Chapter 13: A Glint in the Dark

2573 Words
Naiwan ako sa unos na umiiyak. Sobrang sikip ng dibdib ko at parang hindi na ako makahinga. Umiyak ako hanggang sa wala ng tumutulong luha mula sa mga mata ko. Dahan-dahang tumila ang ulan at kahit basang-basa at nilalamig na ako ay hindi ko na 'yun pinansin. It hurts so much that I just lost my dad. I lost him dahil lang may isang diyosang hindi marunong magpatawad o maawa. Siguro nga tama si Kaptan. Kailangan ko ng talikuran at kalimutan ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya ko. Kabilang na si Carlos. Hindi ko alam kong bakit nasasaktan ako sa ideyang kailangan ko siyang layuan. Hindi ko parin maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa pagkakataong ito, isa lang ang alam kong dapat kong gawin. Ang isantabi ang nararamdaman ko at baka tuluyang mapahamak ang boung pamilya namin. Bou ang loob na tumayo ako mula sa buhangin. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. I took a series of deep breaths. Kailangan kong harapin ang pagsubok na ito. Mag isa si mommy sa Maynila and she needs me right now. It was almost dawn. Lumiliwanag na ang langit. I sadly stared at the sea. It pains me to leave everything behind. Pero kailangan. I closed my eyes and whispered something. I will never forget you... *** Ilang linggo na ang nakakaraan simula ng ilibing si daddy. At hanggang ngayon mahirap parin tanggapin ang nangyari. Lalo na't alam ko kung sino ang dapat sisihin. Pero wala din naman akong magagawa. Nangyari na ang nangyari. All I can do now is to be strong, not just for myself but also for my mom. Napadaan ako sa masters bedroom ng makarinig ako ng humahagulgol. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. "Enrique, bakit ngayon mo pa ako iniwan? Bakit?" My mom cried softly. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya. Napakapit sa'kin si mommy habang mahinang humihikbi. I gently rubbed her back to calm her down. This past few weeks, palagi kong nadadatnang umiiyak ang mommy ko habang yakap ang mga pictures ni dad. She's struggling. I know how much she loves my father kaya ganito kasakit sa kanya ang nangyari. Ayokong nakikitang ganito ang mommy ko. The pain she had endured from my lola's death to my dad's was too much to handle. Ganun nga kaya siguro ang nagmamahal, nasasaktan. Back then, I don't know much about the pain of loving and losing someone. Pero ng mawala si dad, lahat nagbago. Ngayon hindi ko na ma explain ang sakit. Wala na sigurong mas sasakit pa sa nawalan ng asawa at ama. Akala ko noon, masakit na ang pagkawala ni lola pero ngayong nawala si Daddy, hindi ko inakalang may mas sasakit pa pala. Freya came to visit me that night. Agad niya akong niyakap ng makapasok siya sa loob ng bahay. Having Freya and Brent as my support system lightens my burdens. Gumagaan ang pakiramdam ko 'pag kasama ko sila. "Do you want to go out? Para makapagpahangin ka naman. Palagi ka na lang nagkukulong dito eh" she said habang nasa loob kami ng kwarto ko. I shook my head. "Wag na Freya. Ano namang gagawin ko sa labas? And besides nandito si mommy. Kailangan niya ako" I explained. Freya smiled sadly at me. "Okay, pero kung gusto mong lumabas tawagan mo lang ako. I'm always here for you Ally. Kami ni Brent. Kung nandito lang din si Cynthia ay ganun din sasabihin nun. Basta wag mong pababayaan ang sarili mo ha?" She reached out for my hand and gently squeezed it. Then she went close to me and hugged me. "Freya ang sakit eh. Hindi ko manlang nasabi kay dad na mahal na mahal ko siya. Na kahit strict siya sakin thankful parin ako na sila ang parents ko. Hindi man lang ako nakapag sorry sa mga kasalanan ko. Freya...ang sakit talaga eh" I sobbed on her shoulder. She gently rubbed my back and let me cry. "Shhh. Alam ko naman na kahit hindi mo sabihin sa kanya, alam ng daddy mo na mahal mo siya. Cheer up, Ally. Magiging okay din ang lahat. Bukas makalawa mawawala na ang sakit. There's more to life than all the pain the world can offer" Tama siya. Hindi ko dapat ikulong ang sarili ko sa kalungkutan. Nandiyan pa si mommy. There's still so much in life. Hindi dito nagtatapos ang lahat. Pero ang tanong, kaya ko ba? Kaya ko bang maging masaya sa kabila ng lahat ng nangyari? Hindi ko alam. Kahit hindi sigurado, sinunod ko ang advise ni Freya. Sumama ako sa kanyang lumabas at marami kaming ginawa. I went with her on gatherings, concerts and parties para malibang ako. Pinagbigyan na ako mommy na lumabas dahil ayaw niya rin akong magmukmok lang sa bahay. "Oh Ally, shot mo na!" Inabot ni Denisse and shot glass sa'kin. Ilang araw na akong sumasama sa mga friends ni Freya pero medyo nahihirapan akong maka keep up. Sanay na sanay sila sa ganitong lifestyle at ako na ko-culture shock parin. Kinuha ko yun at ininum. Gumuhit kaagad sa lalamunan ko ang lasa nun kaya napangiwi ako. Ilang beses na nila akong pinainum pero hindi parin ako masanay. Ang bilis ko paring mahilo. "Hey Ally! Ano na? Kaya pa?" Andrea asked. Tumango ako kahit medyo nahihilo na ako. Pampitong shot ko palang yun ah! "Girls, let's go! Let's party!" Freya yelled. Naghiyawan ang mga kasama namin sa table at nagsitayuan. Yung iba agad ng sumayaw dun sa dancefloor. Masakit na ang ulo ko kaya hindi ako sumama. Nag paiwan ako sa couch. "Ally" Freya called out to me kaya nilingon ko siya. "Okay kalang?" Alala niyang tanong. I nodded and gave her a thumbs up. "Are you sure? I can drive you home if you want" "No no! I'm fine! Dito lang ako medyo nahihilo ako eh. But I'm good, no worries. Sige na sayaw kana dun" tulak ko sa kanya. "Okay, call me if you want to go home na" I smiled and told her to go back to her friends na nag-iingay na sa dancefloor. Andrea was even making out with a guy I knew she just met. Napasapo ako sa noo ko. I felt dizzy again. Ilang araw na akong palaging sumasama kay Freya sa pag aakalang mas magiging okay ako pero hindi parin ako naging masaya. I glanced at them before deciding to leave the place. Freya seemed to enjoy at pati rin ang mga friends niya. Pero ako, I still feel so empty. Hindi ako masaya. Tumayo ako at kinuha ang purse at jacket ko then lumabas na ako ng club. Hindi ko na tinawag si Freya, itetext konalang siya mamaya. Naglakad lakad na muna ako kasi wala pa naman akong planong umowi. Kahit medyo masakit ang ulo, I managed to walked properly. Malayo-layo narin ang nalakad ko ng makarating ako sa isang park. Maganda siya at maliwanag dahil maraming lamp post. I walked towards a bench to relax myself. Pag ganitong magulo ang isip ko, I find peace in beautiful sceneries. I just stared at the fountain infront of me and relaxed. Palagi kong nadadaanan ang lugar na ito papuntang school but I have never noticed it's beauty. May mga bagay talaga na kahit nasa harapan mo na, hindi mo pa rin nabibigyang pansin ang taglay nitong ganda at halaga. "Ang lalim ng iniisip natin ah" I turned to the person who spoke behind me and saw Keith. He was wearing a white t-shirt and black shorts. He smiled at me kaya nginitian ko na rin siya kahit medyo madilim ang paningin ko dahil sa tama ng alak. "Ikaw pala. Have a seat" alok ko. Umupo naman siya sa tabi ko. "If you don't mind, why is a girl like you sitting alone on a bench in the park at this hour of the night?" "Wala, nagpapalamig lang" I simply replied. "I heard about your dad. I'm so sorry" sambit niya. I smiled sadly at him. Pero ayaw kong pag usapan ang tungkol dun kaya iba tinanong ko. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" "Napadaan lang. Mag go-grocery kasi ako eh. Malapit lang kasi dito ang condo ko. Then I saw you. I wasn't even sure if it was really you kaya nilapitan kita. It turns out, ikaw naman pala talaga" "Nag aksaya kapa talaga ng oras para ma sigurado kong ako talaga 'to?" Natatawang tanong ko. "I won't call it a waste of time Ally" he shrugged. "What if hindi pala talaga ako kausap mo? What if imagination mo lang ako?" I grinned "Ha? May ganun ba?" He smiled and raised a brow. Then he pinched my cheek. "Totoo ka naman yata eh" "Yata? So you're not sure?" I raised a brow which made him laugh. "Sure ako" he pinched me again. Both cheeks this time. Para tuloy akong batang pinaglalaruan niya. "Totoong totoo ka nga eh" tumatawa pa siya habang pinipisil ang magkabila kong pisngi. Tuwang tuwa siya sa ginagawa niya kaya natawa na rin ako. Mas sasakit yata ang ulo ko sa ginagawa nitong si Keith. "Tama na yan! Lumalala hilo ko sayo eh!" Taboy ko. "Are you okay?" He asked at itinigil ang ginagawa niya. "Yeah, nakainom lang" "Akala ko ba hindi ka umiinom?" Tumaas ang kilay niya. "Sino naman nagsabi sa'yo?" Nagkibit balikat siya. "Freya talks so much about you" Oh, chinichika pala ako ng gaga sa pinsan niya. Hindi na ako na surprise. "Tara, libre kita ng kape. There's a coffee shop a block from here. They serve good capuccino. It'll help soothe the pain" alok niya at tumayo na. "Ayoko" "Ha?" Gulat na tanong niya. "I don't want coffee" I whispered, just enough for him to hear. Napailing nalang siya at nakangiting bumalik sa pagkakaupo. "So what exactly do you want?" "Ice cream" I pouted. Lumawak ang ngiti sa mukha ni Keith. "Ice cream?" I nodded. Napakamot siya sa ulo. "Okay, ice cream it is then" I jumped and grabbed him. Yung idea palang ng ice cream nakakapawala na ng hilo ko. Hinatak ko si Keith papasok sa convenience store na nasa harap lang ng park. Natatawa nalang siya habang hatak hatak ko ang braso niya. Agad akong naghanap ng favorite flavor ko- buko pandan my baby! Isa na lang ang natira kaya kinuha ko na agad at baka may iba pang bumili. Kumuha na rin si Keith ng chocolate flavor and he went to the counter to pay for it. After paying for the ice cream, bumalik kami sa bench na inupuan namin kanina and we started eating. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa may kung anong pumasok sa isip ko at nagtanong ako sa kanya. "Keith" "Yeah?" He asked and scooped on his ice cream. "Have you ever fall in love?" Hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang pagkain niya. Naging awkward tuloy ang atmosphere. Baka wrong question. Parang nagiging attitude kona yata ang pagtatanong ng hindi nag iisip. Eh sa yun gusto kong pag usapan eh! Uminom siya ng tubig at seryosong tinuon ang mata sa fountain sa harapan namin. "I have" Napatango ako. "What does love feel like?" Mahina kong tanong. "I don't exactly know" seryoso niyang sabi. "Mahirap naman kasing ipaliwanang eh. Natutuwa ka sa mga simpleng bagay at nasasaktan sa hindi mo maipaliwanag na dahilan. I guess people have different viewpoints on love. Ang alam ko lang, if you love someone nagiging masaya sa mga maliliit na bagay na hindi mo namamalayan. Just to see that person smile and be happy, kuntento kana. And if that person breaks your heart, the pain is overwhelming. But that's how love is, you need to feel the pain so you'd know that it was real. It's part of taking the risks" "If you love someone, would you take the risks?" I asked out of nowhere. "Of course I would. Nothing is plain easy in this world, Ally. Everything has risks. Pero sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Part lang ng pagmamahal ang masaktan. Kaya dapat kung magmahal ka, handa kang masaktan" makahulugan niyang sabi niya. "Kahit ikapahamak mo pa?" Humarap siya sakin na nakakunot ang noo. Pero humarap din siya pabalik sa fountain. "Loving someone takes everything out of you, Ally. Pero kung mahal mo hindi ka dapat matakot. Harapin mo ang nararamdaman mo. Whatever it is, I'm sure It'll lead you to the right place." "You sound like an expert" I said and finished my ice cream. "No I'm not" he chuckled. "I keep saying things like that pero hindi ko naman ma apply sa sarili ko. Pero baka sayo, baka ma apply mo" "I learned a thing or two" I chortled and smiled at him. Tiningnan niya lang ako at tahimik siyang tumingin sa semento. "Do you...love someone right now?" He whispered. The questioned startled me and I didn't know what to say. I have been asking myself about Carlos for quite a while. What exactly do I feel for him? Masaya ako kapag nakikita ko siya. Just by looking at him, I feel so real, so me, so calm and so safe. Sa maikling panahong nakilala ko siya, he made me feel things I can't explain. I have no idea if it was love already. I just know that I like being around him kahit hindi ko yun ikakabuti. Ng makaalis ako ng Samar, sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya. Akala ko ganun lang kadali yun kasi magkaibigan lang naman kami. But I was wrong. I feel so empty, like there's a void inside me that only his presence could fill. With what Keith told me about falling in love parang nadale nga yata ako. Noong mga nakaraang araw, palagi ko siyang naiisip at kahit itanggi ko pa sa sarili ko, hindi ko maiwasang ma miss siya. That calming yet mysterious aura, that catchy smile and the things he made me feel. Pero natatakot ako. Natatakot akong harapin ang nararamdam ko dahil sa pamilya ko. I have been warned by a god na layuan na si Carlos para sa ikabubuti ng lahat. "I-I don't know" sagot ko kay Keith. "It's kind of complicated" I heard him took a deep breath. "Kung ano man yan, Ally. Face it and fight for it." Tiningnan ko siya ng mariin. Am I ready? Am I ready to face my feelings? Ni hindi ko nga alam kong ganun din ang tingin sa'kin ni Carlos dahil sigurado akong mahal niya pa rin si Ariella. Sinabi niya yun sa mismong harapan ko. Paano kapag ipagtagboyan niya ako ulit? Masasaktan lang ako at mapapahamak lang ang pamilya ko. Humarap si Keith sakin na mukhang binabasa ang iniisip ko. His serious eyes pierced into mine. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Listen, Ally. If you love someone, don't even hesitate. Ano man ang kalabasan, at least nagmahal ka. Nagmahal ka ng buo at totoo. Yun ang mahalaga. The pain and the doubts are right at your doorstep but you don't have to worry too much. Hayaan mong magmahal ang puso mo" I stared at him. Maybe he was right. I shouldn't overthink on things. Masyadong fresh pa ang mga nangyari at hindi dapat ganito ang pinag iisip ko. Ang dapat kong gawin ay kalimutan si Juan Carlos. Tama! Kailangan kong alisin ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. This feeling won't do me any good. Kapahamakan ang dala ng pagmamahal ko sa kanya. Teka, did I just say pagmamahal? No, no. Hindi ko naman siya mahal. Stop lying to yourself Ally The voice in my head scolded. Napabuga ako ng hangin. Hindi pwede to! Dapat ko siyang kalimutan. Dapat ko siyang kalimutan! Napalingon ako kay Keith na tahimik at nagta-type sa cellphone niya. Maybe this guy could help me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD