"Hindi namin siya kayang labanan. Masyado siyang malakas at makapangyarihan. Minsan ko na siyang sinuway at nilabanan. Pero wala akong nagawa. Allysandra, hindi madaling kaaway si Maguayen" patuloy ni Juan Carlos.
"Wala akong pakialam! Kailangan kong iligtas ang daddy ko!" Sigaw ko sa kanya at nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya. Binitiwan ako ni Carlos pero hindi pa ako nakakahakbang ng hawakan ni Dalikamata ang likod ng ulo ko at biglang nagdilim ang lahat.
***
Nagising ako na tahimik na ang paligid. Nasa isang kwarto ako na puno ng color violet. Tiningnan ko ang relo ko. Alas tres na ng madaling araw. Siguradong hinahanap na ako ni Tita ngayon. Tumayo ako at dahan-dahang pinihit ang pintuan. Ng makalabas, nakita ko si Juan Carlos na natutulog sa isang mahabang upuan sa sala habang nakapatong ang kamay sa noo.
Juan Carlos being Juan Carlos, his face was peaceful and still f*cking handsome. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako nag desisyong tumakas. Kung hindi nila ako matutulungan ng kapatid niya, gagawin ko 'to ng mag isa. Bahala na.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng tree house, making sure that my every step won't create a creaking sound. Pero nakakatatlong hakbang palang ako ng may humawak sa braso ko at hinatak ako pabalik.
"Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong niya sakin.
Masama ko siyang tiningnan. "Uuwi na ako! Kung hindi niyo ako tutulungan, ako nalang!" Singhal ko at pilit na tinanggal ang pagkakahawak niya.
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Uuwi kana? Sa'n kanaman pupunta? Ally nasa kalagitnaan ka ng gubat. Pa'no ka uuwi? Madaling araw palang at madilim. Sa tingin mo ba hindi ka mawawala?"
Nainis ako dahil may point siya. Pero nangibabaw ang emosyon at pride ko kaya tinalo nito ang isip ko.
"Wala akong pakialam! Anu ba!" I tried to free myself from his grip pero malakas siya na mas ikinainis ko.
"Allysandra, wag nang matigas ang ulo at baka mapahamak kapa" he replied calmly.
"Eh ano naman ngayon? Anong pakialam mo? Kung may mangyari sa'kin, ano naman? Juan Carlos anu ba! Pabayaan mo na ako!" I yelled.
Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Natahimik siya at naging seryoso ang mukha. Napasobra yata ang bibig ko pero hindi ko na rin binawi. Nasabi ko na eh.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko at matalim akong tinitigan. Tapos tumingin siya sa malayo at bumuntong hininga.
"Ihahatid na kita"
Yun na ang huli niyang sinabi. Hinatid niya ako sa may resort pero wala na siyang sinabi dahil hindi na siya nagsalita ulit. Ng makatapak ako sa lupa, nilingon ko siya pero lumipad na siya palayo at iniwan ako. Hinayaan ko na lang siya. Agad akong tumakbo papunta sa beach house.
Wala ng guard sa beach house ng makauwi ako. Sarado na rin ang main door kaya sa kusina ako dumaan. Ingat na ingat ako sa paglalakad para hindi ako makagawa ng ingay. Kung nakikita ko siguro ang sarili ko, binato ko na! Tiyak mukha na akong akyat-bahay.
Nakarating ako sa kwarto ko. Tahimik ang loob and to my surprise, the sheets, the blanket and the curtains were in their proper places. Na para bang hindi ko yun ginamit ng tumakas ako kanina. I grabbed my phone na nasa side table. It was not where I left it. Wala na rin yung c***k na dahilan ng pagkahulog nito sa sahig. I turned on my phone. Nanginginig ang mga kamay ko but I was dying to make sure that the video is really gone.
It is. Wala na ang video. Hindi ko na siya ma search. Wala na rin sa phone ko ang mga text nila Freya, Brent at mommy. Isang goodnyt txt nalang mula kay Freya at kay Keith ang naroon. Dalikamata's hand waves really worked.
She and Juan Carlos/Aglawin are real. But they're gods and humans cannot see them. Or are not supposed to see them. Mahirap ipaliwanag ang lahat ng nangyayari at naguguluhan parin ako pero sigurado na ako ngayon na hindi sila dulot ng guni-guni ko. Everything about them is real.
But what bothered me most was Maguayen's curse upon my family. That was really lame. Hindi ba siya natuwa na tinalikuran ni lola yung asawa niya? Akala ko ako lang ang may koneksyon sa mga gaya nila. It turns out my grandparents had dealt with them before.
And now, delikado ang buhay ng daddy ko dahil sa sumpang yun. I can't let Maguayen take another person from my family. Not my dad! Not anyone!
I dialed dad's number pero international call yun kaya hindi ko siya natawagan. I messaged him on messenger pero offline siya. Agad kong tinawagan si mommy. It's almost 5 am kaya alam kong gising na yun. She's up early kaya hindi ako magkakaproblema sa pagtawag ng ganito kaaga. Her phone kept ringing but she won't pick up. Nakailang tawag na ako pero wala pa rin.
Humiga ako sa kama at itinext si Freya.
To Freya: call me when you read this. mwa!
I hit send and tried to dial Brent. Pero hindi ko rin siya ma contact. Tinawagan ko ulit si mommy pero hindi parin siya sumasagot. Hanggang sa hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako.
I woke up at about 2 pm and sobrang gutom na ako. Tumutunog na ang sikmura ko kaya agad akong bumaba kahit hindi pa ako nakakapag shower. Tita Marga was in the couch reading magazine ng maabotan ko siya. She smiled and winked at me then turned her attention back to the mag. Parang walang nangyari kagabi ah.
"Uhm Tita?"
"Yes ija" sagot niya habang nakatitig parin sa binabasa.
"Wala ba kayong nararamdaman? Like something wrong? Something weird?"
She closed the mag and stared at me with a raised brow. "Wala naman? Bakit?"
"Nothing" I grinned and walked straight into the kitchen. Buti nalang hindi niya na ako kinulit tungkol sa sinabi ko.
I went back to my room to take a shower when I finished eating. Kinuha ko ulit ang cellphone ko tinagawan ulit si mommy. And finally she picked the freaking phone.
[Mommy] hello? Ally? Thank God you called me! How are you? Are you okay? How's vacation? I hope you're doing great there with Ate Marga.
Agad niya akong tinadtad ng tanong. That's how my mom is. Occationally, I find it sweet though.
"I'm fine mom! I-Im just making sure everything is f-fine there in Manila"
Medyo nanginginig ang boses ko dahil naalala kona naman ang sumpa. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yun kasi magmumukha akong mongol.
[Mommy] oh, how sweet of you. Everything is fine here darling. And you're dad's gonna be home by tomorrow. His flight is tonight
Agad akong kinabahan. Dad's birthday is a week from now. He's turning 50. Nanginginig ang mga kamay ko ang I'm starting to feel cold kahit naka off yung aircon.
"M-mom? I-I think it'd be best if dad should stay a couple of weeks in Paris" I nervously uttered.
[Mommy] why? Tapos na ang trip ng daddy mo. And it's his birthday next week. He should come home. We're actually planning to celebrate his birthday there with you. Your dad misses you Ally and I know you miss him too.
Oh no! Wag dito please. Mas mapapalapit sa panganib ang buhay ng pamilya ko dito. I tried to think of a way na hindi mapauwi ang daddy ko. Kahit anong palusot basta hindi muna siya umowi until his birthday.
"I miss dad too mom but uhm...well...oh! My favorite designer Louis Vuitton is going to launch their new line of bags in two weeks! Yeah! And i-it's limited edition mommy. Maybe you could talk to dad about it? Please?"
My parents are strict but they lavish me with everything I want kaya medyo tumaas ang confidence ko na mag wo-work ang plano ko.
[Mommy] Your dad doesn't have to stay in Paris to wait for it, you can still get it online. I can order you the bag that you want kapag nag launch na sila.
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko na alam kong ano pang sasabihin ko para makumbinse si mommy na hindi na muna pauwiin si daddy.
"Mom, listen" I said. "It's not safe for dad to travel right now" Bahala na kung anong isipin niya. Ang importante hindi mapahamak ang tatay ko.
[Mommy] what? Ally I can't hear you. I think you're losing your signal
"Mom, hindi pwedeng umuwi si dad ngayon please makinig ka. It's not safe."
[Mommy] Ally? Hello? I can't hear you
"Hello? Mommy? Mommy! Dad can't go home! Mom! Hello!"
Toot---toot--toot-
"Sh*t!"
Tuluyan ng nawala ang signal. Agad ko siyang tinawagan ulit pero hindi na siya ma-contact. Paulit ulit akong napamura sa inis at sa kaba. Tinawagan ko din sina Brent at Freya pero ang dalawang kupal hindi sumasagot! Ano bang meron sa mga taong ito at hindi ako sinasagot? Nakakainis naman!
Uminom nalang ako ng tubig at hinintay ng bumalik na ang signal sa phone ko. Kailangan kong matawagan ulit si mommy.
Time seem to run fast habang nakatunganga ako sa kisame kasi hindi ko namalayan na gabi na. I glanced at my phone pero wala paring signal. Buysit! I irritatedly threw my phone on the other side of the bed. Ipinikit ko ang mga mata ko kaya hindi ko namalayang nakatulog ako ulit.
Nagising ako sa hindi malamang dahilan. Malakas ang kalabog ng dibdib ko at pinagpapawisan ako ng malamig. I went out of the room and headed to the kitchen para uminom ng tubig. It was 10 pm already. I poured myself a glass of cold water at naglakad pabalik sa kwarto ng marinig ko ang news reports sa tv.
"EuroPacific Airlines Flight C-727 crashes at Hayvoron, Ukraine just this evening taking the lives of all the 200 persons aboard the said plane. The plane was enroute from Paris, France to Manila, Philippines when it encountered a severe thurderstorm in the Ukrainian region. The aerial photographs taken by the drones sent by rescuers who are currently surveying the remains of the wreckage."
Nabitawan ko ang basong hawak ko at nabasag yun sa sahig dahilan para mapasigaw si Tita Marga at tumakbo patungo sakin. Pero hindi ko na yun pinansin. Agad nanghina ang mga tuhod ko ng makita ko ang mga pangalan ng mga sakay ng flight ng nag crash na eroplano.
117. Enrique Alvarez Herrera
I fell on the floor. My tears flowing in my eyes like river. Ang sakit sakit. I tried my best to save my dad pero wala parin akong nagawa. Napahagulgol nalang ako sa sahig kahit pa nasusugatan na ako sa basag na baso.
"Daddy...no!" I cried.
Tita Marga rushed to my aid at nilayo ako sa nabasag. She called out to the maid to clean the mess up. Niyakap niya ako. Naiiyak na rin siya habang tinitignan ang mga sinasabi ng reporter sa tv.
Hindi ko matanggap. Sobrang sakit. My dad doesn't deserve this. Our family doesn't deserve any of this! Hindi ako matigil sa pag iyak. I just lost another person in my life. I think I'm losing my mind. I cried so hard as Tita Marga hugged me and tried to comfort me. But it was no use. Wala na ang daddy ko. Dahil sa isang putanginang sumpa!
Kumalas ako sa yakap ni Tita which confused her. Tumayo ako at tumakbo sa kwarto ko. She followed me and kept calling out my name pero agad kong ni lock ang kwarto. She knocked on the door pero hindi kona pinansin. I just feel on the floor, crying so hard and wishing that this was all a nightmare.
Hours passed and I still can't contain my crying. It was too much to handle. Alam kong mangyayari to pero hindi ko inexpect na ganito kasakit. Boung buhay ko ang mga magulang ko lang ang nakasama ko. And it kills me to know that one of them is... gone.
But it was not just pain that weighs my chest. It was rage. That terrible feeling of anger. My emotions were so out of control that I wasn't able to think straight.
I got up and opened my drawer. Hawak-hawak ang flashlight at jacket ko, tumakbo ako palabas at palayo sa beach house. Tinahak ko ang madilim na dalampasigan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero alam ko na sa gagawin kong ito, hindi ko siya kailangan hanapin. Siya mismo ang magpapakita sa akin.
Malayo ng ang narating ko. Minsan pa akong nadapa ngunit mabilis akong tumayo at puno ng galit at hinanakit akong sumigaw sa kawalan.
"Maguayen! Maguayen lumabas ka!" Boung tapang kong tawag sa diyosa ng Kamatayan. Hindi ko na alam kong saan ko pa nakukuha ang lakas ng loob ko sa ginagawa kong ito. Ang alam ko lang, sobra ang nararamdaman kong galit sa kanya. My family doesn't every bit of her godd*mn curse!
"Maguayen!" My voice echoed in the dark. "Ano ba? Akala ko ba makapangyarihan ka! Putangina, ilabas mo sarili mo! Maguayen!" I yelled out as loud as I could.
"Alam mo bang hindi maganda ang hamakin ang isang diyosa? Maari mo yang ikapahamak" anang isang malamig na boses sa likuran ko.
Matapang akong humarap sa nagsalita at itinoon sa kanya ang flashlight ko na agad din namatay ang ilaw.
Tumambad sa harapan ko ang isang nakakasilaw na liwanag at lumitaw ang isang matangkad na lalaki. He had a long straight white hair and wears a white lioncloth with golden embroidery. Behind his back draped his white robes and he had a lot of gold jewelry, including his crown. He looked good even with his white hair. And at this moment, I knew it was not Maguayen whom I summoned.
"Sino ka?" I asked. He seemed to be a person in high authority. Pero mas nakakatakot parin ang presensya ni Maguayen.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Narito ako para balaan ka. Wag mo ng subukang labanan ang sumpa at lalong lalo na si Maguayen. Hindi mo alam kong anong kaya niyang gawin" direstsang sambit niya.
Agad sumirko ang dugo sa ulo ng marinig ang sinabi niya.
"Are you mad?" Singhal ko. "Pinatay niya ang lolo ko. Pinatay niya ang tito ko ang now she killed my dad! Ano? Hahayaan konalang mangyari pa yun sa ibang pamilya ko! Hindi!" I angrily shouted.
"Ija, ang tadhana ay tadhana. Hindi mo mababago yun." Naglakad siya palapit sa akin. "Hanggat humihinga si Maguayen, hindi mawawala ang sumpa. At hindi mo siya maaaring patayin. Isa siyang diyosa. Ano sa tingin mo ang laban mo sa kanya?"
Tama siya wala akong laban. Isa lang akong babaeng nawalan ng ama. Pero hindi ibig sabihin nun wala na akong karapatang hamonin siya.
"Wala akong pakialam! Edi patayin niya rin ako!" Sigaw ko ulit. "Ako nalang wag na ang pamilya ko!" My voice broke. Nasasaktan parin sa mga nangyayari.
Napailing ang lalaking nakaputi.
"Nangyari ang lahat ng ito dahil sa isang pagkakamali. Isang pag ibig na dapat ay hindi na umosbong." mahinang sambit niya. I can see pain in his eyes. Then I realized who I was talking to. The pieces started to fit together now.
"I-ikaw si Kaptan" gulat pero mahina kong saad.
Marahan siyang tumango.
"Hindi ko ginusto ang nangyari kay Mercedes. Humingi ako ng tawad sa kanya dahil nagsinungaling ako tungkol sa tunay kong pagkatao. Ginawa ko ang makakaya ko para itago siya at ang pamilya niya pero natagpuan parin sila ni Maguayen. At maski ako kay walang kakayahang baliin ang sumpa. Hindi ko napatawad ang sarili ko kaya umalis ako at hindi na nagpakita pa"
"Bakit hindi mo labanan si Maguayen? Asawa mo siya! Kayang kaya mo siyang labanan! Hari ka ng mga diyos!" Hindi ko alam kong bakit parang naduduwag siya sa asawa niya! Eh ang landiin ang lola ko at pagtaksilan ang asawa niya ay hindi niya ikinatakot.
"Hindi ganun kadali ang sinasabi mo. Marami kang hindi alam at hindi naiintindihan." Mariing sabi niya at biglang kumulog. "Makinig ka Allysandra. Bumalik ka sa Maynila! Talikuran mo ang lahat ng ito. Alam ko ang namumuong ugnayan ninyo ng anak ko! Talikuran mo si Aglawin at kalimutan mo na siya. Kung gusto mong maging tahimik ang buhay mo at ng pamilya mo, umalis ka na at wag ka ng babalik sa lugar na ito." Mariin niyag sabi at patuloy na kumulog at kumidlat.
"Gusto mong layuan ko si Juan Carlos" nahihirapan kong saad.
"Juan Carlos..." umiling ang diyos. "dala dala niya pa rin pala ang pangalan binigay sa kanya ng isang babaeng mortal."
Humarap si Kaptan sa dagat. Alam kong Ariella ang tinutukoy niyang mortal. So siya pala ang nagpangalan ng Juan Carlos kay Carlos.
"Makinig ka Allysandra" itinoon niya ulit sa akin ang atensyon niya. "hanggat napapalapit ka sa mga diyos, napapalapit ka rin sa kapahamakan. Tandaan mo yan"
"P-paano kung a-ayoko. P-paano kong...ayokong layuan s-si Aglawin." Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinawag sa pangalang nakasanayan ko.
Madilim akong tiningnan ni Kaptan. Gumuhit ang kidlat sa langit at kumulog ng malakas.
"Wag mong isiping hindi kita binalaan"
At naglaho siya sa paningin ko at bumuhos ang malakas na ulan...