ALLYSANDRA'S POV Bumagsak kaming tatlo sa damohan. Minabuti ni Juan Carlos na ilipad kami sa ligtas na lugar pero dahil nasaktan siya, bumagsak pa rin kami sa lupa. Mabuti na lang at hindi naman ganoon kalala ang impact dahil kahit paano ay mayabong ang damohang kinabagsakan namin. I grunted when I tried to get up. Nasobsob kasi ako sa halamanan. Sa tabi ko umungol si Lalahon at dahan-dahang bumangon. Ka kabilang side ko naman si JC. Nakatalikod siya sa akin at natatabonan ng pakpak niya ang mukha niya. His back shimmered and his wings slowly, disappeared. I crawled towards him and held his arm. Nilingon niya ako at tinitigan bago umayos ng upo. "We made it," he said and smiled. Tumango ako at umayos din ng upo. "Kumusta na ang paa mo?" He stared at it. "Masakit pero magiging oka

