Hinayaan kong magpahinga ang naguguluhan kong isip sa yakap ni JC. Kapag kasama ko siya, everything seemed to be in it's proper place. Not until everything started falling apart again. Isang nakakabinging pagsabog ang naging dahilan para kumalas ako sa pagkakayakap kay Juan Carlos. Kapwa kami gulat sa lakas na dulot nito. Umalingawngaw ang isang nakakabinging ingay. Bago pa kami makagalaw, biglang may sumabog na animo'y bomba sa harapan namin ni Carlos dahilan para tumilapon kaming dalawa sa magkaibang direksiyon. Masakit ang pagbagsak ko. Pakiramdam ko nabalian ako sa may bandang binti. Halos mabingi rin ako at ang tanging naririnig ko ay tunog ng animo'y kampana na paulit-ulit dumadagundong sa loob ng utak ko. "Ally!" Parang galing sa kailaliman ng tenga ko ang boses na iyon. Minul

