. Please wag yung daddy ko. Please. Dalikamata gave me a gloomy look. "Please not my dad! I have to save him! I need to warn him" I immediately stood up and headed for the door pero pinigilan ako ni Juan Carlos. He grabbed my arm. "Allysandra, hindi mo malalabanan ang sumpa ni Maguayen" seryosong saad niya. I pushed him away. "Ano bang pinagsasabi mo? Are you saying that I should just let my dad die?" Singhal ko sa kanya. How could he say that to me? "Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ang gusto kong maintindihan mo ay hindi mo mababago ang sumpa. Marami na ang sumubok. Akala mo ba walang ginawa ang lolo mo? Ginawa ni Eduardo ang lahat para mawala ang sumpa pero makapangyarihan si Maguayen" seryoso ang mukha niyang nakatutok sa'kin. "So anong gusto mong gawin ko? Hayaan nalang mamatay ang daddy ko ganun? For f*ck's sake Juan Carlos! He's my dad!" "Tama si Aglawin, Allysandra. Hindi mo malalabanan ang sumpa" Dalikamata said with sad eyes. Naiiyak na ako. I want to make sure my family was safe. Hinarap ko sila. "Why are you talking like there's no hope at all?" I cried. "Na parang walang ng ibang paraan! Carlos, you're a god! You both are! Bakit hindi niyo labanan si Maguayen? Pinatay niya si Ariella, bakit hindi mo siya ipaghiganti?" I yelled at him. I should probably refrain from yelling at gods but I can't help it. It's my parents lives we're talking about here. "Hindi ganun kadali yun, Allysandra" mahinang sabi ni Dalikamata na napaupo sa silya. Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Bakit hindi? Mga diyos din kayo! Gaya niya, may kapangyarihan kayo! Imortal din kayo! Bakit hindi madali?" "Dahil ina namin si Maguayen" Juan Carlos said in a cold voice. Napaharap ako sa kanya dahil sa gulat. Ina niya si Maguayen? Ang diyosa ng Kamatayan na nagsumpa sa babaeng minahal niya at sa pamilya ko? This can't be happening...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD