ALLYSANDRA'S POV I could've screamed as I fell downwards. But I didn't. Para akong gawa sa papel na hinigop ng pwersa ng lupa pailalim. Sa bawat pagtama ng balat ko sa gilid sa bawat bato at tinik ay bagamat masakit ay hindi ako sumigaw. Mabigat ang pagbagsak ko sa dulo ng bangin. I felt like my entire body crumpled into a pile bones and skin. But I'm pretty much in one piece kaya nakahinga ako ng malalim. My body was covered in dirt and bloody bruises from the scraping against the wall of this c***k. Ilang segundo pa ang dumaan bago ako nakaramdam ng hapdi pero ginawa ko ang lahat para hindi iyon indahin. Tumigil na sa wakas ang pagbuka ng lupa. Napakalaki ng iniwang buka nito na halos limang metro ang layo ng pagitan. Napakalalim din ng kinaroroonan ko kaya halos hindi ko na mak

